OCTOBER 2009
LOUIE: Lyndon, wala ka bang balak mag-imbita para ngayong sem-ender sa resort niyo?
LYNDON: Kagagaling lang natin ng resort ah, di ka ba nagsawa?
CHRIS: Don, hindi naman namin masyadong na-enjoy yung sa Arayat. Nakidnap kayo noon ng mga NPA, sa halip na kasiyahan, pag-aalala ang bumalot sa amin noon.
Naalala na naman ni Lyndon ang kanyang ama. Hindi na niya ito makokontak. Kailan kaya siya nito dadalawin tulad ng pangako nito...
LOUIE: Tsaka ayaw mo nun? Baka makatsansing ka kay Helena..
LYNDON: Tol, ali makanta. (Wag ganun.) Si Mafalda na ang girlfriend ko ngayon...
CHRIS: Girlfriend mo nga siya, ang tanong, mahal mo ba siya?
Tinignan ni Lyndon si Mafalda na sa di-kalayuan ay nakikipagkwentuhan kay Marietta.
CHRIS: Kilala kita, tol. Kaya habang maaga pa, iresolba mo iyang alinlangan sa puso mo...
Nang matapos ang klase nang araw na iyon...
LYNDON: Blockmates, punta kayo sa resort namin sa Bacolor sa Sabado. Magkakaroon tayo ng sem-ender kaya may overnight swimming party tayo...
Naghiyawan ang karamihan sa kanila.
Sa isang banda ng classroom ay nag-uusap sina Helena at Chelsea.
CHELSEA: Pir, sasama ka ba sa swimming party?
HELENA: Chelsea, pir, parang hindi ko trip sumama.
CHELSEA: Ha, bakit?
HELENA: Basta...
Kaya ayaw sumama ni Helena ay dahil hindi niya maaatim na makitang magkasama sina Lyndon at Mafalda...
Hindi niya alam kung bakit pero naguguluhan na siya sa kanyang nararamdaman para kay Lyndon...
CHELSEA: Hel, sama ka na. Gusto ko ring mag-swimming eh. Marami naman tayo rung magkaka-block na pwede naman nating maka-usap at maka-bonding. Tsaka isama mo si Albert mo...
Bigla namang pumasok si Albert sa classroom na galing sa canteen...
ALBERT: Anong meron at nagkakasayahan dito?
CHELSEA: Si Lyndon, nag-aaya ng overnight swimming party. Take note, sa resort nila mismo.
ALBERT: Ano? May resort ang bansot na yan?
CHELSEA: Yun ang sabi niya. Al, sige na, sama na kayo ni Helena. Para may kasama ako kahit paano.
ALBERT: Ayoko ngang sumama. Sure naman akong bulok-bulok at loser ang resort ng Lyndon na ‘yan, tulad niyang loser. Pero kung gusto mong sumama, Helena, sumama ka. Nang makita mo kung gaano ka-loser yang bansot na yan.
Nagkangitian sina Helena at Chelsea.
******************************
LULAN ng kotse ni Helena ay sabay na pumunta sila ni Chelsea sa resort nina Lyndon pagsapit ng Sabado.
Sa entrance pa lang ay namangha agad sila ni Helena dahil sa ganda ng mural na naka-paint sa pader nito.
It is a mural that depicts a tropical beach in a sunset adorned with coconut trees and flying seagulls.
At sa mural ay may isang tula na nakasulat sa wikang Kapampangan.
Itinigil ni Helena ang kotse para basahin ang tula nang tahimik.
HELENA: Chelsea...
CHELSEA: Pa-translate? Ehehehe
Alam na ni Chelsea ang gustong ipagawa sa kanya ng kaibigan. Hindi kasi nakakaintindi ng Kapampangan si Helena kahit sa Pampanga rin ito lumaki. Ang kwento kasi ni Helena, nanirahan sila ng Tita Tess niya sa Floridablanca, Pampanga nung bata ito.
Ngunit mas maraming nagta-Tagalog sa lugar na tinirhan nila kaya hindi ito natutong mag-Kapampangan.
HELENA: Oo. Mukha kasing maganda yung tula. Kahit nae-alien ako sa mga salita!
Hindi muna sila umandar para lang ma-translate ni Chelsea ang tula.
CHELSEA: Sinasabi ng tula na iniimbitahan ng lalakeng sumulat ang sinisinta niyang babae na sumama sa kanya sa bayan niyang Bacolor na matatagpuan sa puso ng Pampanga. Maganda at tahimik raw kasi sa Bacolor. Umiihip daw sa Bacolor ang malamig na hanging amihan at palaging nakangiti ang buwan.
Medyo natawa si Chelsea pagkasabi ng huling linya.
CHELSEA: Sosyal ang buwan niyo rito sa Bacolor ‘ah. Laging naka-smile.
HELENA: Oo naman. Gabi-gabi pang nagtu-toothbrush ‘yung buwan dito bago mag-smile. Oh, translate mo pa.
CHELSEA: Sabi pa ng lalake na sa bahay-kubo nila sa Bacolor siya natutong umibig. At pag daw sumama ‘yung babae sa kanya sa Bacolor, gagawin niyang kanyang mutya ‘yung babae.
Napangiti si Helena nang matapos magsalita si Chelsea. Naisip niya si Lyndon.
HELENA: Pinapapunta ako ni Lyndon dito sa resort nila dahil gagawin niya akong mutya niya! But wait... why I am thinking this way... No... hindi ko gusto si Lyndon.. It cannot be...
BEEEEEPPPPPPPPPPP!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Biglang bumalik sa ulirat si Helena nang marinig ang malakas na busina. Napatingin sila pareho ni Chelsea sa likuran para tignan kung sino ang bumusina.
HELENA: Lyndon...
Nabanaag ni Helena sa kalikod na kotse si Lyndon na kasama si Mafalda. Hindi niya na naman maipaliwanag kung bakit nakaramdam siya ng pagseselos...
Nagulat din si Helena na mayroon nang kotse si Lyndon.
BEEEEEPPPPPP!!!!!!!!!!!!!!!!
Kahit na si Lyndon ang driver ay si Mafalda ang galit na galit na bumubusina...
CHELSEA: Hel, harang tayo sa daanan. Tara na, pumasok na tayo.
Kaya pinaandar na ni Helena ang kotse niya papasok.
VILLA PUNZALAN ang pangalan ng resort nina Lyndon. Simple lang ang resort pero maganda. May tatlong malalaking swimming pools ito. May isang tulay naman na nag-uugnay sa tatlong swimming pools.
Sa pool walk, cobbled stone-style na kulay light brown ang tiles na ginamit. May tatlumpung native cottages ang nakapaligid din sa mga pool.
Sa di-kalayuan ay may isang kulay puti na building na parang castle ang style kung saan nandoon ang mga deluxed airconditioned rooms, billiards room, videoke room, souvenir room, canteen at iba pang function rooms.
Naghahain ng mga pagkain sa isang malaking mesa sa pool side ang mga katulong. Silang magkakaklase naman ay nakababad sa isang swimming pool.
CHRIS: Nice, Don, ba’t may bago kang kotse?
LYNDON: Hindi akin yun. Sa Tito ko lang yun, pinahiram sa akin.
CHRIS: Yaman talaga ng angkan niyo...
LYNDON: Blockmates! Basta magpakasaya lang ang lahat. Lahat tayo dapat umuwi na maitim!
LOUIE: Ngek! Uwi na ko!!!!
Nagkatawanan ang lahat. Sabay umakbay naman si Lyndon kay Mafalda na nasa tabi niya.
SOPHEYA: Oh nasaan na si Helena. Kanina pa siya wala rito.
MAFALDA: Baka nalunod na.
MARIETTA: IKR...
Papatulan sana ni Chelsea ang sinabing iyon ni Mafalda pero minabuti na lang niyang manahimik.
CHRIS: There she goes...
Lumabas ng building si Helena at naglalakad papunta sa kanila. Helena was wearing a one-piece swimsuit. The swimsuit makes Helena’s body slimmer.
Litaw rin ang ganda ng hugis ng mga balakang nito sa suot na swimsuit.
Napalingon ang mga ka-block nilang lalake kay Helena na papunta na ng swimming pool.
ANGELO: Pare, buti na lang napilit mo kong sumama rito!
RAMON: Ang ganda ng view! Sobra.
Natahimik si Lyndon nang makarating si Helena sa pool. Hindi magkamayaw naman ang mga lalake na lapitan si Helena at kausapin ito.
At hindi mapigilan ni Lyndon na lihim na tignan si Helena.
Walang-wala talaga si Mafalda sa kaseksihan ni Helena.
Napansin naman ni Mafalda ang pagkakatitig ni Lyndon kay Helena kaya binasa nito ng tubig sa pool ang mukha ni Lyndon.
MAFALDA: Mata mo kung saan-saan tumitingin!
NAGKAROON silang magkakaklase ng kasiyahan sa pool. Naglaro sila ng kung anu-anong pool games. May laro kung saan nakaangkas ang mga babae sa balikat ng mga lalake at magtutulakan ang mga babae hanggang sa ma-out of balance ang isa sa kanila.
Sumali si Helena sa larong iyon. Kay Chris siya nakaangkas. Di maitago ni Chris ang labis na kasiyahan nang makaangkas na si Helena sa kanya.
Kalaban naman nila si Mafalda na nakaangkas siyempre pa... kay Lyndon. Kahit na payat si Mafalda at maliit lang si Lyndon ay natalo pa rin nila sina Helena at Chris.
HELENA: Talagang sanay sa awayan ang buto-buto na ‘to.
MAFALDA: Bwahahahahahahaha *evil laugh*
Malakas ang mga tulak ni Mafalda sa kanya.
HELENA: Demonyita talaga!
Sweet na sweet sina Lyndon at Mafalda sa isa’t isa habang nasa pool sila. Minsan nga ay lumalayo pa sa kanilang magkakaklase ang dalawa at lumilipat sa di-mataong pool para makapagsarili.
HELENA: Bakal nga talaga ang sikmura ng Lyndon na ‘to. He is the real Iron Man.
Nag-videoke rin sila sa function room...
LOUIE: ♫ Kung tayo ay matanda na, sana ay di tayo magbago... Ang aking pangako na ang pag-ibig ko’y lagi sa’yo... kahit maputi na ang buhok ko... ♫
Napansin ni Lyndon na nakatingin si Louie kay Sopheya habang kumakanta. At lihim na kinikilig naman si Sopheya...
CHRIS: Nice, bukod sa ngipin, ang buhok din ang pumuputi kay Louie...
LOUIE: Yabang nito... sige nga... ikaw naman kumanta..
CHRIS: ♫ Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko. Pilit binubuksan ang sarado ko nang puso. Ikaw ba ang nararapat sa akin at siya ba’y dapat limutin. Nais kong malaman bakit ngayon ka lang dumating... ♫
LOUIE: Tol, ba’t ayun kinanta mo? In love ka ba ngayon sa ibang babae dahil wala si Shiela?
CHRIS: Uy, hindi... stick to one to nuh. Kahit magkalayo kami faithful pa rin kami sa isa’t-isa...
Nag-inuman din sila.... Nang magkalasingan na ay naglaro sila ng Spin The Bottle...
Si Lyndon ang nag-ikot ng bote at natapat ito kay Louie...
LYNDON: Truth or Truth?
LOUIE: Salamat, binigyan mo ko ng choice, tol.
LYNDON: Ganun talaga... Sige... Kailan mo balak ligawan si Sopheya? Puro ka pa-cute halata naman...
CHRIS: Hiki... namumula si Louie...
RAMON: Nangingitim...
RIONA: Si Sopheya, humahaba ang hair... pwede nang i-ponytail...
Tumayo si Louie at lumapit kay Sopheya. Naghiyawan ang lahat.
LOUIE: Phey, maaari ba kong... ehem.. ehem... manligaw sa’yo?
SOPHEYA: Ha? Hindi ka ba lasing, Louie?
LOUIE: Matagal na kong lasing. I’m intoxicated by your love...
Lalong naghiyawan ang lahat...
At doon nagka-progress ang pag-iibigan nina Louie at Sopheya
Si Louie naman ang nag-ikot ng bote at tumapat kay Chris...
LOUIE: Ito, Chris, ah. Hypothetical lang. Kunwari, hindi kayo ni Shiela na nasa Amerika ngayon, sino sa mga ka-block natin ang gusto mong maging girlfriend. Sa block lang ah...
CHRIS: Wala... Shiela pa rin!
LOUIE: Huwag ngang KJ!
LYNDON: Oo nga!
Naghihiyawan na rin ang lahat...
CHRIS: Sige... if ever man na hindi kami ni Shiela... I really like Riona...
Malakas na nagtilian ang lahat... Parehong manula sina Riona at Chris...
CHRIS: Oi, walang sumbungan kay Shiela ah.
Pagkatapos nilang mag-inumang magkakaklase ay sa hotel rooms sila ng resort nagpalipas ng gabi.
Papasok na si Helena ng room nila ni Chelsea, na kasalukuyang nasa loob, nang makita mula sa di kalayuang kwarto na pumasok si Mafalda kasama si...
HELENA: Lyndon...
Hindi kinaya ni Helena ang eksenang iyon. Nagmadali siyang pumasok ng room nila at nag-empake na ng mga gamit niya. Siya namang paglabas ni Chelsea sa CR ng room nila.
CHELSEA: Pir, what are you doing?
HELENA: What am I doing?! I can’t stand this place anymore! Hindi ko alam kung bakit simula’t sapul ay naisipan kong sumama pa rito!
Patuloy sa page-empake ng mga damit niya.
HELENA: Nakita ko si Lyndon, pumasok sila sa isang kwarto ng Mafalda na ‘yon!
Pinigil ni Helena ang maluha. Ngunit habang paulit-ulit niyang pinapalis ang mga luha niya ay sagana pa rin ito sa pag-agos.
HELENA: Chelsea, bakit? Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Masakit... napakasakit. Hindi ko ito naramdaman ang ganitong sakit sa mga dati kong nakarelasyon... pero ngayon... ang isang tulad lang ni Lyndon Punzalan ang nagpapadama sa akin ng ganito. Pir, bakit?
Inalo ni Chelsea ang likod ni Helena para mapakalma ito.
CHELSEA: Helena, kahit di mo man aminin sa sarili mo, alam ko... in-love ka kay Lyndon. Pero patuloy mong pinipigil ang damdamin mo para sa kanya... dahil hindi mo matanggap na mahal mo ang sinasabi mong isang tulad lang ni Lyndon Punzalan.
At niyakap ni Chelsea ang kaibigan bilang pagdamay.
Tama si Chelsea. Tagos sa puso niya ang sinabi ng kaibigan. Pilit niyang pinipigilan ang nararamdaman para kay Lyndon dahil hindi niya matanggap na mamahalin niya ang isang tulad ni Lyndon na hindi naman katangkaran at palagay niya’y isang nobody sa unibersidad.
Hindi maamin ni Helena na siya na babaeng mataas ang pagtingin sa sarili at standards sa mga lalake ay unti-unti na palang nahuhulog sa patibong na pilit niyang iniiwasan: ang mahalin ang isang tulad ni Lyndon.
HELENA: Bakit si Lyndon? Bakit siya pa ang itinitibok ng puso ko?
Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Helena ang sagot. Akala ni Helena ay napakatatag niyang babae... na hindi siya iiyak dahil lang sa lalake.
Ngunit hindi lang basta lalake si Lyndon. Akalain niya bang sa tigas niyang iyon, napaiyak siya ni Lyndon...
Natapos na si Helena magligpit ng mga damit at mabilis niyang binuhat ang maleta na dala.
CHELSEA: Samahan na kita, pir. Uwi na rin ako...
HELENA: Huwag na pir. Hayaan mo muna akong mapag-isa... Ayokong sirain ko ang enjoyment mo rito sa semender para sa akin...
Pagkarating niya ng parking lot kung saan nakapark ang kotse niya, nagulat siya nang makitang katabi na ng kotse niya ang kotse ni Albert.
Biglang lumabas sa kotse nito si Albert...
ALBERT: Na-miss lang kita... kaya napasugod ako rito... Ba’t ka umiiyak?
Tumakbo agad si Albert at niyakap si Helena...
ALBERT: Helena... alam ko na kahit mag-boyfriend tayo, batid kong hindi ako ang mahal mo. Alam kong nagdududa ka pa rin kung totoo ba kitang mahal. Helena... mahal kita. At nasasaktan akong hindi ganoon ang iyong nadarama para sa akin...
HELENA: Albert...
ALBERT: Sana Helena... magawa mo rin akong mahalin... kalimutan mo na kung sinuman yang nilalaman ng puso mo. Mas kaya kitang mahalin kaysa sa kanya... Kaya nga I tried to win you back...
Naramdaman ni Helena ang sinseridad ni Albert. Sinagot niya ito upang paglaruan lamang ito dahil sa ginawa nitong pakikipagbreak sa kanya alang-alang kay Mafalda.
Ngunit sadyang tunay ang pagmamahal ni Albert para sa kanya...
Mahal talaga siya ni Albert. At palagay niya, kailangan niya nang suklian ang pag-ibig na ito ni Albert sa kanya at tuluyan nang kalimutan si Lyndon...
HELENA: Lyndon has moved on with me, I need to move on, too.
TO BE CONTINUED...
Supplementary:
SEASON ONE ENDER
Abangan ang Season 2: New Semester, New Endeavors
CREDITS:
ReplyDelete* RESORT PICS are from D-Farm, San Isidro, Bacolor, Pampanga (http://www.dfarmresort.com/)
* Bathing Suit picture taken from (http://bp1.blogger.com/_bjeVPmM61xY/SB97gtNyMAI/AAAAAAAAFmQ/G-rfzqMuO6s/s1600-h/KATRINA+HALILI+PLAYMATES+WALLPAPER+8+copy.jpg)
*MURAL Pic taken from (http://discount-wallcovering.com/tropical_murals.htm)