Sunday, September 13, 2009

Episode 3: Encounter with the Bestfriend



Isang Thursday ng umaga, di sinasadyang magkasalubong sina Lyndon at Louie sa parking lot ng UPDEPP.



Nagkataong pareho pa silang nakasuot ng kanilang “high school class shirt” noong high school pa sila sa PHS.



Magkaiba nga lang ang design ng “class shirt” nila. Mas malaki ang nakasulat na “PHS- SSC Electron” sa class shirt ni Louie kesa nung kay Lyndon.




LYNDON: Dana, Louie. Parehu tamu pang maka-PHS shirt. (Pareho pa tayong naka-PHS shirt)


LOUIE: E tamu parehas. Mas masanting ing class shirt ku kesa keka. Mas maragul ya ing makasulat a “PHS-SSC” keng class shirt ku kesa keka. (Hindi tayo pareho. Mas maganda ang class shirt ko kesa sa'yo kasi mas malaki ang nakasulat na "PHS-SSC" sa class shirt ko kesa sa'yo.)


LYNDON: Pota. Maganda ka dyan. Eh nagmumura* nga 'yang “PHS” sa class shirt mo!


* Kaya nasabi ni Lyndon na “nagmumura” ang class shirt ni Louie ay dahil nga malaki ang nakasulat na PHS sa class shirt ni Louie.


LOUIE: Oo nga eh. Nagmumura itong class shirt ko ng “Tang-ina mo, Lyndon! Gaya-gaya ka ng suot!” (tinuturo-turo pa ni Louie ang sulat na PHS sa class shirt niya)


LYNDON: Bolang! Tara na nga! Kumain na lang tayo sa canteen…



At sabay na pumasok ng canteen sina Lyndon at Louie…



Kasalukuyang kumakain sa isang table sa canteen ng UPDEPP sina Lyndon at Louie nang biglang pumasok sina Helena at ang kaibigan nitong si Chelsea…



Napatulala si Lyndon kay Helena. Mistulang diyosang bumaba sa langit si Helena na nagsasaboy ng kinang sa buong canteen...



LYNDON: Ayos talaga ‘tong araw na ‘to! Busog na nga ang tiyan ko, busog pa pati mga mata ko! :p



Hindi naman sinasadyang mapatingin si Helena at si Chelsea sa mesang kinakainan nina Lyndon at Louie.



Natuliro bigla si Lyndon nang magsapul ang paningin nila ni Helena… ang pinakamagandang babae sa paningin ni Lyndon...



Animo'y parang nawalan ng hangin sa canteen at hindi makahinga si Lyndon dahil sa "breath-taking beauty" na taglay ni Helena.



Simpleng white dress lang ang suot ngayon ni Helena at sa tingin ni Lyndon, animo'y may kakaibang "glow" at ganda ang nagmumula kay Helena.



Kahit nahihiya at natutuliro, nagawa pa ring ngitian ni Lyndon si Helena at kawayan…



Ngunit hindi ginantihan ni Helena ng ngiti o kinawayan man lang si Lyndon. Ni hindi nga ito nagpakita ng expression na napansin niya si Lyndon.



Iniwas lang bigla ni Helena ang tingin kay Lyndon…



Naglaho naman agad ang ngiti sa mga labi ni Lyndon at unti-unting binaba ang kamay na pinangkaway …at nawalan na rin siya ng ganang kumain…



LYNDON: Di pa rin niya yata ako pansin… Pagkatapos ko siyang tulungang iahon ang kotse niya nung isang araw...


LOUIE: Nino? Ni Helena?


LYNDON: Wa…


LOUIE: Tol, tumayo ka nga sandali…


LYNDON: Bakit? (nagtatataka)


LOUIE: Basta tumayo ka na lang!



Tumayo naman si Lyndon…



LOUIE: Tol, wag ka na kasing mangarap ng imposible. Diyosa yang si Helena. Di niya mapapansin ang dwendeng tulad mo! :p


LYNDON: Yabang mo!


LOUIE: Tsaka alam mo, Lyndon, sobrang “laaayyyyyoooo” ng agwat ng height niyong dalawa… mula Batanes hanggang Jolo ang layo. :p


LYNDON: Sakit mo naman magsalita. It hurts you know…


LOUIE: Tsaka kahit nga nakatayo ka pa dyan at nakaupo lang ako dito, kita ko pa rin anit mo. :p



Napaupo tuloy agad si Lyndon…



LYNDON: Tanaydamo tol! Kung makapanlait ka para kang hindi kaibigan...



Pagka-order ng pagkain, umupo sina Helena at Chelsea malapit sa mesang kinakainan nina Lyndon at Louie.



CHELSEA: Pir, sino naman yung bansot na ngumiti sa’yo?


HELENA: Ha? Ah… eh… Ah.. siya yung tumulong sa akin na iahon yung kotse ko nung nalubak ako nung isang araw. Teka… ano nga pala ulit pangalan nyan… nakalimutan ko…


CHELSEA: Ah.. akala ko bago mong boyfriend… Bagay pa mu din kayo… hihihi…


HELENA: Pota, Chelsea! Do you honestly think I’ve sunk that low? Hindi ko papatulan ang ganung tipo ng lalake, for god’s sake, pir!!



Mula sa mesang kinakainan nila, narinig nina Lyndon at Louie ang usapan nina Helena at Chelsea….



LOUIE: Sabi ko sa’yo ‘eh. Hindi ka magugustuhan ni Helena, boy!



Lalong nawalan ng ganang kumain si Lyndon. Galit na galit na pinagtutusok ng tinidor ni Lyndon ang pork chop na ulam niya…



LOUIE: Kung tusukin mo naman yung pork chop mo, parang kasalanan ng kawawang pork chop kung bakit di ka napapansin ni Helena.. :p



Nagpatuloy naman sa pag-uusap sina Helena at Chelsea.



HELENA: Pero alam mo, pir, yung maitim na kasama nung bansot… parang ikaw naman yung type. Kung makatitig kanina sa’yo yung maitim pagkapasok natin dito sa canteen, para ka nang huhubaran…



CHELSEA: Heh! Umayos ka nga, pir! He’s not my type, duh….


HELENA: He’s not my type, duh! (gayang-gaya ni Helena pagksabi ni Chelsea). Bakit naman di mo siya type, pir? He’s tall…. Dark…



CHELSEA: Don’t tell me he’s handsome?!



HELENA: No, pir. He’s not handsome. He’s hot! So damn hot!



Sa table nina Lyndon at Louie, tahimik na nagyayabang na si Louie kay Lyndon…



LOUIE: Pareng Lyndon, walang samaan ng loob… kaya lang mukhang mas type ako ng kursunada mo ‘eh…I'm hot daw.. hehehe...


LYNDON: Grrr...



Kina Helena at Chelsea naman…



CHELSEA: He’s hot?! Naha-hot-an ka dun sa maitim?


HELENA: Yes, pir! Di mo ba napapansin na he’s so damn hot? Nasobrahan nga lang sa pagka-hot… ayun nasunog… :p



Nagtawanan sina Helena at Chelsea….



Sa table naman nina Lyndon at Louie… si Louie naman ngayon ang nagtutusok ng pork chop na ulam niya habang tinatawanan siya ni Lyndon…



LYNDON: Pareng Louie, kung tusukin mo naman yung pork chop mo, parang kasalanan ng kawawang pork chop kung bakit you're so "damn hot"... Hahahaa.. :p (gayang-gaya pa ni Lyndon ang paraan ng pagkakasabi ni Louie kanina)




Bigla na lang, bumukas ang pinto ng canteen at isang babae ang pumasok... na namukhaan naman agad nina Helena at Chelsea...



CHELSEA: Here comes your bestfriend, pir. (sarcastic ito)



Napansin ni Chelsea na tila pasugod ang babae papunta sa kanila...



CHELSEA: OMG, pir! Parang dito ang punta ng Mafalda na yan. May ginawa ka na naman ba sa kanya?!


HELENA: Huh? Excuse me, kahit kelan, wala akong ginawa sa kanya. Siya lang naman 'tong sugod nang sugod sa akin eh nananahimik ako...


CHELSEA: Ok. Mukhang palapit na dito si Mafalda. Let's see kung ano na naman ang kinapuputok ng butsi nyan.



At tuluyan na ngang nakapunta sa table nina Helena at Chelsea si Mafalda na tila may galit sa mukha nito.



Si Mafalda ay isang matangkad at payat na babae na maganda (daw) sabi ng Nanay niya... :p



MAFALDA: So… (nakabaling ang tingin niya kay Helena)



Ni hindi naman nagpatinag si Helena. Sa halip nakangiting pang-asar pa ito at nakatitig kay Mafalda…


MAFALDA: So…


HELENA: So what?!


MAFALDA: Kahit kelan ka talaga! For almost three years have passed, bitter ka pa rin sa amin ni Albert. You’re trying to seduce Albert just to win him back….


Nagpantig ang tenga ni Helena sa narinig kaya napatayo ito bigla sa kinauupuan.


Ngunit dahil di palaaway at palengkera na taliwas ni Mafalda, kalmado pa rin si Helena sa pakikipag-usap kay Mafalda...


HELENA: Excuse me? Ako? Bitter? And I’m trying to seduce Albert? Oh come on, Mafalda! Is that what Albert told you?!


MAFALDA: Dahil ayun ang totoo…


HELENA: Oh, really! Kahit talaga… ubod ng sinungaling ang lalakeng yon. My dear Mafalda, he’s feeding you with wrong information? At ako pa ang binabaligtad niya?! Ako pa ang bitter?! Eh siya itong kulit nang kulit sa akin na makipagbalikan these days…



Si Albert ang ex-boyfriend ni Helena noong high school siya dati sa Pampanga High School (PHS) na boyfriend na ngayon ni Mafalda. (See Prologue: Cinderello's Story for further details.)


Nagpupuyos sa galit naman si Mafalda… With conviction naman kung magbitiw ng salita si Helena...


HELENA: And also, I would like to make a correction regarding your statement earlier na ako ang nang-agaw kay Albert… dahil sa pagkakatanda ko, ikaw ang nang-agaw sa boyfriend—I mean—EX-boyfriend kong si Albert nung nasa PHS pa tayo.


MAFALDA: Excuse me, too, Helena. Hindi ko inagaw sa’yo si Albert. Let’s just say na nagkataon lang na ayaw na niya sa’yo and he chose me over you dahil na-realize niya na mas bagay kami at di hamak na mas maganda ako sa’yo…


HELENA: In fairness naman, my dear Mafalda, maganda ka nga naman… nung hindi pa uso ang tao. :p


Di maiwasang matawa ni Chelsea sa banat ni Helena...




Napapatingin na ang lahat ng tao sa canteen sa giriang nagaganap kina Helena at Mafalda…



MAFALDA: Aba’y…

Sasampalin sana ni Mafalda si Helena. Ngunit kaagad na nahawakan ni Helena ang kanang kamay ni Mafalda at napigilan niya ang pagsampal ni Mafalda sa kanya…



HELENA: Hindi mo ko pinapakain, at mas lalong hindi ikaw ang bumubuhay sa akin kaya wala kang karapatang pagbuhatan ako ng kamay…


Pabagsak na binitiwan ni Helena ang kamay ni Mafalda...


HELENA: At hindi ko kasalanan kung bakit gustong makipagbalikan sa akin ni Albert. My dear Mafalda, just do me one favor… pakisabihan ang boyfriend mong si Albert na wag na kong kulitin dahil I’m not interested with him anymore… Yet, I feel very gratified na for three years… ako pa rin pala ang hinahanap-hanap niya… pero I do feel sorry for him… he’s a mere part of my distant past…


Nanatiling nakatayo si Mafalda na nagpupuyos sa galit. Di niya alam ang susunod na gagawin o ibabanat kay Helena…


Kinuha ni Helena ang bag niya para umalis na. Tumayo na rin si Chelsea.


Di nagpalampas si Chelsea na hiritan din si Mafalda...



CHELSEA: You know what Mafalda, in fairness, ang laki na naman ng pinayat mo over the summer vacation ah...


MAFALDA: Bakit Chelsea? Inggit ka dahil mas payat at mas sexy ako sa'yo nuh?


CHELSEA: Ako inggit?! No.. no... Mafalda. I'm just concern for you. Ang payat mo na nga eh nagpapapayat ka pa... baka tuluyan ka na mag-disappear.. :p



At bago tuluyang umalis…si Helena naman ang nagbitiw ng isang winning line.


HELENA: You know what, Mafalda. You’re a whore…


MAFALDA: What the---


HELENA: Alam mo yung whore? Ayun ang singular ng “horse.” Stupid!


At tuluyan nang naglakad sina Helena at Chelsea palabas ng canteen…



Double strike ang natanggap ni Mafalda mula sa magkaibigang Helena at Chelsea…




TO BE CONTINUED…


Next Episode: Episode 4: Fallen Warrior


3 comments:

  1. Special thanks to Mocna and Phey for allowing me to use their laptops para i-type ang mga episode na ito...


    Thank you rin kay Mocna ulit. Siya ang gumawa ng design at nag-photoshop ng class shirt nina Lyndon at Louie.. Thanks, Mocna.. hahaha

    ReplyDelete
  2. HELENA: Yes, pir! Di mo ba napapansin na he’s so damn hot? Nasobrahan nga lang sa pagka-hot… ayun nasunog… :p


    -- may kilala akong ganito. HAHA. XD



    HELENA: Alam mo yung whore? Ayun ang singular ng “horse.” Stupid!


    -- at kilala ko din ata ang nagsabi nito. :))



    **palakpakan. MORE. :D

    ReplyDelete
  3. CHELSEA: Ako inggit?! No.. no... Mafalda. I'm just concern for you. Ang payat mo na nga eh nagpapapayat ka pa... baka tuluyan (NA SIYANG) mag-disappear.. :p

    --- typo pala to.. di tuloy na-appreciate ung line. The corrected version:


    CHELSEA: Ako inggit?! No.. no... Mafalda. I'm just concern for you. Ang payat mo na nga eh nagpapapayat ka pa... baka tuluyan KA NA mag-disappear.. :p

    ReplyDelete