Klase ng third year Business Economics students sa Math 101: Statistics. Under sila ni Prof. Almario...
Nagtatawag ng attendance si Sir Almario...
PROF. ALMARIO: Miss Hilina Sarmintu!
HELENA: Ako ba yung tawag?
CHELSEA: Yis, frin! :p
HELENA: Sir, present!
Bisaya kasi si Sir Almario kaya may konting "slang" ang pagtatawag niya sa mga pangalan ng estudyante... :p
PROF. ALMARIO: Where's Mister Jiriku Dila Cruz?
JERICO: Sir, present!
PROF. ALMARIO: Miss Chilsi Lacsun?
CHELSEA: Present, sir!
PROF. ALMARIO: Miss Rayuma Salyut?
RIONA: I'm here, Sir! Ginawa niyo pang sakit ang pangalan ko.. :p
PROF. ALMARIO: Miss Sopheya Garcia? Are you der?
SOPHEYA: Yes, sir..
"Sopheya" talaga ang name ng kaklase nilang ito. Hindi siya "slang" ni Sir Almario gaya ng inaakala mo.. Akala mo ah... hehehe...
PROF. ALMARIO: Mr. Lindun Ponzalan?
LYNDON: Present, sir!
PROF. ALMARIO: Mr. Lowee Espiritu? Are you here!
Si Louie ang tinatawag ni Sir Almario pero hanggang ngayon ay wala pa rin ito sa classroom...
LYNDON: Dana. Louie. Saan ka na...
PROF. ALMARIO: Mr. Lowee Espiritu! Nanditu ka na ba? Espiritu, magparamdam ka ba!* :p
* Tumawa ka, nag-joke si Sir Almario dito... slow ka pag di mo na-gets yung joke.. hahaha :p
Nakita ni Lyndon na papasok na ng pinto ng classroom si Louie....
LYNDON: Sir, andito na po si Espiritu... pagala-gala...* :p (maa-appreciate mo ang banat na ito ni Lyndon kung nakuha mo yung joke ni Sir Almario kanina.. heheehe)
LOUIE: Sir, prisint pu! :p
Umupo si Louie sa upuan sa pagitan nina Lyndon at Sopheya...
LYNDON: Bala ku e na ka lingub. Napano ka wari ? Ot ka mitawli? (Akala ko hindi ka na papasok. Napano ka ba? Ba't ka late?)
LOUIE: Mirasnan kung trapik king NLEX. Mibungguan la aduang kotsi karin. (Na-trapik ako sa NLEX. May nagbungguang dalawang kotse dun.)
LYNDON: Osimap e ka miyabe ketang aksidenti. (Buti naman at di ka nakasama sa aksidente.) Kundi... baka tuluyan ka na ngang naging "espiritu!" Hehehe.. :p
LOUIE: Murit! (Baliw!)
Napatingin naman si Louie sa katabing si Sopheya (Phey for short)...
LOUIE: Hello, Phey!
PHEY: Sobrang maranun ka ngeni, Louie ah.. hehehe (Sobrang maaga ka ngayon, Louie ah.. hehehe).
LOUIE: Makanta? Hehehe... (Ganun.. hehehe)
Nagngitian na lang sina Louie at Phey... At nagsimula na magklase si Sir Almario...
Pag nasa klase ka ni Prof. Almario, you're "in" for a wacky dose of laughing adventure.... Tulad nito:
PROF. ALMARIO: And our mu (μ) for this prublem is 0.0876...
Kopya naman ang lahat ng estudyante ng notes...
PROF. ALMARIO: Mr. Lindun Ponzalan! Do you know what a mu is?
Mabilis magsalita si Sir Almario at medyo ipit ang boses niya... :p
LYNDON: Sir, di ko po alam...
PROF. ALMARIO: Hindi mo alam, Mr. Lindun Ponzalan? How about you, Mr. Lowee Espiritu?!
LOUIE: Sir, di ko rin po alam...
PROF. ALMARIO: Hindi niyo alam ang mu?
Walang umimik sa klase...
PROF. ALMARIO: Mu is the sound created by a cat...
Matagal bago na-realize ng buong klase na nag-joke pala si Sir Almario... saka sila nagtawanan.. :p
May pinasagutang problem si Sir Almario sa kanilang lahat... After 30 minutes...
PROF. ALMARIO: Ok, class, pass yur pepers!
Huling nagpasa ng papel si Helena.... kaya nasa ibabaw ang paper niya nang kunin na ni Sir Almario ang papers.
PROF. ALMARIO: Miss Hilina Sarmintu, you write your answers on the board...
HELENA: Sir, decimal form or fraction form po ba isusulat ko?
PROF. ALMARIO: You write in "number" form...
Naguluhan si Helena sa instruction ni Sir Almario...
HELENA: Oho nga po, Sir. Ano nga pong form yung isusulat ko sa board? Decimal po ba or fraction form?
PROF. ALMARIO: Ay naku, day, Ang kulit ng lahi mo ba! I said, you write your answers in numbers...
HELENA: Ay, ambot sa imo, Sir!
Break time nina Lyndon at Louie. At naisipan nilang pumunta ng gym ng UPEPP. Kung saan naglalaro ang mga ka-block nilang iba ng basketball na sina Chris, Ramon, at Angelo.
CHRIS: Lyndon, Louie! Tara, basketball tayo!
Siyempre, si Lyndon... makakita lang ng bola... nangangati na ang kamay niyan para makapaglaro...
LYNDON: Oh, tara. At maghanda na kayo dahil papakainin ko kayo sa laban natin ng alikabok... :p
RAMON: Hanggang trash talk ka lang naman, Lyndon 'eh. Kami kakain ng alikabok? Ikaw nga alikabok ka kung maglaro! :p
LOUIE: O sige na. Tama na trash talk. Laro na tayo. Kaya lang pano yan. Lima lang tayo. Kulang ng isa...
ANGELO: Ayun oh. Si Albert! Sali natin! Albert!
Nasa Flintstones (tambayan ng mga walang org) malapit sa gym si Albert. Lumapit ito sa gym nang tawagin ni Angelo.
Medyo nanghina naman si Lyndon nang lumapit si Albert sa kanila. Ito ang ex-BF ni Helena nung nasa PHS pa sila. Aminado si Lyndon na magaling talaga maglaro ng basketball si Albert. Varsity player si Albert sa PHS kaya di hamak na mas magaling ito kesa sa kanya.
ALBERT: Ano yun, Angelo?
ANGELO: Tara, tol. Laro tayo. Three-on-three.
Nagkataong nagpunta rin sa Flintstones sina Helena at Chelsea. Lalong kinabahan si Lyndon...
Napangiti naman si Albert nang madatnan sa Flintstones ang papaupong sina Helena at Chelsea.
ALBERT: Tara! Game! Sali ako. (sabay ngisi)
LYNDON: Patay na!
CHRIS: Oh, sige. Kami nina Lyndon at Louie magkakampi....
RAMON: Sige, kami nina Angelo at Albert. Oh kayo una mag-miss...
Pinaubaya na nina Louie at Chris kay Lyndon ang pagmi-miss ng bola... Binulungan ni Louie si Lyndon bago i-shoot ang bola...
LOUIE: Lyndon, galingan mo pag-shoot ng bola. Andyan ang "inspiration" mo...
Napapaisip naman sa kaba si Lyndon...
LYNDON: Kaya ko 'to! Wag kang matataranta, Lyndon. Ikaw ang lalampaso ngayon kay Albert... sa harap pa mismo ni Helena... Mapapansin na ko ni Helena ngayon.. maiitsupwera naman ang kutong-lupang Albert na 'to...
Ngunit hindi na-shoot ni Lyndon ang bola kaya automatic na sa kabilang team na mapupunta ang bola pero...
ALBERT: Teka. Baka sabihin nyo unfair naman kung hindi kami magmi-miss. Relax muna kayo dyan...
At na-shoot ni Albert ang bola...
ALBERT: Oh, isa pa. Para sabihin nating hindi unfair...
Patalikod pa sa ring na shinoot ni Albert ang bola.. pero shoot pa rin ito...
Mangha naman ang lahat. Kahit si Lyndon ay di maiwasang mamangha kahit may konting inis siya kay Albert.
ALBERT: Oh, ano pang tinutunganga niyo dyan! Laban na!
At nagsimula na nga ang laban ng anim.
Hindi makagawa ng strategy at hindi naka-porma sina Lyndon, Louie, at Chris. Dehado sila sa team-up nina Albert, Angelo, at Ramon...
CHRIS: Dana! (sigaw niya nang maka-ilang beses nang hindi niya nare-rebound ang bola)
Ilang beses nang hindi nare-rebound ni Chris ang bola sa ilalim ng ring. Lagi siyang naba-box out nina Angelo at Ramon...
LOUIE: Bwiset! (bulalas naman niya nang sumablay na naman ang lay-up na ginagawa niya pag nare-rebound ang bola)
Laging pulpol ang nagagawang lay-up ni Louie sa ilalim ng ring. Minsan napapataas ang hagis ng bola... minsan pag minalas-malas ay sa likod pa ng ringboard napupunta ang bola. Pero ang pinakamalas ay nang masyado ulit napataas ang lay-up ni Louie ng bola kaya agad na bumagsak ang bola at tumalbog sa ulo niya...
LOUIE: Arrgh! (sabay hawak sa ulo niya)
ANGELO: Louie, hapon pa lang 'ah. Baka may nakikita ka nang mga stars nyan.. hehehe!
Sa nais naman ni Lyndon na magpasikat kay Helena, siya na ang madalas na tumao kay Albert.
LYNDON: Humanda ka ngayon sa akin, Albert boy! Pagmumukhain kita ngayong tanga kay Helena... Let's get it on!
Pero taliwas ang nangyari. Ilang beses na pinagmukhang tanga si Lyndon ni Albert na harap-harapan kung agawan niya ng bola si Lyndon...
ALBERT: Thanks for the ball, boy! (sabay ngisi kay Lyndon)
Halos lahat ng tira ni Albert ay swak na swak na pumapasok sa ring.... Magaling siyang magdala ng bola...
Samantala, effortless naman kung nasusupalpal ni Albert ang tira ni Lyndon. Maliit lamang kasi si Lyndon.. samantalang matangkad si Albert...
Nang masupalpal ulit ni Albert ang tira ni Lyndon...
LYNDON: Tsk!
ALBERT: Pinapasa mo ba sa akin ang bola? Hehehehe!
Sa Flintstones naman kung saan marami-rami na ring estudyante ang nakatambay...
CHELSEA: In fairness. Magaling talaga maglaro yang ex mong si Albert ng basketball... Para ngang nagpapasikat sa'yo oh!
HELENA: Pero sorry siya. Kahit anong pasikat niya, I don't give a damn care over that. Kalokohan niya, pagkatapos niya kong ipagpalit sa walis-tingting na Mafalda na yun three years ago, babalik-balikan niya ko. Ngek-ngek niya.
Sa gym naman, panalo ang team-up nina Albert-Angelo-Ramon sa iskor na 15-8. Bilang parusa sa natalong team...
ALBERT: Oy! Dapat may consequence sa natalong team! Hahahaa!
RAMON: Lusutan... lustan!
ANGELO: Lyndon! Anong sinasabi mo kanina? Pakakainin mo kami ng alikabok? Ngayon... I have two words for you: "Eat dust, Lyndon!"
LYNDON: Mulala! Three words yun!
RAMON: Oh tama na. Lusot na kayo sa amin.. hahahaha..
Gumawa ng isang linya sina Angelo, Ramon at Albert at ibinuka nang maluwag ang mga paa nila...
ALBERT: Oh.. ano pang hinihintay niyo, losers! Dapa! Luhod! Nganga bibig! Hehehe... joke lang.. :p
RAMON: Tama na ang joke! Lusot na!
Sa harap ng maraming estudyanteng nanonood sa kanila sa Flints, lumusot sa paanan ng tatlo sina Lyndon, Louie, at Chris.
Hiyang-hiya naman si Lyndon sa sarili... dahil ang plano niyang magpa-impress sa mahal niyang si Helena ay nauwi na naman sa isang pagkapahiya...
At ang ex-bf pa ni Helena na si Albert ang namahiya sa kanya... sa harap pa ni Helena...
Habang lumulusot si Lyndon, pakiramdam niya ay isa siyang fallen warrior na nalupig ng kalaban sa giyera ng pag-ibig...
TO BE CONTINUED...
Next Episode: Episode 5: Papa Cologne