Monday, November 2, 2009

Episode 10: Love Potion


Dahil sa inuman session na naganap kagabi, late nang nakapasok sa klase nila sa Math 101: Statistics sina Lyndon, Louie, at Chris…


Mabuti na lang at lumabas pansumandali si Sir Almario at hindi niya nadatnan na late sina Lyndon, Louie at Chris…


Kasalukuyang nagsasagot ng seatwork na nakasulat sa board ang buong block ng BABE 3A…


Umupo sila sa tatlong bakanteng upuan malapit kina Ramon at Angelo sa likuran ng classroom…


LYNDON: Mon, anong gagawin?


RAMON: Magsasagot ng seatwork… Ang hirap nga eh!


CHRIS: May nasagot na ba kayo sa mga tanong?


ANGELO: Hanggang number 2 pa lang nasasagutan namin ni Ramon…


Tinignan ni Lyndon ang mga tanong sa board… Five items ang seatwork…


LYNDON: Ah.. tungkol lang pala sa Monte Carlo method yung seatwork eh. Madali lang ‘yan… Turuan ko pa kayo…


LOUIE: Alam mo ‘yan, Lyndon?


LYNDON: Ang dali lang kaya nyan! Hindi kasi kayo nakikinig kay Sir Almario nung nile-lesson niya yan!


ANGELO: Talaga? E hindi ko naman kasi maintindihan magturo yun!


RAMON: Paturo nga kami, Lyndon.


LYNDON: Sige, Mon, Angelo, akin na yung mga papel niyo… Iche-check ko lang kung tama yang mga sagot niyo…


At binigay naman nina Ramon at Angelo ang mga papel nila kay Lyndon…


LYNDON: Penge na rin akong isang yellow paper… para makapag-solve ako…


Binigyan ni Ramon si Lyndon ng yellow paper. Nanghingi na rin pati sina Louie at Chris…


Tinignan ni Lyndon ang mga sagot nina Ramon at Angelo at…


LYNDON: Ay… ang hirap pala nito. Pakopya na lang ng mga sagot niyo… :p


RAMON: Ay! Hayop talaga yang style mo ng pangongpya, Lyndon!


At nakikopya na rin pati sina Louie at Chris sa sagot nina Ramon at Angelo…


ANGELO: Nga pala, ba’t ba na-late kayong tatlo? At sabay-sabay pa talaga kayong pumasok? Anong ginawa niyo?!


RAMON: Nag-sexy time kayo kagabi sa Fields* nuh?! Hahaha…


*Ang Fields ay isang street malapit sa Clark Main Gate na pugad ng sexy time… hahaha!


LOUIE: Mas OK sana kung nag-Fields na lang kami. E nag-inuman lang kami sa bahay nina Chris…


ANGELO: Sana nag-aya man lang kayo? Oh bakit kayo nag-inuman? May may birthday ba?


CHRIS: Birthday?! Lamay ang sabihin mo.


RAMON: Bakit? Sinong namatay?


LOUIE: Yung puso ni Lyndon ang namatay… hehehe. Nag-emo kagabi..


LYNDON: Pwede ba?! Wag nang pag-usapan yan! Istu yu na yan!


ANGELO: Kwento niyo na. Napano si Lyndon boy? Hehehe…


LOUIE: Mamaya ko na ikukwento… Maiyak pa rito si Lyndon.. hehehe..


LYNDON: Dana!


As much as possible, gusto muna ni Lyndon na iwasan ang usapin tungkol kay Helena. Masakit pa rin para sa kanya ang nakitang “halikan” nina Helena at Albert kagabi sa PHS.


Napatingin si Lyndon sa harapan. Malapit sa blackboard nakaupo si Helena.


Backless na blue ang suot ni Helena. Lutang na lutang sa suot niya ang puti at kinis ng balat niya…


Di maiwasang mapako ang tingin ni Lyndon sa ka-sexy-han at flawless na katawan ni Helena… kaya napatulala siya rito…


Nang oras ding iyon, kinalabit si Helena ni Chelsea na nasa kalikod na upuan nito…


CHELSEA: Pir, bilis! May sagot na ko sa number 4! Hehehe..


HELENA: Saan?! Patingin..


At nilingon ni Helena si Chelsea para kunin ang papel ni Chelsea…


Sa paglingon ni Helena, di sinasadyang mapatingin siya kay Lyndon na nasa likuran…


Nagkatinginan sina Lyndon at Helena…


Hindi alam ni Lyndon kung anong gagawin niya kay Helena: kung ngingitian niya ba ito o kakawayan… basta patuloy pa rin silang nakatingin sa isa’t-isa na parang walang reaksyon…


Sa huli, minabuti na lang ni Lyndon na umiwas na ng tingin at magpatuloy sa pagsagot este pangongopya ng seatwork… hehehe


LYNDON: Kahit na sexy ka pa at flawless… di pa rin kita mapapatawad sa ginawa mong pagdurog at pagpatay sa puso ko kagabi! Hmmp!


Pagkalipas ng ilang minuto, pumasok na si Sir Almario sa classroom para kolektahin ang mga seatwork nila…


SIR ALMARIO: Are you all done?! Ok, pass your peppers (papers)!


ANGELO: Hoy, Lyndon! Di ka pa ba tapos dyan?! Akin na yung papel ko! Pinapapasa na ni Sir.


LYNDON: Teka lang, Gelo. Malapit na ko.


SIR ALMARIO: All late pepers will be given a deduction.


Dahil sa sinabi ni Sir Almario, kinuha agad ni Angelo ang papel niya kay Lyndon at pinasa na.


LYNDON: Tsk! Naman! Hanggang number 4 lang nakopya ko! Kinulang pa ng isang item!


SIR ALMARIO: Are all pepers in?! Hokie..


LYNDON: Sir… pahabol…


At nagpunta si Lyndon sa harapan para ipasa ang papel niya…


Tinignan ni Sir Almario ang papel ni Lyndon…


SIR ALMARIO: Ayyy.. Mr. Lindun Ponzalan. Ba’t hanggang number 4 lang tong may sagot mo?


LYNDON: Sir, kinulang ako sa oras eh…


SIR ALMARIO: Ganun ba… Okay… class, all of you got the perfect score of 5 in this seatwork except Mr. Lindun Ponzalan! :p


LYNDON: Whaaatttt?!!!!!! Sir naman…


SIR ALMARIO: Hokie.. class dismissed!


Nagpuntang canteen sina Lyndon, Louie, at Chris para kumain…


Umorder ng pork chop si Lyndon.


At nilagyan ni Lyndon ang pork chop niya ng pagkarami-raming ketchup na sa dami ay di mo na maaninag ang pork chop…


CHRIS: Lyndon, magkano yang inorder mong pagkain?


LYNDON: 40 pesos. Bakit?


CHRIS: 40? Ang mahal naman ng ketchup mo… :)


LOUIE: Okay lang yun, Chris. May libre namang pork chop yung ketchup na ulam niya eh! Hehehe



Nasa library naman sina Helena at Chelsea… Nagbabasa ng libro si Helena para sa exam nila sa BM 115: Managerial Accounting.


Samantalang nagla-laptop naman si Chelsea…


HELENA: Pir, hindi ka ba mag-aaral para sa exam natin sa BM 115 mamaya?


CHELSEA: Mamaya na, pir. Can’t you see?! I’m reading my favorite book!


HELENA: Book?! E naka-laptop ka kaya! Anong book ba ‘yang binabasa mo? E-book ba yan? Pabasa nga…


CHELSEA: No, this is not an e-book! I’m reading my favorite book… Facebook! :p


HELENA: Sige… at sana ipasa ka ng favorite book mo na ‘yan mamaya sa BM 115 natin!


CHELSEA: Oi, pir! Tignan mo ‘tong Facebook account ni Mafalda…


HELENA: Sorry, pir! I’m not interested..


CHELSEA: Bilis, pir! Tignan mo na!


At tinignan nga ni Helena ang FB account ni Mafalda. Ang profile pic nito ay ang pic na magkasama sila ni Albert.



Pero sa pic na ito, isang malaking at pulang letter “X” ang nakalagay kay Albert…


CHELSEA: And take a look at the status ng babaeng ito…


Binasa nina Helena at Chelsea ang status ni Mafalda:


There is a simple algebraic question that I want to ask of you: Can you substitute my “x” without asking “y”


Natawa nang bahagya si Helena sa Facebook account ni Mafalda..


HELENA: Hindi naman halatang bitter siya kay Albert… slight lang… :)


CHELSEA: Speaking of Albert… nasaan ngayon yung magaling mong boyfriend at parang di ko pa kayo nagkikitang magkasama ngayong araw?


HELENA: Nandoon si gym. Naglalaro ng basketball… Tsaka mas OK na tong di ko siya kasama.. mas peaceful ang buhay…


CHELSEA: Ay nga pala, pir. May chismis ako sa’yo! About kay Mafalda at sa boyfriend mo! Kahapon ko lang nalaman ‘to sa friends natin sa PHS. Hindi mo na kasi kami binalikan kahapon kaya di mo tuloy nalaman…


HELENA: Ano naman yun?


CHELSEA: Ginagayuma lang pala ni Mafalda si Albert kaya nagtagal sila ng mahigit tatlong taon…


HELENA: What?! Gayuma? Joke time ka, pir!


CHELSEA: Pir, mukha ba kong nagjo-joke?!


HELENA: Hindi naman… mukha ka lang kasing clown…


CHELSEA: Pir naman. I am not joking..


HELENA: O siya. Sige.. di ka na nga nagjojoke… But how can you claim the validity of this rumor?


CHELSEA: May lola kasi na mangkukulam daw si Mafalda. Kilalang-kilala yung lola ni Mafalda na yun sa lugar daw nila.


HELENA: Ah.. kaya pala mukhang mangkukulam yung Mafalda na yan. May pinagmanahan! :p


CHELSEA: So ang lola niya ang taga-gawa ng gayuma niya para kay Albert! Ang kaso… her lola died nung summer vacation… so wala nang “maker” ng gayuma si Mafalda…


Biglang napaisip si Helena…



HELENA: So, that explains it! Kaya pala after all these years eh ngayon lang ako binalikan ni Albert na atat na atat pa! He had been under an enchantment that had now lifted!


CHELSEA: Korek ka dyan, pir! Imagine! Three years na ginagayuma ni Mafalda si Albert?! I wonder panu nya nagagawa yun? Nagugustuhan lang siya ni Albert dahil sa gayuma.. Grabe... naatim niya na i-enslave si Albert under a love potion...


HELENA: At di rin ako makapaniwala na may gayuma pala talaga ah! And I think... si Mafalda ang ginagawang broomstick ng kanyang witch grandmother... mukha kasi siyang walis-tingting.. hahaha



TO BE CONTINUED…


Next Episode: Episode 11: The Battle

1 comment:

  1. sorry, readers... bitin na bitin ang episode na 'to... hahaha...

    babawi ako sa susunod na episodes...

    at mas kaabang-abang na siya sa mga susunod dahil magkakaroon ng twist kay lyndon.. hahahaha...

    ReplyDelete