Tuesday, May 17, 2011

Episode 30: Unexpected Returns


Naglalakad si Mafalda sa lobby ng UPEPP nang makita niya na nakadikit sa bulletin board ang poster nina Lyndon at ng mga ka-banda nito na nagsasabing:



Congratulations “TA∑ Band” for winning 2nd place in Himigsikan 2010... Love from Helena & Sopheya & Caroline... the ever-supportive girlfriends!


Galit na galit na tinanggal ito ni Mafalda at pinunit-punit...


ALBERT: Babe, easy lang. Wag mo nang aksayahin yang pagod mo sa galit mo...


Napalingon si Mafalda kay Albert na may gulat at pagtataka...


MAFALDA:
Babe?

ALBERT: Bakit, hindi mo na ba ako mahal?

MAFALDA: Anong ibig mong sabihin? Nakikipagbalikan ka na sa akin?

ALBERT: In a sense... Oo. Kung papayag ka.

MAFALDA: Of course! Sinasabi ko na nga ba at mahal mo pa rin ako...


ALBERT: Good. Dahil may naisip kasi akong paraan ng resbak na medyo masasaktan si Lyndon. OK lang ba sa’yo yun?

MAFALDA: Kahit ano. Ok lang. Basta bahala ka. Wala na kong paki kay Lyndon. Pero naiinis lang ako dahil naagawan na naman ako ngayon ni Helena!

ALBERT: Sige, ito ang plano ko...


Mataman na nakikinig naman si Mafalda sa mga sinasabing plano ni Albert.


Noong una ay nahintakutan siya sa plano ni Albert, pero nang tumagal-tagal ang paliwanagan ay napapayag na rin si Mafalda. Natapos ang usapan nila ni Albert na may ngiti sa mga labi niya.


MAFALDA: Wala na naman akong pake kay Lyndon.


Naghiwalay sila ni Mafalda nang matapos nilang mapag-usapan ang plano.



Pinuntahan ni Albert ang mga kasamahan sa fraternity.


VINCE:
Bert, sinsero ka bang talaga nang sabihin mong gusto mong makipagbalikan kay Mafalda?

ALBERT: Siyempre hindi!

GREG: So ibig sabihin, hindi mo talaga siya gusto. Rebound mo lang siya kay Helena?


ALBERT:
Ewan ko ba kung bakit ba nagawa ko ang katangahang ipagpalit si Helena kay Mafalda noon at nagtagal pa ang relasyon namin. Feeling ko nga ay nagayuma ‘ata ako ni Mafalda nung senior prom namin kaya nagawa kong agad-agad hiwalayan si Helena noon.


VINCE:
Mukha nga tol. Usap-usapan na may lahing mangkukulam si Mafalda...

ALBERT: Kayan nga ngayong naagaw naman si Helena ng ibang lalake sa akin, gagawa ako ng paraan para mabawi si Helena sa bansot na Lyndon na iyon.


Naglalakad si Lyndon sa corridor nang hinarang siya ni Mafalda. Pagkatapos ay ipininid si Lyndon sa pader at kinorner ni Mafalda gamit ang mga kamay... Hindi naman nagawa ni Lyndon ang manlaban dahil baka masaktan niya si Mafalda dahil sa payat ito.


LYNDON: Mafalda... ano na naman ba?

MAFALDA: Lyndon, pinaasa mo ako! Sabi mo noon... mahal mo ako?


LYNDON:
Wala akong sinabing ganun! Ang sabi ko, susubukan kong mahalin ka. Pero pinilit mo na kahit hindi tayo eh madalas tayong magkasama. Pero, hindi ko kayang utusan ang puso ko na ikaw na lang ang mahalin. Dahil ang siyang itinitibok nito ay tanging si Helena lamang magmula’t sapul.


MAFALDA: I tried to be the sweetest girl for you, Lyndon. But I guess diabetic ka pala. Kaya ikaw ay naghanap ng walang lasa!

HELENA: Excuse me?! Ako ba ang tinutukoy mong walang taste?


Nagulat si Mafalda sa biglang paglitaw ni Helena.


MAFALDA: Who else?

HELENA: Sabagay, ako walang taste. Ikaw may taste nga... bitter nga lang! Ampait-pait!

MAFALDA: Ako, bitter? Why should I? FYI, kami na ni Albert. At masasabi kong he’s really a great lover to me. Kaya thankful na rin ako na hindi naging kami ni Lyndon.

HELENA: Ohhh.. kayo na pala? I guess you owned a junk shop, Mafalda?

MAFALDA: Junk shop? At bakit?

HELENA: Mahilig ka kasing mag-recycle ng mga basura ko...


At last nakaalis na si Lyndon sa pagkaka-corner sa kanya ni Mafalda at lumapit kay Helena.


MAFALDA: Helena, hindi pa tayo tapos. May araw ka rin, tandaan mo yan!

HELENA: Makakalimutin ako, sorry!

MAFALDA:
At ikaw naman, Lyndon, Be very careful. Magmasid-masid ka na sa bawat kilos mo. Sabi nga ng walang taste na si Helena, we’re living in a digital age now, kaya mabilis na lang ang karma ngayon.

HELENA: In fairness, quotable na pala ako ngayon!


Nang matapos ang klase nina Lyndon at Helena ay nagpunta sila ng Xevera Bacolor sakay ng kotse ni Lyndon.


Nagpunta sila sa plaza ng Xevera Bacolor para mag-roller skating. Pabilog ang hugis ng plaza at nakapalibot dito ang iba’t-ibang establisyimento tulad ng paaralan at simbahan ng subdibisyon, ang post office, grocery stores, resto bars, at mga tindahan.



Sa gitna ng plaza ay ang isang malaking water fountain na nakapatay.




Nagro-roller skate sina Lyndon at Helena sa paligid ng fountain. Hinahawakan pa ni Lyndon ang kamay ni Helena habang tinuturuan siya ni Lyndon na mag-balance.


LYNDON: Basta isipin mo na walang mga gulong sa ilalim ng sapatos mo. Isipin mo, flat ang sapatos mo at gusto mong idulas ang mga paa mo sa sahig.


Pero di naman ma-absorb ni Helena ang mga turo ni Lyndon dahil masyadong kinikilig si Helena sa pagkakahawak ni Lyndon sa kanya. Hindi pa rin makapaniwala si Helena na kasintahan na niya si Lyndon. She has never been happier in her life.


HELENA: How I wish this moment to freeze... so that I could savor the magical feeling of being with my love, Lyndon, as long as I want


Napansin naman ni Lyndon na parang tulala si Helena at di nakikinig sa kanya.


LYNDON: Huuuuyyy Helena! Nakikinig ka ba?


Doon lang nagising ang kamalayan ni Helena.


HELENA: Ay, ano na nga ba sinasabi--Ay--oo nakikinig ako!

LYNDON: Talaga lang ah? Sige nga, gawin mo nga yung sinabi ko.


Sabay binitiwan niya si Helena. Pagkabitaw ni Lyndon, nabigla si Helena kaya agad siyang natumba; puwet niya ang unang bumagsak sa sahig.


HELENA: Aray ko po! Lyndon James naman eh!

LYNDON: Sorry naman. Akala ko ba nakikinig ka? Bakyet tumumba ka?

HELENA: Kasi po naman, beginner pa lang ako. Bakyet niyo naman kasi ako binitawan agad.


Inalalayan ni Lyndon na makatayo si Helena.


LYNDON: Alam mo, dapat may kaparusahan yag di mo pakikinig sa akin habang tinuturuan kita mag-roller skates eh! Bilang kaparusahan, you should kiss me!

HELENA: Kiss pala ah. Pwes habulin mo muna ako at hulihin!


At mabilis na nag-skating palayo si Helena.


LYNDON: Oh akala ko ba hindi ka marunong?


Sabay nag-skating na rin siya para mahabol si Helena.


HELENA: Yun ang akala mo!


Habang naghahabulan sila gamit ang roller skates, biglang nadapa si Lyndon. Nakita ito ni Helena kaya binalikan niya si Lyndon.


HELENA: Oh, GG ko, ayos ka lang ba?


GG o God’s Gift na ang tawagan nila sa isa’t-isa. Lumuhod si Helena para matignan ang sugat ni Lyndon. Laking gulat ni Helena nang bigla siyang yakapin ni Lyndon sa bewang. Siya’y napasigaw.


LYNDON: Huli ka GG ko! Oh, nasaan na ang kiss ko!

HELENA: Ang daya mo! Sinasabi ko na nga ba ‘eh!

LYNDON: Hindi lang ikaw ang magaling magsinungaling.. hehehe


At sila’y tumayo at pinagmasdan ang nakapatay na fountain.


HELENA: Alam mo kasi, GG ko, marunong talaga ako mag-skate. Nabigla lang ako nung binitawan mo ako kaya nahulog ako. Parang pagkahulog ng puso ko sa'yo... biglaan.


LYNDON: Alam mo rin, GG ko, sabi ng Mama ko dati sa akin... that the greatest thing in life is to find someone to love, who loves you. Naniwala ako kay Mama. Nakilala kita when we were in PHS. Minahal kita nang palihim... ang kaso hindi mo ako mahal at di mo pansin. I thought that I will never found that person who can love me kahit na nakailang hulog na ko ng barya saan mang fountain at wishing well na makita ko. I was ready to give up on you then. Pero ngayon... magkasama tayo... minahal mo ako... at mahal na mahal natin ang isa’t-isa.


HELENA: Mahal kita, Lyndon.

LYNDON: Mahal na mahal kita, Helena.

HELENA: Mahal na mahal na mahal kita.

LYNDON: Paulit-ulit? Paulit-ulit?!

HELENA: Unli ako eh kaya ganun! At hinding-hindi ako magsasawang ulit-ulitin sa iyo na sabihin kong mahal kita.


Then they looked into each other and their eyes said it all. Unti-unting nagkalapit ang kanilang mga mukha and their lips locked together in a kiss. A kiss that expressed how much they love each other.


At biglang bumukas ang fountain at nagsitalunan ang mga tubig nito. Lyndon and Helena continued to share a kiss habang nakikisaya sa kanilang pagniniig ang mga nagsisitalunang tubig sa fountain.


Mas naging romantiko tuloy ang hapong iyon para kina Lyndon at Helena.


Pagkatapos sa plazza ay naisipan nilang tumuloy sa pad ni Helena. Pagabi na nang nakarating sila rito.


Pagkarating nila sa pad ni Helena ay nag-park si Lyndon sa tapat nito. It is a two-storey pad na may path walk papuntang pinto at may lawn sa tabi ng path walk.




Bumaba ng kotse niya si Lyndon; gayundin si Helena.


LYNDON: Nice pad. Pero teka, ba’t bukas lahat ng ilaw mo? Hindi mo ba ‘yan pinatay kanina bago ka umalis?

HELENA: Yun din ang ipinagtataka ko.


May kaba sa boses na wika ni Helena kaya nagmadali silang naglakad patungo sa loob ng pad.


LAKING gulat ni Helena nang buksan niya ang pinto ng pad at nakita kung sinu-sino ang nasa loob nito. Una niyang nabalingan ng tingin si Tita Tess na katabi ang asawa nitong si Tito Tonio. At sa tabi ni Tito Tonio ay si Mr. Hector. Nagtataka si Helena kung bakit naroroon si Mr. Hector.


At sa tabi ni Mr. Hector ay si...


HELENA: Mom?

MOMMY HEIDI: Helena, anak.


Nang mga sandaling iyon, na-let go na ni Helena ang galit na nararamdaman sa ina dahil na rin sa payo sa kanya ni Lyndon noong nag-Creamline sila.


Kaya si Helena pa ang patakbong lumapit sa ina at saka mahigpit na niyakap ito. Tumulo rin mula sa mga mata niya: luha ng pagkasabik at pagkagalak.


HELENA: Mom, na-miss kita. Ba’t di kayo nagpasabi na uuwi pala kayo ngayon?”

MOMMY HEIDI: Mas na-miss kita, anak. Gusto kasi kitang sorpresahin kaya hindi na ko nagpasabi.


At napaluha si Mommy Heidi sa kagalakan; gayundin si Helena.


MR. HECTOR: Siya na ba ang anak natin, Heidi?


Napakalas si Mommy Heidi sa pagkakayakap kay Helena at hinarap si Mr. Hector.


MOMMY HEIDI: Hector, siya nga ang ating unica hija... si Helena.

HELENA: Mom... naguguluhan ako. Akala ko po’y patay na---

TITA TESS: Helena. May dapat kaming ipagtapat at ipaliwanag sa’yo.

************************

Sila’y naupo lahat sa salas at nakinig sa paliwanag ni Mommy Heidi.


MOMMY HEIDI: Ipinagkasundo kami ng mga magulang namin ni Hector na maikasal kahit na hindi ko siya mahal. Ipinagkasundo kami dahil palugi na ang azucarerang pag-aari nina Mama at Papa sa Floridablanca at tanging pamilya na lang ni Hector ang makakasalba sa hacienda. Nagmamay-ari kasi ng bangko ang pamilya ni Hector at handang magbigay ng libreng pondo ang mga ito upang maiangat muli ang azucarera sa kondisyon na makasal kami.


MR. HECTOR: Mahal ko kasi si Heidi nun. Kaya ang pagpapakasal naming dalawa ang hininging kondisyon ng pamilya ko.


MOMMY HEIDI: Hindi ko siya mahal noon. Gusto kong tumutol sa napipinto naming kasalan noon pero ano nga naman ang laban ko sa angkan na naghahari sa bayan? Natuloy ang kasal namin ni Hector. Isang taon ang lumipas, ipinanganak kita, Helena.


Sabay baling ng tingin ni Mommy Heidi kay Helena.


MOMMY HEIDI: Abot-langit ang galit ko nun kay Hector kahit na nagsasama na kami. Kaya laking pasasalamat ko nang pumutok ang Bulkang Pinatubo. Natabunan ng lahar ang azucarera. Kasamang natabunan noon sina Mama at Papa pati na rin ang mga magulang ni Hector. Akala ko noon ay napasama sa mga nalibing nang buhay pati si Hector. Nang inakala kong patay na si Hector, nagpumilit akong umalis paibang bansa upang kalimutan na ang mapapait na alaalang idinulot sa akin ng Floridablanca. Kapapanganak mo pa lang noon, Helena, nang iwanan kita kay Tita Tess mo, upang matupad ko ang pangarap ko na maging isang doktora.


Saka hinawakan ni Mommy Heidi ang mga kamay ni Helena.


MOMMY HEIDI: Masyado akong nag-focus sa ibang mga bata na nangangailangan din ng tulong. Masyado akong nagpursige sa pagse-serve sa ibang tao dahil sa adhikain ng Save the Children Foundation na organisasyong aking inaniban sa London. Ngunit sa pagsisilbi ko sa ibang mga bata, sarili kong anak, napabayaan ko na. Pasensya na anak, naging makasarili ako sa puntong iyon.


HELENA: Mom, ayos lang po iyon. Ang mahalaga nandito na kayo.


MOMMY HEIDI: Labis ang pangamba at pagdadasal ko noon para sa iyo nang mabalitaan kong nakidnap ka ng NPA. Mula noon, naisip kong mamalagi na sa tabi mo for good. Naging wake-up call sa akin nang makidnap ka ng mga NPA.


TITA TESS: Pero, Heidi, paano kayo nagkitang muli ni Hector?


MOMMY HEIDI: Nito lang nakaraang mga buwan, nagkagulatan kami nang biglang mag-krus ang landas namin ni Hector sa isang bangko sa America. May medical mission ang Save the Children Foundation nun sa America. Inakala kasi namin na patay na ang isa’t-isa dahil sa hindi na kami nag-kontakan after ng Mt. Pinatubo eruption.


MR. HECTOR: Naalala mo ba, Helena, nung nakita ko kayo ni Lyndon sa Creamline isang buwan na halos ang nakakalipas? Kinabukasan nun ay ang flight ko papuntang Amerika dahil nagkaproblema ang isa kong beach resort na negosyo sa Hawaii dahil sa recession. At sa isang bangko nga kami sa Hawaii nagkita ni Heidi.


HELENA: Paano po kayo nakaligtas sa lahar?


MR. HECTOR: Nang sumabog ang Mt. Pinatubo ay nagkataong nasa Clark ako dahil plano kong magtayo ng bangko roon. May ipinadalang eroplano noon ang America upang i-evacuate ang mga sundalo nilang naka-detain sa Clark. Nag-angkas na rin sila ng maraming Pilipino noon at isa ako sa mga nakasama roon. Mula noon ay sa America na ako nanirahan.


MOMMY HEIDI: Humingi ng tawad sa akin si Hector nang magkita kami noon sa bangko. Agad ko rin siyang napatawad dahil matagal na namang nangyari iyon. At noon din ay sinuyo ako ni Hector... niligawan. Nung una ay ayaw ko pa. Pero masugid na nanligaw sa akin si Hector. Kaya napa-ibig niya rin ako. At pareho naming napagdesisyunan na bumalik na ng Pilipinas upang magpakasal muli at balikan ang nag-iisa naming anak.


Tumayo si Mommy Heidi at nilapitan si Helena.


MOMMY HEIDI: Anak, ngayong dito na kami ng daddy mo maninirahan, babawi kami sa’yo.


Ngiti lang ang iginawad ni Helena sa mommy niya; napatawad na niya ito. Pagkatapos ay itinayo siya ni Mommy Heidi sa sofa at inilapit papunta kay Hector.


MOMMY HEIDI: Helena, meet your daddy, Hector Sarmiento.

HELENA: Mom, matagal ko na po siyang kilala.


Agad na niyakap si Helena ni Hector.


MR. HECTOR: Anak, sa wakas, nahagkan na rin kita. Matagal ko na ring inasam na mayakap kang muli, anak.


At buong higpit na niyakap rin ni Helena ang ama.


HELENA: Kaya po pala ang gaan-gaan ng loob ko sa inyo noon pa man. Totoo nga po pala talaga ang lukso ng dugo.


Hindi maipaliwanag na kagalakan ang nadarama ni Helena sa ngayon. Kaytagal na niyang inasam na makapiling ang ina at ibinigay iyon ngayon ng Diyos sa kanya na kasama pa ang ama na akala niya ay pumanaw na. Sa wakas, may matatawag ng ‘tunay na pamilya’ si Helena mula ngayon.


Pagkatapos noon ay nag-dinner sila sa pad ni Helena.


HELENA: Mom, Tita Tess, Tito Tonio... si Lyndon nga po pala. Dad, kilala niyo na naman po si Lyndon.


LYNDON: Hello po!!!


Katono pa ni Lyndon ang pagkakasabi niyon ni Santino ng May Bukas Pa. Natawa tuloy ng bahagya si Helena na naalala yung panahaon na ginawa rin ito ni Lyndon nung nakidnap sila ng NPA.


Natawa pati na rin sina Tita Tess at Tito Tonio, na sinusubaybayan gabi-gabi ang serye.



TITO TONIO: Aba, Helena, ang galing mo namang pumili. Siguradong lalaking gwapo’t magaganda ang anak niyo pag naglaon.

HELENA: Tito...

TITA TESS: Ikaw pala ang Lyndon na naikwento sa akin ng pamangkin ko minsan...


Naikwento niya kasi sa Tita Tess niya si Lyndon nang minsang nage-emo siya sa lalake at wala siyang ibang mapagkwentuhan kundi si Tita Tess.


TITA TESS: Tama pala ang imagination ko sa itsura mo nang kinukwento ka sa akin ni Helena. Gwapo ka nga.

LYNDON: Ganun po ba? Salamat po.


Na-conscious tuloy ito habang kumakain.


TITA TESS: Sabi nga rin pala ng pamangkin ko ‘eh may kaliitan ka nga lang daw.

LYNDON: Sinabi niya po yun?

TITO TONIO: Pero I must say, bagay kayo ng pamangkin ko. Height doesn’t matter naman di ba?

LYNDON: Opo. Wala naman po sa tangkad ang sukatan ng pag-abot sa matataas na bagay.


Nagtawanan silang lahat.


MR. HECTOR: Kayong dalawa ah, di pa kayo umamin sa akin ng nagkita-kita tayo sa Creamline. Kung alam ko lang na anak kita noon...


HELENA: Hindi niyo po papayagan kay Lyndon?


MR. HECTOR: Hindi naman sa ganun. Basta Lyndon, iho, huwag na huwag mo lang sasaktan at paiiyakin ang unica hija namin. Kundi, babaliin ko ‘yang mga daliri mo...


HELENA: Dad, huwag niyo naman pong baliin ang mga daliri ni Lyndon. Hindi na po siya niyan makakapag-piano.

MOMMY HEIDI: Oh. You play the piano?

LYNDON: Opo, Tita.

MR. HECTOR: Tamang-tama. Tumugtog ka ng piano sa kasal namin ni Heidi.

LYNDON: Sige po, Tito! Ok po sa akin ‘yan.

HELENA: Mom, Dad, ba’t kailangan niyo pa pong ulit magpakasal? Di ba kasal na naman kayo dati pa?


MOMMY HEIDI: Helena, anak, noong ikinasal kami dati, ang daddy mo lang ang may gusto noon at napilitan lang ako. Ngayon, pareho na naming gusto ang kasal na ito, dahil pareho na naming mahal ang isa’t isa.


May kislap pa sa mata nang magpaliwanag si Mommy Heidi.


Natawa nang lihim si Helena sa ideyang pareho sila ngayong in-love ng kanyang mommy. At kasalo pa nila ngayon ang mga lalakeng kanilang iniibig.


Bigla na lang, may narinig silang isang malakas na sigaw ng isang lalake mula sa labas.


LALAKE: Hector Sarmiento! Lumabas ka riyan! Panagutan mo ang mga kasakiman mong ginawa sa mga magsasakang pinalayas mo sa Mt. Arayat!


Sinilip nilang lahat sa bintana para tignan kung sino ang sumisigaw.


HELENA: Si Ka Julian!

LYNDON: Tatang Lester!


Binalingan ni Helena ng tingin si Lyndon...


HELENA: Anong sinabi mo? Tatang Lester?

LYNDON: Helena, si Ka Julian... siya ang tunay kong ama...


TO BE CONTINUED...

Next Episode: Episode 31: Lyndon's Letter and Song for Helena (second to the last episode)

Previous Episode: Episode 29: UP Himigsikan 2010


Home

1 comment:

  1. PHOTO CREDITS:

    * XEVERA BACOLOR FOUNTAIN and ESTABLISHMENTS: Image taken from (http://pinoyexplorer.blogspot.com/2008_03_01_archive.html)

    * XEVERA BACOLOR TOWNHOUSE: Image taken from (http://www.sulit.com.ph/index.php/view+classifieds/id/2068171/XEVERA+PAMPANGA+-+Townhouses+in+Bacolor+For+As+Low+As+P5,684.02+/month!)

    * XEVERA BACOLOR PLAZA: Image taken from (http://www.sulit.com.ph/index.php/view+classifieds/id/1981538/XEVERA+PAMPANGA)

    ReplyDelete