Saturday, November 7, 2009

Episode 12: Yellow Shirt Day


MAGSUOT NG DILAW SA BIYERNES, AGOSTO 7, 2009

Bilang pagpupugay sa yumaong ina ng demokrasya

SALAMAT, PRES. CORY!



Sinunod ng halos lahat ng UPEPP students ang panukala na ito ng isang political fraternity sa UPEPP.



Nagkita sa parking lot ng UPEPP sina Lyndon at Louie...



LOUIE: Oh, Don, ba't nakadilaw ka ngayon?


LYNDON: Siyempre, Cory ako ngayon eh...


LOUIE: Oh, bat dilaw din yung bag mo?


LYNDON: Siyempre, Cory ako ngayon eh...


LOUIE: Oh, ba't dilaw din yang sumbrero mo?


LYNDON: Siyempre, Cory ako ngayon eh...


LOUIE: Ah.. kaya pala pati ngipin mo dilaw na din... :p


LYNDON: Bugok! Oh, ikaw naman, Louie. Ba't naman yellow din pati mga mata mo?


LOUIE: Siyempre, Cory din ako eh!


LYNDON: Cory ka dyan! Nakputa! Hepatitis na yan! :p


Pumasok sila sa class nila sa Math 101 kung saan nagle-lesson sila about sa kurtosis... halos lahat ay naka-yellow na damit…


SIR ALMARIO: The usual estimator of the population kurtosis is G2, defined as follows…


At tahimik na nagso-solve si Sir Almario sa blackboard…. Yellow din ang gamit na chalk ni Sir Almario sa pagsusulat sa blackboard… :p


At nagulat na lang ang lahat ng estudyante nang mapuno na ang board ng solutions na di man lang nila maintindihan…



 \begin{align} G_2 & = \frac{k_4}{k_{2}^2} \\ & = \frac{n^2\,((n+1)\,m_4 - 3\,(n-1)\,m_{2}^2)}{(n-1)\,(n-2)\,(n-3)} \; \frac{(n-1)^2}{n^2\,m_{2}^2} \\ & = \frac{n-1}{(n-2)\,(n-3)} \left( (n+1)\,\frac{m_4}{m_{2}^2} - 3\,(n-1) \right) \\ & = \frac{n-1}{(n-2) (n-3)} \left( (n+1)\,g_2 + 6 \right) \\ & = \frac{(n+1)\,n\,(n-1)}{(n-2)\,(n-3)} \; \frac{\sum_{i=1}^n (x_i - \bar{x})^4}{\left(\sum_{i=1}^n (x_i - \bar{x})^2\right)^2} - 3\,\frac{(n-1)^2}{(n-2)\,(n-3)} \\ & = \frac{(n+1)\,n}{(n-1)\,(n-2)\,(n-3)} \; \frac{\sum_{i=1}^n (x_i - \bar{x})^4}{k_{2}^2} - 3\,\frac{(n-1)^2}{(n-2) (n-3)} \end{align}



CHRIS: Sir, paano niyo po nakuha yang equation na yan?


Ngunit hindi narinig ni Sir Almario ang tanong ni Chris…


SIR ALMARIO: So, do you get the idea now, class?


BABE 3A: Nooo!!!!!!!


SIR ALMARIO: Ok, let’s move on to the next problem…


Nag-alburuto na rin pati mga ibang estudyante…


LOUIE: Sir! Paano niyo po nakuha yan?! Di niyo naman po pinaliwanag. Sinolve nyo lang mag-isa…


SIR ALMARIO: Ay naku, Mr. Espiritu! Madali lang yang problem na yan! Kaya niyo nang intindihin yan! :p


LOUIE: Ay, hayop!


Nakireklamo din ang ibang estudyante… pero…


SIR ALMARIO: Ok, let’s move on to the next problem…


At nagsulat ulit si Sir Almario ng problem sa board…



SIR ALMARIO: Oh, ito madali lang ‘to. This is a simple and short problem…


Magsisimula na sanang mag-solve si Sir Almario sa board nang bigla siyang natigilan at napatitig sa problem…



Sabay banat si Sir Almario ng…


SIR ALMARIO: Ay, sige, class. This problem will serve na lang as your assignment… Alam niyo na naman yan.. I know you got the idea now, class… ;p


LYNDON: Hay, Sir. I got the idea now na kaya mo pina-assignment na lang ang problem at dahil di mo rin kayang sagutan! Hayop!


Mabuti na lang at di narinig ni Sir Almario ang sinabi ni Lyndon… dahil si Sir Almario ay may pagka-bingi… :p


*************


Sa Econ 121: Money, Banking, and Finance naman nila, nag-discuss si Sir Duron ng tungkol kay Cory Aquino din...


SIR DURON: Since today we are honoring one of the most loved president of our country, it is my duty, as a man who experience the so-called “Cory Magic,” to impart to the younger generation like you. Most of you here are born on the year…?


BABE 3A: 1990…


SIR DURON: Yeah. Mga bata pa kayo nung namahala si Cory. Mga wala pa kayong muwang nun…


Nagtaas si Helena ng kamay…


SIR DURON: Yes, Miss Sarmiento?


HELENA: Sir, do you believe in Cory Magic? Did it work?


SIR DURON: That’s a good question, Miss Sarmiento.


Napangiti si Helena dahil sa puri na iyon sa kanya ni Sir Duron.


CHRIS: Magaling pala yang Helena mo, Lyndon ah…


LYNDON: Kaya ko siya lalong minamahal eh. Pinapahanga niya ko lalo.. ;p


Nagpaliwanag si Sir Duron…


SIR DURON: Some critics and historians abound that the Cory Aquino Magic is Camelot-like in that it was only for a brief, shining, fleeting moment. After which, it was gone. To a significant extent, this is accurate. Such magic was extremely strong from the time she declared her candidacy for President in early December 1985 up to about 1987 or 1988, at which point military and political challenges to her leadership began surfacing one after the other.


LYNDON: Sir? Are you pertaining to the coup attempts that Gringo Honasan led?


SIR DURON: Yes, Mr. Punzalan. But Honasan’s coup attempt is only one of the many attempts to destabilize the Aquino government…


LOUIE: Nice, Don! Pa-bibo kid ka rin ngayon ah!


LYNDON: Naman, Lou. Pogi points din yan.. ehehe..


Nagpatuloy si Sir Duron…


SIR DURON: Her Presidency was not perfect. There were seven bloody coup attempts against her, the last one in 1989 almost toppling her if not for the US planes that flew over the capital. There were charges of suppression of dissent by the silencing of opponents and militants, non-prosecution of Marcos cronies, public falling out with her vice president, the Mendiola Massacre of hapless protesting farmers near the presidential palace, the kid-glove treatment of the Marcos family, and various allegations of human rights abuses.



LYNDON: Sir… why is that these events your saying were… were… ano… hindi masyadong naitatala or madalas, hindi na naitatala sa history books ng Pilipinas?


LYNDON: Dana! Naubusan ako ng English! Hindi tuloy masyado sigurong impress sa akin si Helena..



SIR DURON: Nice observation, Mr. Punzalan. Most historians just wrote what they want to write. At lahat ng historians, gustong ipa-perceive to the younger generation that Cory is a good president and want to instill the Cory Magic to the generations to come… Kaya hindi nila isinulat ang mga sinabi kong coup attempts and the Mendiola Massacre which I think most of you just know it just now…



CHRIS: Dana, Lyndon! Ganyan ba talaga nagagawa ng inspired?

LYNDON: :)



SIR DURON: Moreover, by late 1988 and early 1989, she was perceived by the press to be weak in leadership style and too exemplary in delegation. She couldn’t even speak publicly on national or administration issues with any specificity, and often delegated those chores to underlings. At that point, the honeymoon was over and magic had almost dissipated.



Si Albert naman, sa kagustuhang talbugan si Lyndon, ay nagbigay din ng kuro-kuro…


ALBERT: So, sir, you mean that this so-called Cory Magic is all illusion?


SIR DURON: I do not think so, Mr. Del Rosario…


LYNDON: Ehehehe… pahiya ka ngayon, boy. Sasabat ka pa kasi..


SIR DURON: One thing about the Cory Aquino Magic is that it comes then it goes, but it resurfaces again when the time is ripe. This magic or influence is not necessarily about her accomplishments during her 1986-1992 term though. It’s more of the fact that she successfully led the opposition to victory against the ailing dictator, that she became the symbol of people power revolutions which arguably inspired anti-Communism and anti-dictator movements in Europe, and that she consistently portrayed simplicity and values. She also resisted any attempt to trifle with the constitutional ban on an incumbent President from running again.


Nagpatuloy pa si Sir Duron…


SIR DURON: Her magic was useless and in fact a liability when she tried to use it to campaign for the retention of the US bases in 1991. It was successful to an extent when she anointed General Fidel Ramos as her successor in 1992. It was effective when she helped push out the actor-President Joseph Estrada from power in 2001. But it lacked the strength when she tried to use it to oust sitting President Arroyo due to allegations of corruption and cheating.


Napapatango naman ang BABE 3A…


SIR DURON: The only thing certain about it is that it’s presently here and there’s a resurgence of interest. Maybe it can inspire people to change their old, selfish, and perverted ways. Maybe it can re-awaken nationalism and infuse an acceptable level of competence in politicians. Maybe it can serve as a measure when deciding who to vote for in 2010. These are a lot of maybes.


At may pinakitang chart si Sir Duron na ipino-project sa wall ng LCD projector…


SIR DURON: Yet class, in economic matters, I can say that Cory Aquino is the Filipino’s best investment….


At ibinaling ni Sir Duron ang tingin sa chart… Tumingin naman ang klase sa chart…


SIR DURON: The impact and the consequence of the People Power revolution on the Philippine economy and society were comparable to the end of WW II. With the success of the bloodless revolution, we became the toast of the world community socially and economically, promptly bringing foreign aid, trade and investment. From a shrinking economy in 1984 and 1985, when our GDP decreased by 10 percent each year, the economy posted a growth of 1.9 percent in 1986, with just a few months of Cory as President.


At itinuro ni Sir Duron sa chart ang sinasabi niyang GDP rate na nagco-compare sa 1985 at 1986 GDP rate…


SIR DURON: The GDP posted a 5.9 percent growth in 1987 and 6.7 percent growth in 1988. The Philippine stock market which was trading less than one million pesos a day, surge to atrading volume of 100 million pesos a day right weeks after the revolution and fall of Marcos.


Nagpalit ang chart at naging chart ito na nagpapakita ng “shares” ng iba’t-ibang kumpanya…


SIR DURON: Moreover, six months after Cory assumed the Presidency, PLDT, San Miguel, Ayala, and Philex shares prices had increased by 100 percent up to 350 percent. The economy could even have performed better then, if not for the misguided adventurism of some military people who wanted to grab power for themselves, and scared off local and foreign investments.


At doon lang namulat ang third year Business Economics students na may malaki rin palang naitulong si Cory sa kung ano ang kalagayan ng ekonomiya ng ating bansa ngayon…


Tuwang-tuwa naman si Lyndon… dahil alam niya na kahit paano ay napa-impress niya si Helena sa klase nilang iyon…


At nailampaso niya ang mahangin na si Albert…


At dahil sa tuwa... nasambit ni Lyndon...


LYNDON: Salamat po, Tita Cory. Dahil sa inyo, alam kong malapit na'ng ma-in love sa akin si Helena... :p


**************


Pagkatapos ng klase, lumabas ng parking lot ng UPEPP sina Lyndon at Louie para magpunta sa canteen...


Papunta na sila ng canteen nang biglang tumunog ang alarm ng isang kotse sa parking lot. Nabangga kasi ito ng isang estudyante habang naglalakad ito papunta sa sarili nitong kotse...




LYNDON: Ooopsss. Teka lang... nag-alarm yung kotse ko... Tignan mo nga oh, nakiki-Cory din ang kotse ko.. :p



Kulay dilaw kasi na Lamborghini car ang kotse...




Kinuha ni Lyndon ang cellphone niya at kunwaring ginamit iyon sa pagpatay ng alarm ng kotse...



Pero siyempre, hindi namamatay yung alarm ng kotse....


TINNNIINNNN---TINIIIINNN-TINNIIIN--- EEENKKK- ENNNKKK- ENNNKK-- TOOOOOT----TOOOOTTTT----TOOOOTTTT---



LOUIE: Oh, tol. Ba't ayaw mamatay? Akala ko ba kotse mo yan? :p


LYNDON: Ah.. eh.. mahina na 'tong battery 'eh.. :p (sabay bahagyang pukpok sa cellphone niya para kuno lumakas yung battery.. :p )



At inulit ulit ni Lyndon na "patayin" kuno ang alarm ng kotse gamit ang cellphone niya...


At laking gulat nila nang mamatay nga ang alarm pagkapindot ni Lyndon sa cellphone niya...


Nagkatinginan sina Lyndon at Louie dahil sa gulat... at nag-high five sila sa isa't-isa...



LOUIE: Ang galing mo, tol! Idol!


LYNDON: Sabi ko sa'yo eh! Kotse ko yan! Ayan pa yung pinakapanget sa mga limangdaan kong kotse...


ALBERT: Uy! Mga lupang trebalak! (Uy mga mukhang bubuli*) *bubuli-malaking butiki



Napatingin sina Lyndon at Louie sa likod. Nasa likod pala nila si Albert at kasama nito si Helena. May hawak na susi ng kotse si Albert..



ALBERT: Hoy, dwende... tsaka baluga. Kahit kailan talaga mga talunan kayo! Pati ba naman kotse ko inaangkin niyo! Tabi nga!



At tinulak ni Albert sina Lyndon at Louie palayo dahilan para matumba si Lyndon sa sahig...



ALBERT: Ikaw na duwende ka! Tantanan mo na pagpapapansin sa girlfriend ko ah! Kung makaasta ka kanina sa Econ 121 natin akala mo alam mo lahat! Talunan ka naman! (dinuduro-duro niya si Lyndon)


HELENA: Albert! Tama na! Wag kang mageskandalo dito...



Pinagtitinginan na rin ng ibang estudyante ang nagaganap.


At pumasok si Albert sa kotse niya. Sumunod naman si Helena...


Galit na galit si Lyndon na tumayo sa sahig at akmang susugurin sana si Albert sa kotse nito nang bigla siyang hawakan sa likod ni Louie para pigilan ito....



LOUIE: Don! Tama na!


LYNDON: Bitawan mo ko! Putanaydanang Albert eh! Feeling gwapo, looking kwago naman...



Napalingon si Helena kina Lyndon. Nagpupumiglas si Lyndon sa hawak ni Louie.


Lumabas naman bigla si Albert mula sa kotse na galit din...



ALBERT: Hoy, bansot! Anong sinabi mo.. ha?!


Pasugod din si Albert kay Lyndon pero pinigilan ito ni Helena...



HELENA: Albert! Stop!


ALBERT: Tuturuan ko lang ng leksyon 'tong bansot na'to!



Pero bahagyang tinulak ni Helena si Albert papasok ng kotse...



HELENA: Get inside the car! Ako nang bahala...



Sinara ni Helena ang pinto ng kotse ni Albert at pinuntahan sina Lyndon...


Hindi na nag-atempt na kumalas si Lyndon sa hawak ni Louie nang lapitan na sila ni Helena...



HELENA: You’re Lyndon, right?

Kahit na galit na galit na si Lyndon, di niya pa rin maiwasan na mapansin ang kagandahan ni Helena... dahilan para mapakalma siya..


Tumango na lang si Lyndon…


HELENA: And as far as I know… you like me…


Napayuko si Lyndon at napa-blush...


HELENA: Lyndon... para sa ikatatahimik ng lahat… tantanan mo na kami ni Albert. I know you like me and you seek my attention, but sorry to disappoint you… I do not like you and never will I. Kaya sana, wag ka na sanang umasa pa…


Yun lang at tinalikuran ni Helena sina Lyndon at Louie at sumakay na sa kotseng dilaw ni Albert...


Pinaharurot ni Albert ang kotse palayo ng UPEPP...


LOUIE: Lyndon... tol...


Hindi na alam ni Louie ang sasabihin sa na-busted na kaibigan...



LYNDON: Tama ka nga sa sinabi mo noon, Louie. Mas malakas si Albert sa akin... Wala akong panama sa kanya... sa lahat ng bagay siya ang lamang. Siya na gwapo, siya na matalino... siya na mayaman... Loser nga ako... loser sa lahat ng bagay... loser sa talento.. loser sa height.. loser nung high school.. loser hanggang college... pati kay Helena... loser pa ko...



LOUIE: Tol... wag mo masyadong i-degrade ang sarili mo...



LYNDON: Sana nakinig na lang ako sa inyo ni Chris... sana noon pa man kinalimutan ko na si Helena... Napaka-loser ko talaga...


At napatingin si Lyndon sa malaking tarpaulin ni Cory Aquino na naka-sabit sa labas ng canteen...


Sa sobrang sama ng loob na nararamdaman ni Lyndon, na-imagine niya na nag-form ang "Laban" sign ni Cory ng "Lyndon Loser..."





LYNDON: Waaaahhhhhhh!!!!!!!!!!!! Tignan mo.. pati si Cory sinasabi na kung gaano ako ka-loser... waahhhh!!!!!



TO BE CONTINUED...





3 comments:

  1. " Cory will be forever in our hearts and minds! Her greatness will be forever be remembered by the Filipinos... "

    ReplyDelete
  2. REFERENCES:

    Almendras, R. (2009, August 13). Cory Aquino - The Filipinos' Best Investment. The Philippine Star. Retrieved from http://www.philstar.com/Article.aspx?articleid=495571


    Osi, C. (2009, August 14). The Cory Aquino Magic. Inquirer.net . Retrieved from http://globalnation.inquirer.net/viewpoints/viewpoints/view/20090814-220297/The-Cory-Aquino-Magic




    SALAMAT PO SA CORY AQUINO ARTICLES. NAKATULONG PO NANG MALAKI SA EPISODE NA ITO! :)

    ReplyDelete
  3. PICTURES:

    * Cory Aquino image. Illustration by Anita Kunz for Time Magazine. Retrieved from http://whateverbakesyourcake.wordpress.com/2009/08/05/goodbye-madame-president/
    ("Lyndon Loser" was only added by the author for the story purposes)


    * Lamborghini Murcielago image. Courtesy of New Luxury Items.com . Retrieved from http://www.newluxuryitems.com/most-expensive-cars-in-the-world-9-lamborghini-murcielago.html


    * Kurtosis equations. In Wikipedia . Retrieved from http://en.wikipedia.org/wiki/Kurtosis

    ReplyDelete