Saturday, May 14, 2011

Episode 28: Creamline


Sinugod ni Mafalda si Helena isang umaga sa canteen ng UPEPP.



MAFALDA: Kahit kailan ka talaga, mang-aagaw ka! Una si Albert, ngayon naman si Lyndon?!


HELENA: Ako? Mang-aagaw? That’s a strong accusation against me. Hindi ako mang-aagaw. It’s just that fate is giving me back what is rightfully mine.


MAFALDA: Ang kapal talaga ng mukha mo! Nagsabi na si Lyndon sa akin... hindi na raw niya ako gusto. That he fell out of love for me... and he found someone else..


HELENA: Ohh... I’m not only a “someone else.” I’m his “one and only” girl he really loves.


MAFALDA: Ok lang sana kahit pinagpalit ako ni Lyndon sa iba eh. Kaya lang... pinagpalit niya ko sa isang babae lang na laging mukhang bagong gising...


HELENA: You know what, Mafalda, hindi ko kasalanan na maganda pa rin ako kahit bagong gising ako...


MAFALDA: At amoy paa pa ang bunganga. Ang sangsang ng hininga mo!


HELENA: Ikaw naman, kasya ang paa sa bunganga mo. Sa kakadada mo, lumalaki na bunganga mo.



Sa pagkakataong iyon, tapos na si Helena sa kanyang pagkain. Tumayo siya at sinukbit ang shoulder bag.



MAFALDA: Where are you going? I’m not through with you, yet.


HELENA: Well, I’m done eating. Since you’re not quite finished with your bitching, why don’t you sit down? (at pinatungan niya ng mga kamay ang magkabilang balikat ni Mafalda at pinilit paupuin ito) Maglitanya ka hanggang sa may makinig sa’yo ha? Ako papasok na sa klase kasi nasa unibersidad ako. Nandito ako para mag-aral at hindi para gumawa ng eksena. Tata for now!



Pagkatapos ay umalis na si Helena habang nangagalaiti si Mafalda...


Matatalim na tingin ang pinupukol ni Mafalda nang makita sina Lyndon at Helena na magkatabi sa klase kay Sir LQ. Nang matapos ang klase, binangga pa ni Mafalda si Helena bago ito lumabas ng classroom.


HELENA: Ako, malapit na kong mapikon sa Mafalda na yun ah. Palibhasa kasi boyfriend na niya ngayon si Bitter Ocampo ‘eh...

LYNDON: Hel, wag na mag-init ang ulo... Ay alam ko na. I know a place where we can chillax!


Gamit ang kotse ni Lyndon, nagpunta sila ng Creamline. Isa iyong ice cream parlor sa loob ng Clark. Masarap at sobrang creamy ang mga ice cream dito... :))


Hindi kumpleto ang pagiging UPEPP student mo pag hindi ka pa nakakatikim ng ice cream ng Creamline...



Pagkapasok sa Creamline, pareho silang umorder ng isa sa mga specialty ice cream recipe ng Creamline: ang Giant Banana Boat.


Umorder din sila ng Pinatubo Ice Cream. Siyempre, tanga nga pag inisip mong yari sa lahar ang ice cream na ito. Siyempre hindi dahil... yari ito mismo sa Pinatubo. Joke lang, lasang Pinatubo lang... :))


Joke lang ulit.. masarap to promise! :))



Nagkukwentuhan sina Lyndon at Helena habang kinakain ang Giant Banana Boat at Pinatubo. Habang nagkukwentuhan, di maalis ni Lyndon ang mga mata sa pagkakatitig kay Helena.


Hindi maitagong kagalakan at pagkabog ng puso ang nararamdaman ni Lyndon dahil ngayon ay nakakausap at kapiling na niya ang babaeng matagal na niyang minamahal.


Maraming mga magagandang babae ang mga nakilala na ni Lyndon ngunit para sa kanya ay wala nang tutulad pa kay Helena.


LYNDON: Aliwa kang talaga.


Iba talaga si Helena sa lahat ng mga babae. Helena’s personality was strong, yet remains feminine. Hindi rin alintana ni Helena ang kanyang kagandahan na pinagpapantasyahan na ng karamihan ng mga lalake sa kanilang unibersidad.


He finds Helena’s throaty voice sexy and seducing, and it was a pleasure for Lyndon to listen to that certain kind of voice.



Kinuwento ni Helena sa kanya ang tungkol sa ina nito...


HELENA: You know what, Lyndon, hindi kami ganoong kalapit ng Mommy ko sa isa’t-isa. Ang una at ang huli naming pagkikita ay noong five years old pa ko. Si Tita Tess at si Tito Tonio na ang halos nagpalaki sa akin. Ang padala ng pera na lang ang tanging suporta ng ina sa kanya. Pero hindi sapat iyon, nakukulangan ako sa ginagawa ng akingng ina dahil ang pagkalinga nito ang siya ko talagang hanap.


LYNDON: Helena, kahit sa tingin mo ay nawawalan na ng time ang Mommy mo sa’yo, unawain mo na lang siya. Mommy mo pa rin siya, hindi mo na mababago ang katotohanang iyon kailanman...


HELENA: Pero, Lyndon, I need her care. Lagi na lang siyang sa London... inuuna pa ang alagaan ang anak ng iba kesa sa sarili niyang anak. Sabi niya, service iyon para sa mga kapus-palad. Pero... ako ang napapabayaan niya... na sarili niya pang anak. Ni hindi nga siya umuwi nung Pasko at kahit nung nakidnap tayo ng mga NPA.


LYNDON: Bakit? Hindi pa ba ‘care’ para sa’yo na lagi ka niyang pinapadalhan ng pera? Na lahat ng hilingin mo sa kanyang ipabili ay ibinibili naman niya. Helena, I think you are just taking for granted what your mom has done for you. Mas tinitignan mo ang mga pagkukulang niya kesa sa mga nagawa niya sa’yo. Kaya hindi mo napapansin ang pagmamahal niya sa’yo...


Natahimik bigla si Helena. Halatang may iniisip ito. Kaya nagpatuloy si Lyndon.


LYNDON: Helena, siguro you need to let go of your grudge against your mom. Di ba gusto mong maging close kayo ng Mom mo? Give her a call, tell her how much you love her. At mas maganda kung kwentuhan mo siya ng mga nangyayari sa’yo rito...


Batid ni Lyndon na tumimo sa isip ni Helena ang mga sinabi niya.


HELENA: Lyndon. Tama ka nga. Salamat sa pagpapa-realize how much my mom loves me.


Sabay hawak niya sa kamay ni Lyndon. Kinilig naman si Lyndon.


Ngiti lang ang iginanti ni Lyndon. Binitiwan na ni Helena ang kamay ni Lyndon at muling nagsalita.


HELENA: Pero, ikaw ba. Kumusta na ang relasyon mo sa ama mo? Dati, narinig ko yung usapan niyo nina Louie at Chris nung bagong bili pa lang ang kotse mo. Na bili iyon ng Mama at Lola mo. At sabi mo pa, asa namang bilhan ka ng magaling mong ama? Meron ba kayong hindi pagkakaunawaan?


Natigilan si Lyndon.


LYNDON: Sa totoo lang, Helena, hindi ako tunay na anak ng kinilala kong ama kaya sukdulan ang galit niya sa akin.


Nagulat si Helena sa rebelasyon ni Lyndon.


LYNDON: Nung bata ako, pinilit kong gawin ang lahat para lang ma-please ang Tatay Lando ko. Pero talagang hindi ako mahal ni Tatay Lando, dahil nga hindi niya ako tunay na anak.

HELENA: Kelan mo pa nalaman iyan, Lyndon?

LYNDON: Mula nung nakidnap tayo ng mga NPA...

HELENA: Paano mo nalaman?


Hindi alam ni Lyndon kung sasabihin ba niya kay Helena na ang tunay niyang ama ay si Ka Julian. Wala pa siyang balak na sabihin ito sa kasintahan for security purposes.


LYNDON: Nagkasagutan kasi kami ni Tatay Lando at ng Mama Carmen ko noon at dun naungkat ang lihim. Sa ibang lalake ako anak ni Mama Carmen. Sa una nitong asawa.


Bumakas ang concern sa mukha ni Helena.


HELENA: Nakilala mo ba kung sino ang tunay mong ama?


Bahagyang natigilan si Lyndon...


LYNDON: Saka na natin pag-usapan iyan, Helena. Masakit pa rin kasi sa akin ang pangyayari magpahanggang ngayon.


Hindi na inusisa pa ni Helena si Lyndon. Batid niyang hindi pa rin handa si Lyndon naibahagi ang lihim nito sa kanya. Inunawa na lang niya ang kasintahan.


Napansin na naman ni Helena ang di-magkapares na sapatos ni Lyndon...


HELENA: Lyndon, ba’t hindi magkapares ang sapatos mo na naman?


LYNDON: Ito kasi ang nagbigay ng swerte sa akin nung Becoming. Hindi man tayo nanalo sa contest na ‘yun... higit pa sa tropeo ang napanalunan ko... at ikaw yun. Swerte pa rin.


HELENA: You know what, yang Fred Perry mo na sapatos, nasa akin ang isang pares niyan.


Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Lyndon habang kinakain na ang saging mula sa kanyang Giant Banana Boat.


HELENA: I got it during our senior prom sa PHS almost three years ago. There was this one guy pretended to be Albert. Nag-brownout kasi nun at madilim kaya siguro ang lakas ng loob na isayaw ako at magpanggap na boyfriend ko. Ako naman, si uto-uto, naniwala naman akong si Albert ‘yun kahit malakas ang kutob ko na hindi siya ‘yun.


Muntik nang masamid si Lyndon pagkasabi niyon ni Helena. Alam niyang siya ang tinutukoy nito sa kwento.


HELENA: And after we danced, he kissed me. For me, that kiss is my first memorable kiss. Tapos, biglang bumalik ang kuryente and the next thing, the guy is gone. Pero iniwanan niya ko ng remembrance. He left his right shoe. Kinuha ko ‘yun at tinago sa aking shoe closet magpahanggang ngayon. I named that mysterious guy Cinderello.


Napakain ng Pinatubo si Lyndon dahilan para dumumi ang ngipin niya.


HELENA: And I had a feeling that my Cinderello is right in front of me.


Napangiti si Lyndon kahit na puno ng chocolate ang ngipin niya mula sa pagkain ng Pinatubo Ice Cream.


Natutuwa siyang malaman na sa loob ng halos tatlong taon ay itinago at pinakaingatan ni Helena ang nawalang pares ng sapatos niya. Gaya ng pagtatago at pag-iingat niya sa pag-ibig na nadarama niya kay Helena.


LYNDON: And I assure you, Helena, I am your Cinderello...


Napangiti si Helena. Pagkatapos ay kinuha ni Helena ang cherry ng kanyang Giant Banana Boat.


HELENA: Alam mo ba, kapag natali ng isang tao ang tangkay ng cherry gamit lang ang dila, ibig sabihin daw, good kisser...


Kinuha ni Lyndon ang cherry kay Helena. At pinutol ang tangkay nito at sinubo. After ilang segundo, nilabas ulit ni Lyndon ang tangkay nang nakatali na...


Pilyong ngumiti si Lyndon...


HELENA: Sabi na... Kaya pala.

LYNDON: Kaya pala?

HELENA: Kaya pala pareho kayong humalik ni Cinderello... the best!


Luminga-linga sa paligid si Lyndon. Tinignan niya kung may mga taong nakatingin sa kanila. Nang sa tingin niya ay walang nakatingin, nilapit niya ang mukha kay Helena at masuyo itong hinalikan upang patunayan muli rito na siya ay good kisser.


Mas lalo tuloy tumamis ang ice cream ng Giant Banana Boat na kanilang pinagsasaluhang kainin.


At muling bumalik ang usapin nila sa sapatos...


HELENA: Totoo nga ang kasabihan, kapag malaki ang sapatos, malaki rin ang ano...

LYNDON: Ang ano?!

HELENA: Malaki ang paa! Ikaw ah. Kung anong pinag-iiisip mo.


Pagkatapos nilang kumain ay lumabas na sila ng Creamline. Sa paglabas nila ng Creamline ay may sumalubong sa kanilang dalawang sundalo.


SUNDALO 1: Iho, Iha, maaari ba namin kayong makausap pansumandali?


Nakadama ng kaba sina Lyndon at Helena.


LYNDON: Ano po iyon?

SUNDALO 2: Nag-aaral pa ba kayo?

HELENA: Opo, estudyante po kami sa UP...

SUNDALO 1: Ows? Ba’t wala kayo sa paaralan ngayon? Siguro mga NPA kayo nuh?


Doon lalong kinabahan si Lyndon. Baka nakatimbre ang mga sundalong ito na ama niya si Ka Julian na isang NPA.


LYNDON: Hindi po kami NPA.

SUNDALO 2: Talaga? Di ba ganyan naman lahat ng estudyante sa UP? Mga aktibista at mga patagong NPA... tulad niyo...

HELENA: Sinabi na nga pong hindi kami NPA! In fact kinidnap kami noon—


Pero winarningan ni Lyndon si Helena sa pamamagitan ng tingin na wag nang ituloy ang sasabihin.


SUNDALO 1: Maganda ka, Miss ah. Sige, para hindi namin kayo isuplong na mga NPA kayo, kunin ko yung number mo...textmate tayo.


At dumukot ang sundalo ng cellphone.


HELENA: Number ko? 2007-29844


Natawa si Lyndon kay Helena. Student number ang binigay.


SUNDALO 1: Pinaglololoko mo ba kami, Miss. Ang mabuti pa, sumama na lang kayo sa amin nang mapaamin kayo.


At hinawakan ng mga sundalo sina Lyndon at Helena para sumama sa mga sundalo.


LYNDON: Teka po! Hindi po tama iyan... Wala kayong basehan na mga NPA kami, bat niyo kai dadakpin?


Pero hindi sila pinansin ng mga sundalo. At sa di-kalayuan, may lalakeng sumigaw.


LALAKE: Bitiwan niyo sila!


Napalingon sila sa pinanggalingan ng boses. Namukhaan ito nina Lyndon at Helena. Ito ang may-ari ng resort na pinuntahan nila sa Mt. Arayat noong nakaraang sem. Si Mr. Hector.


Lumapit sa kanila si Mr. Hector...


MR. HECTOR: Mga anak ko ang mga iyan. Anong ginagawa niyo sa kanila?

SUNDALO 1: Ganun po ba, Sir? Pasensya na po... Nagkamali po kami..

SUNDALO 2: Alis na po kami.


At nagmadaling umalis ang dalawang sundalo...


MR. HECTOR: Ayos lang ba kayo? Anong ginawa nila sa inyo?

HELENA: Sapilitang kinapanayam po kami ng mga sundalong iyon. Pinagbintangan po nila kaming NPA.


LYNDON: Mr. Hector, hindi po ba, pwede po kaming magreklamo laban sa mga sundalong iyon? Isa pong uri porma ng militarisasyon ang ginawa nila sa amin. Ang pagbibigay ng takot sa damdamin ng bawat estudyante na tulad namin ay isa sa taktikang pilit na isinasagawa at layunin ng militarisasyon.


MR. HECTOR: Oo, iho. Magsampa ka ng reklamo sa mga sundalong iyon. At mula ngayon mag-iingat na kayo... lalo ka na, Helena. Babae ka pa naman.


HELENA: Salamat po sa pag-aalala, Mr. Hector. Salamat din po sa pagpipigil sa mga sundalong iyon na sumama sa kanila.


Nginitian lang sila ni Mr. Hector.


HELENA: Siya nga po pala, ano pong ginagawa niyo rito sa Creamline?

MR. HECTOR: Gusto ko kasing bumili ng franchise sa kanila. Kakausapin ko ang owner nito. Pandagdag business maliban sa resort na itinatayo ko ngayon.


Namangha sina Lyndon at Helena kay Mr. Hector.


MR. HECTOR: Tsaka pinuntahan ko ang kumpare ko na prof ninyo na si Leonardo. Nagustuhan ko kasi ang business plan na ginawa ng isang estudyante niya para sa resort na itinatayo ko.

HELENA: Kanino pong business plan?

MR. HECTOR: Sa iyo, Helena. I like your idea lalo na yung may nakahanda nang bangka sa ilog. Sabi mo nga, maganda ang idea na yun na pwedeng pang-romantic moment... lalo na sa mag-boyfriend.


Napangiti si Helena...


MR. HECTOR: Ito ba yung boyfriend mo na iniisip mo habang sinusulat mo ang iyong business plan?


Namula sina Helena at Lyndon...


Pagkatapos ay nagpaalam na sila kay Mr. Hector. Binilinan ulit sila nito na mag-iingat.


Nang nasa kotse na sila at tinatahak ang daan pabalik ng UPEPP.


HELENA: Ba’t ba hilig ng mga sundalo na manakot ng mga sibilyan? Akala ko ba ang tungkulin nila ay protektahan ang bansa natin at ang mga sibilyan.


LYNDON: Marahil ay dahil UP students tayo. Potential na maging tibak dahil mulat tayo sa tiwaling gawi ng pamahalaan, lalo na sa mga magsasakang api. Kaya habang maaga pa lang, sinisindak na nila tayo...


HELENA: Mabuti na lang talaga at dumating si Mr. Hector. Alam mo Lyndon, ang gaan ng loob ko sa kanya. Siguro, kung nabubuhay lang ang ama ko ngayon, I imagined him somewhat like Mr. Hector. Sayang nga lang, hindi ko man lang nadatnan ang ama ko. Namatay dahil sa lahar.



Nang makarating sila ng UPEPP, nakita ni Lyndon ang poster sa lobby ng Himigsikan: isang acoustic battle of the bands sa unibersidad. Ang theme ng Himigsikan ngayong taon ay tungkol sa pulitika at ang eleksyon sa Mayo...


Naalala niya ang naganap sa kanila ni Helena na pananakot ng militar kanina sa Creamline. Naalala niya rin ang idealismo na pinaniniwalaan ng kanyang Tatang Lester.... si Ka Julian.. Gusto niyang iparating ang mensahe niya sa maraming tao gamit ang tugtugan...


At basta tugtugan, sasali talaga si Lyndon... Dito niya lubusang naihahayag ang sarili...




TO BE CONTINUED...


Next Episode: Episode 29: UP Himigsikan 2010

Previous Episode: Episode 27: Becoming Superstars


Home

1 comment:

  1. PHOTO CREDITS:

    * CREAMLINE FACADE: Image taken from: (http://www.trendsandspots.com/2010/02/12/a-creamy-afternoon-at-creamline/)

    * GIANT BANANA BOAT: Image taken from: (http://bluelawbyanna.blogspot.com/2009/05/creamline-ice-cream-store-restaurant.html)

    *Pinatubo Ice Cream taken from Camille Bayarcal's photo :))


    ARTICLE CREDITS:

    * Kailan Pa Naging Ligtas ang Dahas? from (http://upfrontliner.blogspot.com/2010/11/kailan-pa-naging-ligtas-ang-dahas-sa.html)

    ReplyDelete