Saturday, August 13, 2011

PUBLISHED NOVELS by the Author


NOVEL:
POLBO AT JOBOS


AUTHOR: Helena Sarmiento
PUBLISHER: Tibok ng Puso
Date Published: August 2011
Available at: Divisoria Mall; UP Consumers' Cooperative; and other book stalls nationwide

TEASER:
Inis na inis si Diana nang malamang sa Sitio Monicayo, isang remote Aeta village, sila magko-conduct ng kanilang klase ng kanilang immersion program para sa kanilang NSTP o National Service Training Program for ten days na required sa bawat college students. May-ari ng isang resort ang kanyang ama at di siya sanay sa ganoong hirap ng buhay.

Nabadtrip pa sa kanya si MJ, ang binatang anak ng pamilyang Aeta na kanyang tinutuluyan dahil sa panlalait na ginawa ni Diana sa Sitio Monicayo. Humingi ng tawad si Diana kay MJ at nangako siya na susubukang makibagay sa mga Aeta. Ngunit hindi nakumbinsi ang binata na kaya niyang makibagay sa mga Aeta. Ngunit nagawang makisalamuha ni Diana sa mga Aeta para patunayan kay MJ na mali ito sa inaakala nito sa kanya.

At doon umusbong ang matamis na pag-iibigan ng dalawa. Sa sampung araw na pananatili ni Diana sa Sitio Monicayo ay unti-unti siyang binago ng pag-iibigan nila ni MJ.
Ngunit hindi smooth sailing ang kanilang relasyon dahil tutol ang ina ni MJ sa kanilang relasyon dahil sa agwat ng estado nila sa buhay. Mayaman at unat si Diana samantalang mahirap lamang at isang Aeta si MJ. Isa pa, may ibang babaeng gusto ang ina ni MJ para ikasal sa anak.

Hanggang saan nila kayang ipaglaban ang kanilang pag-iibigang tinututulan ng marami? At makatulong kaya ang jobos at polbo upang matanggap ng kanilang pamilya ang kanilang pag-iibigan?


NOVEL: LOVE BEYOND WORDS

AUTHOR: Helena Sarmiento
PUBLISHER: Tibok ng Puso
Date Published: August 2011
Available at: Divisoria Mall; UP Consumers' Cooperative; and other book stalls nationwide

TEASER:
Hindi alam ni Pamela kung bakit hindi siya pinapansin ng kaklase niyang si Timothy nang makatabi niya ito ng upuan noong unang araw ng klase nila. Maganda naman siya, galing sa prominente at sikat na pamilya, walang putok at mabango naman ang hininga niya. Dahil sa pandedeadma na ginagawa sa kanya ni Timothy ay nainis siya rito.

Ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso ay mayroon siyang natatanging pagtingin sa suplado ngunit gwapong si Timothy. At nakaramdam pa siya ng di-maipaliwanag na selos nang tignan niya ang Facebook account ni Timothy at makitang may kahawak-kamay itong babae sa isang larawan.
Bakit nga ba hindi siya pinapansin ni Timothy at sino ang babaeng kasama nito sa larawan?

For more information about the novels and the publisher, visit http://tibokbooks.blogspot.com/2011_07_01_archive.html

No comments:

Post a Comment