Saturday, April 23, 2011

Episode 21: Confrontation

Sa wakas, lumabas na ang katotohanan.


Sa gabing iyon nalaman ni Lyndon na ang Tito Lester niya, na itinuring patay na ng buong kamag-anakan niya mula nang sumapi ito sa kilusan, ay buhay pa at ito pala ang tunay niyang ama.


Ngunit naging sandali lamang ang reunion nilang mag-ama dahil kailangan nang lumipat ng ibang kampo ng grupo nila, dahil sinabihan sila ng isang sympathizer na sibilyan na naninirahan sa Mt. Arayat na nakatunog na raw ang militar na may bihag sila at kung nasaan ang kampong pinagkukutaan nila ngayon.


LYNDON: Tatang, saan po kayo magkakampo ngayon?


TATAY LESTER/KA JULIAN: Hindi ko maaaring sabihin sa'yo, anak upang wala kayong masabi sakali mang usigin sila ng mga militar.


LYNDON: Pero Tatang, paano ko po kayo ulit makikita? Kumuha ng papel si Tatay Lester at sinulat nito ang kanyang cellphone number at binigay kay Lyndon...


TATAY LESTER: Itago mo itong maigi. Wag na wag mong hahayaan na makita ito ng mga militar...Mabusisi ang mga militar. Kapag kinapkapan ka nila at makita sa'yo ang papel na ito na may cellphone number, agad nila itong kukunin sa'yo, lalo pa't kakabihag lang sa'yo. Ganun sila kabusisi.. kahit walang kaduda-duda sa papel na ito, basta't may numero, tatawagan nila ito...


Tinignan ni Lyndon ang nakasulat. Numero ni Tatay Lester niya ang nakasulat ngunit walang pangalan..


0927619****


LYNDON: Pero Tatang.. gusto ko po kayo ulit makita...


TATAY LESTER: Sige, anak, nangangako ako, dadalaw ako sa'yo at susubukan kong bumaba ng bundok sakali mang magka-oras. Bago tuluyang naghiwalay, mahigpit at matagal na nagyakapan ang mag-ama... yakap ng pagkasabik at pangungulila sa isa’t-isa.


*************

NAGISING si Helena kinaumagahan dahil sa amoy ng usok. Lumabas siya at nagtaka siya nang paglabas niya ng kubo ay sila na lang ni Lyndon ang tao sa kampo. Napansin niya rin na ang lahat ng kubo ay sinunog at umuusok-usok pa.


HELENA: Nasaan na sila? (aandap-andap pang tanong ni Helena)


LYNDON: Wala na sila, lumipat na ng ibang kampo...


HELENA: Bakit hindi nila tayo isinama? Di ba bihag nila tayo?


LYNDON: Tulad ng sinabi ni Ka Julian, ngayong umaga ay pinakawalan na nila tayo. Maya-maya raw ay darating na raw ang AFP para i-rescue tayo...


At isang malakas na tunog ng helicopter ang umalingawngaw mula sa langit. Tiningala nilang dalawa yun ni Lyndon.


Sigurado si Helena na mga AFP na ang mga yon. At alam ni Helena na dahil sa mga usok na nililikha ng mga kubong sinunog, tiyak niyang agad silang mamamataan ng mga militar.


*****************

Habang nasa helicopter, tinatanong sila ng mga sundalo kung ano na ang kalagayan nila at ang naging trato sa kanila ng NPA.


SUNDALO 1: Hindi ba nila kayo sinaktan o pinahirapan?


HELENA: Naging mabuti po sila sa amin. Hindi nila kami sinaktan. Kaya nga buhay pa kami ngayon. They let us free...


At naalala ni Helena ang sinabi ni Ka Julian na kasiraan ng mga militar... na ito pa raw ang nananakit at nambibihag.


SUNDALO 2: Wala ba silang nabanggit na susunod nilang kuta? O nasabi sa inyo nang hindi sinasadya?


Napakapa bigla si Lyndon sa bulsa ng pantalon niya. Naalala niyang doon niya nailagay ang papel na binigay sa kanya ng kanyang Tatay Lester kung saan nakalagay ang numero nito. Kinabahan siya nang hindi niya ito makapa...


SUNDALO 1: Ano tong papel na ito?


Kinabahan si Lyndon nang makita ang papel na tinutukoy ng sundalo. Nasa sahig ang papel kung saan nakasulat ang number ni Tatay Lester. Malamang ay nahulog ito nang di niya namamalayan nang kinakapa niya ito sa kanyang pantalon.


Pupulutin na sana ng sundalo ang papel nang sinipa ito ni Lyndon palabas.


Walang pinto ang helicopter na sinasakyan nila kaya nilipad palabas ang papel hanggang sa hindi na ito makita.


Tinignan siya ng sundalo na may pagdududa. Kaya nagdahilan ng isang kasinungalingan si Lyndon...


LYNDON: Break-up letter po ng girlfriend, I mean, ex ko... Gusto ko na po itapon... masakit lang po pag naaalala ko...


HELENA: Ano? Nag-break na kayo ni Mafalda?! Parang kahapon lang sweet kayo...


Pinandilatan ni Lyndon ng mata si Helena... Nakuha naman ni Helena ang ibig sabihin ni Lyndon


HELENA: Ay, hindi ko pala kayo nakita kahapon na sweet... tayo pala ang magkasama buong maghapon sa kampo ng NPA... Tayo pala ang sweet kahapon...


This time, natural na napadilat si Lyndon ng kanyang mga mata dahil sa pagkagulat sa sinabi ni Helena...


Nagstutter si Helena habang nagdadahilan ng palusot...


HELENA: Ay... ang ibig kong sabihin... baka may naghihitay sa ating dalawa na suite sa resort... you know...


Gustong sabunutan ni Helena ang sarili dahil sa pagkakadulas ng kanyang dila...


**************

Hinatid na ng mga sundalo sina Lyndon at Helena sa resort.


ALBERT: Helena... akala ko kung napaano ka na... Nag-alala ako nang husto sa’yo...


HELENA: I’m fine.


Niyakap si Helena ni Albert pagkasalubong na pagkasalubong sa kanya nito. Ngunit parang wala siya sa mood at di man lang niya magantihan ang yakap ng kasintahan niya.


Nakita rin ni Helena na niyakap ni Mafalda si Lyndon...


Nakaramdam siya ng kung anong kislot sa kanyang puso sa nakitang iyon...


Tinanong pa sila ng mga sundalo pansumandali tungkol sa NPA. Pagkatapos ay hiningan pa silang dalawa ng contact number at nagpaalam na ang mga sundalo...


******************************************

SIR LQ: I think, this is not a good place to put up a resort business, kumpadreng Hector. May mga rebeldeng umaaligid... even if the place is very nice, you will compromise the safety of your customers...


Kasalukuyan silang nagdi-dinner sa hall ng resort. Nagpa-cater ang may-ari ng resort na si Mr. Hector Pamintuan dahil sa pagkakaligtas nina Lyndon at Helena mula sa NPA.


Hindi naman maiwasan ni Lyndon na marinig ang usapan nina Sir LQ at Mr. Hector nang bumalik siya sa buffet table para kumain ng lechon kung saan nag-uusap ang dalawang lalake ngayon.


MR. HECTOR: No, Leonardo. I will still pursue this resort business here. Papalayasin ko ang mga rebeldeng yan dito sa bundok. May titulo ako, sila wala. Tutulungan ako ng mga militar at ng local government ng Pampanga upang mapalayas at mapahuli ang mga rebeldeng iyan.


SIR LQ: Mahirap kalaban ang mga NPA, kumpare. Hindi sila basta-basta napapaalis.


MR. HECTOR: Madali lang iyan, kumpadre. Kung ang mga magsasaka nakatira rito sa lupang kinatitirikan ng resort ngayon ay napalayas ko... mapapalayas ko rin ang mga rebeldeng iyon...


Naalala bigla ni Lyndon ang mga sinabi ng kanyang tatay Lester tungkol sa mga naghaharing uri at ang mga pang-aabuso nga mga ito sa mga magsasaka...


At naalala na naman niya ang papel na nahulog kanina sa helicopter. Hindi na niya mako-kontak ang kanyang ama dahil nawala niya ang numero nito...


Nakaramdam siya ng kalungkutan... walang kasiguraduhan kung kailan ulit sila magkikita ng kanyang ama.


Samantala, habang paakyat na si Helena ng bus na nag-aabang sa kanila sa ibaba ng Mt. Arayat.


MR. HECTOR: Helena, iha...


Nilingon niya si Mr. Hector.


MR. HECTOR: Pasensya ka na kung napahamak kayo ng kaklase mo rito sa resort ko.

HELENA: Hindi niyo po iyon kasalanan...

MR. HECTOR: Iha, lagi ka sanang mag-iingat.

HELENA: Opo. Sige po, akyat na po ako. Salamat po ulit. At goodluck po sa resort niyo.


At umakyat na ng bus si Helena. At habang tumutulak na ang bus paalis, naalala niya ang usapan nila ni Mr. Hector. At pakiramdam niya ay ang gaan ng loob niya rito.

*******************************************************

UWIAN NA. Pagkababa nila ng bus ng makarating sila sa Clark Main Gate ay agad na nilapitan ni Helena si Lyndon kahit na kasama pa nito si Mafalda...


HELENA: Lyndon, I just want to thank you... for being a jolly companion nung nasa kuta tayo ng NPA. I was afraid then.... pero you’ve been a great source of courage... lalo na yung joke mo tungkol sa alamat ng rabbit...


At hinalikan niya si Lyndon sa pisngi...


MAFALDA: Ehem! Ehem! Ehem!


Kaya kumalas na si Helena at nagsimulang naglakad palayo...


Naghihintay kay Helena ang Tito Tonio at Tita Tess niya sa Clark Main Gate. Nalaman ng mga ito ang tungkol sa pagkakadakip niya...


TITA TESS: Alalang-alala kami sa’yo iha. Pupunta sana kami sa resort kaya lang pinayuhan kami na huwag na lang...


TITO TONIO: Mabuti nga at ligtas ka na...


TITA TESS: Tumawag ang mama mo, Helena. Alalang-alala siya sa nangyari sa’yo. Gusto niya sanang umuwi kaya lang hindi pwede dahil marami raw kailangang gawin sa ospital. At ibinilin niya na sa amin ka muna ulit tumira...


HELENA: Sige po, Tito, Tita..


Nagpaalam si Helena sa kanyang boyfriend na si Albert at sila’y umalis na ng kanyang Tito at Tita...


*****************************

LYNDON: Kaya ba simula’t sapul ay di niyo na ako nagawa pang mahalin ay dahil hindi niyo ako tunay na anak!


Galit at mangiyak-ngiyak na sigaw ni Lyndon sa Tatay Lando niya. Nasa hapagkainan silang magpapamilya: ang Tatay Lando niya, si Mama Carmen at ang nakababata niyang kapatid na si Clyde.


Natigil sila sa pagkain nang mapag-usapan ang nangyaring pagkabihag ni Lyndon sa kamay ng mga NPA. At nagsimula ang sigawan nang mapag-usapan ang tungkol kay Ka Julian...


MAMA CARMEN: Lyndon, anak. Wag mong sigawan ang tatay mo nang ganyan!


LYNDON: Ma, hindi ko siya ama! At alam kong ni minsan ay hindi niya ako itinuring na anak!


MAMA CARMEN: Lyndon, anak. Sinabi nang tama na!


TATAY LANDO: Sige, Carmen. Hayaan mo siya! Hayaan mo siyang magsalita


LYNDON: Ma, ba’t niyo naman inilihim sa akin ang totoo? Na hindi ang lalakeng ito (sabay turo kay Tatay Lando) ang ama ko. Alam niyo Ma na ang sakit sa puso na malaman na ang malaking bahagi ng pagkatao ko ay nabuhay ako sa kasinungalingan.


At tuluyan nang umalis si Lyndon at nagtungo sa silid niya. Makalipas ang isang oras matapos ang komprontasyon, pinuntahan ni Mama Carmen si Lyndon sa silid niya.


MAMA CARMEN: Lyndon, anak. Pasensya ka na kung... kung di ko sinabi sa’yo ang tungkol sa tunay mong ama...


LYNDON: Ma, kung di ko pa nalaman, kailan niyo balak sabihin sa akin? O ang tanong ay kung may balak pa kayong sabihin sa akin.


MAMA CARMEN: Anak, inalala lang naman kita. Kaya ko pinakasalan si Lando ay dahil ayokong lumaki kang walang amang kikilalanin.


LYNDON: Pero Ma, hindi ako itinuring na anak ni Tatay Lando...”


MAMA CARMEN: Pasensya ka na, anak. Unawain mo na lang ang Tatay Lando mo. Galit siya kay... kay Lester.


LYNDON: At dahil nagmana ako kay Tatang Lester kaya sa akin niya binubuhos ang galit niya sa kapatid niya. Na dahil anak ako ni Tatang Lester kaya galit na galit siya sa akin...”


MAMA CARMEN: Anak...


LYNDON: Ma, hindi niyo na ba mahal si Tatang Lester?


Matagal bago nakapagsalita si Mama Carmen.


MAMA CARMEN: Lyndon, anak, minahal ko si Lester. Pero pinili niya ang isang landas na alam naming pareho na hindi ko kayang sundan. Mas minabuti na naming maghiwalay.


LYNDON: Pero, Ma, ginawa niya iyon hindi lang dahil sa pagmamahal niya sa bayan kundi para na rin sa pagmamahal niya sa inyo... sa atin. Isinusulong nila ang pagbabago sa lipunan para magkaroon tayo ng magandang bukas...


MAMA CARMEN: Anak, maraming paraan upang isagawa ang pagbabago. Taliwas ako sa pinili niyang paraan. Sa paraang pinili niya para isulong ang pag-unlad ng bansa natin, nakalimutan naman niya ang sarili niyang pag-unlad. Hindi naunawaan ng Tatang mo... na ang pag-unlad ng bayan ay nagsisimula sa pag-unlad ng sarili.


Ginunam-gunam ni Lyndon ang mga sinabi ni Mama Carmen at ikinumpara iyon sa sinabi ng kanyang Tatang Lester. Naisip niyang parehong may punto ang dalawa niyang magulang.


Sa pahayag ni Mama Carmen, alam ni Lyndon na hindi na nito mahal ang kanyang ama.


Nalungkot si Lyndon para sa amang si Tatang Lestser. Batid niya kasing mahal pa rin nito ang kanyang ina.


TO BE CONTINUED...


Next Episode: Episode 22: Realizations of Helena

Previous Episode: Episode 20: Revelations

Home


1 comment:

  1. after a year-long hiatus... finally..

    sana matapos ko na to ngayong bakasyon :)

    ReplyDelete