Monday, April 25, 2011

SEASON ONE SUMMARY


Ating balik-tanawin ang mga naganap sa Season One... (lalo na sa mga tamad magbasa nang makarelate kayo sa Season 2... hahaha)


M
atagal nang may gusto si Lyndon kay Helena ever since na naging maging school mate sila noong high school sa PHS. Kaya nang magbrownout noong prom nila, nagpanggap si Lyndon na boyfriend ni Helena na si Albert at isinayaw niya ito.


Hindi siya nahalata ni Helena dahil madilim. Ngunit nang maramdaman ni Lyndon na magkakailaw na, agad niyang ninakawan ng halik si Helena at tumakbo palayo. Naiwan niya ang sapatos niya sa pagmamadali, Ang sapatos na ito ay itinago ni Helena at pinangalan ni Helena ang mysterious guy na Cinderello. At para kay Helena, ang nakaw na halik ni Cinderello ang best kiss na nadama niya.


Muling nagkrus ang landas nina Lyndon at Helena nang college na sila UPEPP. Ngunit hindi pa rin siya pansin ni Helena. Nasiraan ng kotse si Helena sa daan at saktong padaan doon si Lyndon. Tinulungan ito ni Lyndon. Kinilig si Lyndon.


Samantala, nakikipagbalikan si Albert kay Helena. Pinagpalit ni Albert si Helena kay Mafalda. Nakipagbalikan si Helena upang paglaruan lamang si Albert.


Lahat ng pagpapansin ay ginawa ni Lyndon ngunit tahasang sinabi ni Helena na hindi siya nito magugustuhan kahit kailan. Labis na nasaktan si Lyndon kaya pinilit niyang kalimutan si Helena.


Dahil bitter si Mafalda sa pakikipag-break ni Albert sa kanya, ineskanadalo niya at ng mga kaibigan nitong sina Marietta at Jaden sina Helena at Albert sa pamamagitan ng pagpapakalat ng edited na hubad na larawan nina Helena at Albert sa isang event ng unibersidad.


Sa halip na mapikon, taas noong humarap sa mga tao si Helena. Naparusahan sina Mafalda.


Unti-unti namang nagkalapit ang loob nina Lyndon at Mafalda nang magkainuman sila kasama ang mga kaibigan ni Lyndon na sina Louie at Chris.


Ngunit mukhang nananadya ang pagkakataon dahil parang muling pinaglalapit muli sina Lyndon at Helena kung kailan gusto nang mag-move on ng lalake. Nagkasakay sila sa isang thriller bus. Mula nang magkasakay silang dalawa sa bus, doon napansin ni Helena na may kakaiba na siyang nadarama para kay Lyndon.


Nakidnap pa sila pareho ng NPA nang magkaroon sila ng field trip sa Mt. Arayat. Naging sandigan nila ang isa't-isa nang mga oras na iyon. Nagkalapit ang kanilang loob. At naging masaya si Helena na nakasama niya si Lyndon.


At isang rebelasyon ang natuklasan ni Lyndon.... ang puno ng NPA sa Arayat ang kanyang tunay na ama!


Nag-imbita si Lyndon sa kanilang resort para sa sem-ender ng block nila. Doon nakaramdam ng selos si Helena kina Mafalda at Lyndon. At doon niya na-realize na mahal niya na si Lyndon... ngunit hindi na siya ang mahal ng lalake.


Upang hindi na masaktan, handa na ring mag-move on si Helena. At tunay na niyang iibigin ang pinaglalaruang boyfriend na si Albert. Batid niyang tunay na siyang mahal ni Albert at handa na niya itong suklian.


Wala na bang pag-ibig para sa isa't-isa sina Lyndon at Helena?


BASAHIN NA ANG PAGSISIMULA NG SEASON 2!

Or basahin mo na lang ito: SEASON TWO SUMMARY

No comments:

Post a Comment