Hindi mailarawang kirot sa puso ang nararamdaman ni Lyndon habang nakasakay sila nina Louie at Chris sa L300 na sasakyan na binabaybay ang NLEX papuntang San Fernando...
Ume-echo sa isipan ni Lyndon ang mga katagang binitiwan ni Helena na animo'y punyal na tumarak sa puso niya na ngayo'y nagdurugo na...
HELENA: I do not like you and never will I. Kaya sana, wag ka na sanang umasa pa…
Dahil sa alaalang iyon, napuno ng inis at galit ang naramdaman niya at gusto na niyang magwala...
Sa galit na nararamdaman, kinuha ni Lyndon ang cellphone niya at itinangkang ibato ito...
LYNDON: Aaaaaahhhh.... (at akmang ibabato na niya ang cellphone niya)
Ibabato na niya sana ang cellphone niya nang biglang...
I want nobody nobody but you! (*clap* *clap* *clap* *clap*). Nobody nobody but you! (*clap* *clap* *clap* *clap*) How can I be with another, I don't want any other. I want nobody nobody nobody nobody!
LYNDON: Dana naman! Galit na galit na ako eh! Nandun na ko sa climax ng galit ko eh!
Nakatingin na ang iba pang pasahero ng L300 kay Lyndon dahil nakataas pa ang kamay ni Lyndon at ang lakas ng ringtone niya na "Nobody"... :)
LOUIE: Don, atin ka waring plano ka bang daygan ding Wonder Girls kening L300 at wawagayway me pa yang cellphone mu a Nobody ing tigtig? :p (Don, meron ka bang plano na talbugan ang Wonder Girls dito sa L300 at iwinawagayway mo pa yang cellphone mo na Nobody ang tugtog?)
Dahil sa kahihiyan, binaba na ni Lyndon ang kamay niya at binasa ang text na natanggap...
MAMA CARMEN: {lyndon, anak, munta ka kening mcdo sm pampanga pagyari ning klase mu.} {lyndon, anak pumunta ka dito sa mcdo sm pampanga pagkatapos ng klase mo}
CHRIS: Oh, Lyndon, nino itang mig-text keka? (Sino yung nag-text sa'yo?)
LYNDON: (pakanta) Nobody... nobody but Mom! (*clap* *clap* *clap* *clap*). Nobody nobody but Mom! (*clap* *clap* *clap* *clap*)
CHRIS: Dana!
LOUIE: Bading na bading, Lyndon! Ahahaha!
Habang nagtatawanan silang tatlo, nagtataka naman si Lyndon...
LYNDON: Bakit naman kaya ako pinapapunta ng Mcdo ni Mama? May okasyon ba?
Bumaba silang tatlo sa babaan sa SM Pampanga at naghiwalay na sila ng landas...
Naiwan si Lyndon sa pinagbabaan sa kanila ng L300 sa SM. Papasok na sana si Lyndon nang biglang may nakita siyang matandang babae na may hawak na tungkod na parang patawid...
LYNDON: Kawawa naman yung matandang ale. Mukhang hindi siya makatawid...
Dahil likas na mabuti si Lyndon, nilapitan niya ang matanda, hinawakan ang kamay at itinawid sa kabilang side walk na papunta namang Robinson's Starmills...
Habang itinatawid ni Lyndon ang ale, isang imahinasyon ang gumuguhit sa isipan niya...
LYNDON: Buti na lang naging mabuti ako sa matandang 'to. Malay mo... nagbabalat-kayo lang ang matandang ito... at ang totoo ay isa pala siyang diwata na ginagantimpalaan ang mga mababait at gwapong tulad ko....
LYNDON'S IMAGINATION....
Naging isang magandang diwata ang matandang itinawid ni Lyndon at...
DIWATA: Dahil sa busilak ang iyong puso... isang kahilingan!
LYNDON: Isang kahilingan lang ang kuripot naman?! Teka... ano bang hihilingin ko? Maging gwapo ako? Wag na, redundant masyado.. gwapo na naman ako eh. ehehe. Uhm,...Ahhh... Alam ko na...
LYNDON: Ang isa kong kahilingan ay maging matangkad ako at mahalin ni Helena.... :)
LYNDON: Sana hindi nahalata ng diwata na two wishes na yun.. :p
At iwinagayway ng diwata ang magic wand niya at....
BACK TO REALITY...
Naging tungkod ang magic wand at ipinalo ito ng matandang babae kay Lyndon...
LYNDON: Aaarrraaayyy! Arrrraaayyy! Arrraaayyy!
Nakatawid na sina Lyndon at ang matandang babae. At pinapalo siya ng matandang babae ng tungkod nito...
LYNDON: Aaarray! Aaarray ko naman po! Ale, tama na po!
MATANDANG BABAE: Damuho kang bata ka!
Patuloy na umiilag si Lyndon sa mga palo ng matanda...
LYNDON: Ako pa po naging damuho eh kayo na nga po itong tinulungang tumawid!
MATANDANG BABAE: Eh damuho ka palang talaga eh! Tinulungan mo kong tumawid eh HINDI NAMAN AKO TATAWID!
At nagpatuloy ang matanda sa pagpalo kay Lyndon dahilan para iwanan na ni Lyndon ang matanda...
LYNDON: Dana! Ako na nga nagkawang-gawa, ako pa napasama! Malas naman ng araw na ito oh! Huhuhuhu! Na-basted na nga ako kay Helena, nabatuta pa ko ng matandang ukluban!
At nagtungo na sa Mcdo SM Pampanga si Lyndon para puntahan ang Mama Carmen niya...
At nagulat si Lyndon nang makita sa Mcdo ang buo niyang pamilya: ang Tatay Lando niya, si Mama Carmen, at ang ten years old niyang kapatid na si Clyde na naka-school uniform pa...
Pumasok ng Mcdo si Lyndon at nilapitan ang pamilya niya... Nagmano siya sa Papa at Mama niya...
MAMA CARMEN: Oh. Atiu na ka pala keni, Lyndon. Luklok na ka... (Oh, nandito ka na pala, Lyndon. Umupo ka na). Pinag-order ka na namin ng chicken spaghetti. Mangan na ka.. (Kumain ka na)
Umupo na si Lyndon pero di niya pa ginagalaw ang inorder na pagkain sa kanya...
LYNDON: Ma, nanong okasyon at atiu tamu kening Mcdo? (Ma, anong okasyon at nandito tayo sa Mcdo?)
Ngunit ang Tatay Lando na niya ang sumagot...
TATAY LANDO: Menyambut ya ing kapatad mu king extemporaneous speech da king iskwela... Champion ya... Kaya, megpapakan ku... (Nanalo yung kapatid mo sa extemporaneous speech nila sa eskwela. Champion siya. Kaya nagpakain ako.)
At hinawakan ni Tatay Lando ang ulo ni Clyde at hinawi-hawi ang buhok nito...
TATAY LANDO: Ang galing-galing talaga ng anak kong 'to. Di katulad ng kuya niya na walang ibang ginawa kundi magpipindot at magi-ingay!
MAMA CARMEN: Lando!
TATAY LANDO: Bakit, totoo naman ah!
Inis na inis na nga si Lyndon ngayong araw na ito dahil sa nangyari kay Helena ay dinagdagan pa ng Tatay Lando niya...
Gusto sanang mag-alburuto ni Lyndon sa pikon niya, pero isina-alang-alang niya na nasa public place sila kaya nagtimpi siya...
Sa halip, nagpatawa na lang siya...
LYNDON: Akala ko kaya tayo nag-Mcdo dahil kay Cory. Dilaw kasi 'tong Mcdo... :p
Nginitian na lang siya ng Mama niya at tawa naman nang tawa si Clyde....
TATAY LANDO: Kung wala ka rin lang masasabing matino, mabuti pa't manahimik ka na lang dyan at kumain! Nang makauwi na tayo agad! Patay na yung tao eh ginagawa pang katatawanan!
Napatahimik si Lyndon at natigil sa pagtawa si Clyde. Nagsimula nang kainin ni Lyndon ang chicken spaghetti niya....
At isang alaala ang gumunita sa isipan ni Lyndon...
... FLASHBACK ....
NOVEMBER 2000.... sampung taon pa lamang si Lyndon...
EMCEE: And the winner for the Regional Piano Competition for Central Luzon 2000 is....
Binuksan ng emcee ang envelope at nasorpresa ito nang mabasa ang resulta...
EMCEE: The winner is none other than... Lyndon James Punzalan!
Standing ovation ang mga manonood nang tanghaling nanalo si Lyndon.
EMCEE: I'm really really impressed by this kid. Even at his young age of ten, he played Fur Elise exquisitely and makes Beethoven come alive for us. Let's all give once again Lyndon James a big big applause...
Patuloy pa rin sa pagpalakpak ang mga tao... Ang ilan sa kanila ay mga kamag-aral at kalaro ni Lyndon...
Tumayo sina Lyndon at ang Mama Carmen niya sa kinauupuan nila.
MAMA CARMEN: Sige na, anak, mukyat na ka king stage. Kuwanan me itang award mu. Piktyuran da ka. (Sige na, anak, umakyat ka na sa stage. Kunin mo na yung award mo. Pipiktyuran kita.)
LYNDON: Ma, siyempre dapat kayabe da ka. Para pu kekayu ing award ku... at siyempre... para rin kang Papa... (Ma, siyempre dapat kasama kita. Para sa inyo po ang award ko... at siyempre para rin kay Papa.)
Ngumiti si Mama Carmen. Niyakap niya nang mahigpit si Lyndon at hinalikan sa pisngi...
MAMA CARMEN: Ing anak ku talaga, anakang kaganaka. Congratulations... (Ang anak ko talaga, napakabait. Congratulations...)
Umakyat sina Lyndon at Mama Carmen sa stage... ang chief judge ang nag-abot ng trophy at cash prize...
CHIEF JUDGE: Misis, congratulations. Napakahuasay ng anak niyo. (sabay abot ng trophy at cash prize)
MAMA CARMEN: Ay, salamat po...
Iginala ni Lyndon ang paningin... umaasa na baka sakali magpunta ang Tatay Lando niya at humabol....
Ngunit ang mga nakita niya lang ay pawang mga kamag-aral, mga guro, at iba pang mga magulang ang nandoon sa auditorium...
Animo'y lumukso ang puso ni Lyndon nang makita niya ang isang lalake na nakatayo sa pinakalikod ng auditorium at nakikipalakpak... Nakasuot ito ng maong na chaleco, sumbrerong cowboy, sira-sirang pantalon, at brown na t-shirt... ang Tatay Lando niya!
LYNDON: Ma! Si Papa...
Ngunit nang tignan na ni Lyndon ulit ang lalake, napagtanto niyang hindi iyon ang Papa niya... kamukha lamang ito ng Papa niya...
LYNDON: Ay, Ma. Hindi pala si Papa yon.. akala ko lang...
Nang tinignan ni Mama Carmen ang lalakeng itinuturo ni Lyndon, dali-daling lumabas ng auditorium ang lalake...
At napansin ni Lyndon na parang may gumuhit na pagkabahala ang namuo sa Mama niya...
Kaya pagkatapos ng competition ay kumain sila sa Mcdo...
MAMA CARMEN: Sige na, Lyndon. Kain lang nang kain...
Habang kumakain sila, di maiwasan ni Lyndon na magtanong...
LYNDON: Ma, kanina. Napansin ko. Yung tinuro ko sa inyo yung lalake na akala ko si Papa... parang bigla kayong kinabahan. Kilala niyo po ba siya?
Namula si Mama Carmen sa kaba...
LYNDON: Ma?
MAMA CARMEN: Ah.. eh... Wala yun, anak. Kasi... Bumbay yun. Pinagkakautangan ko... five-six... Eh hindi pa ko nakakapagbayad.. Kaya nung nakita, kinabahan ako...
LYNDON: Ah.. ganun ba, Ma?
MAMA CARMEN: Oo, anak. Kaya pag ikaw makulit, ikaw na ipambabayad ko dun sa Bumbay na yun! Ibibigay kita!
LYNDON: Ma naman! Si Clyde na lang ipamigay niyo! Mas makulit sa akin yun!
MAMA CARMEN: Ikaw talagang bata ka! Mahal ko kayo pareho nang kapatid mo... wala akong ipamimigay sa inyo sa Bumbay na yun...
LYNDON: Eh si Papa po ba... mahal ako?
Matagal bago nakasagot si Mama Carmen... at alangan pa siya nang sabihing...
MAMA CARMEN: Oo naman, Lyndon. Mahal ka rin ng Papa mo. Sigurado akong matutuwa siya pag nakita niya yang trophy mo sa Regional Piano Competition. Tara na, kumain na tayo...
Pagkatapos kumain sa Mcdo, dumaan sina Lyndon at Mama Carmen sa San Guillermo Parish Church upang magpasalamat...
LYNDON: Ginu, dakal a dakal a salamat pu king tagumpe ku king piano competition... (Bro, maraming maraming salamat po sa tagumpay ko sa piano competition. :p)
Yakap ang tropeong napanalunan, sa sofa na sa salas inabutan ng antok si Lyndon nang gabing iyon. Nais kasi niyang ipakita ang trophy na napanalunan niya sa piano competition sa Papa niya...
Halos ginabi na ng uwi si Tatay Lando galing sa farm at resort na pag-aari nila...
Nagising si Lyndon sa marahang tapik sa balikat niya...
MAMA CARMEN: Anak, nandito na ang Papa...
Nag-inat si Lyndon at kinusot-kusot ang mata at tinignan ang oras. Hatinggabi na...
Nagmadali si Lyndon na lapitan ang Tatay Lando niya para magmano...
Hindi pa man nakakapagmano si Lyndon ay bumulyaw na agad si Tatay Lando...
TATAY LANDO: Tanaydana! Detang ortilano! Mag-rebelde la! Bisa da itas ing parke da king pupol! (Tanaydana! Yung mga magsasaka! Nagre-rebelde sila! Gusto nilang itaas ang share nila sa ani!)
MAMA CARMEN: Oh, e ka mainge, pota magising ya y Clyde king babo. Tsaka ene ka paypali buntuk. Mighanda na kung pamangan. Lawen me y Lyndon. Atin yang sorpresa keka.. (Oh, wag kang maingay, baka magising si Clyde sa taas. Tsaka wag na mainit ang ulo. Naghanda ako ng pagkain. Tignan mo si Lyndon. May sorpresa siya sa'yo...)
LYNDON: Wa pin, Pa. Ini pu, trophy ku... (Oo nga, Pa. Ito po, trophy ko)
At masaya ipinakita ni Lyndon ang trophy sa Papa niya...
TATAY LANDO: Bukas na ing kwentuhan. Mapagal ku! Kadakal ku pa problema. Bisa ku nang magpaynawa! (Bukas na ang kwentuhan. Pagod ako! Marami pa kong problema.Gusto ko nang magpahinga!)
MAMA CARMEN: E ka pa wari mangan pamu? Manyaman itang sigang a linuto ku. Ampong menyambut ya y Lyndon king piano competition. Regional Level pa! Kaya, mag-celebrate tamu! (Hindi ka man lang ba kakain muna? Masarap yung sinigang na niluto ko. Tsaka nanalo si Lyndon sa piano competition. Regional Level pa! Kaya, mag-celebrate tayo!)
TATAY LANDO: Celebrate.. celebrate! Paynawa pa! (Celebrate.. celebrate! Pahinga muna!)
Nagtaas na ng boses si Tatay Lando at alam na nina Lyndon at Mama Carmen na galit na ito. Padabog na umakyat si Tatay Lando sa kama nila..
Dismayadong-dismayado si Lyndon sa inasal ng ama niya... Nilapitan siya ni Mama Carmen at hinagod sa likod...
MAMA CARMEN: Ok ya mu yan, Lyndon. Mapagal yamu y Papa ngeni. E bale, bukas, siguradong makapag-istoryahan na kayu... (Ok lang yan, Lyndon. Pagod lang ang Papa ngayon. Di bale, bukas, siguradong makakapagkwentyhan na kayo.)
Sina Lyndon at Mama Carmen na lamang ang nagsalo sa sinigang na nakahain. Pinilit nilang magsaya at magdiwang kahit wala ang Tatay Lando...
Ngunit pagdating kay Clyde, napapansin ni Lyndon na ang giliw-giliw ni Tatay Lando sa nakababatang kapatid...
At nahahalata din ni Lyndon na ang mga ngiting iniuukol ni Tatay Lando kay Clyde sa tuwing kalaong-kalong ito ay ni minsan ay hindi ipinakita ni Tatay Lando sa kanya...
... BACK TO PRESENT...
Kasalukuyang kumakain pa rin sa Mcdo ang pamilya ni Lyndon...
TATAY LANDO: Ang galing-galing talaga ng anak ko! Manang-mana sa Papa niya...
At tinapik ni Tatay Lando si Clyde sa balikat at nginitian ito...
TATAY LANDO: Clyde, anak. Lagi mo pang pagbutihin ang pag-aaral para marami kang medals at trophy na matanggap! Wag kang tutulad sa kuya mo!
LYNDON: Pasensya na po, "U.P." lang naman po kasi ako nag-aaral eh...
Natahimik bigla si Tatay Lando. Walang mabanat sa pasaring ni Lyndon...
Nagkatinginan sina Lyndon at Mama Carmen niya. At lihim silang napangiti sa isa't-isa...
TATAY LANDO: Tapos na ba kayong kumain? Nang makaalis na tayo agad. Aasikasuhin ko pa yung resort.
Tanggap na ni Lyndon na papa's boy si Clyde. At di tulad noong bata pa siya, hindi na rin ngayon talaga inaasam ni Lyndon ang atensyon at pagmamahal ng ama niya...
Tanggap na ni Lyndon ang kalamigan ng Tatay Lando niya sa kanya...
TO BE CONTINUED...