****SEASON 2 STARTER EPISODE****
ANG NAKARAAN:
NOVEMBER 2009
Pagkatapos ng mahaba-habang sembreak ay nagsimula na naman ang klase para sa second semester.
Nasa CR sina Helena at Chelsea at nag-aayos ng mga sarili nila…
CHELSEA: Have you heard the news?
HELENA: News na alin?
CHELSEA: Kasali si Lyndon sa Mr. and Miss UP.
HELENA: Do not pull my leg, pir.
CHELSEA: I’m not pulling your leg, pir. Sige, tignan mo yung mga pinaskil kong mga picture sa lobby nang maniwala ka. Kahit nga ako nagulat nang makita ko na kasali pala si Lyndon together with your bestfriend Mafalda na vying naman for Miss UP. They will represent our block.
Kapwa miyembro ng Association of Economics Students (AES) na organizer ng event sina Helena at Chelse.
Nasa Arts Section ng organisasyon si Chelsea kaya siya ang nagpaskil ng mga picture ng mga contestant.
Ang trabaho naman ni Helena ay maghanap ng mga sasaling contestants. Hindi nahirapan si Helena sa trabaho niya dahil nakumbinse niya ang boyfriend niyang si Albert na sumali at i-represent ang fraternity na kinabibilangan nito sa unibersidad.
CHELSEA: In fairness, pir, mukhang lumalakas na ang self-confidence ni Lyndon mula nang maging sila ni Mafalda. Palagay ko good influence sa kanya yung babaeng iyon.
Natahimik na lang si Helena. At napansin ito ni Chelsea…
CHELSEA: Pir, mahal mo pa rin ba si Lyndon?
Bumuntong-hininga si Helena at sinabi…
HELENA: Masaya na ko kay Albert, pir.
MARAMI ang nagulat, lalo na ang mga third year Business Economics students, nang dumaan sila sa lobby ng unibersidad at nakita nila ang nakapaskil na mga litrato ng mga kasali sa gaganaping Mr. and Miss UP.
Akala ng marami ay practical joke lang ito ng AES, ang organiser ng pageant. Ngunit mabilis na kumalat na ang balita...
MARAMI ang lihim na natatawa na mga babae kay Lyndon habang naglalakad sila nina Louie at Chris sa pasilyo ng unibersidad nila.
BABAE 1: Ayan ‘yung isa sa mga sasali sa Mister UP? Duh!
BABAE 2: Yah. But you know what, I don’t find him handsome. Ang lakas ng loob kalabanin si Albert.
Binulyawan naman ni Chris ang mga babae. Narinig niya kasi ang bulungan ng dalawang babae.
CHRIS: Hoy, kayong mga babae kayo, kung makapanlait kayo akala niyo kung sino kayong kagandahan ah.
Mabilis na maglakad palayo ang mga babae sa kanila
LYNDON: Ba’t mo naman sila pinagsalitaan ng ganun, tol?
CHRIS: Tol, harap-harapan ka na nilang nilalait ‘eh. Akala mo naman maganda sila.
LYNDON: Totoo naman ang sinasabi nila. Alam ko namang wala akong panama sa iba pang mga contestant lalo na kay Albert. Gwapo si Albert, crush ng bayan. He’s everything I’m not! Ba’t ba kasi ako napa-OO agad kay Marietta na sumali eh.
LOUIE: Tol, iangat mo nga ang self-esteem mo. Ang liit na nga ng height mo, ang liit pa ng tingin mo sa sarili mo. May talent ka din, Don. Magaling ka magpiano. Masyado mo kasing ikinukumpara ang sarili mo kay Albert.
CHRIS: Kaya ka natotorpe, dahil feeling mo ang liit-liit mong tao para kay Helena. Wag ganun, tol...
LYNDON: Thanks, mga tol. Pero sa tingin ko, hindi na para kay Helena ang gagawin kong ito. Para na lang ito sa sarili ko. Dahil alam kong wala nang pag-asa na mapansin niya pa ako anumang gawin ko. Suko na ko kay Helena. Move on na ko sa kanya.
LOUIE: Hayaan mo, andyan naman si Mafalda. Napapaligaya ka naman niya kahit paano di ba?
Nagtawanan silang tatlo at nagpatuloy sa paglalakad sa corridor.
Samantala, nasa loob ng kotse sina Helena at Albert...
ALBERT: Hel, pwede ba kitang maka-duet sa kanta para sa talent ko sa Mr. UP?
HELENA: Ha? E hindi naman ako kumakanta!
ALBERT: Ganun... sige try mo na lang itula... :)
Natawa si Helena.
HELENA: Sige ah.. magaling ako sa declamation nung PHS days pa nuh! Sige, ano bang kanta?
ALBERT: My Boo...
***********************
TALENT Night for Mr. and Miss UP Clark. Ginanap ito sa event center ng SM City Clark. Dahil Talent Night, maraming mga estudyante ng unibersidad ang nanonood.
BOY MC: Good afternoon, ladies and gentlemen! We are showcasing this afternoon the talents of the contestants for this year’s Mr. and Miss UP Clark 2009.
GIRL MC: This Talent Night will indeed push the contestants to their limits as they grace us with their performances.
Matapos ipakilala ang mga contestant, nagsimula na ang talent night. Unang magpe-perform si Mafalda.
Kumanta si Mafalda ng "Disturbia" ni Rihanna with matching dance moves at na-disturb nga ang lahat sa sing and dance ni Mafalda.
MARIETTA: Go Mafalds!!!!!!!!
MAFALDA: ♫ Bum Bum Be-Dum Bum Bum Be-Dum Bum. Your mind's in disturbia! Feels like the darkness is light. Disturbia! Am I scaring you tonight? ♫
CHELSEA: Pir, alam ko na ang mainam solusyon sa El Niño
HELENA: Tomooo...
Nakatingin si Chelsea sa kumakantang si Mafalda habang sinasabi ito... :)
After ni Mafalda ay kumanta ulit ng "Angels Brought Me Here" si Caroline, isa sa mga babaeng contestant...
Magkasama naman ang magkasintahan na ngayong sina Sopheya at Louie.
SOPHEYA: Hmmmpph! Mas magaling pa ko riyan! Isa kaya ako sa mga member ng La Diva na kumanta nung laban ni Pacquiao noong Linggo. Nandun nga ako sa Mandalay Gym, Los Angeles nung Linggo. Napakinggan mo ba ako dun? ♫ Bayang Magiliw, perlas ng silanganan. Alab ng puso, sa dibdib mo'y buhay... ♫
LOUIE: Bakit, ikaw ba si Cotto at nandun ka?! Kaya pala mukha kang nabugbog...
SOPHEYA: Murit! Wala kang pakisama!
LOUIE: Ikaw naman. Nilalambing lang kita...
SOPHEYA: Ayieee!
Kumanta naman si Albert na ka-duet ang girlfriend na si Helena.
Click PLAY sa video para panoorin yung performance nila... Hope you like it... :))
Marami nagtilian dahil sa kilig. First time ni Helena ang kumanta in front of many people...
CHELSEA: Pir.... pwede ka nang magkarooon ng album!!!! Photo album... :))
Nagkataong si Lyndon ang sunod na magperperform kaya nagkasalubong pa sa back stage sina Helena at Lyndon. Ngunit hindi man lang tinignan ni Lyndon si Helena...
May nakahanda nang piano organ sa stage nang umakyat si Lyndon. Umupo siya sa tapat nito at nagsalita sa mic.
LYNDON: This song... is dedicated to Mafalda. Nagka-LQ po kasi kami eh...
Naghiyawan ang mga audience.
LYNDON: Sa totoo lang po, napilitan lang ako sumali sa Mr. UP. Tignan niyo naman kasi po ang itsura at height ko kumpara sa mga ibang lalakeng kontestant. Gwapo sila... cute lang ako...
Nagtawanan ang mga tao. Lalo na ang mga kaibigan niyang sina Louie at Chris.
LYNDON: Aatras na nga po sana ako pero nagalit po sa akin si Mafalda... Kaya sana, Mafalda.. mapatawad mo na ako sa pamamagitan ng kantang ito...
Pagkaharap ni Lyndon sa piano, huminga siya ng malalim at parang magic na biglang nawala ang kaba niya.
At tinipa ni Lyndon ang unang nota ng kantang tutugtugin niya at unti-unting bumilis na nagpalipat-lipat ang mga daliri niya sa mga tiklada ng piano.
Click PLAY sa video para mapakinggan niyo yung tinutugtog ni Lyndon para kay Mafalda... Hope you like it... :))
Umupo si Helena sa tabi ni Chelsea sa audience. At siya ay napanood sa pagpi-piano ni Lyndon. Nakita niya si Mafalda na kilig na kilig na pinapanood si Lyndon.
Nakaramdam ng inggit si Helena kay Mafalda. How she wish na sana siya ang inaawitan ni Lyndon...
ALBERT: Hel, salamat nga pala at pumayag ka na maka-duet ko sa talent ko... Kahit alam kong bihira kang kumanta...
Doon bumalik sa ulirat si Helena. Nasa audience na rin pala ang boyfriend niya. Akala niya ay nasa backstage pa ito.
HELENA: Ha? Sus... ano ka ba, ayos lang iyon. Love kita eh...
Nginitian siya ni Albert. Mahal nya na nga ba talaga ito?
*****************
PAGEANT Night ng Mr. and Miss UP. Punong-puno ang SM Cinema 5 ng mga tao upang abangan ang pagrampa ng mga contestant with their casual wear, theme wear, formal wear, at siyempre ang kaabang-abang sa lahat ay ang swim wear.
Unang lumabas ang mga babaeng contestant with their swim wear. Tayuan ang halos lahat ng mga lalakeng audience habang rumarampa ang mga babaeng naka-swimwear.
LOUIE: Dana! Ang seksi ni Number 2 oh! Syet! Bote ng Coke ang katawan oh! Buti na lang busy si Sopheya sa AES.. libreng-libre ako... hahaha
CHRIS: Bolang ka talaga, Louie! Sabagay, si Shiela ko rin nasa Amerika... hahhaa. Tignan mo iyon oh! Mabilog-bilog at malusong-lusog naman yung pakwan ni Number 3 oh!
RAMON: Umaalog-alog pa
ANGELO: Nakaka-‘L’ talaga oh! Grabe
LOUIE: Apir tayo dyan, tol!
Nang si Mafalda na ang rumarampa na naka-swimwear.
CHRIS: Tol, swerte rin kahit paano ni Lyndon nuh? Sexy rin si Mafalda...
Nagtawanan silang lahat.
AT NANG mga lalake naman ang lumabas na naka-swimwear, tilian naman ang mga babae na ikinabingi ng mga tao sa convention center.
Todo-okray naman si Chelsea sa mula sa kinalulugaran nila.
CHELSEA: Ano ba yang si number 2, pir. Ang liit naman nung ano. Sana man lang naglagay siya ng ‘Good Morning Towel,’ pampa-augment kung baga. Hehehe... Pero yung kay Albert mo... panalo! Byaheng Dakota!!
HELENA: Murit!
Natawa ang lahat nang lumabas naman ng stage si Lyndon na nakapang-scuba diving...
LOUIE: Dana, Lyndon! Nakang-scuba diving ang bolang!
CHELSEA: Ayan ang literal na swim wear! Hahahaha!
Ngunit habang nasa stage, unti-unting hinubad ni Lyndon ang pang-scuba diving na suot at napanganga ang lahat
CHELSEA: OMG! Look at Lyndon! He’s so hot on the stage!
Kasalukuyang rumarampa si Lyndon sa stage na swimming trunks lang ang suot. At di maiwasan ni Helena na mapalunok nang makita ang hubong katawan ni Lyndon.
Nilakbay ng mga mata ni Helena ang kabuuan ng katawan ni Lyndon. Naghahalong kayumanggi at puti ang kulay ng balat nito na lalong nagpapaganda sa hubog ng katawan nito.
Hindi man katangkaran si Lyndon ngunit mababanaag sa katawan niya ang malamang muscles nito sa dibdib, sa mga braso, at sa balikat.
Namangha pa lalo si Helena nang mabanaag niyang bumubukol ang ‘six-packed’ abs sa tiyan ni Lyndon.
Sa paglalakbay ng mga mata ni Helena sa katawan ni Lyndon, parang may kung anong init naman ang nadama ng kanyang katawan: init na nadama niya nang di-sinasadyang magdikit ang mga katawan nila ni Lyndon nang di-sinasadyang magkayakap sila nito sa thriller bus nung isang araw.
HELENA: Yes, Chelsea. Lyndon is so damn hot...
CHELSEA: Uy, kinikilig...
HELENA: Huh? Ako kinikilig? Excuse me!
CHELSEA: Bakit? Hindi ka ba kinikilig dahil kay Albert? Di ba boyfriend mo siya? Bakit akala mo ba tinutukso na naman kita kay Lyndon?
Natahimik si Helena. Deep inside kasi, gusto niya talagang tuksuhin siya ni Chelsea kay Lyndon.
Sa palagay ni Helena, talagang ibang-iba ang itsura ni Lyndon nang gabing iyon habang rumarampa sa stage with his casual wear, theme wear, at formal wear.
Inamin ni Helena sa sarili na “mas lalong gumwapo” si Lyndon nang gabing iyon. Ni hindi na nga niya napansin ang sariling kasintahan na si Albert sa stage dahil kay Lyndon.
QUESTION and ANSWER PORTION NA...
LALAKENG MC: In some ethnic groups in our country, there’s a tradition that a dead can bring with him/her one treasure in the grave. If you were to be buried, what treasure you will put in your treasure chest and why?
MAFALDA: If I am to be buried, I would rather leave my treasure chest empty. Because I believe that treasures are meant to be shared. Thank you!
Palakpakan ang marami...
LALAKENG MC: If you will have a chance to talk to Pres. Gloria Arroyo, what will you say to her?
CAROLINE: I will tell her to address the needs of the Filipino people because I believe that the people are the government and the government is the people. Thank you!
Palakpakan ulit...
CHELSEA: Pag beauty queen ba dapat tlaga madaming alam na quotable quotes?
HELENA: Yes... like me.
CHELSEA: Sige nga, sample nga ng pang-beauty queen na quote diyan...
HELENA: KEEP OFF THE GRASS…
CHELSEA: Ah ganun, di ako papataob! Ito naman ang akin: PLS USE THE OTHER DOOR
HELENA: Please watch over ur valuables- by MANAGEMENT
CHELSEA: Share a seat and win a friend.
SOPHEYA: Nice sumali na nga kayo! You’re quotable quotes make sense!
RIONA: Naku kung ganyan lang ang patalbugan ng quotes e di beauty queen na rin tayo!
Natawa nang husto ang lahat, lalo na si Helena, sa sagot ni Lyndon sa Question and Answer Portion.
BABAENG MC: If you would be stuck alone in an island and you’re allowed to bring just one thing, what would you would bring with you and why?
Napaisip pansumandali si Lyndon at sabay sagot...
LYNDON: Mang Inasal... chicken with unlimited rice! Thank you!
At unconsciously, unti-unti nang napapahanga si Helena kay Lyndon nang gabing iyon. May kung anong kislot o kiliti na nadaram siya sa puso niya sa tuwing tinititigan niya ang lalake na dati rati’y wala siyang pakialam.
HINDI naitago ni Helena ang inis nang itanghal na Miss UP Clark si Mafalda.
HELENA: Ano ba yang taste ng mga judges?!
CHELSEA: Wala tayong magagawa. The judges’ decision is final and unappealable.
HELENA: Baka naman nagkamali ng compute sina Sopheya at Riona...
Sina Sopheya at Riona kasi ang assign sa pagta-tally ng mga score na ibinigay ng judges sa contestants.
BABAENG MC: And the winner for this year’s Mr. UP Clark is none other than... Candidate Number 5: Mr. Lyndon James Punzalan!”
Napatalon sa tuwa sina Louie, Chris at ang iba pa nilang mga ka-block nang i-announce na nanalo si Lyndon.
Napansin din ni Helena na bad trip si Albert sa stage dahil di niya inaasahan na matatalo siya ni Lyndon. Pumunta sa gitna ng stage sina Mafalda at Lyndon para koronahan at lagyan ng sash.
Nang magkatabi sa gitna sina Mafalda at Lyndon ay humirit ang mga tao.
AUDIENCE: KISS! KISS! KISS!
Natawa si Helena sa sarili niya. Alam niyang hindi papatulan ni Lyndon ang buyo ng audience sa kanila.
Ngunit laking gulat niya nang marinig na naghiyawan nang malakas ang audience. Napatingin agad siya sa stage at isang masakit na eksena ang nakita niya: hinalikan ni Lyndon si Mafalda... sa lips.
Biglang pakiramdam ni Helena ay may dumudurog ng puso niya at unti-unti itong nakakaramdam ng kirot habang pinapanood ang halikang nagaganap kina Lyndon at Mafalda.
Nag-walk out si Helena ng SM Cinema 5. Patakbo siyang pumunta ng parking lot at sumakay ng kotse niya at mabilis na pinatakbo ‘yun palayo ng convention center... palayo sa nagdudulot ng kirot sa puso niya.
Mahal niya pa rin si Lyndon. Falling in love with Lyndon has been easy... but trying to unfeel all the love that she have given to him could be the most painfully hard experience.
TO BE CONTINUED...
Next Episode: Episode 24: SWOT Analysis
Previous Episode: Episode 22: Realizations of Helena
Supplementary:
CREDITS:
ReplyDelete* Special thanks to JaJa sa pagpapahintulot sa akin na gamitin ang kanyang video nung Mr. and Miss UP 2010 para sa episode na ito.. :))