Monday, August 17, 2009

Episode 1: First Day, First Notice



JUNE 16, 2009: Tuesday; UPDEPP campus; 8:00 AM


Lumabas si Lyndon mula sa canteen para pumunta sa main building ng UPDEPP. Naglalakad siya sa parking lot ng UPDEPP nang biglang may tumigil at nag-park na isang black Chevrolet Captiva car.





Natigilan si Lyndon at ang iba pang estudyante na nasa parking lot at napatingin nang lumabas mula sa driver seat ang isang babaeng maganda, maputi at makinis ang balat, mahaba ang buhok na may kulot-kulot sa dulo.



Matangkad ang babaeng ito at sophisticated ang porma at tinding nito.





Ang babaeng ito ay si Helena Sarmiento.




Click PLAY to hear the song playing...





Free MP3 Downloads at MP3-Codes.com



Inayos ni Helena ang shades na suot at mataman na minasid ang paligid. Napansin niya na halos lahat ng mga estudyante sa parking lot ay nakatingin sa kanya... lalo na ang mga kumpol ng mga lalake malapit sa canteen...




Napangiti si Helena sa sarili; batid niyang nagagandahan sa kanya ang mga lalakeng ito...



May mga babae ring pinagbubulungan si Helena.


BABAE 1: Ang ganda talaga ni Helena nuh...


BABAE 2: Oo nga 'eh. Maganda na.. mayaman pa...


BABAE 1: Swerte niya talaga nuh? Ang dami pang nagkakagusto sa kanya...

BABAE 2: Oo nga 'eh.. parang nasa kanya na ang lahat. Parang siya lang ang anak ng Diyos...



Pagkatapos ay naituon ni Helena ang kanyang paningin kay Lyndon…



Natigilan naman si Lyndon sa kinatatayuan at di siya makagalaw.


Nag-slow motion yung galaw ng mga nasa paligid ni Lyndon. At unti-unting na-focus ang tingin niya kay Helena. At pakiramdam ni Lyndon, sila lang dalawa ni Helena ang tao nung mga oras na yun.


Nagulat si Lyndon nang biglang kumaway si Helena sa kanya habang nakangiti. Di niya inaasahan na kakawayan siya ni Helena gayong di naman sila close...



Kaya ngumiti rin si Lyndon at kumaway kay Helena...



HELENA: Oi, Chelsea, ikaw pala yan...


Napalingon si Lyndon sa likod niya... at nakita niya ang isang babaeng nakakaway din at papalapit kay Helena...


CHELSEA: Hel, na-miss kita...


HELENA: Same here...


Napawi ang ngiti sa labi ni Lyndon at dahan-dahang ibinababa ang nakakaway na kamay.


LYNDON: Ok... pahiya ako konti...




Napansin ni Lyndon na kakamayan sana ni Chelsea si Helena. Sina Chelsea at Helena ay magka-org kaya magha-handshake sana sila nang biglang nilayo ni Helena ang kamay niya kay Chelsea at...



HELENA: Hoi, Chelsea. Don't you dare touch me nga for the mean time!



CHELSEA: Aba! At bakit naman?!


HELENA: Hindi ka ba nanonood ng balita?! May outbreak na ng A(H1N1). As a safety precaution, bawal muna ang handshake!


CHELSEA: A(H1N1)? Ano yun?!


HELENA: E di swine flu! Di mo alam yun?!



CHELSEA: Ay, yun pala yun! Anyway! Hay naku! Masyado ka namang paranoid sa... sa... ano ulit iba pang tawag sa swine flu?



HELENA: A(H1N1)!



CHELSEA: Ai, basta! Ang paranoid mo sa "ewan-ewan" na sakit na yan! Ibig sabihin, pag kinawayan ka ng gwapo nating orgmate na si Sean Philip eh le-lecturan mo rin siya sa "ewan-ewan" na sakit?!



HELENA: Ay.. ibang usapan na yan! Anyway, kapag hinand shake ako ni Sean Philip at may A(H1N1) siya, willing akong maospital as long as siya ang kasama ko...



CHELSEA: Hay naku, ewan ko sa'yo, pir! Tara na nga, sabay na tayong pumasok sa klase...


HELENA: Tara na, pir.*


* Ang "pir" ang tawagan nina Helena at Chelsea sa isa't-isa na nag-originate sa salitang "peer" or kaibigan.



Sabay na naglakad papasok ng building sina Helena at Chelsea para sa klase nilang Econ 121. Sinundan naman sila ni Lyndon sa paglalakad...



Parehong third year college sa kursong Business Economics sina Lyndon at Helena...



Pumasok sila sa classroom at umupo. Tinabihan ni Lyndon ang kaibigan niyang si Louie.. Matangkad ito na may pagka-maitim...


LOUIE: Tol, komusta ing bakasyun? (Kumusta bakasyon)


LYNDON: Mayap naman. Itang keka? (Ok naman. Yung iyo?)


LOUIE: Mayap din. Kaya mu, maka-boring. Ala ku agawa keng bale mi. (Ok din. Kaya lang, nakaka-boring. Wala akong magawa sa bahay namin.)


LYNDON: Makanta? Dapat munta ka keng bale mi. Para nakapag-swimming tayo.


May resort kasi sa Bacolor ang pamilya ni Lyndon. Tanging mga kaibigan lang niya ang nakakaalam na may resort sila dahil hindi naman niya ito ipinagmamayabang.


LOUIE: Eh. E ku bisa mag-swimming. Baka mangitim pa ako...


Natawa na lang si Lyndon sa huling sinabi ni Louie...


LYNDON: Ikaw, may iiitim ka pa ba? AMP ka!


At nagtawanan na lang sina Lyndon at Louie. At saka namang pagdating ng professor nila...


PROF. DURON: Good morning class. I'm Mr. Duron, your Econ 121 professor for this sem and, maybe, on your next sem...


LYNDON: Hayop! Gusto mo ba kaming ma-delay!? Ash tray!


At nagtawag na ng pangalan si Sir Duron....


Di pa rin makapaniwala si Lyndon na sa tatlong taon na niya sa UPEPP, ngayon lang sila naging magka-block ni Helena... ang babaeng minahal niya simula pa lang nung high school sila...


Dahil sa dalawang taon sa UPEPP na hindi sila nagka-block, walang pagkakataon na naging magkaklase sina Lyndon at Helena... kaya hindi sila naging close...


Ngunit ngayong magka-block na sila sa ikatlong taon nila sa kursong Business Economics... malaki ang chance ni Lyndon para "magpasikat" at mapansin ni Helena...



PROF. DURON: Where the hell is Mr. Lyndon Punzalan?!



Hindi namamalayan ni Lyndon na tinatawag na pala siya ni Prof. Duron. Masyado kasi niyang binubusog ang mga mata sa pagtitig kay Helena...


Piningot ni Louie si Lyndon sa ilong para matauhan ito...


LYNDON: Aray ko naman! Ano ba?! Nakapingot ka?!


LOUIE: Ang bingi ng ilong mo! Kanina ka pa tinatawag ni Sir!


LYNDON: Ay... sir! I'm present po!



PROF. DURON: Kanina pa kita tinatawag ba't di ka sumasagot?!


LYNDON: !!!!


PROF. DURON: Could you please stand up, Mr. Punzalan?



Pinamulahan ng mukha si Lyndon. Alam niyang pinagtitinginan siya ng mga kaklase niya... at ang pantasya niyang magpasikat kay Helena ay naglahong parang bula dahil ngayon, sigurado siyang kahihiyan ang aabutin niya....



PROF. DURON: I will ask you a question. If you cannot answer this, you will remain standing for the rest of the period? Got it!?




Tumango na lang si Lyndon.. Di siya makatingin ng diretso sa prof...




PROF. DURON: If, for example, the GDP rate during the time of Marcos was 10%, and the GDP rate during the reign of Aquino is 12%, and the GDP rate during the post of Ramos is raised to 2% from that of Aquino, but declined by 4% during Estrada's era, what is the average GDP rate during the reign of these four presidents?




Natulala si Lyndon at di makasagot. Napatingin siya sa kisame para mapag-isip... at saka...



LYNDON: Sir, akala ko po ba Econ 121 itong subject natin?! Ibahin niyo nga po yung tanong niyo! Mahina po ako sa HISTORY 'eh! =p



Nagtawanan lahat ng nasa klase...


PROF DURON: *taob.. walang mabanat*



Di rin maiwasan ni Lyndon na mapangiti sa sarili... At napansin niyang pati si Helena ay nakikitawa...



At sure si Lyndon na sa ginawa niyang iyon... napansin na siya ni Helena... at lumundag sa tuwa ang puso niya...



Pagkatapos ng klase ay umuwi na si Lyndon... Sumakay siya ng L300 commuter van sa terminal sa SM Clark na magdadala sa kanya sa bahay nila sa Bacolor, Pampanga...



Habang nasa NLEX na ang L300, biglang bumuhos ang malakas na ulan....



*****************


Si Helena naman ay mag-isang nagda-drive ng Chevrolet niya pauwi rin ng bahay niya sa Bacolor... nang bigla ring bumuhos ang malakas na ulan...


Binabaybay ni Helena ang kahabaan siya ng Brgy. Cabalantian road nang biglang may mga lalakeng naliligo sa ulan ang kumakaway sa kanya... na ikinataka ni Helena...


HELENA: Ba't naman nagsisikaway 'tong mga lalakeng 'to sa akin?! Nagagandahan kaya sila sa akin... Makakaway na nga rin... baka sabihin nila suplada ako!


At feeling artista at buong saya na kinawayan din ni Helena ang mga lalake... patuloy pa rin sa pagkaway ang mga lalake...


HELENA: Hello fans! I love you all!! (with matching flying kiss pa)


BOOOGGGOOOSSSHHHH!!!!!!!!!!


Tumirik bigla ang kotse ni Helena... nalubak ito sa isang malalim na hukay...


HELENA: Goddamn it!


Lumapit ang isa sa mga lalake sa kotse ni Helena. Binuksan ni Helena nang bahagya ang bintana ng sasakyan niya...


LALAKE: Tigas ng ulo, miss! Kita na ngang kinakawayan ka na namin para balaan kang malubak 'tong kalsada 'eh tumuloy ka pa rin!



HELENA: A--anong binabalaan?



LALAKE: Kanina ka pa namin kinakawayan para wag ka nang tumuloy! Umusad ka pa rin! Ayan tuloy! Pakaway-kaway ka pa sa amin. Akala mo artista ka!



Napalunok na lang si Helena. Aminado siyang pahiya siya... Ngunit ayaw niya itong aminin sa sarili niya kaya...




HELENA: Aba, malay ko bang nagbababala kayo! Nakangiti pa nga kayo habang kumakaway! Mga feeling niyo pang-Close Up ngiti niyo...



LALAKE: Ah ganun?! Sige, Miss, bahala kang mabulok dyan sa manhole. Good luck na lang sa'yo!



At umalis na ang mga lalake...



HELENA: Mga walang-hiya talagang mga lalake kayo!


Isinara na lang ni Helena ang bintana ng kotse niya...


Tinignan ni Helena ang cellphone niya at naghanap ng makokontak. Ngunit wala siyang makitang posibleng makatulong sa kanya....


Sa banas niya, inihagis niya ang cellphone... at nilinga ang paligid. Walang taong dumadaan... sa lakas ba naman ng ulan...


HELENA: Damn! I'm stuck here for eternity!



Napapikit na lang si Helena sa sobrang banas....



Foggy na ang salamin ng bintana ng kotse ni Helena kaya't di na niya alam kung ano ang nangyayari sa labas.



Pagkalipas ng ilang sandali, ilang sunod-sunod na katok ang narinig niya mula sa labas ng bintana... dahil nga sa foggy na ang salamin, hindi niya maaninag kung sino ang kumakatok...



Nang buksan niya ang bintana, tumambad sa kanyang mukha si Lyndon... May payong itong dala... at naka-back pack pa...



LYNDON: Mukhang kelangan mo yata ng tulong?


Natulala si Helena kay Lyndon. Para itong hulog ng langit sa kanya dahil kung kailan kelangang kelangan niya ng tulong ay siyang pagdating nito...


Hindi alam ni Helena ang sasabihin... nawalan siya ng sasabihin. Hindi niya kasi alam ang pangalan ni Lyndon... kilala niya lang ito bilang kaklase niya sa Econ 121...


LYNDON: Mukhang nalubak ka ata. Sige, relax ka na lang dyan. Ako na bahalang mag-ahon sa kotse mo... I-start mo na yung kotse mo...


Binitawan ni Lyndon ang payong na dala at saka nagpunta sa likod ng kotse ni Helena para itulak ito...


At ini-start na ni Helena ang kotse niya... Todo-tulak naman si Lyndon sa likod...


LYNDON: 1--2---3--- TULAK! 1---2--3--TULAK!


Habang tinutulak naman ang kotse ni Helena, pakiramdam ni Lyndon ay parang mababalian na siya ng buto. Sa liit at payat ba naman niya, hindi alam ni Lyndon kung matutulungan nga ba niya talagang maiahon ang kotse ni Helena...


LYNDON: Hay, Lyndon... ayan ka na naman.. umaakto ka na namang Superman...



Habang nagtutulak si Lyndon, naaninag niya ang mukha ni Helena sa rear view mirror ng kotse. Sakto namang napatingin si Helena sa rear view mirror kaya nagkatinginan sila...



Natigilan tuloy si Lyndon sa pagtutulak at napatulala na lang kay Helena...



Napansin naman ni Helena na hindi na nagtutulak si Lyndon kaya pinarebolusyon ni Helena ang makina ng kotse niya at siya namang paglabas ng makapal na usok mula sa tambutso dahilan para maubo si Lyndon...



BRRROOOOOMMMMM!!!!!



LYNDON: Nice one, Helena! Mukha na nga akong basang sisiw dito, pinausukan mo pa ako na parang lamok sa pumugation! Mabuti na lang mahal kita... =p



At parang na-activate ang adrenaline ni Lyndon at naitulak nang malakas ni Lyndon ang kotse ni Helena at naiahon ito mula sa lubak...



Dahil sa lakas ng force na in-exert ni Lyndon sa pagtutulak ng kotse ni Helena siya ay...



SSSPPPPLLLAAASSSHHH!!!!!



Napatumba at napadapa si Lyndon sa lubak at nagtalsikan ang mga tubig sa kanya...



Nang mapansin ni Helena ang nangyari kay Lyndon, pinatay niya muna ang sasakyan niya, kumuha ng payong, at bumaba..



HELENA: Oh, ilan ba nahuli mong isda? Penge naman 'oh!



Tumayo bigla si Lyndon mula sa pagkakadapa. Hiyang-hiya siya at nakita siya ni Helena sa ganung kalagayan... basa at medyo putikan...



Kinuha ni Lyndon ang payong niya...



LYNDON: Ilang nahuli kong isda? Wala na 'eh. Na-prito ko na! =p


HELENA: Salamat nga pala sa pagtulong mo sa akin ----?"


LYNDON: Lyndon...



Pinunasan agad ni Lyndon ang kanang kamay sa damit para mapatuyo at makamayan si Helena. Pero saka na na-realize ni Lyndon na basang-basa na pala siya...



Pero kahit ganun, inilahad pa rin niya ang kamay para makamayan si Helena...



LYNDON: Ako nga pala si Lyndon...



Tinitigan lang ni Helena ang kamay ni Lyndon at hindi ito kinuha... na-gets naman ni Lyndon ang nasa isip ni Helena kaya...


LYNDON: Ay, pasensya ka na... Marumi nga pala ako... paano mo ko makakamayan...



At ibinaba na ni Lyndon ang kamay niya..



LYNDON: Aaaarrgghhh!!!! Panira talagang pagkakadapa ko! Hindi ko tuloy man lang nahawakan ang kamay ni Helena!!!!


HELENA: Hindi lang dahil sa madungis ka ngayon kaya ayaw kong makipag-kamay. May epidemic ngayon ng A(H1N1) kaya nag-iingat lang ako...


LYNDON: Ngek. Yun lang?!


HELENA: Anong yun lang?!


LYNDON: Balu mu, ligtas tamung Kapampangan king A(H1N1) virus...


HELENA: Pwede ba,mag-Tagalog ka! I don't speak monkey language!



Medyo nasaktan si Lyndon sa sinabing iyon ni Helena. Insulto sa kanya yun bilang Kapampangan...



Nagtataka si Lyndon kung bakit hindi maka-intindi si Helena ng Kapampangan gayong sa pagkakaalam niya ay Kapampangan din si Helena at pareho silang taga-Bacolor at pareho na silang matagal na naninirahan dito...



Dun lang na-realize ni Lyndon na nung nasa PHS pa sila ni Helena, hindi niya kailanman narinig magsalita ng Kapampangan si Helena...



LYNDON: Ang sabi ko, ligtas tayong mga Kapampangan sa A(H1N1) virus na yan. Kaya wag ka nang ma-paranoid dyan...


HELENA: Paano mo naman nasabing ligtas?


LYNDON: Eh, wala tayong letter "H" eh. So, immune tayo sa A(H1N1) ... =p


HELENA: Siraulo ka ring talaga, Lyndon nuh! Kanina ka pang Econ 121 bumabanat 'eh!


Isang malaking ngiti ang bumalot sa mukha ni Lyndon... dahil sa wakas... napansin na rin siya ni Helena....



At unang pagkakaton ito na tawagin siya ni Helena sa kanyang pangalan.



At parang musika sa pandinig ni Lyndon na tawagin siya ni Helena sa kanyang pangalang "Lyndon"...


Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag ng tumigil pa. Hatid mo may bagyo dalangin ito ng puso kong sumasamo. Pag-ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka



TO BE CONTINUED...


Next Episode: Episode 2: Family Portrait

Previous: Prologue: Cinderello's Story





Sunday, August 16, 2009

Prologue: Cinderello's Story


FEBRUARY 2007: PAMPANGA HIGH SCHOOL; 9 PM


Senior Prom ng mga fourth year high school na estudyante sa Pampanga High School (PHS). Sa Bren Z. Guiao Convention Center ng PHS ito ginaganap dahil ito lang ang pinakamalaking bulwagan sa buong school na kayang mag-accomodate ng mga 2000+ na senior students na magsasayawan.



Maganda ang pagkakaayos ng convention center. May mga balloon arches at twisted garlands na yari sa crepe paper na nagbibigay ganda sa pader ng bulwagan.



May mga malalaking kandila rin sa bawat table at "live acoustic band" ang tumutugtog ng mga pansayaw na kanta...



Bago magsimula ang sayawan, nag-speech muna ang kanilang principal...



PRINCIPAL: I stand here before all the senior students, who, for this night, are all majestically transformed, as when a caterpillar turns into a beautiful butterflies, your metamorphosis was guaranteed.



Nagpalakpakan ang mga estudyante pagkatapos ng speech ng principal...



Sa isang mesa ay nakaupo si Lyndon kasama ang mga kaklase niya. Awkward pa si Lyndon dahil nahihiya siya sa suot niyang damit: gray na long-sleeves at tuxedo na malaki sa kanya.



Ngunit pagkatapos ng speech ng principal na parang drugs na na-intake niya, feeling niya ay isa siya sa mga nag-undergo ng "metamorphosis."




Pakiramdam niya ay isa siya ngayong gwapong prinsipe at hinihintay na siyang isayaw ng kanyang prinsesa na si Helena...




Narinig ni Lyndon na nag-uusap ang mga kaklase niyang lalake..



BOY 1: Pare, ang ganda talaga ni Helena...


BOY 2: Flawless... pare. Nasisilaw ako sa puti niya...


BOY 3: Sexy, tol... panalo!


BOY 4: Dana! Mabubusog mga mata ko ngayong gabi kay Helena pa lang...



Matagal nang may lihim na pagtingin si Lyndon kay Helena. Sikat si Helena sa PHS. Nakakahalina ang gandang taglay nito... lalo na ngayong gabi... kaya lalo itong minamahal ni Lyndon...


Napaka- striking ni Helena sa gown niyang satin na kulay black. May geometric large triangles cutouts ito na nagre-reveal ng kutis niyang maputi at ang kaseksihan ng kanyang balakang...









Kaya busog ngayong gabi ang mga mata ng mga lalake...


All eyes are glued to Helena... lalo na ang mga mata ni Lyndon na nakangiti pa habang hinahatid ng kanyang tingin si Helena na patungo sa...



LYNDON: Yeah right!




Nilapitan ni Helena ang boyfriend nito at nagsimula silang sumayaw.


Ngunit alam ni Lyndon na hindi siya mapapansin ni Helena dahil siya'y hindi katangkaran at di gaanong kagwapuhan... di tulad ng boyfriend ni Helena ngayon na member ng basketball varsity team.



Galit na galit at selos na selos si Lyndon habang pinapanood ang dalawa na sumayaw...



Maliit lamang si Lyndon. Kaunti lang ang nakikipagsayaw sa kanyang mga kaklase niyang babae dahil nagsitangkaran ang mga ito dahil sa suot nilang mga high-heeled stiletto.



Nagulat ang lahat nang biglang namatay ang lahat ng mga ilaw sa bulwagan.


LYNDON: Nawalan ata ng power?


BOY 1: Oo, brownout...


Dahil brown-out, ang mga kandila sa bawat mesa ang nagsisilbing liwanag sa buong bulwagan. Ngunit di sapat ang mga liwanag nito para magkitaan ang bawat isa...



Sinamantala ni Lyndon ang pagkawala ng kuryente... Kahit sa dilim, nag-stand out pa rin ang "ganda" ni Helena sa mga mata ni Lyndon.



Nilapitan ni Lyndon si Helena. Alam ni Lyndon na hindi siya gaanong naaaninag ni Helena kaya kinuha ni Lyndon ang mga kamay ni Helena at isinayaw ito bigla...




(Hindi tumigil sa pagtugtog ang live band dahil acoustic guitar at beat box lang ang gamit nila sa pagtugtog)



Click PLAY to hear the song playing... Para kilig..hahaha





Free MP3 Downloads at MP3-Codes.com


HELENA: Sino ka?!


LYNDON: Ako 'to... boyfriend mo...


HELENA: Albert? Ikaw 'yan?


LYNDON: Ako nga 'to...


HELENA: Bakit parang iba yang boses mo?


LYNDON: Ah.. eh.. medyo nagkasipon lang ako... ayun...




Patuloy pa ring sinasayaw ni Lyndon si Helena...



Biglang kumabog ang puso ni Lyndon habang kasayaw si Helena... sa wakas... naisayaw niya na ang kanyang pinakamimithing "prinsesa" kahit man lang sa dilim...



LYNDON: Isa lang ba itong panaginip? Sa mga sandaling ito, kasayaw ko si Helena sa kadiliman... siya ang nagsisilbing liwanag ng gunita at puso ko.. Pakiramdam ko... hindi na muling pang aandar ang oras... SA AMIN NI HELENA ANG ORAS NA ITO... ANG PAGKAKATAONG ITO...


Ngunit kahit gaano pa kaganda at ka-perfect ang isang moment ay kailangan din nitong magtapos.


Biglang narinig ni Lyndon ang tunog ng electric static at napansin niyang malapit nang magka-ilaw muli kaya...


LYNDON: Ah.. Helena.. sige una na ko.

HELENA: Ha? San ka pupunta?

LYNDON: Eh.. naje-jebs ako.. Sige..


At nagawa ni Lyndon ang akala niyang sa panaginip lang niya magagawa... ang nakawan ng halik si Helena sa labi....


Tumagal ang halik na iyon ng 5 segundo ngunit para kay Lyndon ay tumagal iyon ng limang dekada...


Pagkahalik kay Helena, nagmadaling umalis si Lyndon. Sa pagmamadali niya, natanggal ang sapatos niya sa kanang paa.


Ngunit wala na siyang pagkakataon pa para kunin iyon dahil biglang nagka-ilaw. Buti na lang nang biglang umilaw, nakalayo na kay Helena si Lyndon...


Pagkabukas naman ng ilaw, napansin ni Helena ang isang itim na sapatos sa harapan niya. Pinulot niya ito habang may pagtataka sa isipan niya...


At bigla na lang, nakita niya ang totoong boyfriend niyang si Albert sa di kalayuan na nakikipaghalikan naman kay Mafalda, isa sa mga kamag-aral niya...


Nilapitan ni Helena sina Albert at Mafalda. Nagulat naman sina Albert at Mafalda. Di nila namalayan na nagka-ilaw na pala... at nasa harapan nila si Helena...


HELENA: Wow, ang romantic naman ng drama niyo. Kissing in the dark... but God said, "Let there be light!" and you're caught in the act!


Nagkalas agad ng mga labi sina Albert at Mafalda...



ALBERT: No, Helena. I can explain. Hindi ako ang nanghalik sa kanya... si Mafalda ang biglang humalik sa akin habang walang power...


Itinapat ni Helena ang sapatos na hawak sa mukha ni Albert sabay sabing...


HELENA: Talk to my hand...


At sabay isinampal ni Helena ang sapatos sa pisngi ni Albert... na ikinagulat ng lahat...


Pino at refined pa rin si Helena nang lumakad ito palayo kina Albert at Mafalda... Di pa rin nawala ang composure nito habang naglalakad...


HELENA: Come on guys, let's party!


At biglang nag-iba ang tugtog mula sa senti patungong disco music... At nagsasayaw si Helena na parang walang nangyari at ang iba pang estudyante sa gitna ng dance floor.


EMCEE: And the Prom Queen for this night is none other than... Miss Helena Sarmiento...


In-assume na ng lahat na si Helena ang tatanghaling Prom Queen of the Night... Umakyat ng stage si Helena para sukbitan ng korona ng tinanghal na Prom King...


Parang wala lang kay Helena kahit na niloko siya ng boyfriend niya at break na sila... Hindi nga siya ganoon ka-affected...


Ngunit habang nagsasayaw sila ng Prom King, hindi mawaglit sa isip ni Helena ang nagpanggap na boyfriend niya para isayaw siya...


HELENA: At nagawa pa niyang mag-iwan ng sapatos...


At hindi mapakali si Helena... dahil sa dinami-dami ng mga naging karelasyon ni Helena, ang pagnanakaw ng halik na ginawa ng lalake sa kanya ang kanyang FIRST and BEST KISS YET...



Next: Episode 1: First Day, First Notice

Previous: TEASER for UPEPP 3 - Heels Over Head

Home





Saturday, August 15, 2009

TEASER for UPEPP 3 - Heels Over Head


(Please open your speakers to hear the song playing. Para ma-feel niyo yung pagbabasa nung teaser.. hahaha. See also the "SPECIAL THANKS" portion at the right side of the blog.)


Matagal nang may lihim na pagtingin si Lyndon kay Helena. Kapwa sila magkamag-aral sa Pampanga High School (PHS) nung high school sila.


Sikat si Helena sa PHS. Nakakahalina ang gandang taglay nito. Itinanghal itong Prom Queen of the Night noong fourth year high school sila.


Ngunit di maikakaila na may pagkamataray si Helena. Liberated ito, anak-mayaman kaya laki sa layaw. Halos lahat ng babae ay naiinggit at naiinis sa kanya.


Magkagayunman, minahal pa rin ito ni Lyndon nang palihim... kahit na alam niyang hindi siya mapapansin ni Helena dahil siya'y hindi katangkaran at di gaanong kagwapuhan.


Parang itinakda naman ng panahon at naging magkamag-aral sina Lyndon at Helena sa UPEPP at pareho pang Business Economics ang kurso nila. Ngunit sa nakalipas na dalawang taon, hindi pa rin napapansin ni Helena si Lyndon kahit na nasa maliit na campus lang sila. As usual, sikat pa rin si Helena pagtungtong ng kolehiyo.


Sa ikatlong taon nila sa UPEPP, ang matagal nang hinihiling ni Lyndon ay natupad na: napansin na siya ng kanyang lihim na minamahal na si Helena.


Ang tinitingalang si Helena kaya ay ibigin ang isang hamak na Lyndon?



Begin reading the story here: Prologue: Cinderello's Story

Back to: Home




Free MP3 Downloads at MP3-Codes.com