Tuesday, November 3, 2009

Episode 11: The Battle



Naka-long sleeves at formal na formal na pumasok sina Lyndon, Louie, at Chris sa klase nila sa BM 170: Marketing Management sa computer laboratory ng UPEPP...


Kaya kantiyaw ang inabot nila buhat sa kanilang blockmates...



RAMON: Oh. Saan ang prom? Hahaha...


ANGELO: Ay.. prom ba pupuntahan niyo? Akala ko lamay 'eh... kayo ang lalamayin.. hehehe


LYNDON: Bugok! May reporting kami ngayon kay Sir LQ!*


* Si Sir LQ ay si Sir Leonardo Quirino... ang prof nila sa BM 170... hehehehe


RIONA: Hala kayo! Kabahan na kayo! Pansinin pa mu din siya pagdating sa reporting... Sina Marietta at Mafalda nga eh nasabon last week, di ba?


CHRIS: Salamat sa words of encouragement ha, Ri... Nakabawas ka ng pressure.. sobra.. :)


RIONA: You're very welcome, Chris! Buti naman nakabawas ako ng pressure kahit paano.. hehehe...


SOPHEYA: Pero in fairness, sa tatlong taon na magkakablock tayo... ngayon lang kayo nagmukhang tao sa suot niyong tatlo.. hahaha! :)


LOUIE: Bakit, Phey? Dahil ba mukha kaming mga "Adonis" dati? Sensya na... ngayon lang kami nagpakababa at nagmukhang mortal na mga tao.. hehehe


SOPHEYA: Ay.. aray... (sabay hawak si Phey sa mukha niya)


LOUIE: Oh, bakit, Phey? Napano ka?


SOPHEYA: Natatamaan na ako ng mukha mo, Louie... kumakapal kasi eh... :)


ROSCELLE: Oy, Lyndon. Parang ang gwapo mo ngayon ah... "parang" lang.... hehehe...


CHRIS: Paano... may pinopormahan... hehehe...


ROSCELLE: Ah... kaya pala maluto ka ngeni, Lyndon! (Namumula ka ngayon, Lyndon) Hahaha!


LYNDON: Istu na! (Tama na!)


Oo... talagang nagpa-pogi si Lyndon para lang makuha ang pansin ng isang babae na matagal nang itinitibok ng puso niya at kanyang pinapantasya sa twi-twina.... si Helena....



Pero deadma ang "japorms" ni Lyndon kay Helena. Busy kasi si Helena sa pakikipag-usap at lambingan sa boyfriend nitong si Albert....



LOUIE: Uuuyyy... ang sweet nila nuh? Di ka ba naiinggit? Hahaha...


LYNDON: Bugok! (at binatukan niya si Louie)



Pero nawala ang saya nina Lyndon, Louie at Chris nang biglang pumasok sa computer lab si Prof. Leonardo Quirino a.k.a Sir LQ... :)



Para namang T.V. na biglang pinidot ang "mute" button ang buong klase dahil biglang natahimik ang lahat instantly pagkapasok ni Sir LQ...



SIR LQ: Who are the reporters for this meeting? (sabay lisik ng mata)



Nakaupo sa pinakalikod na upuan sina Lyndon, Louie, at Chris. Si Lyndon na ang nagsalita




LYNDON: Sir, kami po yung reporter....


SIR LQ: Could you please stand up! I can't see you...


LYNDON: Sir, nakatayo na po ako...



Nagtawanan ang buong klase... Sa liit kasi ni Lyndon ay di napansin ni Sir LQ na nakatayo na pala siya... hahaha...



Ngunit agad ding natahimik ang klase sa takot na mapagalitan ni Sir LQ...



SIR LQ: Ok... go in front and start your report....


Nagpunta silang tatlo sa harap ng computer lab at sinet-up ang computer at projector na gagamitin sa reporting...



LOUIE: Lyndon... yung powerpoint? Nagawa mo ba? Isalang mo na sa computer...



At inilabas ni Lyndon ang isang diskette at isinalang sa CPU ng computer...



SIR LQ: Are you going to use that diskette in reporting here in my class?


LYNDON: Yes, sir!


SIR LQ: What?! Diskette? It doesn't belong to you now. It belongs to the museums!



Bahagyang natawa ang klase pero hindi nagpahalata...



SIR LQ: Kinakabahan ba kayo? Ok lang na maihi kayo sa akin... wag lang sa future employers niyo....



Natigilan naman sina Lyndon... di alam ang sasabihin..



SIR LQ: Never mind me! Start reporting now!



At nagsimula nang magreport sina Lyndon, Louie, at Chris...




LYNDON: Marketers typically identify one or more target customer segments which they intend to pursue... The segment is attractive to serve because...


SIR LQ: What do you mean by customer segments, Mr. Punzalan?



Nautal si Lyndon dahil di niya alam ang isasagot...



LYNDON: Uhm... Sir... Customer segments are often selected as targets by the marketers because they score highly on two---


SIR LQ: No... no... You didn't get my question, Mr. Punzalan. I said, "what" is Customer segments and not "why" it is chosen by marketers...



Natameme si Lyndon. At nahalata ni Sir LQ na walang maisasagot si Lyndon kaya...



SIR LQ: Mr. Dayrit. What are customer segments?


CHRIS: Uhm, Sir. Sorry, Sir. I do not know the answer. It is not a part of my report.



SIR LQ: What?! Just because it is not a part of your report, it doesn't mean that you need not to read the topic! You are the reporters of the chapter, for God's sake! And then you will tell me, "Sir. I do not know the answer. It is not a part of my report.. blah.. blah.. blah...!" That's bull shit!



Binagsak ni Sir LQ ang kamay niya sa mesa dahilan para magulat ang BABE 3A...


Biglang naramdaman ni Louie na nag-vibrate ang phone niya. Napatingin siya sa klase. At nakita niya si Phey na sumesenyas sa kanya...



SOPHEYA: Basahin mo phone mo!



Patagong kinuha ni Louie ang phone niya sa bulsa. At binasa niya ang message galing kay Phey....



SOPHEYA: {A customer segment incorporates registration information, demographics, address information, customer culture, purchase history, and other miscellaneous attributes which define a dynamic group of customers or accounts. HOPE IT WILL HELP... :) }


LOUIE: Sir, can I answer your question about customer segements?


SIR LQ: Are you sure your answer has sense, Mr. Espiritu?


LOUIE: I think so, Sir.


SIR LQ: Mr. Espiritu, if you're not confident with your answer, better shut your mouth...


LOUIE: No, sir. I'm confident with my answer...


SIR LQ: Ok. Go on!



Binasa ni Louie ang text ni Phey.



LOUIE: A customer segment incorporates registration information, demographics, address information, customer culture, purchase history, and other miscellaneous attributes which define a dynamic group of customers or accounts.



Dahil IPhone naman ang cellphone ni Louie, nagmukha pa ring formal ang report ni Louie kahit na binabasa niya lang ang meaning ng customer segment...



SIR LQ: A definition copied almost word for word from Marketing Management by Kotler, but correct in essentials...



Napayuko naman si Louie...


SIR LQ: Ok... Flow on with the reporting!



At habang nagpapatuloy ang report nina Lyndon, patuloy rin ang mga tanong at sita sa kanila ni Sir LQ....



Nang matapos ang reporting... Nangaral si Sir LQ sa kanila...


SIR LQ: Class, when you are doing a report, do it thoroughly. Hindi lang dahil hindi mo part eh hindi mo na babasahin. As much as possible, read widely the chapters assigned to you. At pag-aralan maigi. Dahil I will check kung talagang inaral niyo ang report. That's when the real tough learning occurs!



At dinismiss na sila ni Sir LQ....


RIONA: Ok lang yan, guys. Kahit paano nairaos niyo reporting niyo. Di hamak na mas maganda kesa sa report nina Mafalda last week...


LYNDON: Hay, Riona. Ang taas talaga ng standards ni Sir LQ... di ko maabot...


RIONA: Magpatangkad ka muna kasi, Lyndon.. para maabot mo! Hehehe...


SOPHEYA: Next time kasi ayusin niyo na talaga reporting ah! Lam niyo naman pag kay Sir LQ... pag basura reporting niyo.. naku "LQ" talaga ang drama niyo sa klase...daig pa ang LQ ng magsyota... hehehe..


LOUIE: Nga pala, Phey. Salamat sa pagtext mo sa akin ng tungkol sa customer segments... Malaking tulong. Sobra...


SOPHEYA: Wala yun, Louie. Nasasayangan naman kasi ako sa porma niyo kung agad kayong pauupuin ni Sir LQ dahil di niyo alam yung ibang report niyo. So tinulungan ko na kayo... hehehe...


CHRIS: Tara, groupmates. Sabay-sabay na tayong pumunta ng CR...


LYNDON: Bakit, tol?


CHRIS: Magbanlaw na tayo... Masyado tayong nasabon sa reporting ngayon eh! :p


Dismayadong lumabas si Lyndon ng classroom... dahil alam niyang nagmukha na naman siyang "loser" sa harap ni Helena... kasama pa nito ang boyfriend na si Albert...



LYNDON: Semplang na nga ako sa reporting sa BM 170... semplang pa ko sa love life! Huhuhu...


Nagpunta ng LRC (Learning Resouce Center) sina Lyndon at Louie para mag-laptop. Inilabas ni Louie ang laptop niya...



LYNDON: Louie, pa-O2 Jam naman. Saglit lang...pampatanggal lang ng stress. Danang BM 170 yan...



LOUIE: Oh, sige, tol. Ikaw muna...



In-open na ni Lyndon ang larong 02 Jam.*


* Ang O2 Jam ay laro na para kang nagpi-piano. Kaya lang keyboard gamit mo at may anim na keys lang na pipindutin...



Pagka-open ni Lyndon ng O2 Jam ay siya namang pagpasok nina Helena at Albert sa LRC...


ALBERT: Ooohh. Nandito rin pala ang mga LR!


LOUIE: LR?! Ano yun?


ALBERT: E di Loser Reporters... Kahit kailan talaga kayo, sa lahat ng bagay, loser kayo. Basketball nga lang di niyo ko matalo...



At napansin ni Albert na naglalaro si Lyndon ng O2 Jam...



ALBERT: Oh? Lyndon. Naglalaro ka pala nyan. Lagi ka sigurong talo dyan nuh? hahaha... Ang weak naman ng nilalaro mong tugtog...


LYNDON: Weak ba? Maglaban nga tayo. Puro ka naman ngawa eh! Wala ka namang gawa!



Hindi makatingin si Lyndon kina Albert at Helena dahil nagseselos siya sa dalawa. Nanatili ang mata niya sa screen ng laptop...



ALBERT: Hinahamon mo ba ako? Sandali lang nga...



At may nakitang freshie na lalake si Albert na nagla-laptop...



ALBERT: Hoy, bata. May O2 Jam ba dyan sa laptop mo?


FRESHIE BOY: Opo, Kuya..


ALBERT: Alis ka muna. May kakalabanin lang akong kutong-lupa rito!



At basta-basta na lang tinulak ni Albert ang freshie na lalake. Wala namang nagawa ang freshie...



HELENA: Albert! Ano ba?! Stop bullying the freshie!


ALBERT: Hel! Hindi ko binu-bully 'tong bata ah! Kusa niyang pinahiram sa akin 'tong laptop niya! Di ba, boy?


FRESHIE BOY: Ah.. eh.. Sige na po... (takot ito)


ALBERT: Hel, panoorin mo ko kung pano ko durugin sa O2 Jam 'tong kutong-lupa na Lyndon na 'to. Hindi mo ba napapansin na matagal ka nang kursunada ng dwendeng ito?!


Dun lang napatingin si Lyndon kina Albert at Helena. Di akalain ni Lyndon na sasabihin ni Albert ang ganun...


Namula sa kahihiyan si Lyndon... alam na ngayon ni Helena ang nararamdaman niya... ang pagsinta niya... ang lihim niyang pag-ibig... na itinago niya mula nung high school pa lang siya...


Iniwas naman agad ni Lyndon ang tingin kay Helena... at umakto na parang di-apektado...



LYNDON: Tapos ka na ba sa speech mo? Tama na ang satsat. Nag-iinit na ko sa laban! Let's get it on! Ikaw na rin pumili ng kanta... baka sabihin mo unfair ako..


ALBERT: Ah.. ganun. Sige. Pipili ako ng kanta na akma sa level mo. Alam ko namang Level 0.5 ka pa lang.. hahahaha



At pumuli na ng kanta si Albert... Nahalata naman ni Louie na parang galit na si Lyndon...



LOUIE: Tol... tandaan mo. Keyboard yan ah... Hindi typewriter! Hinay-hinay lang sa pagpindot... :)



"Cannon" ang piniling kanta ni Albert...



ALBERT: Handa ka na bang matalo ulit sa akin, boy?


LYNDON: Ang weak ng pinili mong kanta. Kaya ko 'tong tugtugin kahit nakapikit pa ko!


ALBERT: Tignan lang natin kung maipanalo ka ng yabang mo!


Magkahalong kaba at kilig ang nararamdaman ni Lyndon. Kaba dahil alam na ni Helena ang lihim na pagtingin niya... at kilig dahil si Helena ang nagsisilbing inspirasyon niya ngayong inaangasan siya ni Albert...



At nagsimula na silang maglaban. Nanonood na halos lahat sa kanila sa LRC...



Dahil likas na magaling naman mag-piano si Lyndon, easy-easy lang sa kanya ang paglalaro ng O2 Jam... masyado pang madali ang piniling pyesa ni Albert kaya...


LYNDON: Dana... nakaka-boring naman 'tong tugtog na 'to. Walang thrill.... :)


At tinotoo nga ni Lyndon na nakapikit pa siya habang tinutugtog ang Cannon... Samantalang mali-mali na ang keys na napipindot ni Albert....



At sa kalagitnaan ng laro, naging "itlog" na or dead si Albert sa laro samantalang full combo si Lyndon at wala pang mintis...





Pikon na pikon si Albert nang matapos ang laro...at galit na binalingan niya ang freshie boy



Nakapikit pa rin si Lyndon nang pindutin niya ang mga huling nota ng keyboard... Namangha naman ang mga nanonood sa kanya...



ALBERT: Dana! Sira yung keyboard mo kaya natalo ako! Dyan ka na!


FRESHIE BOY: Kuya, kalalaro ko lang kanina ng O2 Jam. At sa pagkakaalam ko, lahat naman ng keys ko gumagana.. :p



At binalingan niya si Lyndon...



ALBERT: Pasalamat ka at medyo pinapasma lang mga daliri ko ngayon kaya ka nanalo! Di pa tayo tapos. Magtutuos pa tayo!


LYNDON: Anytime, sir! Call ako! :p


ALBERT: At pwede ba, wag na wag ka nang magpapakitang gilas sa Helena ko! Dahil kahit anong gawin mo... wala siyang pakialam sa'yo! Tara na, Helena! Madwende pa tayo dito!



At agad na lumabas ng LRC si Albert. Nanatili namang nakatayo si Helena...



Nagkatinginan sina Helena at Lyndon... napalunok si Lyndon at namula... paano'y naiilang na siya ngayong alam na ni Helena ang lihim niyang pagtingin...



HELENA: Lyndon, you are great... Ang galing mo..



At lumabas ng LRC si Helena...


Sinundan ni Lyndon ng tingin si Helena.


Ito ang moment na hinding-hindi malilimutan ni Lyndon... lalo na ang mga katagang namutawi mula sa mapupulang labi ng pinakamamahal niyang si Helena na animo'y musikang bumulong sa puso niya...


"Lyndon, you are great... Ang galing mo.."


Kahit na maliit lamang si Lyndon, feeling niya ay siya ang pinakamatangkad na tao nung mga oras na yun....


I'm that star up in the sky
I'm that mountain peak up high
I made it
I'm the world' s greatest...


And I'm that little bit of hope
When my backs against the ropes
I can feel it mmm
I'm the world's greatest....



TO BE CONTINUED...











1 comment: