Habang tinatahak ni Lyndon ang daan pauwi sa bahay nila lulan ng kanyang kotse ay masaya niyang inaalala ang naganap sa kanila ni Helena sa simbahan.
Bigla na lang, may humarang sa kanyang lalake. Naaninagan niya ito at siya’y napasigaw...
LYNDON: Tatang Lester...
Nakapang-magsasakang damit ito. Pumasok ito sa kotse niya at sila’y nagyakap na mag-ama...
LYNDON: Tatang, buti po... nakababa kayo ng bundok...
TATAY LESTER: Pinilit kong makababa... nag-alala ako nung hindi ka nag-text nung magkawalay tayo...
LYNDON: Pasensya na po, naiwala ko yung numero niyo... muntik nang makita ng mga sundalo kaya tinapon ko sa helicopter na sinasakyan namin..
TATAY LESTER: Ayos lang yun, anak.. Tsaka gusto ko lang na makapiling ang anak ko ngayong Pasko... sa unang pagkakataon...
Naluha si Lyndon at ganun din si Tatay Lester. Matagal nang inaasam ni Lyndon na magpakita muli sa kanya ang ama. Inasahan niyang makikita niya ito nung sumali siya ng Mr. UP pero nabigo siya.
Ngunit ito pala ang isa sa pinakamagandang regalo niya ngayong Pasko: ang makapiling ang ama.
TATAY LESTER: Mahigpit ang pagbabantay sa Arayat ngayon ng mga sundalo sa pagbabakasakaling may makaengkwentrong NPA. Doble ingat ako para lang makita kita..
Kahit na naluluwa sa kagalakan, nagawa pa rin ni Lyndon na ngitian ang ama.
Nagpunta sila sa bukirin ng hacienda sa pakiusap ng kanyang Tatang Lester. Ngunit nagulat si Lyndon nang madatnan ang hacienda na tahimik. Hindi dama ang diwa ng Pasko rito...
Bumaba sila ng kotse at kinatok ni Tatay Lester ang isang bahay. Niluha noon si Mang Eman...
Kilala ito ni Lyndon. Nakakalaro niya dati ang mga anak nito noong bata pa siya. Dama ni Lyndon na malapit sa isa’t isa sina Tatay Lester at Mang Eman...
MANG EMAN: Kasama mo pala ang anak mong si Lyndon...
LYNDON: Masayang Pasku po, Cong Eman...
MANG EMAN: Sa iyo rin, iho. Tara, pasok kayo..
Pumasok sila sa kubo ni Mang Eman. Nagsasalo na ang buong pamilya ni Mang Eman. Naroon ang asawa niya at ang mga anak nitong si Ernie at Estong na kalaro niya dati. Kinumusta niya ang mga ito.
May konting pagkain sa mesa. Simple lang ang pagkain: kanin, tuyo at konting saging. May instant noodles din...
MANG EMAN: Pagpasensyahan mo na Lyndon, simple lang ang aming Noche Buena... Tara na, Ka Julian, Lyndon... kain na tayo...
LYNDON: Ayos lang po iyon Mang Eman... paborito ko po kaya ang tuyo... lalo na kapag almusal.
At silay nagsalu-salo na. Kahit simple ang ulam ay masarap ito... At nadama ni Lyndon ang Pasko ng mga magsasaka at ng iba pang mahihirap na kahit salat sa pagkain ay masaya at matatag basta’t sama-sama.
Pagkatapos nilang kumain, nagpasalamat sila kay Mang Eman at nagpaalam na...
TATAY LESTER: Mang Eman. Marami pong salamat. Isa pong mapagpalayang Pasko ang sumainyo at sa inyong pamilya...
MANG EMAN: Sa inyo rin po. Kaisa niyo kaming mga magsasaka...
At sila’y naglakad na palayo ng kubo ni Mang Eman..
TATAY LESTER: Lyndon, lagpas hatinggabi na, malamang hinahanap ka na ng Mama Carmen mo...
LYNDON: Saka na lang po ako magpapaliwanag sa kanya pagkauwi ko...
Naglakad-lakad sila sa tahimik na bukirin...
LYNDON: Tatang, bakit payak ang mga handa nina Mang Eman. Bakit simple ang mga pagkain nila samantalang mga magsasaka sila at dapat marami silang handa dahil sila ang nagpo-produce ng maraming pagkain...
TATAY LESTER: Dahil ninanakawan ng angkang ating pinagmulan ang mga magsasaka. Ang totoo ay hindi pag-aari ng mga Punzalan ang Hacienda...
LYNDON: Ano po ang ibig niyong sabihin?
TATAY LESTER: Noong 1967, binili ng aking ama at ina na sina Luciano at Luisa Punzalan ang Hacienda gamit ang pera ng mamamayan na inutang ng mga ito sa pamahalaan. Bilang kasunduan sa pagpapautang na ito, itinakdang pagkalipas ng 10 taon ng pagkakabili ay magiging pag-aari na ng mga magsasaka ang mga lupa sa bukirin.
LYNDON: Ibig pong sabihin... utang lang nina lolo at lola ang lupaing ito? Technically, hindi pag-aari ng mga Punzalan ang lupain. Ngunit papaano pong hindi napasakamay ng mga magsasaka ang lupa?
TATAY LESTER: Halos apat na dekada na ay hindi pa rin naipapamahagi ang lupain na sa mga magsasaka na siyang tunay na nagmamay-ari ng mga ito dahil sa paulit-ulit na maniobra ng aking ina at ng aking kapatid na si Lando.
LYNDON: Ano pong maniobra ang ginawa nina Tatay Lester at Lola Luisa?
TATAY LESTER: Ang Hacienda Punzalan ay iniatas ng gobyerno na ipamahagi na ng mga haciendero ang mga lupa sa mga magsasaka ngunit anong ginawa ng pamilya ko? Ngunit sa halip na direktang ipamahagi ang lupa sa mga magsasaka ay ginawa ng magaling kong ina at kapatid na “stockholder” kuno ang mga magsasaka upang palabasin na nagmamay-ari rin ang mga magsasaka ng hacienda.
Tinignan ni Tatay Lester ang anak bago nagpatuloy...
TATAY LESTER: Ngunit ito’y isang huwad na kasunduan! Anong napapala ng mga magsasaka sa pagiging stockholder? Kakapiranggot na 10.00 lamang ang kanilang naiuuwing kita sa loob ng isang linggo at nililimitahan pa sila na magtanim ng dalawang beses lamang sa isang linggo ni Lando.
LYNDON: Ngunit bakit po hindi ipinaglalaban ng mga magsasaka ang kanilang karapatan?
TATAY LESTER: Ipinaglaban nila iyon. Nagpulong ang mga magsasaka ilang taon na ang nakakaraan upang igiit kay Lando Punzalan ang kanilang karapatan. Bata ka pa marahil noon kaya hindi mo na matandaan ang pangyayaring iyon.
At bumalik sa alaala ni Lyndon noong siya ay 10 years old. Umuwi ang Tatay Lando niya noon na galit sa mga magsasaka...
... FLASHBACK ...
Magmamano sana si Lyndon sa kanyang Tatay Lando pagpasok pa lang nito sa bahay nila at plano niya sanang ipakita ang napanalunang trophy sa isang piano contest...
Hindi pa man nakakapagmano si Lyndon ay bumulyaw na agad si Tatay Lando...
TATAY LANDO: Tanaydana! Detang ortilano! Mag-rebelde la! Bisa da itas ing parke da king pupol! (Tanaydana! Yung mga magsasaka! Nagre-rebelde sila! Gusto nilang itaas ang share nila sa ani!)
MAMA CARMEN: Oh, e ka mainge, pota magising ya y Clyde king babo. Tsaka ene ka paypali buntuk. Mighanda na kung pamangan. Lawen me y Lyndon. Atin yang sorpresa keka.. (Oh, wag kang maingay, baka magising si Clyde sa taas. Tsaka wag na mainit ang ulo. Naghanda ako ng pagkain. Tignan mo si Lyndon. May sorpresa siya sa'yo...)
LYNDON: Wa pin, Pa. Ini pu, trophy ku... (Oo nga, Pa. Ito po, trophy ko)
At masaya ipinakita ni Lyndon ang trophy sa Papa niya...
TATAY LANDO: Bukas na ing kwentuhan. Mapagal ku! Kadakal ku pa problema. Bisa ku nang magpaynawa! (Bukas na ang kwentuhan. Pagod ako! Marami pa kong problema.Gusto ko nang magpahinga!)
MAMA CARMEN: E ka pa wari mangan pamu? Manyaman itang sigang a linuto ku. Ampong menyambut ya y Lyndon king piano competition. Regional Level pa! Kaya, mag-celebrate tamu! (Hindi ka man lang ba kakain muna? Masarap yung sinigang na niluto ko. Tsaka nanalo si Lyndon sa piano competition. Regional Level pa! Kaya, mag-celebrate tayo!)
TATAY LANDO: Celebrate.. celebrate! Paynawa pa! (Celebrate.. celebrate! Pahinga muna!)
Nagtaas na ng boses si Tatay Lando at alam na nina Lyndon at Mama Carmen na galit na ito. Padabog na umakyat si Tatay Lando sa kama nila..
... BACK TO PRESENT ...
TATAY LESTER: Ang masahol pa, nang manawagan ang mga magsasaka para igiit ang kanilang karapatan sa makataong sahod at sa mismong karapatan nilang pagmay-arian ang lupa ay bala ang sinagot sa kanila ni Lando at ng mga kasabwat nitong militar. Nobyembre 17, 2000 nang walang awang pinagbabaril ng mga militar ang mga nagwelga. Walo ang namatay, marami ang mga sugatan, inaresto at mga nawawala pa hanggang sa ngayon...
LYNDON: Pero, Tatang, wala pong nabalitang ganoong patayan dito sa Bacolor...
TATAY LESTER: Dahil pinatahimik ng kapatid ko at ni ina ang mga peryodista upang wag ilathala ang naturang balita. Binayaran niya ang mga ito.
Nagulat si Lyndon sa mga rebelasyon ng kanyang ama...
TATAY LESTER: Mula noon, wala pang naglakas ng loob na tutulan si Lando sa kanyang pamamalakad sa hacienda. Ito ang isa sa mga dahilan ko kung bakit ako umanib sa kilusan at nagawa kong talikuran ang sakim kong pamilya... Upang ipaglaban ang karapatan ng mga magsasaka.. At umaasa ako na balang araw... magtatagumpay ang mga magsasaka sa kanilang pinaglalaban...
LYNDON: Pero, tatang... Paano po kayo nakakakuha ng panustos sa inyong gastusin sa kilusan?
Natigilan si Tatay Lester sa tanong ni Lyndon...
TATAY LESTER: Anak... kaanib namin ang mga negosyante sa aming adhikain...
LYNDON: Kaanib? Di pa bo... sinabi niyo sa amin ni Helena noon... ninanakawan ng mga mayayamang negosyante ang mga maralita sa ating bansa?
Lalong hindi nakasagot si Tatay Lester...
LYNDON: Tatang... huwag niyo po sabihing... ninanakawan niyo rin sila....
TATAY LESTER: Lyndon, anak... hindi sa ganoon... hinihingan namin sila ng butaw...
LYNDON: Butaw? Revolutionary tax? Tapos paano po pag hindi sila nagbigay ng butaw? Sisirain niyo ang kanilang negosyo... papaslangin sila o ang kanilang pamilya? May mga negosyante rin namang nagsumikap sa malinis na paraan...
TATAY LESTER: Anak... bata ka pa at marami ka pang hindi naiintindihan sa kilusan...
LYNDON: Tatang, kung ganun,para na rin kayong nagnakaw. Kahit sabihin pa ninyong galing sa pang-aapi sa mababang-uri ang kinikita ng mga sakim na negosyante, hindi maitutuwid ang mali ng isa pang pagkakamali. Nagiging kasing-sama na ninyo ang gobyernong nilalabanan ninyo...
TATAY LESTER: Lyndon, ayun lang ang tanging paraan... upang maturuan ng leksyon ang mga sakim at mapagsamantala... sa ikauunlad ng mga mahihirap... sa mga naaapi.
LYNDON: Tatang, hindi sa lahat ng pagkakataon na api ang mga mahihirap. At sa ipinaglalaban ninyo, Tatang, sana lumaban kayo ng tamang paraan..
TATAY LESTER: Bakit, ano ba ang nakikita mong tamang paraan? Hindi na nadadaan sa payapang usapan ang gobyerno... ang mga negosyante. Dahas na ang paraan...
Natigilan si Lyndon. May pinupunto rin ang ama... ngunit hindi siya pabor sa paraan nitong dahas na lang ang paraan upang maisulong ang karapatan ng mga mahihirap. Ngunit sa sarili niya ay di niya rin alam ang paraan na nararapat...
LYNDON: Tatang, darating ang panahon... na hindi na magiging bingi ang gobyerno sa hinaing ng mga mahihirap. Darating ang panahon na sana, magbago ang isip ni Tatay Lando. Wag niyong po sanang ilagay sa inyong mga kamay ang batas. Kaya nga isinilang ang ngayong araw ang Diyos na siyang magbibigay pag-asa at magtatama ng kamalian sa mundo... sa Kanyang takdang panahon.
Bumuntong-hininga si Lyndon...
LYNDON: Tatang, ayoko pong magkahiwalay tayo na may samaan ng loob. Sinabi ko lamang ang aking opinyon. Igalang niyo po sana ito tulad ng paggalang ko sa inyong adhikain.
TATAY LESTER: Anak, hindi ako galit sa’yo. At kahit paano, masaya ako na kahit paano, mulat ka sa tunay na kalagayan ng ating mamamayan, kahit na hindi ka pabor sa paraan na naiisip kong gawin para wakasan ito. Lagi kang mag-iingat...
LYNDON: Tatang kelan ko po kayo ulit makikita?
TATAY LESTER: Hindi ko pa masasabi anak...
Nagpaalam na sila sa isa’t-isa. Hindi na sumabay pa si Tatay Lester kay Lyndon. May iba itong daan pabalik ng kampo niya sa Mt. Arayat.
*************
Ala-una na nang makabalik si Lyndon sa bahay. Tapos na sila halos kumain ng Noche Buena. Tulog na si Clyde.
MAMA CARMEN: Anak, saan ka galing? Ba’t ang tagal mo? Sabi mo sa simbahan ka lang...
LYNDON: Nakipagkita ako kay Tatang Lester...
Pagkabagabag ang bumakat sa mukha ni Mama Carmen at Tatay Lando niya...
MAMA CARMEN: Anak... ba't ka naman nakipagkita kay... kay Lester. Alam mo namang delikado. Paano kung nahuli kayo ng mga militar? Hindi mo ba naisip iyon?
LYNDON: Ma, ama ko siya. Matagal ko na siyang hindi nakasama. Ito na lang ang kaunting oras na magkakasama kami, kaya sana maunawaan niyo ako.
TATAY LANDO: Hayaan mo yang anak mo, Carmen. Pesteng Lester yan! Nagbalik pa para sirain ang pamilya ko!
Nagulat si Lyndon sa biglaang pagsigaw ni Tatay Lando.
TATAY LANDO: Lyndon, pagsabihan mo ang magaling mong ama. Bilang na ang araw niya at mahuhuli na siya ng mga militar. Alam ko na ang kilusan ni Kuya Lester ang gumagambala sa hacienda ng angkan. Ang kilusan ang nanununog ng mga pananim.
At nagbalik-tanaw si Lando sa nakaraan..
Kilala niya ang kapatid. Galit ito sa mga naghahari-harian sa mga magsasaka tulad ng kanilang angkan. Malaki ang malasakit niya sa magsasaka sa kanilang hacienda.
Kaya nga naglayas ito sa bahay nila isang gabi at di na nagpakita. Nabalitaan na lang nila na umanib na ito sa kilusan. Nais sirain ni Lester ang kabuhayang ipinundar ng angkan nila upang mapabagsak ito at di na makapang-alipin. Ngunit magkagayunman, nanatili pa rin siyang paboritong anak ng kanilang Mama Luisa.
Kahit sa larangan ng pag-ibig ay naging katunggali niya rin ang kapatid. Pareho nilang iniibig noon si Carmen. Anak siya ng pinakapinunong magsasaka ng hacienda nila. Natalo siya ng kapatid dahil mas pinili siya ni Carmen na maging kasintahan. Magaling kasi itong mag-piano at kumanta... di tulad niya na pagpapatakbo ng hacienda lamang ang kayang gawin.
Kaya laking tuwa niya nang naglayas ang kapatid para umanib sa kilusan. Sa wakas... maaari na siyang magkapag-asa sa babaeng mahal niya. Niligawan niyang muli si Carmen hanggang sa mapasagot niya ito at naitakda agad ang kasal. Ngunit isang araw bago ang kasal nila ay isang rebelasyon ang sinabi ni Carmen: nagdadalang-tao siya... at si Kuya Lester niya ang ama. Nung marinig niya ito ay hindi niya ito natanggap. Ngunit nanaig ang pagmamahal niya kay Carmen... at naituloy ang kasal.
Ni minsan ay di niya nagawang mahalin ang anak ng kapatid niya. Lagi niyang pinapagalitan si Lyndon at minsa’y pinapalo kahit maliit lang ang nagawa nitong kasalanan. Lalo pang tumindi ang galit niya nang makitaan niya ng talento sa pagtugtog ng piano si Lyndon. Manang-mana talaga ito sa Kuya Lester niya...
Akala niya ay ang paninira lang ng pananim ang pambubulabog na gagawin ng kanyang Kuya Lester... nguni’t ngayon ay binubulabog na rin nito ang naipundar niyang pamilya...
TO BE CONTINUED...
Next Episode: Episode 27: Becoming Superstars
Previous Episode: Episode 25: Christmas in Bacolor
Ang mga isinaad na mga kaisipan ni Tatay Lester/Ka Julian tungkol sa kalagayan ng ating lipunan at ang larawan ay galing sa reference na:
ReplyDelete*ANG TOTOONG KALAGAYAN NG HACIENDA LUISITA (2010). polyeto ng Kabataan PartyList noong National Day of Outrage: August 18, 2010.
*Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa: (http://anakbayanph.wordpress.com/2010/08/14/discussion-guide-on-the-hacienda-luisita-compromise-agreement/)
Galing wag mo na revise. Perfect na ito.
ReplyDeleteNae-express mo yung sarili mo at the same time nakakamulat ka ng ibang tao...