Nanahimik ang lahat ng third year Business Economics students nang pumasok sa classroom ang professor nila sa BM 170: Marketing Management.
Unang meeting nila sa subject na ito dahil umabsent ang prof ng dalawang meetings.
Hindi naman napansin nina Lyndon at Louie na pumasok na sa classroom ang prof. Busy kasi sila sa paglalaro ng TapTap Xtreme sa I-Phone ni Louie.
Naka-earphones pa ang dalawa kaya agad silang nabalingan ng tingin ng professor.
CHRIS: Lyndon! Lou! Itigil niyo na yan! Tinitignan na kayo ni Sir!
Huli na nang mapansin nina Lyndon at Louie na nasa loob na pala ng classroom ang professor.
PROFESSOR: The two of you, wearing earphones. Stand up please!
Kinakabahang tumayo naman sina Lyndon at Louie. Muntik pang maihulog ni Louie ang IPhone niya dahil sa biglang pagtayo. Ni hindi na nga nila natanggal ang earphones na suot.
PROFESSOR: Kindly state your names!
Nanlilisik ang mga mata ng professor na parang gusto nitong mangain. Medyo parang galing sa ilalim ng lupa ang boses nito...
LYNDON: Lyndon Punzalan, sir.
LOUIE: Louie Espiritu po.
Lalong nanlisik ang mga mata ng professor at galit ang tono nito nang magsalita ng...
PROFESSOR: The two of you! You do not know how to introduce yourself formally!
Nasindak sina Lyndon at Louie sa tono ng pananalita ng professor. Napansin din ni Lyndon na pati iba nilang kaklase ay nagulat din sa pangangalit ng professor...
PROFESSOR: We are a business-oriented class. And in the business world, you should not introduce yourself on the first-case basis on the first meeting!
Napayuko sina Lyndon at Louie.
PROFESSOR: This is the proper way to introduce yourself. Class, I'm Mr. Leonardo Quirino, your Marketing Management professor for this semester. I graduated at Berkeley University where *blah... blah.. blah..* I'm also working full time as a marketing and distribution head manager at San Miguel Brewery.... *blah.. blah..blah..*
LYNDON: Hayop! Nagyabang pa ang loko! Kung makapagpakilala ng sarili eh pwede na siyang makagawa ng Resume. Kulang na lang banggitin niya pati Seminars Attended niya!
PROF. QUIRINO: The two of you who does not know how to introduce themselves formally, do you think this class is a music class at naka-earphones pa kayo hanggang ngayon?
Doon lang napansin nina Lyndon at Louie na nasa tenga pa rin pala nila ang earphones na suot kaya agad nila itong tinanggal...
Pakiramdam ni Lyndon na all-eyes ang mga kaklase nila sa kanila ni Louie.... at ramdam niya kahit di niya kita, na nakatingin din sa kanya si Helena....
LYNDON: Pahiya moment na naman ako nito kay Helena. Ang liit ko na nga, manliliit pa ang pagtingin niya sa akin dahil sa nangyayari ngayon....
PROFESSOR: I repeat, do you think, Mr. Punzalan, and Mr. Espiritu that this is a music class?! Answer me... NOW!!
Nagulat na naman ang lahat sa pasigaw at galit na tanong na iyon ni Sir Quirino...
LOUIE: No, sir
LYNDON: Yes, sir!
Gulat at di-makapaniwalang napatingin ang lahat kay Lyndon... Di nila inaasahan na ganun ang isasagot ni Lyndon.
PROF. QUIRINO: Come again, Mr. Punzalan? Did I hear you clearly? Did you just answer "yes"?
LYNDON: Yes, sir.
PROF. QUIRINO: And by your answer, I implied that you are telling me that this is a music class!
LYNDON: That is correct, sir!
Sa isang banda ng classroom... nagbubulungan sina Chris, Ramon, at Angelo...
CHRIS: Aba, ang tapang ni Lyndon ah. Nananagot ng prof ah!
RAMON: Away na 'yan oh! Away na 'yan oh!
ANGELO: Pusta ako kay Lyndon oh.. Kayo ba?!
CHRIS: Pusta rin ako kay Lyndon... singko pesos!
RAMON: 5 pesos lang, Chris? Bakit naman?!
CHRIS: 5 piso... dahil sure akong "5" na ang magiging grade ngayon pa lang ni Lyndon sa subject na ito... :p
Kina Lyndon at Prof. Quirino naman...
PROF. QUIRINO: Oh, well.Let's see. How can you say that this is indeed a music class?
Matagal bago nakapagsalita si Lyndon...
LYNDON: Haisk! Ano bang masamang hangin ang pumasok sa utak ko at nasagot kong "yes" ang tanong ni Sir Quirino?! Wala na! Kasubuan na! Kailangan ko nang panindigan ang sinabi ko!
At biglang bumanat si Lyndon ng...
LYNDON: Sir, in marketing, we are also dealing with advertising the products we want to sell. In order to.... (naubusan na ko ng English.. sorry.. >.<) para maging mabenta ang produkto, we often make use of music in advertising the product, like in commercials, para tumatak sa target market or consumers ang produkto mo.
Napapatango naman si Prof. Quirino sa sagot ni Lyndon...
PROF. QUIRINO: Your explanation does not suit or support your answer to my question. Yet, Mr. Punzalan, you have a point in using music in marketing...
LYNDON: Phew! Lusot ako dun!
PROF. QUIRINO: But you must prove that point of yours that music helps boost marketing. Make a commercial with a music accompaniment together with your friend there, Mr. Espiritu!
LYNDON: Tagsiyapo! Ano ba 'tong napasok ko!
PROF. QUIRINO: The two of you, come here in front to give this class a meaningful commercial.
Nagtalo pa sina Lyndon at Louie kung sino ang unang pupunta sa harapan. Pareho kasi silang nahihiya....
PROF. QUIRINO: Siguraduhin niyong bebenta sa aming "market" ninyo yang commercial niyong may music! Kundi.... marami akong dalang kamatis dito na pambato sa inyo...
LYNDON: Wag na kayong mag-abala pa, Sir, na maglabas ng kamatis. Hindi niyo rin yan magagamit sa amin. Ang mabuti pa kainin niyo na lang yan.. :p
Palakpakan naman ang buong third year Business Economics students...
PROF. QUIRINO: Ganun? O sige... let me see...
Nagpunta na sa harapan sina Lyndon at Louie. Nagbulungan sila sandali kung anong gagawin... At nang ready na sila... sabay talikod sila sa audience...
CHRIS: Aha! May patalikod-effect pang nalalaman tong mga kolokoys na to!
At biglang nagsimulang kumanta sina Lyndon at Louie at sabay harap sa audience na may hawak na mga pabango...
Turn on your speakers and Click PLAY to hear the song na kinakanta nina Lyndon at Louie... nakakatuwa ito... hehehhe.
LYNDON at LOUIE: (pakanta) Kung ang iyong problema ay ang iyong mukha... (nagturuan pa ang dalawa ng mukha ng isa't-isa). Wag nang mag-alala pagkat nandito na...
LOUIE: Ang sagot sa lahat ng problema mo sa mga babae...
LYNDON: Ang gamot sa lahat ng pagkakabigo ng mga lalake...
Nag-form ng linya sina Lyndon at Louie, at nagsalit-salit sa pag-giling ng balikat nila papunta sa kanan... papunta sa kaliwa.. and vice-versa...
LYNDON: Nandito na ang Papa... Papa Cologne!
LOUIE: Gumamit na ng Papa... Papa Cologne!
Tawa nang tawa ang mga kaklase nila. Pati si Prof. Quirino na kanina pa pinipigilan ang sarili na tumawa ay natatawa na rin...
LYNDON: My name is Lyndon Punzalan. I'm from Bacolor, Pampanga. I play a lot of tennis I play and I know a little judo. My darling likes me smelling good. It always turns her on. That’s why I always use Papa Cologne....
Habang sinasabi ito ni Lyndon... di sinasadyang ang mabalingan niya ng tingin ay si Helena.
At lalong ginanahan si Lyndon nang biglang ngumiti si Helena... ngiti na alam ni Lyndon na sa kanya lamang ibinabaling ng dalaga nang mga panahon na iyon...
... Ngiti na lalong nagpabuhay sa kanya sa ginagawa niyang kalokohan sa BM 170 class nila.. :p
*********
Pagkatapos ng klase, nagpunta agad si Helena sa kotse niya sa parking lot ng UPDEPP. Paandar na ang kotse niya ng biglang lumitaw sa window niya si...
ALBERT: Hi, Helena...
HELENA: Albert!
ALBERT: Oh! Mukhang gulat na gulat ka! Para kang nakakita ng multo...
HELENA: Mukha ka kasing multo!
ALBERT: Ang gwapo ko naman masyado para maging multo...
HELENA: Kaya pala lumalamig dito... masyado kasing mahangin....
ALBERT: Naka-aircon ka kasi. Patayin mo kasi aircon mo!
HELENA: Pwede ba, Albert! Stop pestering me! Dahil pati ang girlfriend mong si Mafalda ay kinukulit ako! Matagal na tayong tapos!
ALBERT: Nakipag-break na ko kay Mafalda just recently.
Naglalaro ulit ng TapTap Xtreme sina Lyndon at Louie habang naglalakad sila palabas ng UPDEPP main building papuntang parking lot.
Pagkalabas nila sa parking lot, nakita nilang nag-uusap sina Helena at Albert.
LOUIE: Lyndon... sina Albert at Helena mo oh! Balamu atin lang heated argument! (Para silang may heated argument!)
Nakaupo sa driver's seat si Helena at nakatayo naman sa labas ng kotse si Albert na nakasandal pa ang kaliwang kamay sa bubungan ng kotse ni Helena....
Natigil sa paglalaro ng Tap Tap Xtreme sina Lyndon at Louie at naisipang nilang makinig sa usapan nina Helena at Lyndon...
HELENA: And so what?! Ano bang habol mo sa akin ngayon at kinukulit mo ko? Matagal na tayong tapos... at para sa akin, ang mga "ex", hindi na binabalikan. Pag tapos na, tapos na talaga...
ALBERT: Hel, gusto kong makipagbalikan sa'yo....
HELENA: Sa ginawa niyong harap-harapang panloloko sa akin ni Mafalda nung Senior Prom natin two years ago, do you think I'm stupid enough na makipagbalikan sa'yo?! Get a grip, Albert!
ALBERT: Helena, pinagsisisihan ko ang ginawa kong sa'yo nun....
HELENA: Come on! Pinagsisishan?! Eh halos two years kayong tumagal ni Mafalda! At tsaka, ano bang nakain mo at gusto mong makipagbalikan sa akin?!
ALBERT: Helena, sa nakalipas na dalawang taon na hindi ikaw ang aking kapiling, na-realize ko na ikaw pa rin pala ang tinitibok ng puso ko...
HELENA: Greenwich ba ang nakain mo? Ang cheesy mo kasi!
Natawa sina Lyndon at Louie dahilan para mapatingin sa kanila sina Helena at Albert...
Nagulat naman sina Lyndon at Louie sa biglaang pagtingin sa kanila nina Helena at Albert kaya para di mahalata na nakikinig sila.. agad nilang hinawakan ulit ang IPhone at nagpanggap na naglalaro ng TapTap Xtreme... XD
Hindi na lang nila masyadong binigyang-pansin nina Helena at Albert sina Lyndon at Louie…
HELENA: Pwes, Albert. Gusto mo ba talaga akong balikan?
ALBERT: Oo naman… Hindi naman ako mage-effort nang ganito sa’yo kung di kita gusto…
Pa-simple ulit na nakinig sina Lyndon at Louie… na ngayon ay parehong nakahawak sa IPhone para kunwaring naglalaro sila…
HELENA: Ah... effort pala gusto mo... Pwes, bilhan mo ko ng Belgian Chocolates, gusto ko galing pa sa Belgium…
Napanganga naman si Albert… hindi ito makapaniwala sa kundisyon ni Helena… seryoso kasi ang mukha at tono ni Helena nag sabihin iyon…
ALBERT: Hel, seryoso ka ba dyan?!
HELENA: And I want these chocolates to be given to me by Tuesday. Sabado pa lang ngayon. May two days ka pa para pumunta ng Belgium.. XD
At pinaandar bigla ni Helena ang kotse dahilan para mapatumba si Albert (dahil nga nakasandal ang kamay niya sa bubong ng kotse ni Helena)
Napaupo bigla si Albert sa sahig pagkatumba niya.
Napausukan pa solid sa mukha si Albert ng tambutso ng kotse ni Helena dahilan para mapaubo ng todo ang lalake…
ALBERT: Ubo! Ubo! Ubo!
Panlibak na tinawanan nina Lyndon at Louie si Albert…
LYNDON: (pakanta) O caca, O caca, cacang bulatiktik. Kabitis kang tikling, kabalat apulid; Lon dacang marayu, lon dacang malapit, king kekang itsura tutu mebuisit ya y Helena.
Subtitle: O Kuya, O Kuya… kuyang bulatiktik*.Ang paa mo’y singlaki ng sa tikling*, kakutis mo pa apulid*. Tignan man kita sa malayo, tignan man kita sa malapit. Ang itsura mo’y talagang mabubwisit si Helena!
*bulatiktik- payat at maliit na tao
*tikling- ibon na may mahaba at payat na paa
*apulid- water chest nut
Sa pikon at inis ni Albert, pumulot ito ng maliit na bato na malapit sa kanya at galit na ibinato kina Lyndon at Louie…
Agad na tumakbo palayo sina Lyndon at Louie habang kinakanta pa ni Lyndon ang “O Caca, O Caca”…
Nakatingin naman si Helena sa side mirror ng kotse niya… at nakikita niya ang nagaganap kina Lyndon, Louie at Albert… at natatawa siya sa nangyayari sa tatlo…
At biglang nag-focus ang tingin ni Helena kay Lyndon… na sa tatlong taon niya sa UPDEPP ay ngayon niya lang nabigyang-pansin…
At di alam ni Helena kung bakit habang nakatingin siya kay Lyndon ay bigla na lang siya napangiti…
TO BE CONTINUED…
Next Episode: Episode 6: 17th Avenue
Prev. Episode: Episode 4: Fallen Warrior
Special ang episode na ito sa akin dahil:
ReplyDelete- ito ang FIRST Episode na tinype ko ENTIRELY sa laptop ko. Wala pa kasi akong laptop dati... nakikigamit lang ako dati.
- ito ang FIRST episode na na-publish sa Pampanga (using SM City Clark's Wi-Fi. Yung iba sa bahay namin sa Q.C. ko na-publish.
- isa pa... nakita ko "SIYA" bago ko pinublish ito sa SM... Di nga lang kami nagkausap... hahahaha (at alam kong di niya rin 'to binabasa.. hahaha)