Sunday, November 22, 2009

Episode 14: Commercial Break


Late na si Lyndon nang pumasok sa klase niya ng BM 170: Marketing Management.


Patakbo siyang pumasok sa room ng klase nila kung saan nagsisimula nang mag-lesson si Sir Leonardo Quirino or Sir LQ...



SIR LQ: All company owners started with a vision or goal. The idea of starting a business inflame their minds to achieve the goal. Sa simula, lahat ng company owners kumbaga ay parang mga nakainom ng beer kung mangarap... napakataas!


Pagkapasok ni Lyndon sa classroom, tinitigan siya ng mga kaklase niya...


Hindi siya pinansin ni Sir LQ. Siguro, hindi talaga nila pinapansin yung mga late, deretso kasi siya sa pagtuturo ng lesson.


LYNDON: Patay na, ang daming tao. Saan kaya ako uupo? Ayun. Buti na lang meron doon, kaya lang nasa harap. Nakakahiya.


Umupo si Lyndon sa bakanteng upuan na nakita niya. Nilagay niya ang bag sa gilid ng upuan niya. Hinihingal pa siya sa mga oras na yun.


Pero lalo siyang hiningal sa nakita niya sa gilid pagkalagay ng bag niya...


Katabi niya pala si Helena...



LYNDON: Dana! Naligo ako sa pawis, amoy burong Kapampangan na nga ako eh. Si Helena pa ang katabi ko.


Bumalik na naman sa alaala ni Lyndon ang tahasang pambabasted ni Helena sa kanya kahapon kahit di pa man siya nanliligaw....



LYNDON: Kapag nga naman minamalas ka oh... (at the same time sineswerte.. :p ).



Magkahalong kaba, galit, at kilig ang nararamdaman ni Lyndon nung mga oras na iyon...


Kinakabahan siya dahil....


LYNDON: Nakakahiya naman. Na-late ako tapos katabi ko pa siya. Natataranta pa rin ako kapag nakikita ko siya. Bahala na. Gwapo ako! Gwapo ako! Wahh! Anong nangyayari sakin? Bakit ako kinakabahan. My gulay! Para akong hindi si Lyndon Punzalan, matapang at palaban! Help me, Bro! :(



Galit naman dahil....


LYNDON: Oo na.. wala akong pag-asa sa'yo... alam ko naman yun eh... Ang labo kasi ng mata mo eh! Matangkad lang yang si Albert pero mas gwapo pa rin ako sa kanya! Maliit lang ako... hintayin mo't magchi-Cheriffer ako nang tumangkad!



Kilig naman dahil...


LYNDON: Pero, Helena, kahit ano pang gawin mo sa akin... ipagtabuyan, kutyain... hindi na mababago pa ang katotohanang ikaw lang ang itinitibok ng puso ko. Katangahan na kung katangahan... pero mahirap kang kalimutan... mahirap kang burahin sa puso ko. E gana-ganang babai, ala kang kalupa. Aliwa kang talaga! (Sa lahat ng babae, wala kang katulad... iba kang talaga!)


Patuloy naman sa pagdi-discuss si Sir LQ...


SIR LQ: But sometimes, nawawala ang tama ng beer sa company owners. This stage happens when the company suffers failure by means of bankruptcy, or by not getting the bid or deal in a prospective business partner... Sa mga tanggero dyan, what's next after mawala ng tama ng beer?


BABE 3A: Hang-over, sir....


SIR LQ: Precisely! Mga halatang tanggero ang lahat ng mga nandito...


Nagtawanan ang buong klase...


SIR LQ: Pinakamasakit ang hang-over. Sa business stage, dito mo lang lubusang matatanggap na pabagsak na ang kumpanyang ipinundar mo sa pamamagitan ng paglalasing ng sarili sa beer.. Sakit ng ulo, sakit ng katawan... lahat yan mararanasan mo sa hang-over stage...



LYNDON: Sir LQ naman.. puro naman beer example niyo... nalalasing na kami! :)


SIR LQ: Tulad ng tama ng beer sa katawan ng isang tao, no company will live forever.



Nagpatuloy pa si Sir LQ....



SIR LQ: In life, it is not the matter of "what happened." It is what you do to "what happened" that matters most. Kunwari, in life, there are times that you experience failure. Hindi mahalaga ang "failure" na nagdaan sa buhay mo... ang mas mahalaga ay yung "ginawa mo" upang makabangon ka sa pagkalagpak mo. That's the motto in life of most company owners... I hope that you make it also a motto of your life...



LYNDON: Tama si Sir LQ... Parang pag-ibig lang yan 'eh... di pa katapusan ng mundo kung ibasted ka man ng babaeng minamahal mo... Hindi totoong hindi mo kayang mabuhay ng wala siya, kalokohan yan. Alalahanin mong buhay ka na bago pa kayo magkakilala.. Dana! Ang emo ko!


SIR LQ: Now, of course, all companies have services and products offered. But how do these companies’ products and services can be recognized in the market? Let us call in our late-comer, Lyndon Punzalan to grace us with an answer?


LYNDON: Akala ko ba naman walang pake si Sir LQ sa late... sa recitation pala ako yayariin nito! Nilasing na nga ako sa lesson...


Narinig naman ni Lyndon ang bulong ni Albert na katabi din ni Helena...


ALBERT: Hintayin nating mapahiya ka ngayon kay Sir LQ. Hayop ka!


Siyempre naman, ngayon pang katabi ni Lyndon si Helena... ang best shot na ang ibibigay ni Lyndon... nagpa-bibbo siya sa harap ni Sir LQ at ni Helena...


LYNDON: Sir, the tool of advertising is the key for the market to recognize what the companies are offering.


SIR LQ: Very well said, Mr. Punzalan. Now that you mentioned advertising, advertise one product to the class. Dapat makumbinse mo ang karamihan na bilhin yang produkto mo... Kung nabenta before ang "Papa Cologne" mo dito sa klase, grace us with another product...


LYNDON: Hayop talaga tong si Sir LQ! Lagi ba naman akong gawing commercial model sa klaseng 'to!


Sandaling napaisip si Lyndon at kumanta ito ng...


LYNDON: Tatangkad din ako.... tatangkad din ako with Growee! Growee Vitamins!


Nagtwanan na naman ang klase... pati si Sir LQ ay napapangiti...


LOUIE: Panalo ka talaga sa kalokohan, Lyndon!


SIR LQ: Now that we are talking about advertising and Mr. Punzalan give us one hell of an advertisement, your class will be doing a full-length commercial. Group yourselves by six and discuss among yourselves …


Naging magkagrupo sina Lyndon, Louie, Chris, Ramon, Angelo at ang isa pa nilang kaklase na lalake...


LYNDON: Sino kaya itong guy na 'to? Hindi ko kasi alam pangalan niya. Pero I know him by face. Alam kong Econ third year din 'to eh. Syempre, kaklase ko siya. Sa kabilang block ata siya galing kaya di ko siya makilala...


CHRIS: Nga pala, Lyndon. Ito nga pala si David...


DAVID: Pre, it's not pronounced as "Dey-vid"... It's pronounced as Da-vid... :)


LYNDON: Huwahahahahaha !! David! Ahahahaha.


Di maiwasang matawa ni Lyndon nang malaman ang pangalan ni David. Hindi niya kasi ma-imagine na sa laking tao ni David ay "David" ang pangalan nito.


LYNDON: Dana, sa laki mong yan, mas bagay na pangalan sa'yo eh "Goliath" kesa David.. ahahahah... :)


LYNDON: Hi... David.


LYNDON: Ahahaha !! Di ko na kaya.


Tawa ng tawa sa isip niya si Lyndon, at konti na lang matatawa na talaga siya...


RAMON: Huy Lyndon! Bakit lumolobo ung cheeks mo? Natatawa ka ba? Hihi.


LYNDON: Hihihindii ! Natutuwa lang ako kasi excited na ako sa gagawin natin.


LYNDON: Hahahhahahahahahahahaha !! Ayyaaaw ko naaaa !!


LYNDON: "Da-vid" ba talaga pagkakasabi sa pangalan mo at hindi "Dey-vid?"


DAVID: Yup. :D


LYNDON: Ngiyahahha !! Ayoko na! Ayoko na. Danang pangalan yan. Ayaw pang pa-sosyalin.. Bwahahahaha... Tama na nga! Baka makahalata na sila. Tama na. Ayan, hindi na ako natatawa.


At pinigilan na ni Lyndon ang pagtawa sa pangalan ni David...


LYNDON: Game, ano na ba ang plano natin?


LOUIE: May naisip ako---


At nagbulungan na silang anim... minsan tatawa sila nang malakas sa naisip na idea ni Louie...


SIR LQ: Ok class. Be ready with your commercial by next week. You can present it the way you wanted it: video, live.. your creativity is the limit! Ok, class dismiss.


AFTER ONE WEEK....


Unang nag-present ng commercial sina Helena at ang group nila...


Dalawa lang ang cast ng commercial ng grupo ni Helena: siya at ang boyfriend niyang si Albert...


Whitening Cream ang ginawang commercial nina Helena kung saan si Helena ang girl na bida at si Albert naman ang nagkakagusto sa kanya...



Siyempre, todo selos naman si Lyndon...


LYNDON: T_T


Siyempre, hindi din papatalo ang barkadahang Mafalda, Marietta at set of friends nila sa commercial...


Nagpasaring pa si Mafalda at Marietta sa commercial nina Helena...


MAFALDA: Classmates, aanhin niyo naman ang maputing mukha kung panget naman ang hair niyo which is our crowning glory..


HELENA: Sige, sa buhok na lang kayo bumawi ng ganda... wala na naman kasing pag-asa sa pagmumukha ninyo na biyayaan kayo ng ganda... :)


MARIETTA: Ngayon panoorin niyo ang commercial namin na pati whitening cream ng isang babae dyan ay titiklop...



Out of courtesy, pinigilan na lang ng lahat ng BABE 3A ang pagtawa sa commercial nina Mafalda at Marietta...


Nagpanggap tuloy ang buong klase na sumisinga ng sipon para i-disguise ang tawa nila na siya namang ikinatataka ni Sir LQ... :)


SIR LQ: Lahat ba kayo sa klaseng ito ay may A(H1N1) na at napapasinga lahat kayo?


Sinundan naman ito ng commercial nina Riona, Sopheya, at Roscelle...


Sa commercial nila, kumakain silang tatlo sa isang restaurant...


SOPHEYA: Wow.. kahit kailan talaga.. ang sarap ng Roscelle's Cassava Cake dito. It melts in my mouth, not in my hands... :)


RIONA: Oo nga eh. Uy, friends.. may tinga na ba ako sa ngipin?


ROSCELLE: Wala naman, bakit?


RIONA: Ganun? Buti pa kayo, merong tinga.. Ito oh, Tuti-fruti Toothpick! :)


Bahala na kayo kung matatawa kayo o hindi sa two-in-one commercial ng tatlo... :)


Siyempre, hindi naman magpapahuli ang commercial nina Lyndon... na kung saan ang bida ay si....


Hulaan niyo...


Mali hula niyo! Si Lyndon ba ang inaasahan niyong bida rito? MALI... magsawa naman kayo kay Lyndon...


Dahil ang bida sa commercial na ito ay walang iba kundi si... DAVID!



Tulala at walang imik ang lahat ng nakapanood ng commercial na BABE 3A... :)


TO BE CONTINUED...



1 comment:

  1. Gusto kong magpasalamat kay Carlo Benoza sa pagpayag na magamit ang commercial niya na "Munchlax Deodorant" para sa ikagaganda ng episode na ito! Ahahahaha!

    Thanks Carlo!

    ReplyDelete