Sunday, August 16, 2009

Prologue: Cinderello's Story


FEBRUARY 2007: PAMPANGA HIGH SCHOOL; 9 PM


Senior Prom ng mga fourth year high school na estudyante sa Pampanga High School (PHS). Sa Bren Z. Guiao Convention Center ng PHS ito ginaganap dahil ito lang ang pinakamalaking bulwagan sa buong school na kayang mag-accomodate ng mga 2000+ na senior students na magsasayawan.



Maganda ang pagkakaayos ng convention center. May mga balloon arches at twisted garlands na yari sa crepe paper na nagbibigay ganda sa pader ng bulwagan.



May mga malalaking kandila rin sa bawat table at "live acoustic band" ang tumutugtog ng mga pansayaw na kanta...



Bago magsimula ang sayawan, nag-speech muna ang kanilang principal...



PRINCIPAL: I stand here before all the senior students, who, for this night, are all majestically transformed, as when a caterpillar turns into a beautiful butterflies, your metamorphosis was guaranteed.



Nagpalakpakan ang mga estudyante pagkatapos ng speech ng principal...



Sa isang mesa ay nakaupo si Lyndon kasama ang mga kaklase niya. Awkward pa si Lyndon dahil nahihiya siya sa suot niyang damit: gray na long-sleeves at tuxedo na malaki sa kanya.



Ngunit pagkatapos ng speech ng principal na parang drugs na na-intake niya, feeling niya ay isa siya sa mga nag-undergo ng "metamorphosis."




Pakiramdam niya ay isa siya ngayong gwapong prinsipe at hinihintay na siyang isayaw ng kanyang prinsesa na si Helena...




Narinig ni Lyndon na nag-uusap ang mga kaklase niyang lalake..



BOY 1: Pare, ang ganda talaga ni Helena...


BOY 2: Flawless... pare. Nasisilaw ako sa puti niya...


BOY 3: Sexy, tol... panalo!


BOY 4: Dana! Mabubusog mga mata ko ngayong gabi kay Helena pa lang...



Matagal nang may lihim na pagtingin si Lyndon kay Helena. Sikat si Helena sa PHS. Nakakahalina ang gandang taglay nito... lalo na ngayong gabi... kaya lalo itong minamahal ni Lyndon...


Napaka- striking ni Helena sa gown niyang satin na kulay black. May geometric large triangles cutouts ito na nagre-reveal ng kutis niyang maputi at ang kaseksihan ng kanyang balakang...









Kaya busog ngayong gabi ang mga mata ng mga lalake...


All eyes are glued to Helena... lalo na ang mga mata ni Lyndon na nakangiti pa habang hinahatid ng kanyang tingin si Helena na patungo sa...



LYNDON: Yeah right!




Nilapitan ni Helena ang boyfriend nito at nagsimula silang sumayaw.


Ngunit alam ni Lyndon na hindi siya mapapansin ni Helena dahil siya'y hindi katangkaran at di gaanong kagwapuhan... di tulad ng boyfriend ni Helena ngayon na member ng basketball varsity team.



Galit na galit at selos na selos si Lyndon habang pinapanood ang dalawa na sumayaw...



Maliit lamang si Lyndon. Kaunti lang ang nakikipagsayaw sa kanyang mga kaklase niyang babae dahil nagsitangkaran ang mga ito dahil sa suot nilang mga high-heeled stiletto.



Nagulat ang lahat nang biglang namatay ang lahat ng mga ilaw sa bulwagan.


LYNDON: Nawalan ata ng power?


BOY 1: Oo, brownout...


Dahil brown-out, ang mga kandila sa bawat mesa ang nagsisilbing liwanag sa buong bulwagan. Ngunit di sapat ang mga liwanag nito para magkitaan ang bawat isa...



Sinamantala ni Lyndon ang pagkawala ng kuryente... Kahit sa dilim, nag-stand out pa rin ang "ganda" ni Helena sa mga mata ni Lyndon.



Nilapitan ni Lyndon si Helena. Alam ni Lyndon na hindi siya gaanong naaaninag ni Helena kaya kinuha ni Lyndon ang mga kamay ni Helena at isinayaw ito bigla...




(Hindi tumigil sa pagtugtog ang live band dahil acoustic guitar at beat box lang ang gamit nila sa pagtugtog)



Click PLAY to hear the song playing... Para kilig..hahaha





Free MP3 Downloads at MP3-Codes.com


HELENA: Sino ka?!


LYNDON: Ako 'to... boyfriend mo...


HELENA: Albert? Ikaw 'yan?


LYNDON: Ako nga 'to...


HELENA: Bakit parang iba yang boses mo?


LYNDON: Ah.. eh.. medyo nagkasipon lang ako... ayun...




Patuloy pa ring sinasayaw ni Lyndon si Helena...



Biglang kumabog ang puso ni Lyndon habang kasayaw si Helena... sa wakas... naisayaw niya na ang kanyang pinakamimithing "prinsesa" kahit man lang sa dilim...



LYNDON: Isa lang ba itong panaginip? Sa mga sandaling ito, kasayaw ko si Helena sa kadiliman... siya ang nagsisilbing liwanag ng gunita at puso ko.. Pakiramdam ko... hindi na muling pang aandar ang oras... SA AMIN NI HELENA ANG ORAS NA ITO... ANG PAGKAKATAONG ITO...


Ngunit kahit gaano pa kaganda at ka-perfect ang isang moment ay kailangan din nitong magtapos.


Biglang narinig ni Lyndon ang tunog ng electric static at napansin niyang malapit nang magka-ilaw muli kaya...


LYNDON: Ah.. Helena.. sige una na ko.

HELENA: Ha? San ka pupunta?

LYNDON: Eh.. naje-jebs ako.. Sige..


At nagawa ni Lyndon ang akala niyang sa panaginip lang niya magagawa... ang nakawan ng halik si Helena sa labi....


Tumagal ang halik na iyon ng 5 segundo ngunit para kay Lyndon ay tumagal iyon ng limang dekada...


Pagkahalik kay Helena, nagmadaling umalis si Lyndon. Sa pagmamadali niya, natanggal ang sapatos niya sa kanang paa.


Ngunit wala na siyang pagkakataon pa para kunin iyon dahil biglang nagka-ilaw. Buti na lang nang biglang umilaw, nakalayo na kay Helena si Lyndon...


Pagkabukas naman ng ilaw, napansin ni Helena ang isang itim na sapatos sa harapan niya. Pinulot niya ito habang may pagtataka sa isipan niya...


At bigla na lang, nakita niya ang totoong boyfriend niyang si Albert sa di kalayuan na nakikipaghalikan naman kay Mafalda, isa sa mga kamag-aral niya...


Nilapitan ni Helena sina Albert at Mafalda. Nagulat naman sina Albert at Mafalda. Di nila namalayan na nagka-ilaw na pala... at nasa harapan nila si Helena...


HELENA: Wow, ang romantic naman ng drama niyo. Kissing in the dark... but God said, "Let there be light!" and you're caught in the act!


Nagkalas agad ng mga labi sina Albert at Mafalda...



ALBERT: No, Helena. I can explain. Hindi ako ang nanghalik sa kanya... si Mafalda ang biglang humalik sa akin habang walang power...


Itinapat ni Helena ang sapatos na hawak sa mukha ni Albert sabay sabing...


HELENA: Talk to my hand...


At sabay isinampal ni Helena ang sapatos sa pisngi ni Albert... na ikinagulat ng lahat...


Pino at refined pa rin si Helena nang lumakad ito palayo kina Albert at Mafalda... Di pa rin nawala ang composure nito habang naglalakad...


HELENA: Come on guys, let's party!


At biglang nag-iba ang tugtog mula sa senti patungong disco music... At nagsasayaw si Helena na parang walang nangyari at ang iba pang estudyante sa gitna ng dance floor.


EMCEE: And the Prom Queen for this night is none other than... Miss Helena Sarmiento...


In-assume na ng lahat na si Helena ang tatanghaling Prom Queen of the Night... Umakyat ng stage si Helena para sukbitan ng korona ng tinanghal na Prom King...


Parang wala lang kay Helena kahit na niloko siya ng boyfriend niya at break na sila... Hindi nga siya ganoon ka-affected...


Ngunit habang nagsasayaw sila ng Prom King, hindi mawaglit sa isip ni Helena ang nagpanggap na boyfriend niya para isayaw siya...


HELENA: At nagawa pa niyang mag-iwan ng sapatos...


At hindi mapakali si Helena... dahil sa dinami-dami ng mga naging karelasyon ni Helena, ang pagnanakaw ng halik na ginawa ng lalake sa kanya ang kanyang FIRST and BEST KISS YET...



Next: Episode 1: First Day, First Notice

Previous: TEASER for UPEPP 3 - Heels Over Head

Home





9 comments:

  1. @ Anonymous:

    Who you? Magpakilala kaa! Hahahaha Paki-follow a rin ng blog ko.. hahahaha

    ReplyDelete
  2. hahaha hay helena!!

    ReplyDelete
  3. Astig! Dinaig ang Da Vinci Code!
    Two thumbs up! Haha

    ReplyDelete
  4. Walang sinabi ang kwento nina Bella at Edward!
    Nice one Mykel!

    ReplyDelete
  5. @ Dan Brown at Stephenie Meyer:

    Marami pong salamat!

    Idol ko rin po kayo!

    * hands down*

    ReplyDelete
  6. PICTURES.

    Helena's gown. Courtesy of Paris Fashion Week 2003. Retrieved from StephenieMeyer.com . http://www.stepheniemeyer.com/twilight_faq.html

    ReplyDelete
  7. nakakatuwa naman. parang pocketbook ang kwento. ang mas nakakatuwa pa, may kilala akong helena sarmiento sa updepp :D

    keep posting! yee!

    ReplyDelete
  8. @anonymous. salamat po sa pagkoment at pagsubaybay..
    hehehe.. kilala q rin tinutukoy mo pero ndi xa ito.. hehehe..

    ReplyDelete