Sunday, September 13, 2009

Episode 2: Family Portrait


Marumi, maputik, at basang-basang si Lyndon pagkauwi niya ng bahay nila, isama pa ang naputikan niyang damit nang madapa ito nang itulak niya ang sasakyan ni Helena.


Hindi maiwsan ni Lyndon na mapangiti habang nagsha-shower ito. Sa bawat patak ng shower sa kanyang katawan, nagugunita niya ang mga patak ng ulan na nakisama sa “moment” nila ni Helena.



Pagkabihis ni Lyndon, lumabas siya ng kwarto niya papunta sa salas nila…



LYNDON: Wala pa palang tao dito sa bahay.


Napatingin si Lyndon sa malaking family portrait nila na nakasabit sa pader ng salas nila. Kuha ito tatlong taon na ang nakakaraan sa “resort” na pag-aari ng pamilya nila nang minsang magka-reunion ang buong Punzalan family.


Kumpleto silang apat sa larawang iyon. Ang tatay at nanay niya ang namamahala sa pagpapatakbo ng resort na pag-aari nila. May nakababatang kapatid nitong lalake na si Clyde.



Sa ibaba ng family portrait nila ay ang isang malaking piano. Nilapitan ni Lyndon ang piano, umupo sa upuan sa tapat nito, binuksan ang takip ng piano… at nagsimulang tumugtog…



Open your speakers para marinig niyo yung piano piece na tinutugtog ni Lyndon...









Free MP3 Downloads at MP3-Codes.com



Habang tumutugtog si Lyndon, parang isang sine na mabilis na nagpi-flick ang mga alaala na kanyang pilit kinakalimutan….



.... FLASHBACK ….



Nine years old si Lyndon, nagpapatugtog siya ng piano nang biglang dumating ang Tatay Lando niya na galit na galit…



TATAY LANDO: Kasyas mo buntok anak ka! Pilang beses ku ng sinabi keka na eku buring daramdamang magpatugtog kang piano! (Katigas ng ulo mong bata ka. Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na ayokong marinig na nagpapatugtog ka ng piano!)



Sa sobrang galit, pinipi ng tatay ang mga kamay ni Lyndon sa ibabaw ng keyboard ng piano dahilan para mapasigaw sa sakit si Lyndon at tumunog nang malakas ang piano…


Dahil sa sigaw ni Lyndon at ingay ng piano, biglang lumabas ang Mama Carmen ni Lyndon mula sa kusina para tignan ang kaguluhang nangyayari sa salas…


MAMA CARMEN: Lando!!!!


Nilapitan sila ni Mama Carmen at tinanggal nito ang kamay ng Tatay niya upang di na masaktan si Lyndon…


MAMA CARMEN: Eme panasakitan ing anak! (Wag mong saktan ang bata! Ano ka ba?!!)


TATAY LANDO: Yang magaling mung anak! Sinabi ko ng ake buring daramdaman ing pianong yan patse atsu ku kening bale! Manadya ya yata. (Yang magaling mong anak! Sinabi kong ayaw kong naririnig yang piano na ‘yan pag nandito ako sa bahay! Nang-aasar ata at pinatutugtugan pa ako!)


MAMA CARMEN: Hindi ka ba natutuwa?! May talento sa piano ang anak mo! Sa halip na matuwa ka, sinasaktan mo pa ang bata!


TATAY LANDO: Piano! Piano! Magsama nga kayong mag-ina! (at umalis na ito sa sala)


Niyakap na lang si Lyndon ng kanyang Mama na nagdadalang-tao nang mga panahon na iyon.



Kinabukasan, napansin ni Lyndon na wala na ang piano sa salas nila. Nang tanungin niya ang tatay niya ukol dito…



LYNDON: Dad, nukarin ne--


TATAY LANDO: Wala na! Pinatapon ko na ang basurang iyon!


LYNDON: Dad.. di niyo magagawa yun


TATAY LANDO: Nagawa ko na!


At isang mapanlibak na ngiti lang ang iginanti ni Tatay Lando kay Lyndon…


Kaya inis na inis si Lyndon habang naglalaro siya ng Tekken 2 sa PlayStation niya. Gamit ang character na si Lee Chaolan, ini-imagine niya ang mukha ng tatay niya sa kalabang character na si “Heihachi Mishima”



LYNDON: Bakit ba galit na galit si Dad sa tuwing tumutugtog ako ng piano? Ba’t ayaw niya kong tumutugtog….


Kahit sa Playstation lang, binuhos ni Lyndon ang galit niya sa tatay niya sa pamamagitan ng pagpapatikim sa tatay niya sa katauhan ni Heihachi Mishima ng matataas na flying kick at makadurog-mukhang panununtok...







***************

Hinanap ni Lyndon sa kung saan ang piano. Hinanap niya ito sa mga kapit-bahay nila sa pagbabakasakaling ibinenta lang ito ng Tatay niya…


LYNDON: Atseng Linda, pisali ne bang Tatang ku keka ing piano? (Atseng Linda, binenta ba ni Dad ko sa'yo ang piano?)


ATSENG LINDA: Ali ne man, Lyndon. Tsaka nung atin man, e ku sali ita. E ku buri ing piano. (Hindi, Lyndon. Tsaka kung meron ma, di ko bibilhin yun. Aanhin ko naman ang piano.)

Isang Linggo, habang nagsisimba sila sa San Guillermo Parish Church, hinanap sa choir stand kung nandun naman ang piano; nagbabakasakali kasi si Lyndon na dinonate naman ng tatay niya ang piano sa simbahan…


Ngunit wala doon ang piano… kaya nawalan na siya ng pag-asa pang makikita ang piano niya…


Pagkalipas ng ilang buwan, nanganak ang Mama niya ng isang lalake. Nang bininyagan ang sanggol, dumalaw ang halos lahat ng mga kamag-anak nina Lyndon…


Nandun ang mga tito, tita,at mga pinsan ni Lyndon sa kanyang mother at father side. Pareho nang patay ang lolo at lola ni Lyndon sa mother side niya.


Ngunit buhay pa ang lola ni Lyndon sa father side na si Lola Luisa. Nasa 75 years old na ito at naka-wheel chair na…


Nakangiti ang lahat habang nilalaro at pinagpapasa-pasahan ang sanggol na si Clyde. Nagsasaya ang lahat sa sala…. nang biglang nagsalita si Lola Luisa…


LOLA LUISA: Lando, nukarin ne itang piano keni? (Nasaan na yung piano dito?)


Namula si Tatay Lando sa tanong na iyon ng ina niya…


TATAY LANDO: Baket Ima? Ot pantunan me itang piano? (Bakit, Nay? Bakit mo hinahanap yung piano?)


LOLA LUISA: Buri keng damdaman mag-piano y Lyndon! Kaya ke pantunan ita. (Gusto kong marinig mag-piano si Lyndon. Kaya ko hinahanap yung piano.)


Napansin ni Lyndon na hindi mapakali ang ama niya…


LOLA LUISA: Lando… nukarin na wari ing piano? (Nasaan na ba ang piano??)


Nagtawag ng mga utusan ang tatay ni Lyndon. At makalipas ang ilang minuto, buhat-buhat na ng mga utusan, kasama ang tatay ni Lyndon, ang piano na medyo maalikabok pa.


Napagtanto ni Lyndon na sa bodega lang pala ng bahay nila itinago ang piano…


Pinunasan ng isang katulong ang alikabok ng piano… pagkatapos ay umupo si Lyndon sa harap ng piano… at nagsimulang tumugtog…


Mabilis na nagpalipat-lipat ang mga daliri ni Lyndon habang damang-dama niya ang pagtugtog ng piyesang "Fur Elise"… Nanahimik ang lahat pagkatugtog niya.


Tuwang-tuwa naman ang Lola niya habang tumutugtog siya…


Nang pindutin na ni Lyndon ang huling nota ng piyesa, nagpalakpakan ang lahat. Pinapurihan siya ng mga tito at tita niya,at ng mga pinsan niya… at siyempre ng kanyang lola…


LOLA LUISA: Bravo! Bravo! Iho! Napakagaling mo talagang tumugtog!


Niyakap si Lyndon ng lola niya at hinalikan sa pisngi…


LOLA LUISA: Naaalala ko tuloy sa’yo ang Lolo mo. Magaling din siyang tumugtog ng piano. Kaya nga napaibig niya ko… Kung naabutan mo lang siya nung nabubuhay pa siya…


Nginitian lang ni Lyndon ang lola niya… Hindi niya kasi kailanman naabutan ang lolo niya na buhay…


LOLA LUISA: Kilala mo ba ang Tito Lester mo? Siya lamang sa mga anak namin ang nagmana ng talento ng lolo mo sa pagtugtog ng piano...


Natigil ang lahat sa pag-uusap at napatingin ang lahat kay Lola Luisa…


Nahulog pa ni Tatay Lando ang basong hawak niya at nabasag ito sa sahig…


Nagtataka naman si Lyndon sa mga inaasal at ikinikilos ng Tatay Lando niya at ng mga tito at tita niya…



LYNDON: Tito Lester? Sino po iyon, Lola?


Sasagutin na sana ni Lola Luisa ang tanong ni Lyndon nang…



TATAY LANDO: Lyndon, magpapahinga na ang lola mo. Wag ka nang maraming tanong. Ima, iaakyat ko na kayo sa kwarto niyo sa second floor...



Sa tulong ng ilang utusan, inakyat ni Tatay Lando si Lola Luisa sa hagdan... Binuhat ni Tatay Lando si Lola Luisa habang dalawang utusan na lalake ang nagtulong sa pag-akyat ng wheelchair…



Pagkalipas ng ilang oras, papunta sana sa veranda ng bahay nila si Lyndon. Ngunit natanaw niya mula sa sliding door na yari sa salamin ang lola niya at ang tatay niya na nasa veranda na at nag-uusap…


Nagtago siya sa kurtina ng sliding door at narinig niya ang usapan ng lola at ng tatay niya…


LOLA LUISA: Nakwento na sa akin ni Carmen ang ginawa mo kay Lyndon.. Tinambak mo pa sa bodega ang piano para lang di na siya makatugtog…


TATAY LANDO: Ima, ba’t ba natutuwa kayo at marunong tumugtog yang magaling niyong apo ng piano! Dahil ba sa hindi ako nagmana kay Tatang sa pagtugtog ng piano?!


Batid ni Lyndon na galit ang tatay niya sa lola niya sa tono ng boses nito...


TATAY LANDO: Galit pa rin ba kayo na wala sa aming magkakapatid ang magaling tumugtog ng piano gaya ni Kuya Lester! Galit pa rin ba kayo sa akin dahil hindi ako tulad ni Kuya Lester na magaling din tumugtog ng piano!?!



Natahimik naman si Lola Luisa. Natahimik ito dahil totoo ang mga pinaparatang ng anak niyang si Lando sa kanya…



TATAY LANDO: Ima, patay na si Kuya Lester! At hindi ako katulad niya… pero sana man lang Ima, matanggap niyo naman ako kung sino ako. Ma, hindi ako tulad ni Kuya Lester… pero anak niyo rin ako! At may iba ka pang mga anak na buhay pa at minamahal ka…



Gulat at di-makapaniwala si Lyndon. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Mayroon pala siyang Tito Lester na namayapa na…. hindi kasi ito nababanngit ng Tatay Lando niya o ng mga tito at tita niya…



Mula noong pagalitan ni Lola Luisa si Tatay Lando, hindi na muling tinangka ni Tatay Lando na itago ang piano kay Lyndon… at nanatili na ang piano sa salas…



Hindi na rin pinagbawalan ni Tatay Lando si Lyndon na tumugtog ng piano. Ngunit tanda na rin ng paggalang ni Lyndon sa ama na tingin niya ay walang pagmamahal sa kanya, hindi siya tumutugtog ng piano kapag nasa bahay ang Tatay Lando niya.



... BACK TO PRESENT …



Patuloy pa rin sa pagtugtog ng piano si Lyndon nang biglang bumukas ang pinto ng bahay nila…



Nilingon ni Lyndon ang pinto para tignan kung sino ang pumasok…



Ang Tatay Lando niya ang pumasok. Galing ito sa resort. Agad na tumigil si Lyndon sa pagtugtog at isinara ang piano…



Alam ni Lyndon na nahuli siya ng Tatay Lando niya na tumutugtog. Ngunit di tulad ng dati, di na siya pinapagalitan nito o sinisigawan. Sa halip, tinignan lang siya nito ng masama.



Akala ni Lyndon ay kagagalitan siya ng Tatay niya. Nagulat na lang si Lyndon nang biglang hinagis ng tatay niya ang isang dyaryo na Sun Star Pampanga sa ibabaw ng piano…


TATAY LANDO: Potanaydanang mga NPA yan! Alang ibang ginawa kundi mamwerwisyo ng negosyo’t bukirin…



At saka umakyat si Tatay Lando sa hagdan patungong second floor…


Pinulot ni Lyndon ang Sun Star Pampanga at binasa ang headline:



New People’s Army (NPA) is named the new locust of farms



TO BE CONTINUED...



Next Episode: Episode 3: Encounter with the Bestfriend

Previous Episode: Episode 1: First Day, First Notice

2 comments:

  1. Special thanks to Phey for patiently assisting me in translating some lines to Kapampangan... hahaha...


    Phey, dacal a dacal a salamat talaga keka. King pasibayu.. hahaha

    ReplyDelete



  2. PICTURES:

    * Lee Chaolan. Courtesy of Tekkenpedia English . Retrieved from http://www.tekkenpedia.com/wiki/Lee_Chaolan


    * Heihachi Mishima . Courtesy of Tekkenpedia English . Retrieved from http://www.tekkenpedia.com/wiki/Heihachi_Mishima

    ReplyDelete