Previous Episode: Episode 15: Kung Fu
Monday, December 14, 2009
Episode 16: Controversy
Monday, December 7, 2009
Episode 15: Kung Fu
Mula nang tahasang binasted ni Helena si Lyndon, napapansin na nina Louie at Chris na naging malulungkutin na ang kaibigan…
Nagiging pala-absent sa klase at parang wala nang ganang pumasok… Tulad na lang sa klase nila sa Econ 121 isang araw…
SIR DURON: Is Lyndon James Punzalan here?
LOUIE: Sir, absent po siya…
SIR DURON: Tsk.. tsk. Tell him that one more absent and he would be force-drop in this course, ok? Napapano ba yang si Mr. Punzalan at napapadalas ang absent niya ah… Balak niya bang makita ako next semester?
Tinignan nina Louie at Chris si Helena…
Siyempre, walang pakialam si Helena na siya ang dahilan kung bakit medyo napapariwara na sa pag-aaral si Lyndon…
Pagkatapos ng klase, nadatnan nina Louie at Chris si Lyndon na naglalaro ng DOTA sa Centerline computer shop sa Clark Main Gate…
Ang third year na Psychology student na si Aries at ang dalawang BM at BABE na second year students na sina Domeng at Victor ang mga kalaro ni Lyndon...
Kakampi ni Lyndon si Victor...
Nagsisigawan pa silang apat sa Centerline!
LYNDON: Wooh! Lyndon has pwned Aries's head... Wooohooo!
ARIES: Tss.. Hoy, Lyndon bulilit! Kelangan talagang ibroadcast pa no?
VICTOR: Tapos first blood pa! Ahahaha..
ARIES: Uletan, lugi ako sa kakampi kong si Domeng eh...
DOMENG: Nagsalita ang magaling!
LYNDON: Ulet--ulet.. ang kulet-kulet.. (to the tune of Bulilit-Bulilit ang liit litt) :p
VICTOR: Tara! One round pa tayo! Insane!
LYNDON: Let's get it on! Hahahaha!
Inakbayan nina Louie at Chris ang kaibigan habang naglalaro ito…
LYNDON: Oi tol! Atsu na kayu pala? Komusta ing klase yu? Wa pin pala, ali yu na ku kaklasi king Econ 121…pepachange mat ku ne keng DOTA 101.. pota buri yu ring magpachange mat..masaya to, mga tol! (Oi, tol! Nandito na pala kayo? Kumusta klase niyo? Nga pala, hindi niyo na ako kaklase sa Econ 121… pina-change mat ko na siya sa DOTA 101… baka gusto niyo rin magpa-change mat.. Masaya to, mga tol!)
CHRIS: Tol, angga kapilan mu planong siran yang bie mu! (Tol, hanggang kelan mo balak sirain yang buhay mo!)
Medyo napikon si Lyndon sa sinabi ni Chris…
LYNDON: Oi, e daka ima kaya e mu ku pagsabyanan! Ala kang karapatan! (Oi, hindi kita nanay kaya wag mo kong pagsabihan! Wala kang karapatan!)
CHRIS: Tol, kaluguran mu kami! At atin kaming karapatan a piganakan ka. E ne isyu yang panggawan mu! Ali mu naman sisiran ing bie mu, uling mu king metung a babai. (Tol, kaibigan mo kami. Meron kaming karapatan na mag-alala sa’yo. Hindi na tama yang ginagawa mo. Tol, wag mong sirain ang pag-aaral mo nang dahil lang sa isang babae.)
Pagkasabi nun ni Chris, dali-daling tumayo si Lyndon at sinapak si Chris sa mukha.
Napatingin ang lahat ng nasa Centerline… at nakiusyoso…may mga lalake pang nangantiyaw…
Inalalayan ni Louie si Chris para makatayo. Napansin ng lahat na nagdugo ang labi ni Chris…
VICTOR: First blood!
Sasapakin pa sana ni Lyndon si Chris pero pumagitna na si Louie…
LOUIE: Lyndon! Stu na! (Tama na!)
Natigil si Lyndon na akmang sasapakin ulit si Chris…
LOUIE: Sige, siran me yang bie at pamagaral mu keng kaka-DOTA! Bala mu wari matula ya y Helena keka nung akakit na kang makanyan? (Sige, sirain mo ang buhay at pag-aaral mo dyan sa kaka-DOTA! Sa tingin mo ba, kung nakikita kang ganyan ni Helena, matutuwa siya sa’yo?)
LYNDON: Ala ne mang pake y Helena kaku nung mepakanini ku. Tsaka, keni mu masaya. (Wala namang pake sa akin si Helena kung magkaganito man ako. At saka, dito ako masaya… )
LOUIE: Sige, gumanyan ka nang gumanyan. Paboren me yang pamagaral mu. Balu mo Lyndon, keng gagawan mung yan, papakit mong magpasambut ka keng gewa ng Helena keka. (Pabayaan mo pag-aaral mo. Alam mo, Lyndon, sa ginagawa mong yan, para mo na rin ipinapakita na nagpapatalo ka sa ginawa sa’yo ni Helena...)
Ibinaba na ni Lyndon ang kamay na pansasapak sana kay Chris.. at natauhan siya sa sinabi ni Louie…
LOUIE: Tol, mabyasa kang lumaban. Ali ka mag-makanyan uling mu kang Helena. E mi buring akakit kang makanyan. (Tol, matuto ka namang lumaban. Wag kang magkaganyan dahil lang kay Helena. Hindi naming gustong nakikita kang ganyan.)
Bigla silang may narinig na palakpakan. Nilingon nilang tatlo ang pinanggalingan ng palakpakan. Sina Aries, Victor, at Domeng pala ang nagpapalakpakan…
ARIES: Ang chi-cheesy niyo, mga tol!
DOMENG: Kahit ako naiyak sa drama niyo eh!
VICTOR: Kaya lang walang subtitle eh. Di ko na-gets mga pinagsasasabi niyo… Para kayong nagra-rap na ewan.. :)
Sa Dencio’s SM Clark ang diretso ng tatlong magkakabarkada… para mag-inuman…
LYNDON: Chris, tol. Pasensya na ka nandin king Centerline.. Asapak da ka. (Chris, tol. Pasensya ka na kanina sa Centerline. Nasapak kita.)
CHRIS: Ok mu ita, Don. Ayintindyan da ka. Mayap namu, migpainom ka bang pambawi king gewa mu kanako. Nung ali, emu sapak ing gawan ku keka. (Ok lang yun, Lyndon. Naintindihan kita. Buti na lang nagpainom ka bilang pambawi sa nagawa mo sa akin. Kundi, hindi lang sapak aabutin mo sa akin!)
LOUIE: Apansinan kumu ah, Pache magpainom ya y Lyndon, pane ya y Helena ing ulingan. Kaya kanyaman mong maging kaluguran, Lyndon eh. For sure, madalas na kang magpainom kanyan.. heartbroken na kaman pane kang… ah-hah! (Napansin ko lang ah. Sa twing nagpapainom si Lyndon, laging si Helena ang dahilan. Kaya ang sarap maging kaibigan mo, Lyndon eh. For sure, madalas ka nang magpapainom niyan… heartbroken ka naman palagi kay… ah-huh!)
LYNDON: Dana, Louie! Sige, busitan mu ku pa! (Sige, asarin mo pa ako!)
CHRIS: Kasi naman, Don. Balu mu namang one-sided yang pamalsinta mu kang Helena eh. Atiu pa tamung PHS… puro ka na Helena! Helena! Ali ka ba mapagal? (Alam mo namang one-sided yang pag-ibig mo kay Helena eh. Nasa PHS pa tayo, puro ka na Helena! Helena! Hindi ka ba napapagod?)
LYNDON: Tol, e man makapagal ing maglugud, di ba? Ot kayu nang Shiela, angga ngeni, kayu pa rin maski atiu ya king Tate? (Tol, hindi naman nakakapagod magmahal di ba? Ba’t kayo ni Shiela, hanggang ngayon kayo pa rin kahit na nasa Tate na siya?)
Si Shiela ang girlfriend ngayon ni Chris na nag-aaral na sa America…
CHRIS: E tol, at least ikami, parehu ming kaluguran ing bawat metung. E, ika, ikamu ing lulugud kang Helena eh, at ali na man apapansinan ing pamalsinta mu kaya. Atin neng Albert. (E tol, at least kami, pareho naming mahal ang isa’t-isa… E ikaw, ikaw lang ang nagmamahal kay Helena na hindi naman niya napapansin yang pagmamahal mo. May Albert na siya..)
LYNDON: Josko, nung mag-asawa pin malyaring apikawani, itang mag-amo pa kaya? (Naku, kung mag-asawa nga naghihiwalay pa, yung mag-amo pa kaya?)
LOUIE at CHRIS: Mag-amo?!
LYNDON: Ka-slow yu! Mag-amo la di Helena at Albert! Y Helena ing amo at y Albert ing asu! (Mag-amo naman sina Albert at Helena.. si Helena ang amo at si Albert ang aso!)
Nagtawanan silang tatlo sa joke ni Lyndon… Nagawa pang kumanta ni Lyndon ng “Beria,” isang Kapampangan folk song…
LYNDON: (pakanta)
Lalong lumakas ang tawanan nila…
LOUIE: Pero, Don, maski mag-break la adwa na ning Albert eh madakal pa ring makapila kang Helena. Blockbuster yan. Kalagu na naman, di ba? (Pero, Don, kahit naman magbreak yang silang dalawa ni Albert eh marami pa ring nakapila dyan kay Helena… Blockbuster yan. Sa ganda ba naman niya di ba?)
LYNDON: E di pipila ako!
LOUIE: Angga kapilan naman? (Hanggang kelan naman?)
LYNDON: Angga agyu ku! (Hanggang kaya ko!)
CHRIS: Dyan naman ako bilib sa’yo tol eh!
Ngunit biglang lumungkot ang mukha ni Lyndon…
LYNDON: Kaya lang, mga tol… sa mga nasabi niyo kanina… minsan parang gusto ko nang sumuko kay Helena eh. Ano nga naman kasi di bang panama ko kay Albert. Oo, aminin na natin, gwapo si Albert, crush ng bayan. Sikat. Mayaman… may ipagmamalaki…
Lumagok sa beer niya si Lyndon at nagpatuloy…
LYNDON: Ako naman… hindi sikat, walang pake sa akin ang mga tao di tulad ni Albert na heart throb kahit pa nung high school pa lang tayo. Hindi ako kapansin-pansin… maliit, pandak, bansot. Hindi ako talentado, di ako marunong kumanta o sumayaw man lang hindi tulad ni Albert na halos lahat na yata ng biyaya nakuha na niya: gwapo at talentado.
Lagok ulit ng San Mig Light si Lyndon...
LYNDON: Alikabok lang ako sa paningin ng babaeng minahal ko na halos naging buhay ko na na naging malaking bahagi ng mundo ko… ngunit ako’y di naging parte ng mundo niya..
Uminom ulit ng San Mig Light si Lyndon at nagpatuloy….
LYNDON: Hindi na nga ako mahal ng tatay ko… hindi pa ko mahal ng babaeng nagturo sa akin kung paano magmahal nang ganito katindi…
CHRIS: Tol, masyado mo namang minamaliit ang sarili mo...
LYNDON: Maliit naman talaga ako... sa height...
CHRIS: Tol, hindi ayun ang ibig kong sabihin. Ba't ni minsan hindi mo iangat ang sarili mo. Ang liit ng tingin mo sa sarili mo... May talent ka din, Don. Magaling ka magpiano. Masyado mo kasing ikinukumpara ang sarili mo kay Albert.
Lumagok muna ng beer si Chris bago nagpatuloy...
CHRIS: May sarili kang identity, Don. I-uplift mo ang self-esteem mo. Hindi mo ba alam na nakaka-apekto ang pagmamaliit mo sa sarili mo sa pakikitungo mo kay Helena... Kaya ka natotorpe, dahil feeling mo ang liit-liit mong tao para kay Helena... Wag ganun, tol.
Napaisip si Lyndon sa sinabi ni Chris...
CHRIS: Tol, kasi, ang problema sa’yo… napaka-torpe mo! Ang patorpe-torpeng nagmamahal ay walang kwentang nagmamahal. Ang pagmamahal ay kongkreto at dapat isinasabuhay at ipinapakita…
LYNDON: Yun na nga, Chris eh. Alam na niya noon pa na gusto ko siya. Biruin niyo yun, nung sinabi niyang alam niya na may gusto ako sa kanya, sinabihan lang niya ako na wag nang umasa pa…
CHRIS: Pero iba pa rin kung nagtapat ka sa kanya noon pa man… maraming pwedeng mangyari kung ginawa mo na ang pagtatapat noon pa man…. Malay mo… di ba, baka naging kayo pa… kung umamin ka lang sana...
LYNDON: Ngayon lang niya ako nakilala, Chris… Imagine, sa apat na taon naming nagsama sa PHS at tatlong taon naman sa UPEPP, ngayon lang ako nag-exist sa mundo niya…
CHRIS: E, paano, takot kang makipagkilala sa kanya. Natatakot ka na baka mabigo ka lang pag sakaling umamin ka. Pero sa buhay, tol, kelangan mong mag-risk eh. Kung di ka lang namin sinet up ni Louie nung PHS Sentenaryu na tumugtog ng piano, di ka pa makikilala ni Helena…
Sabay na lumagok ng beer sina Chris at Lyndon...
CHRIS: Andami mong tsansa, Don, na umamin kay Helena. Pitong taon mo na siyang minamahal… at sa pitong taon na yon, di ka man lang gumagawa ng aksyon… Andami mong tsansa at pagkakataon na pinalampas…
Napaisip bigla si Lyndon sa sinabi ni Chris…
LYNDON: Tama nga si Chris. Andami ko nang pagkakataon na nasayang… na hindi man lang ako sumubok na magtapat ng pag-ibig kay Helena. Pitong taon… wala man lang akong ginawa. Ngayon naisip ko na hindi lang araw, oras, at panahon ang lumilipas… pati pagkakataon, sinasayang ko na rin…
Sabay lagok ulit si Lyndon ng San Mig Light… at bigla niyang napansin na…
LYNDON: Oo nga pala, itong si Louie hindi na nagsasalita…
At binalingan nina Lyndon at Chris ng tingin si Louie at nakita nilang namamakyaw lang ito ng Boy Bawang at Chicharon na pulutan… :p
LYNDON: Kahit kailan ka talaga, Louie.. pagdating sa inuman, “Kung Fu” ka!
LOUIE: "Kung Fu?" Ano yun?!
LYNDON: “Kung Fu-mulutan hayop!” Ahahaha…
TO BE CONTINUED…
Previous Episode: Episode 14: Commercial Break