Wednesday, May 25, 2011

Episode 32: I'll Marry You in Bacolor


DR. SANTOS:
Matindi po ang fracture na tinamo ng mga buto sa mga daliri ng anak niyo. Na-fracture both the phalanges and metacarpals of all the fingers on his right hand.


Kasalukuyang nasa klinika ni Dr. Santos sa ospital sina Mama Carmen at Tatay Lando. Ipinakita ng doktor ang x-ray photos ng kanang kamay ni Lyndon. Kitang-kita rito na baling-bali ang lahat ng mga buto sa limang daliri nito.


MAMA CARMEN: Diyos ko...

TATAY LANDO: Dok, ano pong naiisip niyong medikasyon para sa... anak ko?


Napatingin si Mama Carmen kay Tatay Lando. Nagulat siya dahil sa kauna-unahang pagkakataon, tinawag nitong anak si Lyndon...


DR. SANTOS: What I intend to do is to implant wires, screws, or plates in the broken phalanges and metacarpals to hold the pieces of the fractured bones in place. In time, mahe-heal ng wires ang mga na-fracture na bones...


MAMA CARMEN: Salamat naman sa Diyos.


DR. SANTOS: But I must also inform you that during the healing stage, there’s a possibility that fractured bones may change position. That’s the risk. Sakali mang mangyari ito, the fingers affected by position change may lose some function...


Nangamba pareho sina Mr. and Mrs. Punzalan. Alam nila kung anong sakit para kay Lyndon kapag ang pagtugtog ng piano nito ay parang kinuha na lang sa’yo nang ganun-ganun lang.


MAMA CARMEN:
Dok, please gawin niyo po ang lahat para mapagaling ang anak namin. Kailangan niyang gumaling, doktor. Playing piano is his passion. Dok, do something about his right hand.


DR. SANTOS: Let us hope for the better...


Nagbabantay si Mama Carmen at Clyde. Wala namang malay si Lyndon na nakahiga sa kama at may benda ang kanang kamay.


Biglang nakarinig sila ng mahinang ungol. Napatingin sila sa kama ni Lyndon. Nagkakamalay na ito.


CLYDE: Kuya... kuya...


Tumakbo pa ito sa gilid ng kama ni Lyndon. Tinignan isa-isa ni Lyndon ang mga naroroon.


MAMA CARMEN: Lyndon, anak, kumusta na pakiramdam mo?


Binalingan ni Lyndon ng tingin ang kanang kamay na nakabenda. At nagbalik sa gunita niya ang bangungot na sinapit niya sa UPEPP parking lot kagabi.


LYNDON: Ma, na-diagnose na ba ako ng doktor? Anong sabi niya tungkol sa kalagayan ko?


At mahinahon na ipinaalam ni Mama Carmen ang diagnosis ng doktor. Bumakas sa mukha ni Lyndon ang kalungkutan nang marinig ito. Masakit malaman na may posibilidad na hindi na siya makatugtog pa ng piano.


MAMA CARMEN: Anak, wag kang mag-alala. Gagaling ka. May pag-asa pa,” usal ni Mrs. Punzalan.


LYNDON: Ma, wala na! Wala na kong pag-asa! Wala na kong kinabuksan, wala na!


At naiyak si Lyndon...


CLYDE: Kuya, tahan na. Wag ka nang umiyak. Nandito kami para suportahan ka... sina Papa, Mama, ako...


Hindi pa rin napigil ni Lyndon ang pag-iyak. Ngunit sa pag-iyak niyang iyon, kahit paano ay may ngiting sumilaw sa labi nito dahil sa sinabi ng nakababatang kapatid.


LYNDON: Clyde... salamat...


At biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Lyndon at nagulat si Lyndon sa mga pumasok... ang Tatay Lando niya at si...


LYNDON: Tatang...


May dalawang sundalo rin na pumasok. Malamang ito ang escort ni Ka Julian...
Binalingan din ni Ka Julian ng tingin ang dati niyang asawa na si Mama Carmen...


TATAY LANDO: Carmen, Clyde... ang mabuti pa siguro... iwanan muna natin sina Lyndon at Lester...


At lumabas nga sina Tatay Lando, Mama Carmen, at Clyde. Kahit ang mga sundalo ay magalang na lumabas upang bigyan ng kapribaduhan ang usapan ng mag-ama...


KA JULIAN:
Kumusta na ang pakiramdam mo, Lyndon?


LYNDON: Tatang, medyo makirot po yung kamay ko... at masakit para sa akin na... na may posibilidad na hindi na ako makatugtog ng piano...


KA JULIAN: Anak, wag mong isipin ang ganyan. Gagaling ang kamay mo, anak. Wag mong hayaang lamunin ka ng kawalan ng pag-asa. Anak, kahit na namundok ako, hindi ko hinayaan na mawala sa akin ang pagtugtog at paglikha ng musika. Kaya sana, magkaraoon ka ng pag-asa na lilikha ka pa ng magandang musika...


Na-touch si Lyndon sa sinabing iyon ng ama. Saglit silang natahimik...


LYNDON: Tatang, paano niyo nga po pala nalaman itong nangyari sa akin?

KA JULIAN: Pinuntahan ako ni Lando sa Camp Olivas...


Nagulat si Lyndon sa sinabi ng ama.


KA JULIAN: Ako man ay nagulat sa pagdalaw niya sa akin. Nabalitaan ko kay Lando ang sinapit mo kaya humingi ako ng permiso sa sarhento para madalaw ka. At pumayag naman siya.


Naglakad-lakad si Ka Julian sa kwarto...


KA JULIAN: Sinabi niya sa akin ang nagaganap na pag-aalsa ng mga magsasaka sa hacienda. Kaya kinonsulta niya sa akin kung ano ba ang dapat gawin para sa ikabubuti ng mga magsasaka upang matigil na ang rally...


LYNDON: Ano pong iminungkahi niyo sa kanya?


KA JULIAN: Sinabi ko na ipamahagi na niya ang lupa sa mga magsasaka... Dahil hindi naman talaga pag-aari ng mga Punzalan ang lupain na iyon, bagkus ay sa mga magsasaka iyon...


LYNDON:
Hindi papayag si Tatay Lando sa ganun! Matagal na niyang iginigiit na pag-aari ng pamilya natin ang lupaing iyon...


KA JULIAN: Mali ka sa akala mo, Lyndon. Pumayag si Lando. Naipamahagi na niya ang ilang titulo ng lupa sa mga magsasaka... kaunting panahon na lang at lahat ng mga magsasaka ng hacienda ay magsasaka na ng kanilang sariling lupain...


Nagulat si Lyndon sa mga pagbabago ni Tatay Lando.


KA JULIAN: May amnesty program ang gobyerno ngayon para sa mga rebel prisoners. At isa ako sa mga kandidato na mabigyan ng amnestiyang ito...

LYNDON: E di po... makakalaya na kayo? Babalik na kayo sa normal ninyong pamumuhay pag nakalaya na kayo? Magkakasama na po tayo?


Ngunit bumakas ang lungkot sa mukha ni Ka Julian.. at ito’y umiling-iling...


KA JULIAN: Lyndon, anak... hindi na maaari sa kin ang buhay na gaya ng buhay mo at ng mga nakararami pang mga libu-libong mamamayang Pilipino na nagpapaapi sa mga naghaharing-uri. Nakalaan na para sa kilusan ang buhay ko...


LYNDON: Tatang... pero kailangan ko rin ng ama...


KA JULIAN: Anak, nasabi ko na sa’yo to noon... nung hindi ko pa alam na anak kita... nung nadakip ka namin, kasama ni Helena... na hindi kailanman tinatalikuran naming nasa kilusan ang responsibilidad namin sa mga anak namin... lalo na ang responsibilidad ko sa’yo.


Nang mabanggit ni Ka Julian si Helena ay nakaramdam na naman ng matinding kalungkutan si Lyndon...


KA JULIAN:
Para sa iyo at sa mga kabataang tulad mo ang inilulunsad naming malaking
pagbabago. At mailulunsad lang namin ang pagbabago sa paraang ito... paraang hindi nakatali sa sariling pamilya, hindi sakim at makasarili...


LYNDON: Pero, Tatang, hindi ba mailulunsad ang pagbabago naming mga ordinaryong mamamayan? Tatang, ang pagbabago ay nagmumula sa sarili... pauunlarin mo ang iyong kakayahan at talento at gamitin itong instrumento sa pagbabago ng bansa natin...


Natahimik si Ka Julian at ginugunam-gunam ang sinabi ni Lyndon... may punto ang sinabi ng anak niya... pero...


KA JULIAN: Anak, sana nga... lahat ng Pilipino ay gamitin ang sarili nila bilang instrumento ng pagbabago. Mabuti sana kung hindi na maganap ang digmaang-bayan na inaasahan ko... kung lahat ng mga haciendero’t naghaharing-uri ay tumulad na kay Lando... na ipamahagi sa mga mahihirap kung ano ang nararapat talaga sa kanila...


Bigla na lang, may kumatok sa pinto at bumukas ito. Pumasok roon muli ang mga sundalo, si Tatay Lando, Mama Carmen at si Clyde... Pagpasok ni Tatay Lando, bigla siyang niyakap ni Ka Julian...


KA JULIAN: Lando, akala ko, hindi nadarating ang panahong magkakasundo tayong magkapatid...


TATAY LANDO:
Kuya Lester... mula nang mamatay si Ima Luisa (nanay nila)... ibinilin niya sa akin na kapag nakita kitang muli... makipagkasundo na ako sa’yo. Ngayon lang ako nakahanap ng pagkakataon, dahil noong ipaalam sa akin ni Lyndon na nakita ka niya, puno pa rin ako ng galit sa iyo... Kuya, patawarin mo ako...


Nagkalas sa pagkakayakap ang magkapatid... at binalingan ni Ka Julian si Mama Carmen ng tingin...


KA JULIAN:
Carmen, ipagpaumanhin mo... na hindi ako naging mabuting asawa sa iyo...

MAMA CARMEN: Pero naging mabuti ka namang mamamayan ng bansa natin. Lester, naiintindihan ko na kung bakit kailangan mo kaming iwanan noon ni Lyndon... Napatawad na kita...


Tinignan din ni Ka Julian si Clyde...


KA JULIAN: Ito na ba ang pamangkin ko? Iho, mag-aaral kang mabuti... at gamitin mo ang napag-aralan mo bilang instrumento ng pagbabago sa ating bayan...


At bago tuluyang lumabas si Ka Julian kasama ang mga sundalong escort niya...



KA JULIAN:
Lando, samahan mo ako... may isa pa akong kailangan daanan sa ospital na ito...


At lumabas din si Tatay Lando kasama si Ka Julian at ang mga sundalo...

************

Oras-oras ay kumikirot ang kaliwang kamay ni Lyndon kaya kailangan niyang uminom ng mga pain reliever.


At kahit paano ay nababawasan ang sakit at lungkot na nararamdaman niya sa tuwing dumadalaw ang mga kaibigan at mga kamag-aral tulad nina Louie, Chris, Ramon, Angelo, Riona, Celle, Chelsea, at iba pa.


Pero kulang pa rin ang kasiyahang nadarama niya at may kirot siyang nadarama na mas masakit pa sa kanang kamay niya...


Inaasahan niyang dadalaw si Helena.... ngunit mananatiling hiling na lamang siguro iyon...

*************

Pagkatapos dumalaw ng mga kaibigan ni Lyndon, nakapag-sarili sila ni Tatay Lando...



LYNDON: Tatay, salamat... at dinala niyo rito si Tatang Lester...


TATAY LANDO: Lyndon... alam kong naging masama akong ama sa’yo. Ibinuhos ko kasi lahat ng galit ko at pagkamuhi ko kay Lester sa iyo... Kaya sana... mapatawad mo ako sa gawi kong iyon... na sa loob ng maraming taon, hindi kita pinakitaan ng pagmamahal..


LYNDON: Tatay, ano pa man po ang nangyari, kayo pa rin po ang kinilala kong Tatay sa mahabang panahon... kahit na nakilala ko na ang tunay kong ama, hindi pa rin nawawaglit sa isip ko na naging tatay ko kayo sa turing. At magiging masama akong anak kung hindi ko mapapatawad ang amang humihingi ng kapatawaran...


TATAY LANDO: Lyndon, ibinilin ka sa akin ni Kuya Lester... na tumayong ama mo habang abala siya sa kanyang adhikain... Lyndon... matatanggap mo pa ba ako bilang... bilang tatay mo?


Kahit na nahihirapang kumilos, niyakap ni Lyndon si Tatay Lando... At niyakap rin siya nito... at labis na kagalakan ang nadama niya...


Mula nung bata pa siya, inasam ni Lyndon na sana kagiliwan rin siya ni Tatay Lando... at ngayong oras na ito... masaya na sa wakas, natutunan na siyang mahalin ni Tatay Lando... kahit hindi siya nito tunay na anak...


*************

PINUNTAHAN si Lyndon ng mga pulis sa ospital. Nandoon din nagbabantay sina Mr. at Mrs. Punzalan kasama si Clyde.


Sumailalim si Lyndon ng interrogation ni Senior Inspector Macalintal, ang inspektor na humahawak ng kaso niya. Kinuwento ni Lyndon lahat ng mga natatandaan niyang nangyari.


SR. INSP. MACALINTAL: Sige, salamat sa kooperasyon mo, iho. Asahan mong aaksyunan agad namin ito. Kokontakin ka na lang namin kung may development na sa kaso mo..

LYNDON: Marami rin pong salamat...


At sila’y nagpaalam na.


LUMIPAS ang ilang araw ay nalagyan na ng wires at screws ang fractured phalanges at metacarpals ng mga daliri sa kaliwang kamay ni Lyndon. Nilagyan na rin ng cast o semento ang mga daliri upang hindi masyadong magalaw.


Pagkatapos ay dinis-charge na si Lyndon sa ospital at pinauwi na sa bahay nila ngunit kailangan pa ring uminom ni Lyndon ng pain reliever at bumalik sa ospital linggo-linggo para sa check-up at mga karagdagang eksaminasyon.


Isang araw pagkauwi nila sa bahay nila, sinubukan ni Lyndon na tumugtog ng piano gamit ang kaliwang kamay... ngunit napu-frustrate lang siya dahil hindi siya makatugtog ng buong piyesa.


At naluluha na naman siya sa nararamdamang frustration.



NAISIPANG dalawin ni Helena si Lyndon sa bahay nito. Pagkadating niya sa bahay, naabutan ni Helena si Lyndon na nakaharap sa piano at umiiyak.


Batid ni Helena na sinubukang tumugtog ni Lyndon ngunit tumigil ito marahil ay naiinis ito sa sarili dahil hindi ito makatugtog ng isang buong piyesa.


HELENA: Lyndon...


Lumingon si Lyndon ngunit hindi naglakad. Si Helena na ang naglakad palapit kay Lyndon.


HELENA: Lyndon... I’m sorry... sa hindi ko pagtanggap agad ng kapatawaran mo. Binulag ako ng galit noon... Kaya sana, Lyndon... masaisip mo pa rin... madama mo pa rin... na mahal pa rin kita...


At niyakap niya si Lyndon...


HELENA: Pumunta si Ka Julian kay Daddy Hector sa ospital para manghingi ng dispensa... Napatawad siya ni Daddy. At stable na ang kalagayan ni Daddy. At sinabi sa akin ni Daddy, that I should let go of my anger against you. Kaya sana, Lyndon, mapatawad mo rin ako sa inasal ko... I still love you...


LYNDON: But you cannot love me now. Hindi na ako ang Lyndon na nakilala mo na magaling tumugtog ng piano...


HELENA: Lyndon, wag mong sabihin yan. Hindi ang pagpa-piano mo ang minahal ko kundi minahal ko ang lahat-lahat sa’yo. Minahal ko ang tunay na ikaw. Gagaling ka rin, Lyndon. Everything’s going to be fine in God’s time. Manalig ka lang sa Kanya...


LYNDON: Paano na ang kasal ng mga magulang mo? Ako ang ni-request nilang tumugtog ng piano sa kasal nila. I want to be there. I want to play piano for them.


HELENA: Lyndon, nandito naman ako. Pwede mo naman akong turuang tumugtog ng piano. Pwede akong maging kaliwang kamay mo sa pagtugtog ng piano. Kakayanin kong tumugtog ng piano upang dugtungan at mabuo ang isang magandang musika nais mong malikha. I will be your right hand, and I’m happy to do so.


Nagkalas sila sa pagkakayakap. Muli ay pinunasan ni Helena ang mga luha ni Lyndon. Pagkatapos ay magkatabi silang umupo sa harap ng piano .


Umupo si Helena sa kaliwa ni Lyndon.
Pagkatapos ay hinawakan ni Lyndon ang kaliwang kamay ni Helena at ipinatong iyon sa ibabaw ng mga tiklada ng piano.




Ang mga daliri sa kanang kamay ni Helena ang lumilikha ng tunog habang ang kanang kamay ni Lyndon ang gumagabay rito upang mapatugtog nang maganda ang musikang naging bahagi na ng kanilang pag-iibigan.


At sila’y nagpalitan ng halik.





Ang pagsinta nila ang nagsisilbing musika ng bawat isa.

************

NAGLALARO ng Poker sa tambayan ng kanilang fraternity sa unibersidad sina Albert at ang mga brod nito. Nandoon din si Mafalda na katabi si Albert.


ALBERT: Kung minamalas ka nga naman oh!


Talo na naman kasi ito sa Poker.


MAFALDA: Babe, hindi ka naman talaga totally na malas. Dumating ang swerte sa’yo nang makilala mo ako..

ALBERT: Nandyan ka pa kasi kaya minamalas ako sa laro ngayon.


Biglang may mga pulis na lumapit sa kanila.


SR. INSP. MACALINTAL: Naririto ba sina Albert Del Rosario, Vince Cruz, at Greg Pelayo?

ALBERT: Anong kailangan niyo? Bakit niyo kami hinahanap?

SR. INSP. MACALINTAL: May warrant of arrest kami para sa inyo. Kung ayaw niyong masaktan, sumama kayo ng tahimik sa presinto...


Gusto sanang manlaban nina Albert. Ngunit mas minabuti na lang nilang sumama na lang ng tahimik. Ayaw nilang mag-eskandalo’t lalo pa’t nasa loob sila ng unibersidad.


Maraming mga estudyante ang sinusundan sila ng tingin habang sila’y isinasakay sa police car na nag-aabang sa parking lot.


SA PAG-IIMBESTIGA ni Senior Inspector Macalintal, tumestigo ang gwardiya ng UPEPP na nakakita sa insidente ng pambubugbog kay Lyndon laban kina Albert at sa dalawa pa nitong kasamahan na sina na sina Vince at Greg, brods ni Albert sa fraternity.


GWARDIYA: Hindi pa nila suot ang takip nila sa mukha ay nakita ko silang nag-aabang na sa parking lot ng UPEPP. Namukhaan ko sila, kaya alam kong sila ang bumugbog sa isa pang lalake kahit na nakatakip na ang mukha nila nun...


Dahil dito, inaresto sila ng mga pulis. Sa presinto, napag-alamang ngang sila ang bumugbog kay Lyndon.


Nasa presinto rin sina Lyndon at Helena...


LYNDON: Albert... ba’t mo iyon nagawa sa akin?


ALBERT: Tinatanong mo pa ba yan? Simple lang naman ang gusto ko... Gusto kong mabawi sa iyo si Helena. Naisip ko na nagugustuhan ka ni Helena dahil sa galing mo sa pagpi-piano kaya minarapat kong tapakan ang kamay mo upang hindi ka na muling makatugtog ng piano... upang hindi ka na magustuhan ni Helena at sakaling magbalik sa akin si Helena.


HELENA: Albert... pasensya ka na... pasensya kung hindi ko nagawang suklian ang pag-ibig mo sa akin... hindi kita gustong masaktan...

ALBERT: Akala ko, magtatagumpay akong mabawi ka, Helena. Nabigo ako... bigong-bigo.


Lumipas ang ilang mga araw, napatalsik sa unibersidad at nabilanggo sina Albert at ang dalawa pa nitong kasamahan na sina Gerald at Ryan.

***********

MAY 25, 2010: Araw na ng muling pag-iisang dibdib ng mga magulang ni Helena na sina Hector at Heidi Sarmiento. Sa San Guillermo Parish Church sa Bacolor, Pampanga ginanap ang kasalan.



Isang world-class heritage church ang simbahang ito dahil sa half-buried structure nito dahil sa lahar mudflow ng Mt. Pinatubo noong 1995 sa Bacolor.



The decorations inside the church depict the Baroque style of architecture. Maraming retablo o religious paintings sa bawat pader ng altar nito. Sa simbahang ito ginaganap ang taping ng palabas na May Bukas Pa.

Punong-puno ng mga puting bulaklak ang gilid ng aisle kung saan maglalakad ang mga abay at maglalakad sa red carpet.



Halatang medyo nangangati sina Louie, Chris, at Ramon sa mga barong na suot habang nilalakad ang aisle.


Feel na feel naman nina Chelsea, Sopheya, Riona, at Celle ang pagrampa sa suot nilang simpleng white dress.


Magkapares na naglakad sina Louie at Sopheya sa aisle... Nainggit naman si Chelsea at iba pa sa sweetness ng dalawa habang naglalakad...


LOUIE: Preparation na natin to for the future... Practice kumbaga...

SOPHEYA: And our wedding will also be full of love like this one...

CHELSEA: Awww... sana man lang ininvite ni Helena si Merven ko... naku!

CHRIS: Tsaka sana andito rin si Shiela...

RAMON: Tsaka si Caroline ko...

RIONA: Chris... nandito naman ako ah....

CELLE: Oo nga, Ramon. Anlayo ng tingin mo, hindi mo na ako napapansin...


At nagtawanan silang magkakabarkada...


Kasali sa mga ninong at ninang sina Tatay Lando at Mama Carmen at ring bearer naman si Clyde. At nagtawanan silang magkakabarkada...


Dahil ulila na sa ama’t ina, mag-isang naglakad si Mommy Heidi papuntang altar habang hinihintay siya ng naka-barong na si Daddy Hector.



Madarama ang nag-uumapaw na kakiligan mula sa mga bisita. Napapaiyak sa sobrang saya ang maid of honor na si Tita Tess habang nakangiti ang best man na si Tito Tonio sa tabi niya.


Magkatabing nakaupo sa harap ng grand piano ng simbahan sina Lyndon at Helena. Nakangiti at magkasama nilang tinutugtog sa piano ang "Marry You" ni Bruno Mars; ang mga nota sa kanan ang tinutugtog ni Helena at ang sa kaliwa naman ang kay Lyndon.




Nagtiyagang matuto si Helena ng piano alang-alang lang sa kasal ng kanyang mga magulang. At tsaka inspired din kasi si Helena sa nagtuturo sa kanya na mag-piano. Nagtiyaga rin naman si Lyndon na turuan ang kasintahan.


Nakabenda pa rin ang kaliwang kamay ni Lyndon ngunit ayon sa doktor, maayos ang naging paggaling ng fractured bones ni Lyndon at maigagalaw niya pa ang mga daliri sa lalong madaling panahon. Muli siyang makakapag-piano in due time.


Sa wikang Kapampangan idinaos ang pagkakasal. Lumipas ang ilang sandali ay nagpapalitan na ng vows sina Mommy Heidi at Daddy Hector.


FR. ANTHONY: Mangaku kayu bang miyabe kayu keng kasakitan at kaginawan?


At sumagot sina Mommy Heidi at Daddy Hector...


FR. ANTHONY: Malyari mu neng uman ngeni ing asawa mu...

HELENA: Anong sabi ni Fr. Anthony?

LYNDON: Gusto mong malaman?

HELENA: Lyndon... ano na kasi?

LYNDON: Helena, ang sabi ng pari, I can now kiss my future bride...


Pagkasabi niyon, masuyo at buong pagmamahal na nagpalitan din ng halik sina Lyndon at Helena na nasa grand piano kasabay ng paghahalikan sa altar nina Mommy Heidi at Daddy Hector.


Nadarama nila na sila ang susunod na ikakasal years from now... sa mismong simbahan na iyon sa Bacolor.





1 comment:

  1. Ang mga isinaad na mga kaisipan ni Ka Julian tungkol sa kalagayan ng ating lipunan ay galing sa ss. na reference:

    * Bautista, L. (1988). Dekada '70. Cacho Publishing House: Mandaluyong City.


    PHOTO CREDITS:

    * Boy and Girl Playing the Piano: Image retrieved at (http://www.visualphotos.com/image/2x3109904/boy_and_girl_playing_piano_together)

    * Boy and Girl Kissing in the Piano: Image retrieved at (http://www.korean-drama-guide.com/Kissing-scene-photos-revealed-from-Pianist.html)

    * Wedding Car in San Guillermo Church, Bacolor: Image retrieved at (http://sharpangel.multiply.com/journal/item/61)
    * San Guillermo Parish Church flowers: Image retrieved at (http://www.panoramio.com/photo/49968824)

    * San Guillermo Parish Church Wedding Aisle: Image retrieved at (http://www.flickr.com/photos/diamonds_in_the_soles_of_her_shoes/204607985/)

    * Wedding Altar: Cannot be retrieved.

    ReplyDelete