Monday, October 12, 2009

Episode 6: 17th Avenue


Naligo. Nagsipilyo. Naghanap ng pamormang damit. Nagmake-up nang bahagya. Tinignan ang pouch bag kung nandoon ang wallet niya at kung may pera pa siyang pang-gimik... at go go go na sa 17th Avenue Bar sa North Walk, San Fernando, Pampanga si Helena...


Tumunog bigla ang cellphone ni Helena... May nag-text sa kanya...


CHELSEA: {san ka na, pir?! kanina pa ku nand2 s 17th avenue! inuugat na me kakaantay sau!}


HELENA: {chill k lng, pir! i'll be there in 5 minutes... :p}


Ang 5 minutes ni Helena ay katumbas ng 5 hours... you know why... hehehe..



Ang pagpunta sa 17th Avenue ang Saturday night ritual na gimik ni Helena. Basta Saturday night is gimik night...


Ngayong gabi, white spaghetti strap blouse at pink skirt ang suot ni Helena....


Sa living room, bago tuluyang lumabas ng kanyang pad, nasagi ang tingin ni Helena sa isang digital picture frame (picture frame na kusang nagpapalit ng pictures) kung saan kasalukuyang ipinapakita ang larawan niya noong 5 years old siya kasama ang Mommy Heidi niya.


Mag-isa lamang si Helena sa kanyang pad sa Xevera Subd. sa Bacolor, Pampanga. Lumilibot sa iba't-ibang panig ng mundo ang Mommy niya doing charity works kasama ng charity foundation na kinabibilangan ng Mommy niya...



Iwinaksi ni Helena ang tingin sa picture frame at dali-dali nang sumakay sa kotse niya at pinaandar ito tungo sa 17th Avenue Bar para gumimik kasama si Chelsea...


45 minutes ang biyahe mula Bacolor, Pampanga papuntang North Walk, San Fernando...


Pagkarating ng North Walk, agad na nag-park si Helena malapit sa 17th Avenue Bar.


Pagkarating niya ng 17th Avenue, nakita niyang naghihintay sa kanya sa labas si Chelsea na halatang irita na dahil sa kahihintay... Naka-all blue naman si Chelsea, mula sa blouse pati ang palda....


Nilapitan na ni Helena agad si Chelsea...



HELENA: Aba, himala, pir! Wala kang hinihithit na yosi ngayon....


Mahilig kasing mag-yosi si Chelsea....



CHELSEA: Yun ang akala mo, pir! Pero naubos ko na ang lahat dahil you are sooooo late!


HELENA: Medyo matagal ba ko?


CHELSEA: Hindi naman masyado. Sabi mo lang naman kasi sa text mo, nandito ka na in 5 minutes! E anong petsa na!


HELENA: Pasensya na kasi, pir. Galing pa kasi akong Bacolor eh nuh! Hay naku, para makabawi ako sa iyo, ililibre na lang kita...


At naisipan na nilang pumasok sa 17th Avenue...





Medyo mahaba na ang pila sa entrance ng 17th Avenue... At habang nag-aantay sa pila, may nakita silang mga taong di-kanais-nais sa pinakaharap ng pila...



HELENA: Damn it! Some devilish creatures is starting to ruin my night life...


CHELSEA: Pir, the night is just getting started... wag na wag kang papa-apekto sa mga 'yan...



Sa harap kasi ng pila ay nandoon sina Mafalda at ang friend nitong si Marrieta. Kasama ng dalawa ang kani-kanilang mga boyfriend na sina Albert at Jaden...


Iniinspect na ng bouncer na nasa entrance ang stamp o tatak nina Mafalda at Albert... Pagka-inspect ng tatak...



BOUNCER: Good evening Ma'am, Sir. Welcome sa 17th Avenue...


MAFALDA: (may pagtataray) Good evening at welcome lang ba ang ibabati mo sa amin?! Monthsarry namin ngayon! Batiin mo kami!



BOUNCER: Happy Monthsar---


MAFALDA: Ano ba 'yan! Walang buhay! Ganito ba ang mga staff dito?! Napaka-unfriendly! Let me speak to the manager at irereklamo kita!


Nahihiya naman si Albert sa inaasal ni Mafalda.


Nagulat at natakot ang bouncer sa inaasal ni Mafalda kaya siniglahan na niya ang bati....


BOUNCER: Happy Monthsarry po, Ma'am, Sir! Sana magtagal pa kayong dalawa!


MAFALDA: Much better! Kundi, I will talk to the club's manager to complain against your unfriendly manners!



At pumasok na sina Mafalda at Albert kasunod sina Marietta at Jared....



Nang makapasok na rin sina Helena at Chelsea, umupo sila sa isang U-shaped table kung saan nandun ang mga bartender na nagpapasikat sa paghahalo ng drinks...


May hawak na silang menu...


BARTENDER: May I have your order, Ma'ams?


HELENA: I will have a Blue Hawaiian Cocktail...


CHELSEA: I'll take Lava Flow...


BARTENDER: One Blue Hawaiian Cocktail and one Lava Flow coming up!


At nagpasikat ang bartender sa paghahalo ng drinks nina Helena at Chelsea.... Ngunit di man lang siya binibigyang-pansin ng dalawang babae...


Pinapatugtog pa ang "Poker Face" ni Lady Gaga...


CHELSEA: Kahit kelan talaga yang lampayatot na Mafalda na yan. Napaka-walang breeding kung umasta! At hindi ako makapaniwala na ipinagpalit ka ng Albert na yan over her?! Halos dalawang taon na rin sila nuh?! Di ka man lang ba nakakaramdam ng selos, pir?!


HELENA: Ako magseselos?! Duh! Alma mo, pir. Hindi ko sineryoso ang relasyon namin ng Albert na 'yan nung high school kami... Kaya nung harap-harapan nila akong niloko nung Senior Prom namin, I don't feel any regrets...


At inilapag na ng bartender ang cocktail drinks nina Helena at Chelsea. Nahalata ni Chelsea na nagpapa-cute ang bartender kay Helena... natawa na lang si Chelsea para sa bartender.



CHELSEA: And I think, for the record, wala ka pa yatang sineseryoso sa mga naka-relasyon mo ni isa?!


HELENA: Corrected by! :p


Madalas sa 17th Avenue sina Helena at Chelsea. At sa pagpunta-punta nila run every Saturday night, maraming nakikipagkilalang mga lalake...


CHELSEA: Ibig sabihin hindi mo rin sineryoso sina Abraham, Isaac, at Ezra?! Naku, mabubuo mo na ang cast ng Bible nyan... isama mo pa si Albert... siya si Hudas! :p


Pagkatapos nung kay Albert, may tatlo pang nakarelasyon na mga lalake si Helena na lahat ay nakilala niya sa 17th Avenue.


Ngunit tulad nung kay Albert, di niya rin sineryoso ang tatlong ito. Masaya na si Helena sa "fling-fling" or yung feeling na "kayo pero parang hindi kayo". Kumbaga hindi siya gaanong nakatali sa commitment...


CHELSEA: Bilib din ako sa'yo, pir. Kasi ba naman, sa apat na nakarelasyon mo including Albert, lahat sila ang laging nagtatawag ng "break-up." Ni hindi ka man lang nakakaramdam ng heartache? How come?


HELENA: Well.... simple lang ang remedy ko sa heartache, pir. Hindi ko hinahayaan ang sarili ko na ma-trap sa patibong... or i-attach masyado ang sarili ko sa kanila....


CHELSEA: (naguguluhan) Anong ibig mong sabihin, pir?


Uminom si Helena ng bahagya sa cocktail drink niya sabay ngiti at sagot ng tanong ni Chelsea...


HELENA: I simply DON'T fall in love.


Kating-kati na ang mga paa ni Helena para sumayaw ngunit halos walang masayawan sa dance floor dahil puno ng mga taong nagsasayawan ang 17th Avenue.


HELENA: Tara, pir! Sayaw na tayo!

CHELSEA: Good luck naman! Puno ang dance floor! Pano tayo sasayaw?

HELENA: Watch me!


Dahil gusto nang makasayaw ni Helena, tumayo siya sa U-shaped table na inuupuan nila at nagsimula siyang sumayaw...


Dahil natuwa sa kaibigan, ginaya ni Chelsea si Helena at sumayaw na rin sa U-shaped table...


Napanganga ang bartender na nagpapa-cute kay Helena. At pinagtinginan na sina Helena at Chelsea ng mga tao...


Mula sa dance floor, nakita naman ng magkaibigan na Mafalda at Marietta ang pagsayaw sa mesa nina Helena at Chelsea....


MARIETTA: Aba, mukhang gusto ng dalawang 'to ng showdown. Let's go, girl!


MAFALDA: Tara. Ilampaso natin ang dalawang 'yan!


At sinugod nina Mafalda at Marietta sina Helena at Chelsea.. Naramdaman naman nina Albert at Jaden na nangangamoy-away kaya sinundan na rin nila ang kani-kanilang girlfriend...


Napatingin naman sa dance floor sina Helena at Chelsea at nakita nilang pasugod sa kanila sina Mafalda at Marietta kasunod sina Albert at Jaden...


Kaya bumaba sila sa mesa para salubungin sina Mafalda at Marietta. Inalalayan si Helena na bumaba ng bartender na nagpapa-cute sa kanya. Inalalayan ng ibang bartender si Chelsea...



Nagbigay daan ang mga tao para makapunta sa gitna ng dance floor sina Helena at Chelsea. Nang makapunta na rin sa gitna ng dance floor sina Mafalda at Marietta kasunod sina Albert at Jaden...



MAFALDA: So, nandito pala ang "loser" ex-girlfriend ng boyfriend ko. Nga pala, two years and 5 months anniversarry namin ngayon. And for sure, nagseselos ka!


HELENA: Duh! Kilabutan ka sa mga sinasabi mo, Mafalda. Pero alam mo, mas bagay nga kayo ni Albert. Si Albert kasi, ay isang "basura" at kailangan niya ng isang walis-tingting na tulad mo para panlinis... :p



Nagtawanan ang mga taong nakarinig ng sinabi ni Helena...


HELENA: Aba, Mafalda, at nandito rin pala ang alaga mong piggy na si Marietta with her boyfriend... Anong trip niyo... double date?!


Kung ano kasi ang ikinapayat ni Mafalda ay siya namang ikinataba ng kaibigan niyang si Marietta... :p


CHELSEA: Hindi, pir. Triple date kaya sila... Magbilang ka ngang mabuti kung ilan sila.. One (sabay turo kay Mafalda), two (sabay turo naman kay Marietta) and three (tinuro ulit ni Chelsea si Marietta.. :p)


Nagsisigawan na ang mga taong nanonood sa kanila.


MGA TAO: Showdown na! Showdown na! Showdown na!

CHELSEA: Showdown ba ang hanap niyo... Ok...let's do it! 5! 6! 7! 8!



At nagsimula nang sumayaw sina Helena at Chelsea habang nagpapalakpakan ang mga tao...



HELENA and CHELSEA vs. MAFALDA and MARIETTA DANCE SHOWDOWN Video:




Malakas ang hiyawan ng mga tao...


Habang sumasayaw sina Mafalda at Marietta, nagchi-cheer naman si Jaden para sa girlfriend niyang si Marietta.


JADEN: Woooo!


Pero wala namang pake si Albert kay Mafalda. Kay Helena siya nakatingin...



Natapos ang showdown na malakas ang palakpakan at hiyaw ng mga tao... Halata nang panalo sina Helena at Chelsea sa showdown...

Tinalikuran nina Helena at Chelsea sina Mafalda at Marietta at taas-noo na umalis palayo ng dance floor...


Nagpupuyos sa galit si Mafalda sa tinamong pagkatalo.



MARIETTA: Tara na, Mafalda...


MAFALDA: Grrrr....!!!!


Gusto pa sanang sugurin ni Mafalda sina Helena at Chelsea pero napuno na ulit ng tao ang dance floor kaya hindi na niya nagawa...


CHELSEA: Akala ng walis-tingting at baboy na yun! Akala niya malalampaso niya tayo sa dance floor. Ang lakas mag-aya ng showdown! Hmmpph! Nasa atin ang huling halakhak... at ito na yun... Ha-ha-ha-ha-ha! (literal na humalakhak talaga si Chelsea... :p)


HELENA: Tara na, pir. Let's go home. I think I had enough for this night!


CHELSEA: Oo nga. Tara, bayad na tao ng bill... Nga pala, sabi mo kanina ililibre mo ko.. Before I forget...


HELENA: Oo na. It's my treat to you.


Nilapitan nila ang bartender na nagpapa-cute kanina kay Helena para magbayad na ng bill...


HELENA: Can we get our bill?


BARTENDER: Just a moment, Miss...


At binigay ng bartender ang bill nina Helena at Chelsea... Nasa 600+ pesos ang bill nilang dalawa... kaya naglagay ng 1000 si Helena sa bill...



BARTENDER: Miss, wala pa kasi kaming barya, so could you just wait for a moment if you don't mind hanggang magkaroon ako ng panukli sa'yo...


Pero nagsisinungaling ang bartender. Gusto lang niyang magtagal si Helena sa bar para mapagmasdan pa ito lalo....



HELENA: Oh. Ganun ba? How much is my change again?

BARTENDER: 648.75 pesos in all...



Kinuha ni Helena ang goblet na pinag-inuman niya ng cocktail kanina, tinignan ang bartender at saka binitawan ito.


Nahulog ang goblet at nabasag sa sahig...



HELENA: I can't hardly wait to get my change. Siguro naman this goblet costs as much as my change. Let's go, pir!


At naglakad na palabas ng 17th Avenue sina Helena at Chelsea. Napanganga at napahanga na lang ang bartender sa ginawa ni Helena...


Napansin naman ni Albert na palabas na sina Helena at Chelsea kaya tinangka niyang sundan ito...


Pero pinigilan siya ni Mafalda...hinawakan ni Mafalda ang braso ni Albert.


MAFALDA: Albert?! Where do you think you are going?!


ALBERT: Ano bang pake mo, ha?!


MAFALDA: Anong pake ko? Girlfriend mo lang naman ako...


ALBERT: Ah ganun?! Pwes! Break na tayo!


At kumalas si Albert sa pagkakahawak ni Mafalda.. Dali-daling lumayo si Albert papunta sa exit ng 17th Avenue...


Sinundan naman ni Mafalda si Albert. Pero hindi na niya ito naabutan pagkarating niya sa exit. Sa halip, nadatnan na lang ni Mafalda ang bouncer na nagbabantay...


BOUNCER: Ma'am. Happy Monthsarry po...!!

MAFALDA: Leche! Sinabi ko pang batiin mo ako ulit!


Sa inis at sakit na nararamdaman, napaupo na lang si Mafalda sa sahig at humagulgol ng iyak...


Deadma naman ang bouncer...


BOUNCER: Buti nga sa'yo....



TO BE CONTINUED...







3 comments:

  1. HOW TO COMMENT:

    Sa mga nagtatanong kung paano mag-comment dito... ganito:


    A. Sa mga WALANG Blogger account:

    1. Sa Comment As section, piliin niyo yung Name/URL .

    2. Type your name and website (optional yung website). Tapos comment na!

    3. Pwede ring mag-comment Anonymously kung shy kayo... hehhee

    B. Sa MAY Blogger, Live Journal, Wordpress, etc...

    1. Log-in lang kayo sa Blogger, LiveJournal etc. account niyo.

    2. Tapos Comment na!

    ReplyDelete
  2. PICTURES and VIDEO:


    * 17th Avenue. Courtesy of Alexandrajeto. http://alexandrajeto.multiply.com/photos/album/110/17th_avenue_party


    * Dance showdown video from the movie White Chicks

    ReplyDelete
  3. hehehe ganito na pala kasikat ang bar namin,

    ReplyDelete