Kumakain sa Toll House, isang restaurant sa Angeles City sina Lyndon at Mafalda nang biglang dumating sina Helena at Albert.
Agad na na-spot-an ni Helena sina Lyndon at Mafalda. Kaya siya ay nagpumilit na maupo sa bakanteng mesa sa tabi mismo ng mesang kinakainan nina Lyndon at Mafalda.
Nang makalapit na sila ng upuan.
MAFALDA: Oh.... look who’s here. Nandito rin pala kayo...
HELENA: Hindi! Wala kami rito... hologram lang namin to!
Natawa si Albert. Napansin din ni Helena na palihim na natatawa si Lyndon.
MAFALDA: Oh, my friend Helena, are you joking? Then it’s not funny.
HELENA: For you, it’s not funny dahil hindi mo alam kung ano ang hologram. Pity you.
Umupo na sina Helena at Albert at nilapitan na sila ng waiter upang kunin ang order nila. In fairness, mabilis ang service ng waiters dahil agad na nakarating ang order nila ni Albert na baked macaroni, chicken fillet at clubhouse sandwiches...
Napansin ni Albert na may dumi ang labi ni Helena sa pagkain ng baked macaroni kaya kumuha siya ng panyo at pinunasan ang labi ni Helena...
HELENA: How sweet of you, Albert... Thank you...
Batid ni Helena na naririnig at nakikita sila nina Lyndon at Mafalda...
Napansin naman ni Helena na hindi pa ginagalaw ni Albert ang chicken fillet at club sandwiches na order nito...
HELENA: Oh, bat hindi mo pa kinakain yang fillet at sandwich?
ALBERT: Eh, babe, wala akong gana eh... Walang appetizer.
HELENA: Gusto mo ng appetizer?
ALBERT: Bakit, ioorder mo ko?
HELENA: No... I’ll make you one.
Bigla, tumayo si Helena at hinalikan si Albert sa lips...
ALBERT: Talaga namang ang sarap ng pampagana mo... Mukhang kailangan ko pang umorder ng isa... mapapakain ako nito...
At habang nagpapatuloy sila sa pagkain...
ALBERT: Gusto mo? (inaalok ang chicken fillet)
HELENA: Sure...
At sinubuan ni Albert si Helena. Sinubuan din ni Helena si Albert ng baked mac.
Bigla na lang, umubo ng malakas si Lyndon...
LYNDON: Ehem.. ehem.. Mafalda... sa Pasko nga pala... I have a surprise gift for you...
MAFALDA: Really, Lyndon? Oh... I love surprises!
Batid ni Helena na nagpaparinig lang ang dalawa sa kanila. Marahil ay naiinggit sa kanila ang dalawa o nagseselos...
MAFALDA: Oh by the way, Lyndon, gusto ko ulit bumisita sa hacienda niyo. It is cool to be there... Napaka-romantic when we spend our moments together there...
LYNDON: Oh sige. Kaya lang pagpasensyahan mo na lang muna at lechon na naman ang ulam namin. Nakakasawa na nga eh...
MAFALDA: Lechon na naman? Nakakaumay na nga. Pero OK lang yun... hindi naman tayo nagkaka-umayan sa isa’t isa. Eh yung bahay niyo ba pinalinis mo na?
LYNDON: Ay siyempre naman. Nung isang araw nga, pinagalitan ko yung katulong namin kasi ba naman nagkalat ang pera saang sulok ng bahay pero hindi siya naglilinis...
Tinitignan ni Mafalda sina Helena at Albert upang makita ang mga reaksyon ng mga ito...
Lihim na nadidisappoint si Helena sa mga nababanggit ni Lyndon lately. Yumabang na nga talaga ito...
Bigla, may nakitang bata si Helena na may hawak na teddy bear.
HELENA: Babe, gusto ko sa Pasko regaluhan mo ko ng teddy bear... Yung malaking-malaki.. para huggable!
ALBERT: Ganun? Eh sana kayanin ng budget ko...
LYNDON: Kawawa naman, walang pera
Pabulong na sinabi ito ni Lyndon pero narinig ito ni Helena. Pero hindi na lang niya ito pinagtuunan ng pansin.
HELENA: Ganun? Sige ok lang yun. Eh di para mas mura... isang bear na kasing-laki na lang ni Lyndon...
Nagkatinginan sina Lyndon at Helena..
HELENA: Oooopppss... no offense meant..
****************
NAG-PARTY ng gabi sina Helena, Albert, Chelsea at iba pa nilang mga kaibigan sa pad ni Helena sa Xevera bilang pagdiriwang ng pagsisimula ng Christmas break...
HELENA: Kaya ako nagpa-party ay dahil Christmas break is here at maaaring thanksgiving party ko na rin ito para sa kaligtasan ko mula sa kamay ng mga NPA two months ago...
Naalala na naman ni Helena si Lyndon at ang pagsasama nila sa NPA camp pero pinalis niya agad ang alaalang ito.
Nag-inuman, nagpatugtog, nagbaraha at kung anu-ano pa ang ginawa nila sa party...
HELENA: Oh... bilis, picture-picture tayo... Nice... parang class picture lang ah. Oh game, Grade 5 pose kunwari...
CHELSEA: Grade 5 pose tapos may mga Ginebra, Red Horse, Gran Matador na kasama sa picture... :)
Nagtawanan ang lahat...
Bigla na lang, may kumatok sa pinto. Si Helena ang nagbukas. Namukhaan ni Helena ang kumatok. Kapitbahay niya iyon na sa call center nagtatrabaho.
HELENA: Ano po iyon?
CALL CENTER NEIGHBOR: You was students, right?
Muntik nang matawa si Helena sa wrong gramming ng kapitbahay.
HELENA: Yes... we are students.
CALL CENTER NEIGHBOR: You’re so noisy. I can hear your noise from the inside and outside of my house that is not a home. Can’t you see, I’m a call center... and I’m deprieved of sleep!
Pagalit na sinabi ito ng kapitbahay. Kung nakiusap ito nang mahinahon ay pagbibigyan ito ni Helena... pero pagalit eh... kaya hindi magpapatalo si Helena..
Lumapit na rin sina Albert at Chelsea kay Helena. Nakiusyoso na rin ang iba nilang kaklase.
HELENA: Excuse me? We are noisy? For all you know, my Ipod is set at Volume 10 only. And my friends and I are partying with less noise as we can.
May punto si Helena, mahina lang ang patugtog nila at kahit nag-iinuman, hindi naman sila masyadong nag-iingay o nagsisigawan. Masyado lang mareklamo ang kapitbahay nilang “call center” daw.
Lagi na lang nagrereklamo ang kapitbahay na ito kahit na nanonood lang si Helena ng TV na Volume 7 na lang at kung anumang gawin ni Helena na gumagawa ng less noise.
Pinagpapasensyahan na lang ito ni Helena dahil nga sa isang call center ito nagtatrabaho at puyat ito... pero nang napapadalas na ang pagrereklamo ng kapitbahay na ito ay nairita na si Helena.
HELENA: That’s why it’s called a party! At hindi kami pipi para hindi kami makagawa ng ingay. Hindi naman po kami nambubulabog sa inyo. But you, just the other day, you went videoke with your friends all night long but did you hear a single complaint from me even you sang at the top of your voice?
CALL CENTER NEIGHBOR: Where did you studying?
HELENA: We are studying in UP.
CALL CENTER NEIGHBOR: See... you’re UP, you act that way!
HELENA: See, you are a call center agent, you speak that way! Your grammar sucks.
Yun lang at pinagsarhan na ni Helena ng pinto ang kapitbahay. At bilang paggalang na rin sa kapitbahay niyang mareklamo, pinauwi na niya ang mga kaklase...
*************
DECEMBER 24, 2009
Naglalaro sina Lyndon at Clyde sa X-Box. Niregalo ni Tatay Lando ang X-box na ito kay Clyde. Wala namang regalo si Tatay Lando sa kanya pero tanggap na niya iyon.
Mula nang malaman ni Lyndon kung sino ang tunay niyang ama ay naging mas malamig na ang dati nang malamig na turing sa kanya ni Tatay Lando...
Mabuti na lang at mabait ang nakababatang kapatid at pinapahiram pa siya nito..
MAMA CARMEN: Pogi....
LYNDON: Bakit, Mama?
MAMA CARMEN: Ay, hindi ikaw ang tinatawag ko Lyndon... si Clyde tinatawag ko. Papatikim ko sa kanya ang cake na bine-bake ko...
LYNDON: Ito talagang si Mama, ako lang pogi sa bahay na ito.. Hmmph!
Nang makalipas ang ilang oras...
MAMA CARMEN: Pogi.... bili ka naman ng suka sa tindahan oh... Magpa-paksiw lang ako...
LYNDON: Oh, Clyde... ikaw ulit tawag ni Mama..
CLYDE: Ikaw talaga kuya, porket utos gini-give up mo na yung pagiging pogi mo... :)
**************
Dahil bisperas ng Pasko, nakituloy muna sa pad ng kanyang Tita Tess at Tito Tonio sa Xevera Bacolor rin upang sama-sama silang magcelebrate ng Pasko...
TITA TESS: Helena, pagpasensyahan mo na ang Mama mo, hindi na naman siya makakauwi ngayong Pasko... marami raw kasing ginagawa sa ospital ngayon sa London...
Hindi na inasahan pa ni Helena na uuwi ang Mama Heidi niya ngayong Pasko. Ni hindi nga ito umuwi nang makidnap siya ng NPA.
Ngunit kahit hindi niya inasahan at sanay na siyang wala palagi ang Mama niya tuwing Pasko, nakaramdam pa rin siya ng lungkot...
TITA TESS: Huwag ka nang malungkot, iha. Nandito naman kami ng Tito Tonio mo..
Ngumiti si Helena..
TITO TONIO: Gusto mo bang mas sumaya, Helena? Dahil birthday ni pareng Hesus ngayon, siya’y magpapakain at magpapainom...
HELENA: Weh? Talagang si Jesus mismo ang magpapakain at magpapainom?
TITO TONIO: Oo naman, iha. Gusto mo bang makasama sa handaan? Pwes, MAGSIMBA tayong lahat ngayon upang makadalo sa kanyang handaan sa Banal na Eukaristiya..
Habang minamaneho ni Helena ang kotse papunta sa simbahan nang gabing iyon, medyo natrapik sila dahil sa lubenas o ang parada ng mga nagliliwanag na mga parol na yari sa mga makukulay na papel at nakalagay sa isang kawayan at sa likod ng mga parol ang malaking imahe ni San Guillermo Ermitanio, ang patron ng Bacolor
TITO TONIO: Alam niyo ba na ang lubenas ay isang original na tradisyong Bacoloreño?
HELENA: Talaga, Tito?
TITO TONIO: Oo, Helena. Siyam na araw itong ginagawa bago mag-Simbang gabi tuwing madaling-araw. Marahil nga dito nakuha ng San Fernando ang ideya na mabuo ang Giant Lantern Festival.
TITA TESS: Nice, natalo mo pa si Ernie Baron o kaya si Kuya Kim sa trivia ah!
TITO TONIO: Siyempre, matalino ang asawa mo. Kung walang knowledge, walang power... at ang buhay ay weather weather lang...
Kahit trapik, hindi sila na-late para sa Midnight Mass sa San Guillermo Parish Church sa Bacolor. Punong-puno ng Christmas lights ang labas ng simbahan na may nakaporma sa mga salitang: MASAYANG PASKU AT MASAPLALALANG BAYUNG BANUA.
At sa gilid ay meron ding isang Belen...
At sa kanang bahagi ng simbahan ay nandoon ang choir. At siya’y napatulala sa choir nang makita niya sa likod ng piano ay nandoon si...
HELENA: Lyndon...
Napatulala si Helena, ngunit hindi siya binabalingan ni Lyndon ng tingin. Busy si Lyndon sa pag-eensayo ng piyesa na tutugtugin mamaya sa misa...
Namangha siya dahil saxophone naman ngayon ang tinutugtog ni Lyndon. Magaling pala ito ng ibang instrumento liban sa piano.
Napangiti na lang si Helena at umupo na sa isang pew kasama sina Tita Tess at Tito Tonio.
Sa choir naman, may nagtatalong dalawang choir member na mga lalake tungkol kay Helena..
LALAKE 1: Pare, ako yung nginitian noong magandang babae!
LALAKE 2: Hindi pare, ako yun! Muntik na nga akong matunaw sa titig niya eh!
LALAKE 1: Oh sige, para fair, ikaw ang tinitigan, ako ang nginitian...
LALAKE 2: Oh sige... patas..
LYNDON: Oi, ano bang pinagtatalunan niyo diyan at ang ingay-ingay niyo?
Ngumisi na lang ang dalawang choir members...
Nagsimula na ang Misa. Tuwang-tuwa si Helena sa reenactment ng “Panuluyan” o yung reenactment ng paghahanap nina Maria at Jose ng matutuluyan bago ipanganak si Hesus.
At di maiwasan ni Helena na mamangha sa pagtugtog ni Lyndon ng saxophone habang umaawit ang choir ng mga kantang pamasko na karamihan ay Kapampangan.
Lalo na ang Kapampangan Version ng Winter Wonderland na “Oh Balen.”
CLICK Link in a new tab para mapakinggan ang Christmas Song na ito habang binabasa ang kwento. Enjoy!
SONG LINK: ♫♫♫ OY! BALEN (Winter Wonderland Kapampangan adaptation)♫♫♫
Kahit hindi naintindihan ni Helena ang lyrics, dama niya ang sayang nakapaligid na hatid ng Pamaskong kanta.... dahil sa pagtugtog ng saxophone ni Lyndon...
Nagmano si Helena at binati ang Tito Tonio at Tita Tess ng “Maligayang Pasko.”
Nang matapos ang misa, palabas na sina Helena at ang Tito at Tita niya nang tapikin siya sa likuran ng dalawang lalake na miyembro ng choir...
LALAKE 1: Miss Beautiful, may tanong kami...
HELENA: Yes?
LALAKE 2: Nung pumasok ka sa simbahan, sino ba yung nginitian at tinignan mo sa aming dalawa?
LALAKE 1: Ako yun di ba?
LALAKE 2: Hindi nuh! Di ba Miss ako yun?
HELENA: Ha? Teka... naguguluhan ako sa pinagtatalunan niyo....
LYNDON: Ah.. ikaw pala ang pinagtatalunan ng dalawang mokong na ‘to kanina pa...
Naangasan si Helena sa tono ng pananalita ni Lyndon. Napreskuhan si Helena rito..
HELENA: Nagbago ka na nga. Hindi na ikaw ang Lyndon na nakilala ko.
At naglakad na palayo si Helena kasama ng kanyang Tito Tonio at Tita Tess. Nasa labas na sila ng simbahan nang masundan at mahabol sila ni Lyndon...
LYNDON: Bakit mo nasabing nagbago na ako? Ni hindi mo nga ako kilala di ba?
Natigilan sa paglalakad si Helena.
HELENA: Tito Tonio, Tita Tess, mauna po muna kayo sa kotse... may kakausapin lang po ako...
Umalis na sina Tito Tonio at Tita Tess... pagkatapos ay nilingon si Lyndon.
HELENA: Yumabang ka mula nang manalo ka bilang Mr. UP Clark. Hindi ka naman ganyan dati. Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa’yo...
Natigilan si Lyndon at matagal bago hindi nakapagsalita. Nagulat naman si Helena nang biglang umusal nang mahina ngunit dinig si Lyndon...
LYNDON: Nagpakaganito lang naman ako dahil sa’yo.
HELENA: D-Dahil sa akin?
LYNDON: Dahil sa matindi kong pagmamahal sa’yo kaya pinilit kong maging ganito. Masakit sa akin nang tahasan mong sinabi na hindi mo ko kailanman magugustuhan. Alam ko kung bakit; dahil wala akong dating, walang angas, walang maipagmamalaki, pandak, bansot... di tulad ng boyfriend mong si Albert. Helena, pinilit kong pasukin ang mundo mo, mapansin mo lang ako. Lahat ‘yun nagawa ko dahil mahal na mahal kita.
Nakaramdam ng kalungkutan si Helena sa sinabing iyon ni Lyndon. Dahil pala sa kanya kaya nagkaganito ang lalake.
LYNDON: I wanted to be better than anyone else... for you.
HELENA: Oo, Lyndon, nung una, hindi kita pansin. Ni hindi kita kilala mula nung nasa PHS tayo o kahit na nasa UP Clark. Nakilala lang kita nung naging magka-block tayo ngayong third year natin...
At huminga ng malalim si Helena at nagpatuloy...
HELENA: At hindi ko inasahang mahuhulog pala ang loob ko sa’yo. Nung una, hindi ko matanggap na ang isang tulad mo na maliit, simple lang, at walang maipagyayabang ay ang siyang mamahalin ko.
Nanatiling walang imik si Lyndon. Nabanaag sa mukha nito ang pagkagulat at di-pagkapaniwala.
HELENA: Lyndon, ikaw mismo ang minahal ko. Ang kakulitan mo, ang simple mong porma, ang pagngiti mo sa akin kahit iniirapan kita, ang pagpa-piano mo. Hindi lang ang mundo ko ang napasok mo kundi pati ang puso ko. Kaya sana, magbalik na ang Lyndon na minahal ko noon at minamahal ko pa rin hanggang ngayon. Gusto ko ulit makita ang dating Lyndon... at hindi ang Lyndon na nagpumilit magbago para lang sa akin...
At ang kanina pang pinipigil na luha ni Helena ay malaya nang dumaloy.
Inaasahan niyang wala nang kwenta ang sinabi niya. Hindi na siya mahal ni Lyndon. May Mafalda na ito. Naalala niya tuloy ang sinabi niya kay Lyndon noon.
I do not like you and never will I. Kaya sana, wag ka na sanang umasa pa.
Hindi niya akalaing kakainin niya rin pala ang mga katagang iyon.
Tumalikod na si Helena at dahan-dahang naglakad palayo. Hindi na niya nagawa pang lumingon. Alam niyang hindi siya hahabulin ni Lyndon.
LYNDON: Sandali
At hinawakan ni Lyndon ang braso ni Helena.
HELENA: Lyndon bakit? Bakit mo ko hinabol? Dahil ba mahal mo pa rin ako hanggang ngayon? Oh Lyndon!
LYNDON: Panyo mo nahulog... (Walang emosyong wika ni Lyndon habang inaabot ang panyo ni Helena sa isang kamay.)
Pagkabigo ang nadama ni Helena nang mga oras na iyon. Akala niya ay may mas higit pang dahilang kung bakit siya binalikan ni Lyndon. Yun pala ay dahil lang sa panyo niyang nahulog.
HELENA: Asaness naman ako!
Nagsimula ulit naglakad palayo si Helena pagkakuha ng panyo. At nagulat na naman siya nang biglang may kumapit na naman sa braso niya.
HELENA: Ano na naman ba, Lyndon?
At nilingon niya si Lyndon.
Ngunit di nagsalita si Lyndon. Sa halip ay tinitigan lang siya nito. Napatitig naman siya.
At sa pagtititigan nilang iyon, hindi nila napapansin na unti-unti na ring naglalapit ang kanilang mga mukha...
Kumabog ang puso ni Helena nang lalo pang lumapit ang mukha ni Lyndon sa kanyang mukha. Iba ang pintig ng puso ni Helena habang pinagmamasdan ang mukha ni Lyndon; ngayon lang napansin ni Helena na gwapo nga palang talaga si Lyndon.
HINDI maalis ni Lyndon ang mga mata sa pagkakatitig kay Helena. Hindi mapakali na natutuwa si Lyndon na kasama, kaniig at kapiling na niya ngayon ang babaeng minahal niya nang buong buhay niya.
LYNDON: Pinilit kitang kalimutan, Helena. Ngunit mahirap kang kalimutan, dahil hindi basta-basta mawawala sa puso ko ang pag-ibig na matagal ko nang inilaan sa’yo. At sa tuwing pinipilit kong kalimutan ka, mas lalo lang kitang minamahal.
GAPISO na lang ang pagitan ng mga labi nila. Napadila na ng labi si Helena at napapikit nang dahan-dahang dumampi ang mapula at malambot na mga labi ni Lyndon... and Helena responded to that kiss passionately and with enthusiasm... and they shared an intimate kiss.
Sa paghalik na ginawa na iyon ni Lyndon, nabuhay sa gunita ni Helena ang halik na ginawa sa kanya ng isang di-kilalang lalaki nung senior prom nila. They have the same magic! Yet, Lyndon’s magical kiss took over her senses instantly enveloping love and tenderness in her body.
Then she felt Lyndon’s tongue touched hers. And she responded. Helena was longing for this special kiss from Lyndon. At batid niyang ganun din si Lyndon.
Dinadama ni Helena ang halik ni Lyndon. Damang-dama ni Helena ang marahan ngunit di-maitagong pagkasabik at puno ng pagmamahal na halik ni Lyndon that almost took her breath away.
Ngunit sadyang ang lahat ng ligaya ay dapat ding bigyang tuldok. Bigla na lang napabalikwas si Lyndon at agad na kinalas nito ang labi sa pagkakahalik kay Helena na ikinataka at ikinadismaya ni Helena.
LYNDON: Hel, I’m sorry. Alam kong mali itong ginagawa natin at hindi ko napigilan ang sarili ko...
HELENA: Anong mali?
LYNDON: This is infidelity. Boyfriend mo si Albert...
HELENA: ... At girlfriend mo si Mafalda...
Nakaramdam na naman ng kirot sa puso si Helena nang iusal ang mga salitang iyon.
Nagulat si Helena nang umiling-iling si Lyndon.
LYNDON: No, Mafalda is not my girlfriend. Akala lang ng marami ay kami na... pero ang totoo ay MU lang kami...
HELENA: MU? Mutual Understanding?
Nakangiting umiiling si Lyndon sabay sabi..
LYNDON: MU... Malabong Usapan, pwede ring Magulong Usapan.
Di nila napigilang matawa.
HELENA: Eh, anong ginawa niyo sa kwarto noong sem-ender natin?
LYNDON: Eh di KKK...
HELENA: KKK?
LYNDON: Kanya-kanyang Kwentuhan. Peksman!
Nagkatawanan sila ng kaunti.
LYNDON: Helena, I’m still the same Lyndon you’ve always known. Nagbago man ang lahat sa akin ngunit hindi ang isang bagay: ang pagmamahal ko sa’yo. At handa kong patunayan sa'yo na kaya kong mahigitan si Albert..
HELENA: Wala ka namang dapat patunayan sa akin, Lyndon. Dahil matagal ko nang alam na lahat gagawin mo para sa akin... Tulad noong nakidnap tayo ng NPA. Pinasaya mo ko kahit takot na takot na ako...
Nang mga oras na iyon, hindi mapigilan ni Helena ang puso sa sobrang saya. Masaya siya... masaya ang puso niya ngayong kapiling niya si Lyndon at kaniig niya ito nang mga sandaling iyon.
LYNDON: Alam mo, Hel. Hindi ako niregaluhan ng ama ko ngayon... samantalang yung kapatid kong bata, niregaluhan niya ng X-Box. Pero ayos lang sa akin yun. Simple lang naman ang hinihingi kong regalo kay Bro ngayong Pasko..
HELENA: Ano namang regalo?
LYNDON: PSP mo...
Nagulat at napanganga si Helena..
HELENA: PSP ko? Simple ba iyon?! Eh ang mahal nun.
LYNDON: Simple lang iyon... PSP mo... Pasko Sa Piling mo... :)
HELENA: Corny mo, Lyndon!
LYNDON: Ganun talaga pag in love... :))
Napasulyap si Helena sa kalangitan sa sobrang tuwa na nararamdaman. Nasulyapan niya ang buwan. Ito’y crescent moon na nakahiga, at sa itaas ng magkabilaang dulo nito ay ang dalawang bituin... parang buwan na anyong-nakangiti.
Naalala niya ang tula na nabasa niya noon sa resort nina Lyndon. Titiman ing bulan. Nakangiti ang buwan. Nakangiti ang buwan sa kanila ni Lyndon at sa buong Bacolor. Nakikisaya ang buwan sa kanila ngayong Pasko...
LYNDON: Mukhang inaantay ka na ng Tito at Tita mo..
HELENA: Oo nga eh... Eh nasan yung pamilya mo?
LYNDON: Hindi nakasimba ngayon. Si Tatay hindi talaga nagsisimba yun. Si Mama abala sa paghahanda sa Noche Buena. Kapatid ko, naglalaro lang sa bagong X-box niya. Ako kelangang magsimba dahil choir member ako..
Nagpaalam na sa isa’t-isa sina Lyndon at Helena...
LYNDON: Masayang Pasku keka...
HELENA: Merry Christmas din Lyndon...At habang minamaneho ni Helena ang kotse...
TITA TESS: Helena, palagay ko... ito ang best Christmas mo nuh?
HELENA: Tita...
TITO TONIO: You literally give love on Christmas Day...
Napapangiti si Helena sa kantiyaw ng kanyang tito at tita.
Habang nagmamaneho, iniisip ni Helena what future lay ahead between Lyndon and her. She thinks of smooth sailings... magiging tuwid ang future nila ni Lyndon at walang magiging sagabal sa kanila tulad ng tuwid na daan na tinatahak nila ngayon.
Ngayon lang siya nagmahal nang tunay di tulad ng mga nakarelasyon niya dati na fling-fling lang. Gaya na lang ng relasyon nila ngayon ni Albert...
HELENA: Albert
Biglang pumasok sa isip ni Helena. Napa-preno siya bigla nang malakas nang maisip si Albert.
TITA TESS: Helena, iha, ba’t naman napa-preno ka agad? Eh wala namang sagabal sa daa.
Bahagya kasing nauntog ito sa dashboard ng kotse. Nauntog din sa sandalan ng mga kaharap na upuan si Tito Tonio.
HELENA: Meron. Merong malaking sagabal.
TO BE CONTINUED...
Next Episode: Episode 26: Reunion
Previous Episode:
Episode 24: SWOT Analysis
PHOTO CREDITS:
ReplyDelete*LUBENAS: Image taken from: (http://kcenter.bravehost.com/arti_lubenas.html)
*SAN GUILLERMO PARISH CHURCH EXTERIOR and BELEN: Images taken from: (http://www.flickr.com/photos/karlaredor/4219681014/in/photostream/)
*San Guillermo Parish Church ALTAR: Image taken from: (http://habagatcentral.com/2009/12/25/simbang-gabi-the-kapampangan-way-bacolor-pampanga/)
*TOLL HOUSE FACADE: Image taken from: (http://www.foodforbigboys.com/toll-house/)
*Toll House CLUB SANDWICH: Image taken from: (http://www.facebook.com/photo.php?fbid=1392056849599&set=o.292599049542&type=1&theater)
*Toll House BAKED MAC and CHICKEN FILLET: Images taken from: (http://eatpinoyfood.blogspot.com/2008/05/toll-house-nostalgia.html)
SONG CREDITS
ReplyDelete*OY! BALEN (Winter Wonderland by Felix Bernard & Richard B. Smith) Kapampangan adaptation by Marco D. Nepomuceno & Titus Toledo, as performed by Jimming Bini & The Starlicks from the 18-song bestselling Kapampangan Christmas CD album "A Camalig Christmas" [2.3MB]
Can be downloaded in: (http://www.camalig.com/nepomusik/camalig_xmas.html) and (http://www.facebook.com/note.php?note_id=471845863481)