Friday, March 12, 2010

Episode 17: Thriller Bus





Dahil sa ginawang pangyuyurak nina Mafalda, Marietta, at Jaden sa image nina Helena at Albert, pinatawan sila ng director ng UPEPP ng parusang...




MAFALDA: Kamatayan!? I can't believe this!




MARIETTA: Mrs. Director, we just did a prank but then you will sentenced us to death as if we did something big! It's.. it's terrible!




Nasa director's office sina Mafalda, Marietta at ang boyfriend nitong si Jaden.




DIRECTOR: Anong kamatayan ang pinagsasasabi niyo riyan mga hija? Community service lang ang parusa ko sa inyo at hindi kamatayan. Maswerte pa kayo at mababaw na parusa lang ang ipinataw ko sa inyo. Ang ginawa niyo kasi kay Miss Helena Sarmiento ay grounds for expulsion..




MAFALDA: Ma'am.. sa iginawad niyong parusa sa amin... para niyo na rin kaming pinatay....(drama effect)




JADEN: Ano pong klaseng community service ang gagawin namin?




DIRECTOR: Good question, Mr. De Guzman. Let me give you a clue.... sabihin na lang natin na pinagbakasyon ko ang lahat ng janitors ng ating unibersidad....




**************




SEPTEMBER 26, 2009: SATURDAY; UPEPP Campus; 9:00 AM




Sakay ng kanyang kotse, nadatnan niyang nagwawalis ng mga nagkalat na mga dahon sa parking lot si Marietta gamit ang walis tingting. Papasok pa lang ng UPEPP si Helena.




Kaya, pinaharurot ni Helena nang bahagya ang kanyang kotse papasok ng parking lot dahilan upang liparin ang mga naipon nang dahon ni Marietta...




Galit na galit na tinignan ni Marietta ang kotseng nagdaan. Pagka-park ni Helena ng kanyang kotse ay bumaba siya. Sinalubong siya ni Marietta na galit na galit.




MARIETTA: Nananadya ka bang talagang babae ka? Kita na ngang naglilinis ang tao, kinalat mo pa!




HELENA: Oh, I'm sorry Marietta. Hindi ko nakita kasing may taong naglilinis. Akala ko... "baboy" ang naglilinis....




Lalong nainis si Marietta. Mataba kasi ito.




MARIETTA: Kung baboy ako sa paningin mo, pwes mas baboy ka naman sa pag-uugali. Look at you. Naglilinis ako pero kung di ka man lang bastos ay kinalat mo ang mga nilinis ko...




HELENA: You should be the one who should look at yourself. Mas kababuyan ang ginawa niyo nung YO night. Imagine wrecking my self-image to the whole UPEPP community. Come on, Marietta. Who do you think ang mas baboy sa atin?!




Magsasalita pa sana si Marietta pero pinigilan agad ito ni Helena...




HELENA: By the way, ang ganda ng teamwork niyo ng bestfriend mong si Mafalda. In fairness, malinis ang parking lot ng UPEPP...




MARIETTA: Bulag ka rin pala nuh? Wala naman si Mafalda rito...




Kinuha ni Helena ang walis tingting na hawak ni Marietta at iniharap ito kay Marietta....




HELENA: Ay, walis tingting pala 'to. Akala ko kasi si Mafalda ito... hawig kasi sila... :)




Yun lang at nilayasan na ni Helena ang nanggagalaiting si Marietta sabay bitaw sa walis-tingting.




Pagkaalis ni Helena ay sinimulan ulit ni Marietta na walisin ang mga nagkalat na mga dahon. Hirap na hirap siya sa pagwawalis kaya nang maipon na niya ang mga dahon ay laking tuwa niya.




Pero pagkaipon niya ng mga dahon ay saka umihip ang malakas na hangin at nilipad ang mga dahon na naipon ni Marietta kaya banas na banas ito. May malaki pang dahon na nilipad at dumikit sa mukha niya...




At bumuhos ang isang malakas na ulan...




**********




Samantala, na-assign na mag-mop ng lobby si Jaden. Hiyang-hiya siya habang pinagtitinginan siya ng mga estudyanteng nagdadaan.




Banas na banas siya sa tuwing nagma-mop siya ay siya namang dadaan ang mga estudyante at tatapakan ang mi-nop niyang sahig...




Kaya laking pasasalamat niya nang sa tingin niya ay malinis na ang sahig ng lobby. Magliligpit na sana siya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan at nagsipasukan ang mga estudyante na putikan ang mga sapatos...




At siya namang pagdaan ng director...




DIRECTOR: Mr. Jaden De Guzman. Hindi ka pa maaaring umalis. Tignan mo oh! Ang dumi-dumi pa ng sahig. Naglinis ka bang talaga?!




JADEN: Pero Ma'am..




DIRECTOR: No buts! Just do what you're told.




JADEN: Dana!




********************


Pagka-park ni Helena ng kotse niya ay bumuhos ang malakas na ulan.




HELENA: Damn! I forgot to bring an umbrella...




Tinignan ni Helena ang oras sa orasan ng kotse niya. 12:15. Late na siya ng 15 minutes sa klase niya kay Sir LQ...




Kaya nagmadaling lumabas ng kotse niya si Helena at patakbong pumasok ng building ng unibersidad...




Sa pagmamadali ni Helena, hindi niya namalayan na nalimutan niyang patayin ang engine ng kotse niya...




************




Pagpasok ni Helena sa classroom nila, pinag-uusapan ng klase ang community service na ginagawa ngayon nina Marietta, Mafalda, at Jaden...




GIRL 1: Deserve lang nila yun. Nakakahiya kaya para kay Helena at kay Papa Albert yun... pahiyain sila nang ganun..




GIRL 2: Oo nga eh... for sure... mas maganda naman ang katawan ni Papa Albert kesa dun sa naka-photoshop.. Swerte talaga ni Helena nuh... she is seeing "the real thing" as she pleased.


Lihim na napangiti si Helena sa narinig na usapan ng mga ka-block niyang babae. Heart throb talaga ang boyfriend niyang si Albert...


HELENA: Of course, I'm seeing "the real thing."




Nilapitan niya si Chelsea.




CHELSEA: Si Albert di mo kasama?




HELENA: Tinatamad pumasok.... as usual...




CHELSEA: Speaking of pasok... Pir, we don't have classes. Kaka-text lang ni Sir LQ...




HELENA: Ano? Hindi makakapasok ngayon si Sir LQ? Ba't naman di siya nagpasabi agad... Sayang lang ang pinunta ko ngayon. Ito lang ang klase ko....




CHELSEA: Wala tayong magagawa... Late na siya nag-text na nagsasabing canceled ang klase ngayon...




ROSCELLE: Oo nga... ang lakas pamu ng bagyo oh...




RIONA: Bakit? May bagyo pala ngayon?




SOPHEYA: Oo... Ondoy ata yung pangalan. Kagabi ko lang nabalitaan...




Samantala, nagja-jamming naman ang mga lalake sa kabilang side ng classroom. Si Louie ang nagigitara. Hallelujah ng Bamboo ang kinakanta nila...




CHRIS: ♫ Anong balita sa radyo at TV? ♫


LYNDON: E di Ondoy... ehehehe...


RAMON: ♫ Ganun pa rin. Kumakapa sa dilim. ♫


LYNDON: Brown-out kasi sa amin eh. Talagang kailangang mangapa sa dilim. :0)


ANGELO: ♫ Minsan naisip ko na umalis na lang dito. ♫


LYNDON: Eh baha na eh... kelangan nang mag-evacuate.. ehehehe.




At nagtawanan ang lahat...




LOUIE: Dahil kasagsagan ng Ondoy ngayon, knock-knock...


MGA LALAKE: Who's there?


LOUIE: Ondoy....


MGA LALAKE: Ondoy who...


LOUIE: Ahem... ahem... Ondooooooooyyyyyyyyyy... will always love you--ohhhh... Will always love you--hooooh-uhuu-ohhh!

CHRIS: Ladies and Gentlemen Mr. Blackey Houston... ahahahaha..


Nagtawanan naman ang lahat ng nakarinig sa joke nina Louie at Chris...




LYNDON: Knock-knock-an pala ng Ondoy ang usapan 'ah. Sige, knock-knock...


MGA LALAKE: Who's there...


LYNDON: Ondoy...


MGA LALAKE: Ondoy who...


LYNDON: ♫ Ondoy wings of love up and above the clouds the only way to fly is Ondoy wings of love.. ♫




Kahit alam nilang corny ang mga knock-knock nila, tawanan pa rin sila...


Dahil nga walang klase, nagsimula nang magsiuwian ang lahat.


Dahil walang payong si Helena, naisipan niyang manghiram ng payong sa gwardiya ng UPEPP...




HELENA: Chief, peram naman po ng payong. Balik ko rin mamaya..


CHIEF: San ka ba pupunta, Miss?


HELENA: Sa kotse ko lang po. Idadaan ko na lang dito yung payong pagkapaandar ko ng kotse...


CHIEF: Eh, ganun ba? Ihatid na lang kita sa kotse mo. Ako na magpapayong sa'yo...


HELENA: Ganun po ba? Sige po, salamat po...




At pinayungan nga ng gwardiya si Helena hanggang makarating siya sa kotse niya. Ang di alam ni Helena, crush siya ng gwardiya kaya siya hinatid nito...


Nang marating ang kotse, kinapa ni Helena ang bulsa para sa susi niya. Kinabahan siya nang wala siyang makapa. Hinanap niya rin ang susi sa hand bag na dala niya pero wala rin ang susi doon...




CHIEF: Miss, may problema ba?




Tinungo ni Helena ang kotse niya at nakita mula sa bintana na nakasaksak pa sa engine ang susi. Dali-daling binuksan ni Helena ang pinto ng kotse niya at pumasok siya para i-check kung may nawalang gamit.




HELENA: Salamat naman at wala namang nawala...




At napatingin siya sa fuel gauge ng kotse niya. At nagulat siya nang makitang "empty" na ito... At dun napagtanto ni Helena na nalimutan niyang patayin ang engine ng kotse niya kanina...


HELENA: Damn it!


Kinausap niya yung guwardiya...


HELENA: Chief, may alam po ba kayong towing truck dito?


CHIEF: Naku, Miss. Sa may Plaridel, Angeles pa yung alam kong towing. Tsaka sa lakas ng ulan ngayon, mukhang malabong pumunta yun dito. Mag-commute ka na lang, Miss. Ako na bahala magbantay sa kotse mo. Taga-san ka ba?


Di na nakasagot pa si Helena. Sa halip ay nagkulong siya sa kotse niya at tinawagan ang asawa ng kanyang Tita Tess na si Tito Tonio niya sa cellphone para magpasundo na lang sana...


"The subscriber cannot be reach. Please try again later... The subscriber cannot be reach. Please try again later..."


Pati ang kay Tita Tess niya ay out of coverage area rin ang cellphone...


Tinawagan niya rin ang boyfriend niyang si Albert. Inaantok pa ito nang sagutin ang tawag...


ALBERT: Ano? Magpapasundo ka sa akin?!


HELENA: Oo sana...


ALBERT: Hel, magcommute ka na lang. Matatagalan pa bago ako makarating dyan. Tsaka wala akong gas ngayon.


HELENA: Ang dami mo pang palusot. Kung ayaw mo wag mo!


At galit na in-end ni Helena ang call.


Kaya no choice na si Helena kundi ang mag-commute...


********************


Nagulat sina Lyndon, Louie at Chris nang makita si Helena sa SM City Clark terminal ng L300 commuter van papuntang San Fernando.


CHRIS: Tol, ot atiu ya keni itang tau mu? Maka-kotse ya palagi, di ba? (Tol, ba't nandito yung girlfriend mo? Naka-kotse palagi yan, di ba?)


LYNDON: Tau ka ken! (Girlfriend ka dyan! Mula ngayon, wala na kong kilalang Helena.)


LOUIE: Josko! Ala kano! Tapos pota magdrama-drama ka kekami, sabyanan mu lugud me pa rin y Helena... (Naku, wala raw. Tapos mamaya magdadrama ka sa amin, sasabihin mo mahal mo pa rin si Helena.)


LYNDON: Ali na ngeni. Migbayu na ku... Bisa ku na talaga ya akalinwan. For real... (Hindi na ngayon. Nagbago na ko. Gusto ko na talaga siyang kalimutan.)


CHRIS: Ok. Sabi mo 'yan ah...


Maraming mga pasaherong nag-aabang sa pila ngunit kaunti ang mga L300 na dumadating dahil sa bagyo. Kaya laking tuwa nina Lyndon nang sila na ang nasa unahan ng linya ng mga pasahero..


Kaya nga lamang...


BARKER: Oh, dalawa na lang! Dalawa na lang!


Sina Louie at Chris ang dalwang pinakaharap sa linya... kaya...


CHRIS: Sige, Lyndon boy! Una na kami sa'yo...


LYNDON: Dana! Ala namang iwanan....


LOUIE: Tol, walang iwanan tapos iiwan mo mag-isa si Helena mo. Sige, ikaw na bahala sa kanya!


CHRIS: Babayu, Lyndon boy!


At sumakay na nga sina Louie at Chris sa L300 commuter van. Pang-asar pang kumakaway-kaway sina Chris at Louie habang tumutulak paalis ang van...


LYNDON: Kahit kailan talaga 'tong mga kolokoys na yun...


Kinausap ni Lyndon ang barker...


LYNDON: Kong, nanong oras pa wari datang itang susunod a van? (Kuya, anong oras pa ba darating yung susunod na van?)


BARKER: Malwat pa, iho. Masikan kasi itang muran. Masakit magbiyahi king NLEX. Atin pang albug king San Fernando. (Matagal pa, iho. Malakas kasi yung ulan. Mahirap magbiyahe sa NLEX. May baha pa sa San Fernando.)




Nabanas si Lyndon. Gustong-gusto na niyang maka-uwi. Gusto na niyang makaalis... at iyon ay dahil kay Helena...




Mixed emotions ang nadarama ni Lyndon ngayong nasa iisang lugar sila ni Helena. Si Helena, ang babaeng naging sanhi ng kaligayahan at kapighatian ni Lyndon. Matagal na siyang sinasabihan nina Louie at Chris na kalimutan na niya si Helena pero pilit pa rin niyang minamahal si Helena...




Ngayong pilit na niyang kinakalimutan si Helena ay nanunukso yata ang tadhana ay lalo pa silang pinaglalapit ng pagkakataon...




********************


First time ni Helena na mag-commute kaya medyo kinakabahan siya. Natatakot siya sa mga psoibleng mangyari sa kanya: madukutan ng wallet, ma-snatchan ng cellphone at mahilahan ng hikaw....




At ang pinakagrabe niyang iniisip ay maaksidente. Ang tingin niya kasi sa mga driver ay barumbado...




Nababagot na rin si Helena sa tagal ng usad ng pila....




At napansin niyang naglalakad na si Lyndon palayo sa pila at papasok ulit ng SM Clark...




HELENA: San naman pupunta 'tong Lyndon na 'to?




At sa di malamang dahilan, kumalas din si Helena sa pila at sinundan si Lyndon...




Tatawagin sana ni Helena si Lyndon nang naalala niya ang nasabi rito dati...




HELENA: I do not like you and never will I. Kaya sana, wag ka na sanang umasa pa…




Kaya nag-alangan si Helena kung tatawagin at susundan niya pa si Lyndon... pero sa huli ay naisipan niyang sundan na lang ito nang palihim...




Habang naglalakad, bigla namang napalingon si Lyndon. Para mapagtakpan na hindi niya sinusundan si Lyndon, nagpanggap si Helena na tumitingin si Helena sa perfume stand...




Nakakadama ng kaba si Helena habang kinakausap ang owner ng perfume stand...




HELENA: Miss, magkano po itong Afficionado? Mabango po siya, infairness. I like the smell. (inamoy pa ni Helena ang tester) Ito yung pabango kong palaging ginagamit. Natu-turn on kasi ang boyfriend ko sa pabango kong ito.




OWNER: Miss, uhm.. kasi, mas mabuti siguro kung boyfriend mo na lang pagamitin mo niyan. Panlalake kasi 'yang pabango na 'yan.. :)




Napakagat-labi na lang si Helena sa pagkapahiya...




Tinignan ulit ni Helena si Lyndon. Hindi na ito nakatingin at naglalakad na ito palayo. Kaya nagmadali si Helena na sundan si Lyndon...




At lumingon ulit si Lyndon. Dahil malapit sa stand ng Magic Pop Rice si Helena, ang nagpapa-free taste naman ng pop rice ang kinausap "kuno" ni Helena...




TINDERA: Free taste po ng pop rice, Ma'am, Sir. Kuha na po kayo. Free taste po! Pop Rice! Pop Rice!




Kumukuha-kuha si Helena ng pop rice habang kinakausap ang tindera...




HELENA: Alam mo, Miss. (kuha ulit ng pop rice) Favorite ko talaga itong pop rice. (kuha ulit ng pop rice sabay kain) Dati nung nasa Japan ako nung bata ako, ito ang madalas kong kainin na dessert (lamutak ulit ng pop rice, medyo naiinis na yung tindera) Di ba, Japanese snack ito, Miss?




TINDERA: Miss, pwedeng namang bumili kung nasarapan ka. Tsaka Korean snack po ito... :)




Strike 2 sa pagkapahiya si Helena...




HELENA: Ah, eh... Bakit? Hindi ba kayo updated na nag-import na ang Japan ng Pop Rice mula sa Korea? Kaya hindi siguro kumikita itong shop niyo. Hndi naman masarap yung Pop Rice niyo di tulad ng natikman ko sa China mula nung bata pa ko...




TINDERA: Miss, san ka ba talaga galing? China o Japan?!




HELENA: The hell do you care kung saan ako galing o san man galing 'tong Pop Rice na 'to? Japan, China, o Korea, eh pare-pareho namang singkit yung mga yon?! Magsara na nga kayo. Di naman masarap Pop Rice niyo...




Pero naubos na ni Helena ang isang tray ng pop rice na pang-free taste.




Nagsimula na siyang umalis sa stand ng pop rice. Nilinga ni Helena ang paligid ngunit di na niya makita si Lyndon...




HELENA: Saan na nagsuot yung lalakeng yun? Damn, I lost him.




Bigla na lang may narinig si Helena na may kumausap sa tindera ng pop rice... at nabosesan niya ang kumakausap.




LYNDON: Alam mo, Miss, favorite ng friend ko 'tong pop rice eh (kumuha rin siya sa tray na hawak ng tindera).
Dati nung nasa Japan daw yung friend kong yun nung bata pa siya, ito raw ang madalas niyang kainin na dessert. Japanese snack ito raw 'to sabi ng friend ko 'eh.



TINDERA: Sir, siguro friend mo yung naunang babae sa'yo rito kanina. Korean snack po ito... :)


LYNDON: Ah, talaga? Sabi nga pala ng friend ko,
nag-import na ang Japan ng Pop Rice mula sa Korea. Na-misinterpret ko ata sinabi niya... Pasensya ka na, Miss. Sige...


At tinalikuran na ni Lyndon ang tindera. Pagkatalikod niya, bumakas sa mukha niya ang pagkagulat nang makita si Helena na nasa likuran lang pala niya...


LYNDON: Oooh.. What ka co-accident! Miss, ito pala yung sinasabi ko sa inyong friend ko na mahilig sa Pop Rice na made in Japan daw na nakain niya sa China nung bata pa siya..


Ngiti na lang ang tinugon ng tindera. Nginitian din ni Lyndon ang tindera. At naglakad na si Lyndon palayo ng pop rice stand na hindi man lang pinapansin si Helena...


Kaya napilitan na si Helena na kausapin na si Lyndon. Hinabol niya ito...


HELENA: Lyndon...


Tumigil si Lyndon at naabutan siya ni Helena...


LYNDON: Sinusundan mo ba ako? Kanina ko pa napapansin na parang sinusundan mo ako...


HELENA: Excuse me? Me, stalking you? Hello, eh yung pupuntahan ko kasi eh dito ang daan. I have a date with Albert at sa Sbarro ang tagpuan namin which is dito ang daanan. At paano kita susundan eh hindi nga kita nakikita. Ngayon lang kita nakita...


Nagulat si Helena na nakapagsabi siya ng ganung kasinungalingan...


LYNDON: Ah ganun ba? Okay. Sige, una na ko sa'yo, Helena. Uuwi na ko. Bye. Ingat ka...


At akmang aalis na si Lyndon nang pigilan siya ulit ni Helena...


HELENA: Lyndon...


LYNDON: Ano na naman, Helena?


HELENA: Di ba dito ang sakayan pa-San Fernando? (at tinuro ni Helena ang direksyon ng terminal kung saan sila nag-aabang kanina)


LYNDON: May iba akong alam na sasakyan. Sige na, Helena. Mauna na ko sa'yo. Baka ma-late ka pa sa date niyo ni Albert...


Akmang aalis na naman ulit si Lyndon nang...


HELENA: Lyndon...


Nababanas na si Lyndon...


LYNDON: Ano na naman?


HELENA: Ah... eh...


Biglang nilagay ni Helena sa tenga niya ang cellphone at may kinausap sa cellphone..


HELENA: Hello? Albert? Oh, yes. Nandito na ko sa Sbarro. Ano? Di ka na makakarating sa date natin? Ok.. Ok lang. Sige, uwi na lang ako. Bye. Love you...


At binaba na ni Helena ang cellphone...


HELENA: Canceled ang date namin ni Albert. That damn guy!


LYNDON: Ganun? Sige... umuwi ka na lang at baka lumakas pa ang ulan mamaya. Sige mauuna na ko sa iyo. Bye...


HELENA: Hindi mo man lang ba ako aalukin man lang na sabay na tayo sa pag-uwi?!!


Natigilan si Lyndon at napatingin kay Helena. Hindi naman akalain ni Helena na masasabi niya iyon kay Lyndon...


LYNDON: Ayun! Ayun naman pala ang gusto mong ipunto e di sana kanina mo pa sinabi...


HELENA: Ang hina mo kasi maka-gets. You're so slow...


LYNDON: Ah, ako pang slow eh, nuh. Sige, maghanap ka ng ibang kasabay...


HELENA: Lyndon, I'm just joking. Ano ka ba... Sabay na tayo...


LYNDON: Oo na. Sige. Umalis na tayo rito at baka maabutan pa tayo ng ulan...


Hindi mapakali si Lyndon habang nasa jeep sila ni Helena papunta ng terminal ng Dau.


LYNDON: Ba't nga kaya hindi naka-kotse ngayon si Helena? Kanina naman pagpasok eh naka-kotse siya.... at bakit niya ko siunusundan kanina pa sa SM. Kahit ikaila niya alam kong sinusundan niya ako. Hindi kaya... Hindi! Imposibleng gusto niya ako. Ayokong mag-assume. Sinabihan na niya ako noon pa na hindi na niya ako magugustuhan.


HELENA: Siguro nagtataka ngayon si Lyndon kung bakit hindi ako nakakotse. At alam kong halata niya na sinusundan ko siya sa SM kanina. At siguro iniisip niya na may gusto ako sa kanya. Teka... hindi naman siguro siya maga-assume. Alam ni Lyndon na imposibleng magustuhan ko siya. Sinabihan ko na siya noon na hindi ko siya magugustuhan...


Nanatiling tahimik sa isa't-isa sina Lyndon at Helena sa jeep....


Nang nasa Dau Terminal na sila ay tinanong din nila ang barker na nagpapasakay din papuntang San Fernando...

Pinapayungan ni Lyndon si Helena habang naglalakad papunta sa terminal pagkababa sa jeep. Nang marating na nila ang terminal...


LYNDON: Manong, magbiyahi pa kayu ngeni?


BARKER: Josko, iho. E na kami magpasake ngeni. Ala nang drayber a buring mibalik. Ma-traffic king NLEX na kanu...


HELENA: Anong sabi?


Dun lang naalala ni Lyndon na hindi pala nakakaintindi ng Kapampangan si Helena...


LYNDON: Wala na raw bumibyaheng L300 ngayon kasi traffic na sa NLEX...


HELENA: Ano? Paano na tayo niyan makakauwi?!!


Binalingan ulit ni Lyndon ang barker...


LYNDON: Coy, ala na waring aliwang sakean pamuntang San Fernando?


HELENA: Pwedeng mag-Tagalog kayo, please?


Ngumiwi na lang si Lyndon sa inasal ni Helena at tinagalog na lang ang barker...


LYNDON: Manong, may iba pa po bang sakayan pa-San Fernando?


BARKER: Meron pa, iho. Kaya lang maghanda na kayong makita si Bro! :))


Itinuro ng barker ang isang pila ng mga bus sa di kalayuan. Maraming mga tao rin ang nakapila pero mabilis ang pag-usad ng pila dahil marami namang bus na nakaabang...


HELENA: OMG! Is this what they called 'killer bus'? Baka isang ihip lang ng hangin niyan eh tumba na tayo sa NLEX...


Alam ni Lyndon na nandidiri si Helena sa itsura ng bus. Maliit lang kasi ito at open-air o yung mga bukas ang bintana. Medyo marumi rin at kung titignan ay parang "prone to accident" ang bus na ito. Lalo na at bumabagyo...




KUNDOKTOR: Oh, biyaheng San Fernando! Aalis na! Ah, San Fernando!
Ah, San Fernando!
Ah, San Fernando!
Ah, San Fernando!
Ah, San Fernando!
Ah, San Fernando!
Ah, San Fernando!
Ah, San Fernando! {repeat till fade.. :)}


LYNDON: Boss, San Fernando po?


KUNDOKTOR: !!!


Napakamot na lang ng ulo si Lyndon... :)


HELENA: Are we going to ride in that bus?


LYNDON: Helena, wala na tayong choice. Basta ako OK na sa akin 'to. Sasakay na ako makauwi lang... Hindi man 'to air-con na tulad ng gusto mo... air-continious naman 'to.. :))


HELENA: Eeewww...


LYNDON: Eewww ka riyan. Helena, wag mo na ngang dalhin yang pagiging "laking aircon" attitude mo. Kaya kung ayaw mong sumakay, maiwan ka dyan...


At akmang aakyat na ng bus si Lyndon...


HELENA: Lyndon sandali...


At nagulat si Lyndon nang biglang hinawakan ni Helena ang kamay niya. Natigilan si Lyndon at napatingin kay Helena...


HELENA: Wag mo naman akong iwanan dito...


At lalong diniinan ni Helena ang hawak sa kamay ni Lyndon na ikinapula ng mukha ni Lyndon...


Bago pa tuluyang kiligin si Lyndon, siya na ang kumalas sa pagkakahawak ni Helena...


HELENA: Ba't namumula ka yata? (may himig pang-aasar ito.)


LYNDON: Ako namumula? Ah.. eh.. kasi kwan.. Baka may A(H1N1) ako. Di ba ayaw mo mahawaan nun? Kaya wag mong hawakan kamay ko...


At bumalik sa alaala nila ang pagkikita nila sa Cabalintian Road sa Bacolor nang masiraan si Helena ng kotse...


LYNDON: Ano ba? Nag-aantay yung bus. Sasakay ka ba o sasakay?


HELENA: Oo na po. Sasakay na po. Binigyan mo kasi ako ng choice eh.. :))


LYNDON: Wag mong hawakan kamay ko.


At minabuti ni Helena na bitawan na ang kamay ni Lyndon…


Kaya ayaw magpahawak ni Lyndon ng kamay ay dahil baka bumugso na naman ang pinipigilang nararamdaman para kay Helena... Gusto na niya itong kalimutan...


Sikipan sa buong bus dahil sa dami ng pasaherong nakasakay. Buti na lang at nakaupo sila sa may upuan dahil ang mga huling pasahero ay nakatayo na. Nasa bandang bintana nakaupo si Helena…


Uncomfortable si Helena sa bus dahil sa sikipan at halu-halong amoy ng mga tao.


Umandar na ang bus. At dahil medyo bukas ang bintana ng bus, naranasan ni Helena ang sinasabi ni Lyndon na ‘air-continuous.’


Ngunit sa pagtagal ng biyahe, sinara ni Lyndon ang bintana dahil nababasa sila dahil sa ulan…


First time sumakay ni Helena sa tinatawag niyang “thriller bus” at talagang nati-thrill siya sa pag-usad ng bus na ito.


May mga panahon na parang tumatagilid ang bus at feeling ni Helena na tutumba ito…


HELENA: Panginoon ko, if this would be my last day on earth… please give one more day to live… please…


Init na init naman si Lyndon sa loob ng bus dahil halos lahat na ng mga bintana ng bus ay sarado…


At napatingin siya kay Helena sa tabi niya na nakapikit ang mga mata marahil sa sobrang takot…


At sa pagtingin niya kay Helena, kakaibang init ang nadama ng katawan niya na hindi dulot ng nakasarang mga bintana ng bus.. :)


Kung anong init naman na nadarama ni Lyndon ay siya namang lamig ang nadarama ni Helena. Lamig dahil sa takot na nadarama niya sa pagsakay sa thriller bus…



Tahimik sila sa bus kaya minabuti na ni Lyndon na kausapin si Helena...


LYNDON: Helena, ba't nga pala hindi mo gamit ang kotse mo ngayon? Kanina nung pumasok ka ayun ang dala mo ah...


Bumuntong-hininga si Helena...


HELENA: Naiwan ko palang bukas ang engine ng kotse ko kaya nawalan ako ng gas...


LYNDON: (pabulong) Kamulalan... (Katangahan)


HELENA: Ano? May sinabi ka?


LYNDON: Wala.. sabi ko maganda ka nga bingi ka naman...


HELENA: Ah, anong bingi ako?! Ang hina kasi ng boses mo. Boses ipis ka kasi kaya hindi ko narinig!


LYNDON: Ako, boses-ipis? At kailan pa nagsalita ang ipis?! Bago yun ah!


HELENA: Ayan oh, kausap ko na ngayon ang ipis na nagsasalita…


LYNDON: At least gwapong ipis naman… :)


Nawalan ng ibabanat si Helena. At napatingin siya kay Lyndon. At naalala ni Helena ang usapan nila ni Chelsea nung YO!


CHELSEA: Pir, yung ka-block nating si Lyndon Punzalan oh. Tinitignan ka ata... :)


HELENA: I know right.


CHELSEA: Hindi mo ba talaga siya type, pir? Ehehehe..


HELENA: For heaven's sake, pir. With that height of his...


CHELSEA: Pero, pir, alam mo... medyo gumwapo siya ngayong gabi ah. Maliit nga lang.. ehehehe..


Napatitig siya kay Lyndon na nakatingin din sa kanya. Di man niya aminin sa sarili niya, dun lang niya na-realize na maitsura si Lyndon. Ibang-iba sa Lyndon na pine-perceive niya noon na maliit, mukhang totoy, at underdog....


LYNDON: Oh, ba't ganyan ka makatitig sa akin? May dumi ba ko sa mukha?


Dun lang bumalik sa katinuan si Helena...


HELENA: Ah.. eh.. Wala. Naisip ko lang na ang mga nagsasalitang ipis mo ay pwedeng pagkakitaan sa perya. Hahaha... La Naval Festival pa naman na sa Bacolor sa November. May perya nun sigurado.


At nagtawanan sina Lyndon at Helena at nag-asaran. Helena found out that napa-kenkoy at masayang kausap si Lyndon.


At hindi rin siya makapaniwala na nakakapag-joke din siya kay Lyndon. Lyndon is easy and fun to talk with....


Nawala ang takot ni Helena habang kausap si Lyndon sa thriller bus. At hinihiling niya, sana hindi na matapos itong
thrilling ride of her lifetime with Lyndon...


Kaya di-maipaliwanag na panghihinayang ang nadama ni Helena nang makarating na sila sa SM City San Fernando.


Pagkababa nila ng bus...


LYNDON: Hay salamat! Nakababa na rin! Ang init sobra sa bus. Oh ayan, siguro naman, Helena, masaya ka na at tapos na ang biyahe natin sa thriller bus...


HELENA: Hindi...


Nagtaka si Lyndon...


LYNDON: Hindi?!


Nagulat si Helena na nasabi niya pala iyon...


HELENA: Hindi ka nagkakamali...


Pero sa loob-loob ni Helena, she wishes the ride with Lyndon would go on as long as she wishes...


LYNDON: Malakas pa ang ulan. Helena, gusto mo magpatila muna tayo ng ulan sa Starbucks sa SM San Fernando?


Nginitian ni Helena si Lyndon bilang senyas ng pagpayag...


Parehong Mocha Frappe ang inorder nila sa Starbucks... Tahimik sila habang iniinom ang kapeng inorder sa isang table...


Si Helena na ang bumasag ng katahimikan...


HELENA: Lyndon... about nga pala sa nasabi ko sa'yo dati... yung... hindi kita magugustuhan...


Napatigil si Lyndon sa pagsipsip ng Frappe niya at napatingin kay Helena...


Hindi alam ni Helena kung paano sisimulan ang sasabihin...


HELENA: Kasi... I didn't mean to... I just... There's just... I don't know.... uhm... ah... I just want to say sorry sa nasabi kong iyon.
Alam kong galit ka sa akin dahil sa nasabi ko sa'yo noon na hindi kita magugustuhan... na binasted kita kahit di ka pa man lang nanliligaw sa akin. At gusto kong manghingi ng sorry dahil dun...


Matagal bago nakasagot si Lyndon...


LYNDON: Wala kang kasalanan dun. Di mo kasalanan na di ako magustuhan. Di naman kasi heart throb at gwapo tulad ng boyfriend mong si Albert....


HELENA: That's not my point, Lyndon. Ang point ko eh nasabihan kita ng masama that had hurt your ego. And I blame myself for that...


LYNDON: Hindi lang naman ego ko ang nasaktan ko... pati puso ko sinaktan mo nun...


Natigilan si Helena...


LYNDON: But you know what, OK na ako. Naka-move on na ko dun. I don't love you anymore.


Tagos sa puso ni Helena ang pagkakasabi na iyon ni Lyndon...


HELENA: Kaya pala parang malamig na ang pagtrato sa akin ni Lyndon ngayon... na parang napipilitan lang siya na samahan ako. Now I understand...


LYNDON: Wag kang mag-alala,
Helena. Don't worry about me. Hindi naman ako bitter. In fact, masaya ako para sa inyo ni Albert. Mas bagay kayo at sino naman ako kumpara sa kanya di ba? Imposible talagang magustuhan mo ako...


Hindi alam ni Helena ang isasagot...


Tumayo bigla si Lyndon...


LYNDON: Helena, sige mauna na ko sa'yo. Medyo tumitila na naman ang ulan. Kailangan ko nang umuwi agad kasi...


Tumango lang si Helena. Hindi na sila nagsalita pa sa isa't isa. Tumalikod na si Lyndon at lumabas na ng Starbucks...


Sinundan ni Helena ng tingin ang paglisan ni Lyndon. At sa paglisan na iyon ni Lyndon, kasama nitong lumisan ang mga ngiti na dating iniuukol ni Lyndon sa kanya na noon ay di niya pinapansin...


Ang una't at sa tingin ni Helena ay ang huling magandang alaalang iniwan sa kanya ni Lyndon ay ang pagsasama nila sa thriller bus kanina...


HELENA: Lyndon has moved on sa akin. He learn to let me go. I'm out of his life. I'm glad.


And Helena tried to mean it.


**************

Paglabas ni Lyndon sa Strabucks ay halos baha na ang daan. Nagdalawang isip pa siya kung itutuloy niya pa ang pag-alis o babalikan si Helena sa loob ng coffee shop...


Pumwesto si Lyndon sa hindi makikita ni Helena... Marami-rami na ring mga taong stranded dahil sa baha at lakas ng ulan...


Naglakad-lakad pa si Lyndon at napansin niya sa teminal na wala nang jeep na bumibyahe papuntang Bacolor o kung saan man...


At kumakapal na rin ang bilang ng mga taong stranded....


Nilingon ni Lyndon muli ang Starbucks. Dahil sa layo niya ay di na niya maaninag kung andun pa si Helena...


LYNDON: Mestranded ku.... king puso nang Helena... (Stranded ako... sa puso ni Helena)


Mahal niya pa rin si Helena... pero kung itutuloy niya pa ang pag-ibig dito, masasaktan lang siya. He
don't want to love Helena any more.


Tulad ng sinasabi sa kanya nina Louie at Chris, he should stop loving Helena,
somehow, before he let himself destroyed...


TO BE CONTINUED...


Next Episode:

Previous Episode: Episode 16: Controversy




1 comment:

  1. AUTHOR'S NOTE:

    Sa wakas! After 3 MONTHS of HIATUS MODE ng blog na ito ay may bago nang episode!


    Maraming dahilan kung bakit natagalan ang paga-update ng blog na ito:

    1.) FARMVILLE
    2.) Ginawan ng novel version ang blog na ito para ipasa sa publishing house (na nareturn din sa akin.. huhuhu)
    3.) Nabusy sa pag-aaral. Nahirapan mag-isip ng katuloy... UNINSPIRED sa lovelife.. ahahha


    Ayun sana subaybayan niyo ulit ito.


    SECOND EPISODE ITO NA NATAPOS AT NA-PUBLISH SA PAMPANGA...

    FIRST EPISODE na na-publish ko GAMIT ANG WIFI ng APARTMENT namin.. ahahahha :)

    Ayun, enjoy reading!

    ReplyDelete