Monday, May 9, 2011

Episode 27: Becoming Superstars


JANUARY 5, 2010



MARTES ng umaga. Unang araw ng pasukan after ng Christmas break. Hinintay ni Helena si Albert sa loob ng kotse niya na naka-park sa parking lot ng UPEPP. Tinext na niya kagabi ang kasintahan upang makipagkita rito ngayon.


Plano na niyang makipag-break kay Albert.
Biglang bumukas ang front passenger seat door ng kotse ni Helena. Si Albert ang pumasok na iyon. Naka-shades pa ito at naka-wax ang buhok. Mapormang-maporma ito sa pananamit at pagkilos.


ALBERT: How’s your Christmas, babe?

HELENA:
Ok naman.

ALBERT:
Did you miss me?

HELENA:
Uhmm..


Di pa man nakakasagot ay nagulat si Helena nang bigla siyang dinakma ni Albert sa baywang, niyakap-yakap at hinalikan sa pisngi pababa. Pinilit makapalag ni Helena.


HELENA: Albert! Ano ba! Tigilan mo yan! Maraming tao!


Hindi kasi tinted ang bintana ng kotse ni Helena. Isa pa ay naiilang na siya sa ginagawang iyon ni Albert sa kanya.


ALBERT: Ano ngayon? Mainggit sila kung mainggit! Wala akong pake!


At pinagpatuloy niya ang ginagawang panghahalik kay Helena.


HELENA: Let go of me!


Sabay tulak niya kay Albert upang makapalag dito. Nagulat si Albert sa ginawang iyon ni Helena.


ALBERT: Dana! Ba’t mo ko pinapunta ngayon? Hindi mo ba ako nami-miss dahil hindi tayo nagkita at nagkasama noong Pasko?


HELENA: No! Kaya ako nakikipagkita sa’yo ngayon... to let you know that I want our relationship to be over! Naglolokohan lang naman tayo di ba? Alam kong di mo ko mahal at mas lalong di kita mahal!”


ALBERT: Ano? Hindi kita mahal? Ayun ba ang tingin mo? Gusto mo bang patunayan ko sa’yo kung gaano kita kamahal?



At bigla-biglaang niyakap ulit ni Albert si Helena nang mahigpit at agad-agad na hinalik-halikan. Hindi na nakapanlaban pa si Helena sa higpit ng yakap sa kanya ni Albert. Nawalan siya ng lakas na tumutol.


SCREEEEEEEECCCCCCHHHHHHHHH!


Napabalikwas sina Helena at Albert sa lakas ng tunog ng pag-andar ng sasakyan na dumaan. Nakita ni Helena ang isang pulang Mercedes Benz C300 Sport Sedan car na mabilis na nagmaniobra at umandar palayo ng parking lot.

HELENA: Si Lyndon!


Batid ni Helena na nakita ni Lyndon ang ginawang pangyayakap at panghahalik sa kanya ni Albert. Gusto niyang paandarin ang kotse niya at habulin si Lyndon upang makapagpaliwanag.


ALBERT: Yung bansot na ‘yun ba ang dahilan kaya ka nakikipag-break sa akin ngayon?


Hindi na nakasagot pa si Helena. Bumakas naman ang galit sa mukha ni Albert. Napadabog pa si Albert sa dashboard ng sasakyan ni Helena.


ALBERT: Dahil ba sa magaling siya sa piano kaya mo siya nagustuhan?

HELENA: Bumaba ka na! Tapos na tayo! Get off my car!


At pinindot pa ni Helena ang button na nagbubukas ng lock ng bawat pinto ng sasakyan.


ALBERT: Sa tingin mo ba, basta-basta lang kitang pakakawalan?

HELENA:
Get off my car!


Binuksan na ni Albert ang pinto ng kotse at bumaba. Ngunit bago isara ang pinto ay may pahabol pa itong sinabi.


ALBERT: We’re not yet through, Hel. At balaan mo si Lyndon na mag-ingat ingat siya sa bawat galaw niya mula ngayon...


May pagbabanta si Albert sa kanyang pananalita. Sabay pabagsak na isinara ang pinto ng kotse ni Helena


Nakaramdam ng kaba si Helena sa sinabing iyon ni Albert. Kinabahan siya para kay Lyndon. Miyembro ng fraternity sa unibersidad nila si Albert. Baka pagtripan si Lyndon ng mga iyon. Ngunit di siya makakapayag na may makapanakit kay Lyndon... sa lalakeng una niyang minahal nang tunay.


Napansin ni Helena na hindi na pumasok si Lyndon nang araw na iyon sa kanilang mga klase. Malungkot siya…


Nagpunta sina Helena at Chelsea sa kotse ni Helena after ng klase...



CHELSEA: Ano ba ‘yan, pir. LQ agad kayo ng boyfriend mong si Lyndon…

HELENA: Ayun nga eh. Hindi pa nga kami mag-boyfriend ni Lyndon, LQ agad kami… Inaayos ko na nga sana yung gusot na napasok ko para maging maayos na ang magiging relasyon namin, lalo pang nagusot...

CHELSEA: Tamang-tama! Para maayos yang gusot na iyan. Charaaaaan!!! May dala akong plantsa!

HELENA: Che! Baduy mo pir.


At nilabas ni Chelsea ang plantsa sa bag niya. Plantsa pala ito para sa buhok...


HELENA: Hay... kumukulot na ang hair ko sa mga nangyayari. Mabuti pa, plantsahin mo na lang ang hair ko...


Kinabukasan, sa lobby ng UPEPP ay may nakapost na poster para sa isang event ng UP Lakan, isang org sa UPEPP. Ang Becoming 2010: The Ultimate Pop Group Showdown.




Sa contest na ito, may gagayahing boy band o all-girl band ang mga grupong sasali...


LYNDON: Louie, Chris, sali tayo oh! Tutal, hilig niyo naman ang pagsayaw at ako naman ay ang pagkanta... Tara.

LOUIE: Sige, tol. Game ako riyan.

CHRIS: Isali na rin natin si Ramon. Plano niyang magpasikat kay Caroline eh. Kahit basted na, tuloy pa rin ang panliligaw at pagpapasikat..

LYNDON: Ayan, apat na tayo. Tamang-tama... pwede nating gayahin ang Blue na boyband...

RAMON: Sakto... kagrupo natin si Louie... siya si Simon Webbe ng Blue...

LOUIE: Teka... sino ba yun?

LYNDON: Eh di yung maitim sa Blue.. hahaha

LOUIE: Hmmmpph! Akala niyo naman kung sino kayong kaputian!



At umalis na sina Lyndon sa lobby para magpa-register. Sa di-kalayuan, nakamasid si Albert kina Lyndon. Kasama ni Albert ang mga kabarkada niyang sina Greg at Vince


ALBERT: Pre, sumali tayo ng Becoming. Talunin natin ang grupo ng bansot na Lyndon na yan...

GREG: Pre, yakang-yaka yan. Kung sayawan lang, alikabok lang yung sina Lyndon...

VINCE: Hayaan mo pre. Galingan natin... at titilian ka ni Helena sa gabing iyon..


Determinado si Albert na matalo sina Lyndon.


ALBERT: Natalo mo nga ako sa Mr. UP, natalo mo rin ako pagdating kay Helena. Ngayon, ikaw naman ang tatalunin ko... at muling mapapasaakin si Helena...


Napadaan din sina Mafalda at Marietta sa poster.



MAFALDA:
Marietta. This is it, pansit! We need to join this contest. At dahil magko-concert ang PussyCat Dolls sa Pilipinas... sila ang gayahin natin. Tutal, kamukha ko naman si Nicole...

MARIETTA: Ay oo nga, Mafalds, kamukha mo si Nicole... yung na-rape sa Subic... :)

MAFALDA: Che! Ano pa ang hinihintay natin, tara, let’s pa-register na sa UP Lakan...


At nilapitan nila ang UP Lakan president na nagngangalang Edleen.


MAFALDA: Miss Edleen, I want to register myself, Marietta and my other friends para sumali sa Becoming!

EDLEEN: Ok, noted. Eh, Mafalda, ano namang name ng grupong gagayahin niyo?

MAFALDA: Pussycat Dolls! And take note I will be portraying I’m Nicole Scherzinger...

EDLEEN: Ganun? Hindi pwede, Mafalda..

MAFALDA: Huwaat?! At bakit hindi pwede, Edleen?

EDLEEN: Dapat ma-spell mo muna yung Scherzinger bago kita payagan...

MAFALDA: Ah... eh... Sige na nga, hawig ko na si Nicole... yung na-rape sa Subic...


Dahil sa stress na nararanasan ni Helena ay naisipan niyang magpa-parlor sa isang salon sa SM Clark...

GAY PARLORISTA: Ma’am, ano pong gupit ang gusto niyo?

HELENA: Well.. surprise me!


At sinulan na siyang ayusan ng parlorista. After ng halos isang oras na pag-aayos ng buhok sa kanya ng parlorista....


HELENA:
Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! What have you done with my hair?!

GAY PARLORISTA: Eh, ma’am, sabi niyo po kasi i-surprise ko kayo eh...


Tinext niya si Chelsea para pumunta ng SM Clark... At tawa nang tawa si Chelsea sa buhok ni Helena nang magkita sila sa department store...


CHELSEA:
Hahaha, pir. Nice new hairstyle! Kamukha mo si Sandara ng 2ne1..


Ito kasi ang hair na ginawa ng gay parlorista kay Helena:


Pinagtitinginan din si Helena ng mga taong nakakasalubong nila...


HELENA: He! Sandara ka diyan! For sure patay agad ang mga butiki sa kisame ng SM Clark ngayon pag nahulog sila sa buhok ko!

CHELSEA: Ang cute kaya, pir. Oh sige, knock-knock!

HELENA: Who’s there?

CHELSEA: Twenty-one..

HELENA: Twenty-one who?

CHELSEA: Seven plus seven plus seven... twenty-one! (to the tune of “Fire by 2NE1”)

HELENA: Waley yang knock-knock mo!

CHELSEA: Oh sige... ito pa... knock-knock!

HELENA: Who’s there?

CHELSEA: Di ko alam..

HELENA: Di ko alam, who?

CHELSEA: Seven times seven times seven...yan ang di ko alam!

HELENA: 343 lang sagot dun! At itigil mo na yan! Kita na ngang namomoroblema na ko sa mukhang kandila kong buhok oh!


CHELSEA: Pero, pir, alam mo... with your hair, we can join UP Lakan’s Becoming! At gayahin natin ang 2NE1. For sure, havey tayo run!

HELENA: Ayoko! Ipapaayos ko tong buhok sa ibang parlor! Tara, samahan mo ko!

CHELSEA: Tara na, pir. Sali na tayo. Di ba sabi mo, gusto mong makaganti kay Mafalda... sasali sila and take note, gagayahin nila ang Pussycat Dolls...

HELENA: Ay pir, tara na go..



At hinila niya si Chelsea...


CHELSEA: Teka... dito ang papuntang David’s Salon. (sabay turo sa kanan niya) Di ba papaayos mo yang buhok mo?

HELENA: Hindi, babalik tayo ng school. Magpaparegister tayo para sa Becoming...


BECOMING NA!!!!


Sa SM Cinema 5 din ginanap ang event na ito...


EDLEEN: Welcome to the 2010 Becoming Superstars: The Ultimate Pop Showdown!!! This night, we will witness an all-out performances of the hottest and anticipated boy bands and all-girl group troupe into this cinema. Are you ready to take this contest into concert-level performance from our performers?


AUDIENCE: Wooooooohhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!! (takpan mo tenga mo, baka mabingi ka sa sobrang lakas ng sigawan ng mga tao)


At nagsimula na ang performance ng bawat grupo...


Ang grupo nina Mafalda ang unang nag-perform. Siyempre, siya si Nicole na pinagpilitan niya...


MAFALDA: Good evening, Cinema 5! Are you ready for some sizzling hot Doll Domination!


Tilian ulit ang mga tao... At nagsimula na silang mag-perform ng mga kanta ng Pussycat Dolls at sumayaw rin nang may buhay...


Sa likod ng back stage ay nandun din ang grupo nina Lyndon at grupo nina Helena. Hindi pa rin sila nag-uusap ni Lyndon mula nang makita ni Lyndon na hinahalikan si Helena ni Albert...


CHRIS: Lyndon... sexy talaga ni Mafalda nuh...

LYNDON: Siyempre naman...


Tinignan ni Helena nang matalim si Lyndon...


RAMON: Nga pala, Don, bat hindi magkapares yang sapatos mo?

LYNDON: Eh kakamadali ko kanina, hindi ko na napansin. Ito kasi yung magkatabi sa shoe rack namin kaya akala ko ito ang magkapares... Ayun, tanga ko lang...

LOUIE: Ganun?! Hayaan mo, malay mo ayan magbigay sa atin ng swerte...


At nang matapos ang performance nina Mafalda...


CHELSEA: In fairness, pir. Si Mafalda ang nagdala ng kanilang performance...

HELENA: Oo si Mafalda ang nagdala... ng kahihiyan!


Nilakasan ni Helena ang pagkakasabi niyon para marinig ni Lyndon...


At nagpunta ng backstage sina Mafalda at ang grupo pagkatapos ng performance..


At niyakap ni Mafalda si Lyndon... na ikinainis at kinaselos ni Helena...


HELENA: Ang kapal ng apog ng Lyndon na yan magselos samantalang siya gumagawa rin ng kababalaghan right in front of my eyes!

CHELSEA: Hayaan mo na, pir. Galingan na lang natin...


At tinawag na ang grupo nina Helena at Chelsea. Kasama nilang mag-perform sina Sopheya at Riona...


LOUIE: My Beautiful Girl, Phey... good luck ah! (at nag-flying kiss pa ito)

SOPHEYA: Sarang hae, Louie… (sinalo niya ang flying kiss ni Louie)


Paalis na ng back stage sina Helena at paakyat na ng stage nang pinatid siya ni Marietta...


At dahil patusok ang buhok ni Helena, nang mapatid siya ay natusok sa mata ng kanyang buhok si Mafalda. Si Marietta naman ay namilipit sa sakit ang binti dahil natapakan ito ni Helena...


MAFALDA at MARIETTA: Aaaarrrrraaaaayyyyy!!!!!!!!!

HELENA: Serves you right, digital na ang karma ngayon... kaya mabilis...


Ngunit bago tuluyang umakyat ng backstage si Helena, nakita niya si Albert ang mga kasamahan nito na nagla-last minute pratice... Talagang desidido ang mga ito na manalo..


At nang makaakyat na sila ng stage, animo ay nasa isa kang KPop Convention dahil sa kanilang performance..





Buong hataw na sumayaw sina Helena. At second time niyang kumanta at masasabi niyang she’s improving naman na kahit paano... at ang partida... Korean pa ang kanilang kinakanta...


Pagkatapos ng kanilang performance, na-LSS ang mga audience sa kanta kahit mali-mali lyrics nila..


Tulad nito:


CORRECT LYRICS: Daero da hal su ittgiyae kkeum jayureul euihae Tonight Tonight Oh~

AUDIENCE: Meron daihatsu with kia, may sampung nokia tunay..tunay oh


Sumunod naman sina Lyndon...


CHRIS: Oh, Ramon.. galingan mo rito ah... Para isipin mo para kay Caroline ang performance mong ito...


RAMON: Siyempre naman... Tignan niyo, bago matapos ang gabing ito... uuwi akong may girlfriend...


Paakyat na sila ng stage nang may tumawag kay Lyndon sa back stage...


ALBERT: Lyndon!!!!!!!!!!


Lumingon si Lyndon...


ALBERT: Wag na kayong magkalat pa sa stage, dahil ilalampaso lang din namin yang basura niyong performance!

LYNDON: Sige wag kang mag-alala, Albert, ipo-floor wax ko pa para sa’yo...


At tilian ang lahat ng mga babae pagkalabas nina Lyndon ng stage...


At sila'y nagsimula nang mag-perform ng kanilang da-moves...





CHELSEA: Magaling din sumayaw yang napurnada mong boyfriend ah. Hindi lang pala siya singing and playing the piano...

HELENA: Magaling din lumandi ang sabihin mo. Kairita siya...


Ngunit sa loob-loob ni Helena, puring-puri siya sa performance nina Lyndon. For her, it was superb! Lyndon never fails to amuse her...


Talon naman nang talon si Sopheya sa performance ng boyfriend niyang si Louie aka Simon Webbe.


Sumunod naman ay ang performance nina Albert. Backstreet Boys naman ang ginaya nila.


Heart throb pa rin talaga si Albert sa school dahil marami pa rin ang mga babaeng tumitili sa kanya habang nagpapamalas siya ng mga may angas na dance moves at bumibirit ng swabeng kanta kasama ang mga kaibigan nito...


Medyo kinabahan si Lyndon... aminado siyang magaling sina Albert...



AT nang matapos ang mga performance....



EDLEEN: And the 1st runner-up for this year’s Becoming Superstars 2010 is.... the Backstreet Boys! And the champion is none other than the Pussycat Dolls who really dominated the house!


Biglang bumaba ang nakataas na buhok ni Helena nang malaman ang devastating result...


Lungkot lungkutan ang grupo nina Lyndon at Helena... Habang nagkakasayahan at naghahalakhakan sa stage sina Mafalda, Marietta at Albert.


Magkayakap na umalis sina Sopheya at Louie sa Cinema 5. Nagpaalam na siya kina Chelsea, Riona, Chris at Ramon at nagpunta na siya ng parking lot. Hindi na sumabay sa kotse niya ang iba dahil may pupuntahan pa raw ang mga ito... Pakiwari ni Helena na magba-bar ang mga ito upang lunurin sa alak ang pagkatalong naranasan.


Wala naman sa mood maglasing si Helena kaya di niya na sinamahan ang mga ito...


Nang marating ni Helena ang parking lot kung saan naka-park ang kotse niya, nakita niya na mabilis na humaharurot ang kotse ni Lyndon palayo...


At naisipan ni Helena na habulin ito..



HELENA: LYNDON!!!!!!!!!!!!!!!!


Sumigaw si Helena nang maabutan niya ang kotse ni Lyndon sa daan. Kasalukuyan nilang binabagtas ang McArthur Hiway sa Angeles City.


Nakalabas pa sa bintana ng kotse ang ulo ni Helena upang makita siya ni Lyndon sa side view mirror nito. Ngunit tila wa-epek sa lalake ang ginagawa niya kaya binilisan lalo ni Helena ang pagpapatakbo ng kotse niya at tinabihan ang kotse ni Lyndon.


Ngunit pagkatabi ni Helena, mabilis na umarangkada si Lyndon.


HELENA: Damn it! Habulan pala ang gusto mo ‘ah! Sige, pagbibigyan kita..


At mabilis rin na pinaarangkada ang kotse niya.


Muli ay naabutan niya ang kotse ni Lyndon. Sa halip na tabihan ulit, um-overtake si Helena at saka biglang tinambangan ang papalapit na kotse ni Lyndon.


HELENA: Huli ka ngayon, boy!


Wala nang magagawa si Lyndon kundi tumigil. Naharangan na ng kotse ni Helena ang daanan.


Mabuti na lang at walang ibang sasakyan na dumadaan ngayon dahil masyado nang gabi. Sa tapat sila ng Pagcor Angeles tumigil.


Si Lyndon ang unang bumaba ng kotse nito at nilapitan si Helena. Blonde pa ang buhok nito mula sa performance nito sa Becoming.


LYNDON: Ano ba? Ba’t mo ba ako hinahabol at tinambangan mo pa ako!

HELENA: I need to talk to you.

LYNDON: Talk to me? Bakyet naman?


Bahagyang napangiti si Helena sa pagkakasabi ni Lyndon ng “bakit.” “Bakyet” kasi ang pagkakabigkas ni Lyndon sa salitang iyon dahil sa punto nitong Kapampangan. Helena finds it cute.


HELENA: Bakyet kita kakausapin? Kasi may sasabihin ako sa’yo!


Nagkatinginan sa isa’t-isa sina Helena at Lyndon sabay nagtawanan. Ngunit agad ding sumeryoso si Lyndon.


HELENA: Lyndon, I broke up with Albert nung nakita mo kami nung isang linggo, ok? Nagpupumilit lang siyang wag kaming mag-break kaya kuntodo yakap siya sa akin.


LYNDON: Ba’t di ka pumalag nung niyakap ka niya?


HELENA: Hello! Ang laki kaya ng katawan ng Albert na ‘yun kaya hindi ako agad nakapalag. E di kung sana kanina bumaba ka na lang sa kotse mo noon at pinagtanggol ako sa Albert na ‘yun sa halip na pinairal mo ‘yang pagseselos mo! Ikaw nga! Payakap-yakap ka pa kay Mafalda kanina!


Natigilan si Lyndon pansumandali at pagdaka’y sinabi...


LYNDON: Hello! Ang laki kaya ng katawan ng Albert na ‘yun!


Gayang-gaya pa ni Lyndon ang pagkakasabi na iyon ni Helena kaya kapwa sila nagtawanan.


LYNDON: Tsaka friendly hug lang yun sa amin ni Mafalda kanina nuh!

HELENA: Friendly hug ka diyan! Hmmpphh!

LYNDON: Oh, wag ka nang magselos diyan! Gumaganti lang ako sa’yo kasi nagselos nga ako kay Albert... sorry na...


Pero hindi na umimik si Helena. Nagtatampururot pa rin ito kay Lyndon...


LYNDON: Nga pala, Hel. Ang galing mong manambang ng kotse ‘ah! Napabilib mo ako. Superb! Para kang si Angelina Jolie sa Tomb Raider...

HELENA: Adrenaline rush yan. Ikaw kasi, pine-pressure mo ko!


At naisipan nilang maglakad-lakad muna sa Astro Park para mag-usap...


HELENA: You know what, Lyndon... I really wanted to win sana sa Becoming. Ilang beses na kong natatalo ni Mafalda...

LYNDON: Hindi, Helena. You did win. We both win this night...

HELENA: Lyndon, sina Mafalda at Albert ang nanalo ngayon... not us.

LYNDON: No, you did win. So did I. We both win each other’s love tonight. Walang-wala ang napanalunan natin sa kahit anupamang tropeo nina Mafalda at Albert...


Na-touch si Helena sa sinabi ni Lyndon... tama nga ito. Higit pa ang napanalunan niya ngayong gabi sa napanalunan ni Mafalda....


Nagyakap sila saglit...


Nang magkalas sila ng yakap, napansin ni Helena ang di-magkapares na sapatos ni Lyndon... ang kanang paa ay nakasulot ng kulay itim na Fred Perry at ang kaliwa ay kulay brown...


Napatingin siya sa Fred Perry na sapatos... at naalala niyang may ganun siyang isang sapatos na naitago niya sa kanyang shoe rack na nakuha niya nung prom night nila nung fourth year high school siya sa PHS.


At para sa kaliwang paa ang sapatos na tinatago ni Helena sa loob ng tatlong taon...


TO BE CONTINUED...


Next Episode: Episode 28: Creamline

Previous Episode: Episode 26: Reunion


Home

2 comments:

  1. gosh men bitin!!!

    ReplyDelete
  2. matatapos na po ito... kaya tuloy-tuloy lang sa pagsubaybay ahahaha

    ReplyDelete