(AUTHOR'S NOTE: Ang mga scene na nakapaloob sa @@@@@@@@@@@@@ symbols ay mga dagdag na scenes na hindi nakasama sa original publishing ng episode na ito.. hehehe -10-26-09)
Mula sa 17th Avenue, nakauwi na si Helena sa kanyang pad. Matapos mag-park ng kotse, pumasok na si Helena sa living room ng pad...
Pagkapasok niya, sakto namang nag-ring ang kanyang cellphone...
Sinagot ni Helena ang cellphone...
HELENA: Hello...
BOSES: Hello? Hello? Helena, anak. Kumusta na?
HELENA: Oh, Ma. Ikaw pala. Ok naman ako. Kayo?
MOMMY HEIDI: Mabuti naman din...
At bahagya silang natahimik na tila nawalan ng pag-uusapan. Hindi kasi close si Helena sa kanyang ina…
Binasag na rin ni Helena ang katahimikan…
HELENA: Nasaan ka nga pala ngayon, Mommy?
MOMMY HEIDI: Nandito kami ngayon ng Save the Children Foundation* sa isang slum area dito sa Honduras. Nagsasagawa kami medical mission program sa mga bata dito…
Isang pediatrician sa Royal London Hospital si Mommy Heidi. Ngunit madalas itong mag-volunteer sa mga medical mission ng Save the Children Foundation sa iba't-ibang bansa...
* Ang Save the Children Foundation ay isang U.K.- based foundation na kinabibilangan ni Mommy Heidi. Layunin nito na pagalingin ang mga kapus-palad na mga batang maysakit upang magkaroon sila ng masaya at magandang kinabukasan.
MOMMY HEIDI: Siya nga pala, anak. Natanggap mo na ba yung remittance ko sa’yo? Sapat na ba yon sa’yo?
HELENA: Oo, Mom. Salamat.
Sa tingin ni Helena, tanging “remittance” na lang ang tanging paraan ng pag-aalaga sa kanya ng kanyang ina…
Masaya si Helena sa ganung arrangement nila ng kanilang ina. Walang magulang na sasaway sa kanya sa anumang gusto niyang gawin… at buwan-buwan siyang pinapadalhan ng mommy niya ng mahigit Php 20,000 monthly allowance…
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, pakiwari ni Helena ay kulang na kulang ang mga ito… dahil sa loob-loob niya… hinahanap niya ang tunay na kalinga ng isang magulang… ng isang ina…
HELENA: Sige na, Mom. Matutulog na po ako. It’s nighttime here na po kasi.
MOMMY HEIDI: Ganun ba, anak? Sige.. Good night! I love---
Ngunit in-end na agad ni Helena ang tawag.
Napatingin si Helena sa digital picture frame sa side table ng living room. Nagkataong ang picture na naman nilang mag-ina ang naka-flash.
Five years old lang si Helena nang kunan ang litrato ito nila ng kanyang Mommy Heidi…
…FLASHBACK…
OCTOBER 1995…
Five years old si Helena. Kasama niya ang kanyang Tita Tess na nag-aabang sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport…
TITA TESS: Sa wakas, makikita mo na rin ang Mommy mo…
HELENA: Mommy ko? Di ba, kayo po ang mommy ko, Tita?
TITA TESS: Helena, hindi ako ang Mommy mo. Naku, tiyak na magtatampo niyan Mommy mo sa akin pag narinig niya ang sinasabi mo…
HELENA: Ni hindi ko pa nga po siya nakikita eh… sa picture lang…
TITA TESS: Naku, kaya nga dadalaw na siya ngayon. Para makita mo na siya…
At dumating na si Mommy Heidi sa arrival area…
TITA TESS: Ate! Ate Heidi! Nandito kami! (kumakaway-kaway)
Sabik na lumapit si Mommy Heidi kina Helena at Tita Tess…
Nagyakap ang dalawang mag-ate… pagkatapos ay tinignan ni Mommy Heidi ang anak na si Helena…
TITA TESS: Helena, this is your Mommy Heidi… Go, give your Mommy a hug…
HELENA: No! No! She’s not my mommy!
Dahil sa takot, nagtago pa si Helena sa likod ng Tita Tess niya…
TITA TESS: Helena, don’t act to your Mommy like that. Go… hug her…
Ngunit nanatiling tago pa rin si Helena sa likod ng Tita niya… kaya si Mommy Heidi na ang lumapit kay Helena.
MOMMY HEIDI: Helena, I’m your mommy. Ang laki mo na ah!
HELENA: No! Go away! You’re not my Mommy!
At pinilit kargahin ni Mommy Heidi si Helena. Pumapalag naman si Helena pero pinagalitan na siya ni Tita Tess kaya nagpakarga na rin siya…
Nag-taxi sila papunta ng bahay ni Tita Tess sa Floridablanca, Pampanga…
Nagtulug-tulugan sa taxi si Helena dahil ayaw niyang kausapin ang kanyang Mommy Heidi…
MOMMY HEIDI: Mukhang di na ko kilala ni Helena eh…
TITA TESS: Unawain mo na lang ang bata, Ate Heidi. First time kang nakita eh. Kaya medyo ilang pa sa’yo. Hayaan mo at masasanay din yan…
MOMMY HEIDI: Sana nga, Tess.
TITA TESS: Teka nga, hanggang kelan ka ba dito sa Pilipinas?
MOMMY HEIDI: One week lang, Tess. Umuwi lang ako dito para mangamusta at makita nang personal ang anak ko.
TITA TESS: One week lang?! Hindi ka man lang ba magtatagal dito?
MOMMY HEIDI: Hindi ko naman basta-basta maiiwan ang trabaho ko sa London. Tsaka umanib na ako sa Save the Children Foundation. Mapapadalas na ang biyahe ko sa iba’t-ibang bansa dahil sa medical mission na isasagawa ng foundation.
TITA TESS: Ate Heidi, alam kong mahirap maiwanan ang mga batang nangangailangan ng tulong mo sa ibang bansa. Pero sana… wag mo ring kalimutan na mas kailangan ng pag-aaruga ng anak mo…
Lumipas ang ilang araw, nag-bonding sina Helena at Mommy Heidi sa SM North Edsa: binilhan ng mga damit at laruan ni Mommy Heidi si Helena…
At nagpa-picture silang mag-ina sa isang photo shop…
Ngunit ang bonding na iyon ay di sapat para maging malapit sa isa’t-isa sina Helena at ang mommy niya…
... BACK TO PRESENT ...
Ang picture nilang mag-ina sa photo shop ay siya ngayong naka-flash sa digital photo frame ni Helena…
Nagpalit naman ng picture ang digital photo frame at ang naka-flash naman ngayon ay ang picture nila ni Tita Tess…
... FLASHBACK …
Nasa NAIA ulit sina Tita Tess at Helena. Hinahatid nila si Mommy Heidi pabalik ng London…
MOMMY HEIDI: Basta, Ate Tess, ikaw na muna bahala kay Helena ko ah… (sabay baling ng tingin kay Helena) Helena, anak, magpapakabait ka ah…
Bahagyang ngumiti lang si Helena. Di pa rin siya close sa Mommy niya. Ni hindi nga siya nakakaramdam ng lungkot sa pag-alis nito ngayon…
TITA TESS: Mag-iingat ka dun. Tsaka, Heidi, tumawag o sumulat kang madalas ngayon ah para malaman ko kung nasaan ka mang bansa. Ngayong lagi kang mangingibang-bansa dahil sa foundation na sinalihan mo… Tsaka para makamusta mo na rin si Helena… Mami-miss ka siguro ng anak mo…
MOMMY HEIDI: Ate Tess, salamat nga pala sa pag-aalga mo kay Helena ah.
TITA TESS: Siyempre naman, Heidi. Sino pa bang magtutulungan kundi tayong dalawa na lang magkapatid…
Pareho nang ulila sa ama’t ina sina Tita Tess at Mommy Heidi…
Tinawag na bigla ang Flight number ni Mommy Heidi…
MOMMY HEIDI: O siya, Ate Tess. Mauna na ko… Ingat kayo dito…
At nagmadaling halikan ni Mommy Heidi si Helena sa pisngi… at tuluyan na itong lumayo…
Yun ang huli nilang pagkikitang mag-ina…
************
Halos si Tita Tess na ang nagpalaki kay Helena… kaya mas itinuturing niya pa itong mommy kesa sa Mommy Heidi niya…
Nang pitong taon na si Helena, may tinanong siya sa Tita Tess niya…
HELENA: Tita, alam niyo po ba kung nasaan ang daddy ko?
Natigilan si Tita Tess sa tanong na iyon ni Helena…
TITA TESS: Bakit mo naitanong, Helena?
HELENA: Because my classmates are teasing me that I don’t have a daddy!
TITA TESS: Helena, your daddy is in heaven now. At dahil nasa heaven na siya, palagi ka niyang ginagabayan… Kaya pag inasar ka pa ng mga kaklase mo, naku, tiyak mumultuhin sila ng Daddy mo!
At nagtawanan sina Tita Tess at Helena…
HELENA: Pero, Tita, why did daddy die? At why we are not visiting his grave during Undas?
TITA TESS: Your Daddy died because of Mt. Pinatubo eruption… You are still young then that’s why you cannot remember that…
Sa murang isip, hindi noon maunawaan ni Helena ang paliwanag na iyon ng Tita Tess niya.
Ngunit nung paglaki niya, napagtanto niya na natabunan ng lahar mudflow ng Mt. Pinatubo ang daddy niya noong 1991…
Buwan-buwan kung magpadala ng pera si Mommy Heidi kay Tita Tess para kay Helena…
***********************
JULY 2003
First year high school si Helena nang magpakasal si Tita Tess sa Tito Tonio niya. Naisipan nilang mag-asawa na manirahan sa Xevera Bacolor...
Isinama ni Tita Tess si Helena sa bagong townhouse nilang mag-asawa…
Medyo nahihiya si Helena sa Tita Tess niya dahil pakiramdam niya, pabigat siya sa Tita Tess niya at sa Tito Tonio niya…
And for the first time, nanghingi siya sa Mommy Heidi niya ng pabor…
Tinawagan niya ito sa cellphone…
MOMMY HEIDI: Oh, Helena, anak? Kumusta? Napatawag ka?
HELENA: Ma, I want to be independent from Tita Tess…
MOMMY HEIDI: What?
HELENA: I want to have my own town house…
MOMMY HEIDI: Ha? Bakit?
HELENA: As you all know, may sarili nang pamilya ang Tita. Nakakahiya naman kung hanggang ngayon ay nasa poder niya pa rin ako…
Natahimik si Mommy Heidi sa kabilang linya…
MOMMY HEIDI: So, do you think you are responsible enough to be independent?
HELENA: Of course, Mom. Sanay naman akong mag-isa at iniiwanan… kaya ok lang..
Huli na nang ma-realize ni Helena na medyo offensive ang sinabi niya sa ina niya… pero wala na siyang paki kung masaktan man ang ina o hindi…
MOMMY HEIDI: So, saan mo naman balak magka-town house?
HELENA: Dito rin sa Xevera Bacolor. Para kahit paano malapit pa rin ako kay Tita Tess…
MOMMY HEIDI: Ok, you can have that town house as a birthday gift for you…
At binilhan nga ng isang unit si Helena sa Xevera Bacolor.
At mula noon, namuhay nang malaya at mag-isa si Helena… habang pinadadalhan siya ng monthly allowance ng Mommy Heidi niya na tumatabo ng Php 20,000 per month.
Mula sa town house, nakahingi na rin ng cellphone, Ipod, laptop, at kotse si Helena sa Mommy niya.... dahil sunod sa layaw ito ay agad na naibibigay ng Mommy niya anuman ang naisin niya...
@@@@@@@@@@@@
Sa pag-iisa ni Helena na malayo sa ina, natutunan niyang maging palaban at di basta nagpapatalo o nagpapaapi...
Nasa SSA o Special Section for Arts na klase sa PHS si Helena.
Kahit na di siya bahagi ng SSC (Special Science Class) o yung mga matatalino sa PHS ay sumikat sa campus si Helena dahil na rin sa anking kagandahan at mga talento.
Miyembro siya ng cheering squad ng PHS at nung second year high school siya, nanalo siya bilang Miss Campus Girl 2004 ng PHS...
Dahil sa kasikatan ni Helena ay di rin maiiwasan na may mainggit sa kanyang ibang babae at mainsecure.... kaya marami siyang nakakaaway o inis sa kanya...
Fourth year high school, kasagsagan ng paga-apply sa UPCAT 2007...
Kahit na hindi bahagi si Helena sa SSC o Special Science Class ng PHS ay sinubukan niya pa ring mag-apply sa UPCAT...
Nabalitaan ito nina Mafalda at Marietta na noon pang high school sila ay inis na kay Helena... kaya kinompronta ng dalawa si Helena nang magkasalubong sila sa corridor...
MAFALDA: Ang lakas din naman ng loob mo na mag-apply for UPCAT?! Tingin mo ba ipapasa mo yun?
MARIETTA: Hoy, Helena. Baka nakakalimutan mo... SSA (Special Section for Arts) ka lang... SSC naman kami. Anong laban mo sa amin?
MAFALDA: At isa pa, ga-tuldok lang ang pag-asa mong pumasa ng UPCAT. Your chance of passing the UPCAT is like a mere “dot”.
Siyempre, hindi magpapa-down si Helena… Taas-noo niyang hinarap sina Mafalda at Marietta…
HELENA: Oh, Marietta and Mafalda. Thank you for your kind words of encouragement. Yet, your words can never let me down…
At binalingan ni Helena si Mafalda ng tingin…
HELENA: And as for your statement about my chance of passing the UPCAT is like a mere “dot”… I assure you, Mafalda… I will achieve that “dot”…
Yun lang at tinalikuran ni Helena sina Mafalda at Marietta at umalis na…
Dahil sa pangda-down nina Mafalda at Marietta, nagpursige si Helena na ipapasa niya ang UPCAT…
Gabi-gabing pumupunta si Helena sa town house ng Tita Tess niya sa Xevera para magpaturo. Ilang kanto lang naman kasi ang layo ng town house ni Helena sa tita niya…
Teacher si Tita Tess sa fourth year high school students sa DHVCAT (Don Honorio Ventura College of Arts and Trades) sa Bacolor.
Kaya nagpa-tutor si Helena sa tita niya gabi-gabi bago kumuha ng pagsusulit sa UPCAT…
Kahit na siya ay nahihirapan…
TITA TESS: Oh, Helena, di ba nature ko na sa’yo yung angle of depression. Try mo ngang i-solve tong problem na ‘to…
At pinabasa ni Tita Tess kay Helena ang problem…
Find the height of a hot air balloon which is directly above a nipa hut if the angle of depression of a carabao, 62 m away from the nipa hut is 14◦ 55’.
Hindi alam ni Helena kung paano sagutan ang problem...
TITA TESS: Oh, tinuro ko na sa'yo yan ah. Ba't di ka pa magsolve dyan?
HELENA: Tita, mahirap po kasi eh...
TITA TESS: Helena, pano ka matututo kung di mo susubukan?
HELENA: Pasagot niyo na lang po sa nakakaalam...
TITA TESS: Aber at sino pa bang nakakaalam ng sagot niyan!?
HELENA: Kayo po... :p
TITA TESS: Ah.. ganun.. sige ah. Ganyanin mo ang instructor mo pag nag-take ka na ng UPCAT ah...
HELENA: Joke lang po, Tita. Kayo naman... Kelangan kong pumasa... nang ipamukha ko sa mga SSC bitches na yun na hindi lang sa hanay nila manggagaling ang UPCAT passers! Kaya ko rin kahit SSA lang ako...
TITA TESS: But before that, you must strive hard to review...
HELENA: Tita, paulit na lang po ulit ng tungkol sa angle of depression... at kung paano sagutan ang problem na ito....
At matiyagang tinuruan si Helena ng kanyang Tita Tess... at nagtiyaga rin si Helena na mag-aral...
Kaya laking gulat nina Mafalda at Marietta nang makita nila si Helena sa UPEPP nung first year college sila...
MARIETTA: At anong ginagawa mo rito sa UPEPP?
Nilingon ni Helena si Mafalda at si Marietta...
HELENA: Isn't it obvious? Akala ko ba SSC kayo at matatalino? Mag-isip nga kayo! Ba't niyo pa tinatanong kung bakit nandito ako sa UPEPP? You're so slow...
MAFALDA: Don't tell me na pumasa ka ng UPCAT?
HELENA: Sorry to disappoint you, girls, but I will tell you this kahit na obvious na naman: I passed the UPCAT!
MARIETTA: No way!!!
HELENA: Nga pala, guys. Utang ko sa inyo kung bakit nandito ako ngayon sa UPEPP... dahil sa "words of encouragement" niyo sa akin nung fourth year tayo... I strive to passed the UPCAT.
At binalingan ni Helena ng tingin si Mafalda...
HELENA: I just remember what you said to me nung fourth year HS pa tayo: that my chance in passing the UPCAT is just a "mere dot." Well, ito lang masasabi ko sa'yo, Mafalda, now that I'm in UP... I will achieve "more than just a dot."
Palayo na sana si Helena sa dalawa pero...
HELENA: Oh, by the way, my dear Mafalda. Congratulations nga pala sa inyo ni Albert. Bagay na bagay nga kayo... dahil you're both pathetic losers!
Yun lang at tuluyan nang tinalikuran ni Helena sina Mafalda at Marietta na nanggagalaiti pareho sa galit...
@@@@@@@@@@@@@@@@@@@
... BACK TO PRESENT…
Umakyat si Helena sa kwarto niya. Inaalala niya pa rin ang pag-uusap nilang mag-ina…
Mula nung five years old siya, hindi pa bumalik ng Pilipinas ang ina niya: busy kasi ang ina sa trabaho sa ospital bilang pediatrician at sa pagbo-volunteer sa mga medical mission ng Save the Children Foundation.
Agad na tinanggal ni Helena ang stiletto na suot at binuksan ang cabinet kung saan niya nilalagay ang mga sapatos o heels niya…
Pagkabukas ng cabinet, agad na tumawag ng pansin niya ang isang sapatos na panlalake na walang kapares…
Tinitigan iyon ni Helena… at bumalik sa alaala niya ang lalakeng nagnakaw ng halik sa kanya noong Senior Prom nila sa PHS na naiwan ang sapatos na ito sa pagmamadaling umalis…
Halos tatlong taon na ring bumabagabag sa isip ni Helena ang misteryo ng lalakeng pinangalanan niyang "Cinderello" na siyang may-ari ng sapatos na naiwan...
HELENA: Sino kaya ang lalakeng yon? Ano kaya ng tunay na pangalan ni Cinderello?
At napakagat-labi si Helena dahil kahit tatlong taon na halos ang lumipas, animo’y ramdam pa rin ni Helena ang sarap ng halik na ginawa sa kanya ng lalake…
TO BE CONTINUED…
Next Episode: Episode 8: World's Greatest
Prev. Episode: Episode 6: 17th Avenue
ReplyDeleteAUTHOR'S NOTES:
HELENA'S TALE in connection with Episode 1: First Day, First Notice
* Kaya hindi marunong magsalita ng Kapampangan si Helena ay dahil una silang nanirahan sa Floridablanca, Pampanga kung saan hindi masyadong nagka-Kapampangan ang mga tao... (ayon sa pagkakaalam ko..)
* In this blog-nobela, I've taken liberty to transfer the location of Xevera Bacolor from Brgy. Calibutbut to Brgy. Cabalantian for the sake of the story...
Sa Episode 1 kasi, na-trap sa manhole ang kotse ni Helena sa Brgy. Cabalantian noong pauwi na siya galing UPEPP...
My apologies for the liberties I've taken. Lalo na sa mga taga-Xevera Bacolor.
KUNG MAY TANONG PA KAYO ABOUT SA STORY, COMMENT LANG KAYO dito or sa CHAT BOX SA RIGHT SIDE. SALAMAT!
Ang astig ni Helena, may attitude! LOL
ReplyDeleteang lungkot pala ng life nya :(