Nakasilip pa rin sila sa bintana ng pad ni Helena at sa labas nito ay nagsisisigaw si Ka Julian…. Ang Tatang Lester ni Lyndon…
HELENA: Pero ang sabi mo noon…. Hindi mo kilala ang tunay na ama mo?
LYNDON: Helena, patawarin mo ako… Nagsinungaling ako sa’yo… Inilihim ko sa’yo ang katauhan ng tunay kong ama upang mapangalagaan ang kaligtasan niya…
Bigla na lang, lumayo si Mr. Hector sa kanila at lumabas ng pad… Nagulat silang lahat sa aksyon na iyon ni Mr. Hector.
MR. HECTOR: Kayo talagang mga rebelde! Wala kayong ginawa kundi mameste ng mga negosyo ng may negosyo! Paano at nasundan mo ko rito?
KA JULIAN: Dahil galing sa nakaw ang negosyo mo! Ninakawan mo ng lupa ang mga magsasakang nagpakahirap ipatag ang bahaging iyon ng bundok at pagtaniman... Matagal ka na naming minamatyagan, Sarmiento. Ngayon lang ako nakatyempo dahil palagi kang nasa ibang bansa...
MR. HECTOR: Ang lakas mo rin magsalita na akala mo marangal ka? Kayong mga rebelde nga, ninanakawan niyo rin ang mga negosyante sa pamamagitan ng paniningil sa kanila ng revolutionary taxes upang matustusan ang akala niyo naman ay mabuting adhikain! Minsan niyo na rin akong nasingil niyo ng ganyan...
Saglit na na nanahimik si Ka Julian na marahil ay nag-iisip ng sasabihin.... Sa loob naman ng pad ni Helena...
MOMMY HEIDI: Tess, Tonio, tumawag kayo ng pulis, dali...
Nagmadaling kumilos sina Tita Tess at Tito Tonio sa pagtawag ng pulis sa kanilang cellphone.. Sa labas naman ng pad ay muling nagsalita si Ka Julian...
KA JULIAN: Mabuti nang magnakaw para sa ikabubuti ng mga naaapi tulad ng mga mahihirap kesa kayong mga gahaman ang makinabang...
At biglang bumunot ng baril si Ka Julian...
KA JULIAN: Kaya dapat sa’yo ay mabulok sa impiyerno...
At bigla niya itong pinaputok at tumama ang bala sa dibdib ni Mr. Hector...
Doon na kumawala palabas ng pad sina Helena, Mommy Heidi, Lyndon, Tita Tess at Tito Tonio...
Lumapit silang lahat sa napabulagta at duguang si Mr. Hector... maliban kay Lyndon na nilapitan ang nagpupuyos sa galit na ama habang hawak pa nito ang baril na gamit...
LYNDON: Tatang, Tatang, istu na pu! (Tay, tama na po!)
Nagulat si Ka Julian na narito pala ang anak na si Lyndon...
LYNDON: Tatay ni Helena ang binaril ninyo....
At biglang tumunog ang wang-wang ng mga pulis. Hindi na nagtangka pang tumakbo o magtago ni Ka Julian. Pinosasan siya ng mga pulis pagkarating nila.
Payapa namang sumama si Ka Julian at pumasok sa kotse ng mga ito. Sasama sana si Lyndon pero hinarang siya ng mga pulis...
Saka rin dumating ang ambulansya na tinawagan ni Tito Tonio pagkabaril kay Mr. Hector...
Agad na inakyat ng mga nurse sa ambulance car ang sugatang si Mr. Hector. Sumama rin sina Mommy Heidi, Tito Tonio at Tita Tess...
Paakyat na rin sana ng ambulansya si Helena nang hawakan siya sa braso ni Lyndon...
LYNDON: Helena... gusto kong humingi ng tawad---
Ngunit isang sampal ang iginawad ni Helena kay Lyndon...
HELENA: Tawad? Kasuklam-suklam ang ginawa ng ama mo sa ama ko? Balak niyang patayin ang ama ko upang itaguyod lang ang pinaniniwalaan nila?! Sa tingin mo, mapapatawad kita?! Magsama kayo ng ama mo!
At pagkaakyat ni Helena ay tumulak na palayo ang ambulansya. Marami nang mga kapitbahay na nakikiusyoso sa kanila...
Naiwang mag-isa si Lyndon. Hindi alam kung sino ang susundan: si Helena o ang ama niya... Sa huli ay napagpasiyahan niyang magtungo sa presinto....
Nilapitan ni Lyndon ang sarhento de mesa pagkapasok niya ng presinto...
LYNDON: Sir, dito po ba naka---nakakulong si Lester Punzalan?
Tinignan ang log book sa mesa...
PULIS: Iho, walang ganyang nakakulong dito... Pasensya na...
LYNDON: Si Ka Julian po.. yung---yung... rebelde
PULIS: Ah... si Ka Julian ba kamo? Naku, dineretso na ng mga kabaro ko sa Camp Olivas.
Malamang malaking pabuya na naman ang matatanggap naming mga kapulisan dito sa pagkakadakip sa kanya. Pugante eh nagpahuli---
Ngunit hindi na tinapos ni Lyndon ang sasabihin ng pulis. Nagmadali siyang umalis at pinaharurot ang kotse patungong Camp Olivas...
Pagkarating niya ng Camp Olivas
SUNDALO: Naku, iho. Hindi mo pa pwedeng dalawin yun. Kakahuli niya pa lang... Red Alert muna kami ngayon sa kampo dahil sa pagkakahuli sa kanya... Bumalik ka na lang sa isang araw...
Nagmakaawa si Lyndon pero hindi siya pinagbigyan ng sundalo. Kaya malungkot siya nang umuwi nang bahay nila...
Sinalubong agad siya ng Mama Carmen niya pag-uwi niya sa bahay nila... Malungkot ito...
MAMA CARMEN: Lyndon, nabalitaan ko sa CLTV ang nangyaring pagkakadakip kay---kay Lester...
LYNDON: Si Tatay Lando nasaan?
MAMA CARMEN: Nag-aalsa na ang mga magsasaka. Nabalitaan rin nila ang pagkakadakip kay Lester. Nandoon siya sa bukirin para makipag-usap nang sa mga nagkakagulong magsasaka.
LYNDON: Ma, ano bang mali sa ipinaglalaban ni Tatang Lester at kailangan siyang ikulong? Tama naman siya, di ba? Isa lang naman ang hiling niya, di ba? Na mabigyan ng pagkakapantay ang mahihirap sa mga mayayaman? Na mawala na ang sistemang mapang-api at mapang-aglahi sa bansa natin?
MAMA CARMEN: Pero mali ang paraang ginagamit niya, anak. Gusto niyang magkaroon ng digmaan... madugong digmaang-bayan laban sa mga mayayaman... Tulad ng ginawa niya ngayong pagbaril sa balita kanina. Gusto mo ba iyon anak ha?
Natahimik si Lyndon pansumandali...
LYNDON: Hindi naman magagawa iyon ni Tatang Lester... kung matuto sana ang mga mayayaman na wag maging ganid at nakawan ang mga mahihirap at mabababang-uri.
Bumuntong-hininga si Lyndon at muling nagsalita...
LYNDON: Ma, tatay ni Helena ang binaril ni Tatang... mukhang malabo nang magkabalikan pa kami dahil sa nangyari...
Yun lang at pumasok na si Lyndon sa kanyang kwarto...
**************
UP PAMPANGA FAIR 2010
May coverage ang CLTV 46 sa "Iskopreneur" program ng UPEPP Fair para i-feature ang mga produkto ng mga estudyante kaya may media na nakaantabay...
Sa gym ng UPEPP ay merong mga booth ang 4th year BM students kung saan nagtitinda sila ng kanilang mga produkto bilang bahagi ng "Iskopreneur."
Pero dahil likas na negosyante ang ka-block nilang si Celle, umupa ito ng pwesto para sa kanyang negsoyong... hulaan niyo...
RAMON: Mga tol... grabe yung kwan ni Roscelle! Sobrang sarap nung ano ni Roscelle! Ay grabe malilimutan mo pangalan mo pag nalasahan mo yung kay Roscelle!
CHRIS: Puro Roscelle na lang yang nasa bibig mo, nakatikim ka na ba dun?! :)
RAMON: Ay oo naman, tol. Sarap niya... the best!
LOUIE: Ano?!! Masarap yung kwan ni Roscelle?!
RAMON: Ay naman... kaya nga tara na, pila na tayo kay Roscelle!
RAMON: Mga tol... grabe yung kwan ni Roscelle! Sobrang sarap nung ano ni Roscelle! Ay grabe malilimutan mo pangalan mo pag nalasahan mo yung kay Roscelle!
CHRIS: Puro Roscelle na lang yang nasa bibig mo, nakatikim ka na ba dun?! :)
RAMON: Ay oo naman, tol. Sarap niya... the best!
LOUIE: Ano?!! Masarap yung kwan ni Roscelle?!
RAMON: Ay naman... kaya nga tara na, pila na tayo kay Roscelle!
CELLE: Roscelle's Cassava Cake!! Bili na kayo! Pagkasarap-sarap, pagkatamis-tamis, pagkalinamnam! Masustansya pa! Pampatalino pa! Lahat ng exam niyo kay Sir Bermudo, masasagot ninyo... bumili at kumain lang kayo ng Roscelle's Cassava Cake!
At pinilahan at nilamutak nga ang booth ng Roscelle's Cassava Cake...
Meron din namang kakaiba ang trip at ang kanyang booth sa Iskopreneur ay Halloween-theme ang style.... Pwede kang magpa-picture dito. Or pa-picture-an ang kaaway mo kung gusto mo na siyang ma-deadz kunware...
Sa booth na ito ay mayroong kabaong, sementeryo, lamang-loob, at kung anu-ano pang nakakatakot na mga bagay... Malamang andyan din picture mo... :))
Napatingin si Riona sa kabaong na naka-display sa booth...
RIONA: Naisip ko lang, ba't kaya sa mga lamay, laging sisiw ang nilalagay sa kabaong?
SOPHEYA: Dahil nakasanayan na natin sigurong mga Pilipino? Di ko rin alam simbolismo nun eh...
RIONA: Ganun? Basta ako pag namatay, gusto ko ibang hayop ilagay sa akin... para unique! Mamamatay na rin lang ako magpapasiklab na ako sa lamay... Knock on wood po....
SOPHEYA: Anong hayop naman?
RIONA: Yung hayop na nagsisimula sa letter X...
SOPHEYA: Ang hirap naman nun. Anong hayop ba yun?
RIONA: E di yung hayop kong ex-boyfriend. At least gwapo pa... hehehe
SOPHEYA: Ay wala ka, sa akin... shi zu ipalalagay ko sa kabaong ko... para sosyal! Pwede ring elephant... sawa... para exotic naman ang burol ko... Knock on wood rin po...
At dahil likas na matatalino ang UP students ay may mga kakaibang produkto rin silang naiimbento...
Naglalakad sina Louie, Chris, at Ramon sa mga booth... Nang tinawag sila ni Bert, isang fourth year BM student na may booth...
BERT: Uy Chris, Louie, Ramon... bili na naman kayo ng produkto ko oh...
LOUIE: Ano ba yan?
BERT: Blackberry na cellphone...
LOUIE: Tss... Waley yan. IPhone 3G na yung cellphone ko...
BERT: IPhone lang? Naku, this isn’t your ordinary Blackberry...
CHRIS: Eh anong kakaiba naman dyan sa iyong Blackberry?
BERT: Sa Blackberry na ito, pag pinindot mo to, kusa na itong maglalaba para sa’yo... Minsan pag pinindot mo pwede ring magluto.. Minsan nga pag pinindot mo, ito na gagawa ng assignment mo! Lalo na sa mga mahihirap na assignments niyo kay Sir LQ! Di ba astig?!
CHRIS: Ganun? Pang-tamad naman yang produkto mo. UP tayo, pareng Bert. Kilala ang UP students sa pagiging masipag at matalino.
LOUIE: Oo nga, Bert. Tignan mo itong si Ramon... masipag to. Matalino pa..
BERT: Ganun ba? Sige, ikaw ba Ramon, sakaling next year kayo naman ang nandito sa Iskopreneur, anong produkto ang iimbentuhin mo?
RAMON: Pareng Bert, alam mo namang masipag ako, sabi nga ng mga kaibigan ko. Kaya kung ako, ang iimbentuhin ko ay yung robot na taga-pindot ng Blackberry mo! Nakakatamad kaya magpipipindot dyan.. :)
Nang mapadpad naman si Lyndon sa gym kakahanap kina Louie ay nakita siya ng isang reporter ng CLTV...
REPORTER: Di ba, ayun yung anak ni Ka Julian? Yung nahuling rebelde?
CAMERAMAN: Oo nga nuh... Siya nga ata iyon...
REPORTER: Tara, interviewhin natin. Bilis, i-on mo na yang camera...
At nagmadaling lumapit ang reporter at ang cameraman kay Lyndon... Na siyang ikinagulat ni Lyndon...
REPORTER: Iho, gusto ko lang masiguro kung ikaw nga ba ang anak ng nahuling rebelde na si Ka Julian?
Nagtinginan ang mga estudyante kay Lyndon at natahimik ang maingay na gym na puno ng booths.
Bahagyang natigilan si Lyndon bago tumango... Nagulat ang lahat sa sagot na ito ni Lyndon. Marami pa kasing hindi nakakaalam ng tungkol dito...
REPORTER: Kung gayon, maaari ko bang kunin ang panig mo tungkol sa pagkakadakip ng iyong amang rebelde na si Ka Julian? At totoo ba na ang binaril ng iyong ama ay ang siyang ama rin ng kasintahan mong si Helena?
Nagbulungan ang lahat ng mga estudyanteng naroon sa mga rebelasyong nalaman nila tungkol kina Lyndon at Helena...
ESTUDYANTE 1: Anak pala ni Ka Julian si Lyndon?
ESTUDYANTE 2: Kaya pala “Tatsulok” ang kinanta nila noong Himigsikan...
ESTUDYANTE 3: Di ba nakidnap sila ng girlfriend niyang si Helena noon ng NPA?
ESTUDYANTE 4: Kaya hindi sila napahamak marahil ay dahil nga may koneksyon si Lyndon sa mga NPA dahil sa tatay niya...
ESTUDYANTE 5: At ama pala ni Helena ang may-ari ng resort na pinuntahan nila noong last sem...
Nakita niya pa si Mafalda at Albert na tinitignan siya na may panghahamak at panlilibak...
Nagtali pa si Albert ng pulang bandana sa ulo niya na kadalasang get-up ng mga rebelde... Samantalang si Mafalda naman ay nagbabaril-barilan gamit ang kamay nito...
LYNDON: Pasensya na po, wala pa po muna akong makokomento ngayon. Excuse me...
At nagmadaling umalis ng gym si Lyndon... Agad siyang hinabol nina Louie, Chris, at Ramon...
LOUIE: Tol...
Ngunit hindi sila nilingon ni Lyndon... kaya hinawakan ito ni Louie sa balikat
LOUIE: Tol, iniisip mo ba na lalayuan ka na namin ngayong nalaman na namin ang tungkol sa pagkatao mo?
CHRIS: Mali ka sa iniisip mo, tol. Kaibigan ka namin... magkakaibigan tayo anupaman... Andami na nating pinagsamahan. Andami na nating mga pinagdaanang problema... at hindi tayo nag-iwanan nun. Ngayon pa ba tayo mag-iiwanan?
RAMON: Tsaka Don, kung sinabi mo rin naman sa amin noon pa, hindi naman kami lalayo. Tutulungan ka pa namin. Nandito kaming mga kaibigan mo, tol. Wag mong sarilinin ang problema...
Naluha si Lyndon at na-touch sa concern na ipinapakita ng mga kaibigan niya. Sa pagka-touch niya, niyaya niya ang mga ito na mag-group hug...
****************
Dinalaw ni Lyndon ang ama sa Camp Olivas kinabukasan. Pinayagan na siyang makausap ang ama niya...
Paika-ika maglakad ang ama niya nang lumapit ito sa mesang nakalaan sa kanila. At napansin niya na may pasa ang ama nang makaupo na ito sa tapat niya...
LYNDON: Tatang, napano kayo?
Hindi sumagot si Ka Julian...
LYNDON: Tatang... s-sinaktan at pinahirapan ba kayo... ng mga militar?
Doon lumukot ang mukha ng Tatang Lester ni Lyndon... ni Ka Julian...
KA JULIAN: Anak, halos hindi ako makahinga... sa mga suntok, sipa at tadyak nila sa dibdib ko pati sa tiyan. Kinuryente pa nila ako... at pinahiga nang hubo’t-hubad sa tatlong bloke ng yelo. Sobrang sakit anak. Sa sobrang sakit... parang gusto ko nang mamatay nang mga oras na iyon...
Nakaramdam si Lyndon ng galit ng mga oras na iyon...
LYNDON: Pero, Tay, bakit nila ginawa sa inyo yon?
KA JULIAN: Para magsalita na ko... para ituro ang mga kasamahan ko... Pero anak, kahit nasasaktan na ako noon... hindi pa rin ako nagsalita. Wala akong nilaglag sa mga kasamahan ko...
Sa loob-loob ni Lyndon, proud siya sa ama sa katapangan at katatagang ipinamalas nito kahit na pinahihirapan siya. Tumayo si Lyndon at niyakap ang ama...
LYNDON: Tay, di ba po, pwede niyo pong kasuhan ang mga nanakit sa inyo? Pagmamaltrato ang ginawa nila sa inyo...
KA JULIAN: Wag na, anak. Baka idiretso na nila ako sa military court at kasuhan pa ng subersiyon. At sa usad-pagong na sistema ng ating hustisya sa bansa?! Ayoko nang magkakaso. Magtatakipan lang naman yang mgsa sundalo na iyan...
LYNDON: Tay, hihingi po ako ng tulong sa mga kinauukulan... para mapalaya kayo...
Dumulog si Lyndon sa sarhento sa Camp Olivas. Ngunit sabi sa kanya ay magpunta raw siya ng National Defense dahil hindi nila hawak ang paglaya ni Ka Julian.
Pinapunta siya ng Dept of National Defense. Ngunit sabi ng DND ay sumulat siya sa Malacañang.
Na sinagot naman ng palasyo na i-refer daw ito sa DND... Na sagot ng DND ay pabibilisin ang paglilitis sa kaso ni Ka Julian...
Pinagpasa-pasahan si Lyndon... at pawang sagot na walang kasiguraduhan lamang ang natanggap niya...
*********************
Nagkaroon ng Isko Night. Maraming UPEPP bands ang nag-perform. Kinontak sina Lyndon ng Student Council na mag-perform. Nung una ay ayaw ni Lyndon dahil nga sa isyu na kinahaharap niya ngayon...
Pero napapayag siya ng mga kaibigan...
Samantala, nagulat si Chelsea nang makita sa UPEPP si Helena...
CHELSEA: Oh, pir... kumusta na ang... ang daddy mo?
HELENA: He’s still in critical condition, pir. Pinapasok na lang ako ni Mommy ko kasi marami na raw akong nami-miss na aralin... Pir, nag-aalala ako sa Daddy ko...
CHELSEA: Pir, dasal at pananalig mo na lang ang magiging sandigan mo sa mga ganitong sitwasyon. Kakayanin yan ng Daddy mo...
HELENA: Sana nga, pir. Plano pa nilang magpakasal ng Mommy ko eh... At invited ka... isa ka sa mga bridesmaid..
CHELSEA: Oh sure. Basta pir, kaisa mo ko sa pagdadasal sa ikagagaling ng daddy mo... Meanwhile, punta muna tayo ng gym. May Isko Night ngayon doon eh. Tugtugan ng mga UPEPP bands...para kahit paano jamming jamming muna at malimutan mo pansamantala ang alalahanin mo, pir.
HELENA: Hula ko, kaya gusto mong manood.. dahil tutugtog si Merven mo nuh?
CHELSEA: Hoy, grabe ka namang makapang-husga... Hindi naman siya dahilan ko. Bilis, halika na, late na tayo... yung Rayver-Maya Band nina Merven na ang tumutugtog...
HELENA: Hindi nga si Merven ang dahilan mo....
At sakto, pagdating nina Helena at Chelsea ng gym ay tumutugtog na ang Rayver-Maya Band. This time, Down naman ang tinutugtog nila...
May mataas na stage sa gitna ng gym kung saan nagpe-perform ang mga banda...
Tili naman nang tili si Chelsea...
HELENA: Pir, tapos na ang New Year.... may crying cow ka pa palang tinatago diyan... :)
Nang matapos tumugtog ang Rayver-Maya Band ay nagulat si Helena nang...
EMCEE: Now, our next band to perform, the 2nd place in the annual Himigsikan held last Feb 11, 2010... please welcome... the TA∑ Band...
Umakyat nga sina Lyndon, Louie, Chris at Ramon... Nagsimula na naman ang bulong-bulungan mula sa mga tao... Hindi na lang ito pinansin ni Lyndon
Nang nakaakyat na si Lyndon, nagsalita siya sa microphone...
LYNDON: Bago po kami mag-perform... may isa lang po akong maikling liham na babasahin... para sa... babaeng minamahal ko... at patuloy kong mamahalin...
At may kinuha si Lyndon na papel sa bulsa niya at nagsimulang magbasa....
Helena... ang GG ko. Alam kong mahirap at masakit itong nangyari sa atin. Nasaktan kita, dahil sa sitwasyong kinakaharap natin ngayon. Pero ako rin ay labis ding nasasaktan sa paglayo mo. Helena, mahal pa rin kita.... at uulit-ulitin kong sabihin sa’yo dahil unlimited ako... mahal pa rin kita...
Naalala mo ba, nung hindi mo pa ako pansin, madalas akong magpapansin sa’yo nun. Lahat ginawa ko magpasikat lang sa’yo. Kulang na nga lang eh sumali ako ng Showtime... para lang ipaalam sa iyo na sa malaking mundo na ito, may isang maliit na Lyndon James Punzalan na may malaking puso para mahalin ang isang Helena Marie Sarmiento...
Kaya sana, Helena, mas mangibabaw ang pagmamahalan natin... kesa sa sakit na idinulot sa atin ng sitwasyon.
LYNDON: At sana sa awiting ito, maiparating ko sa’yo... kung gaano ako nangungulila sa iyo...
At nagpalakpakan ang mga tao na halatang kinikilig. Tumili ulit si Chelsea... this time ay dahil sa pagkakilig kina Lyndon at Helena....
At nagsimula nang tumugtog sina Lyndon. “Heels Over Head” ng Boys Like Girls” ang tinugtog nila...
Lyrics | Boys Like Girls lyrics - Heels Over Head lyrics
Tumutok bigla ang spotlight kay Helena pagkatapos kumanta nina Lyndon...
Bigla na lang nagtatakbo si Helena kaya hinabol ito ni Lyndon...
Nagkaabutan sila sa parking lot ng UPEPP kung saan sila lang ang tao. Wala ang security guard. Marahil ay nag-CR ito pansumandali.
Papasok na si Helena ng kotse niya nang pigilan siya ni Lyndon.
LYNDON: Helena.... sandali.
HELENA: Lyndon, hayaan mo muna ako mag-isa, please.
Lumayo nang bahagya si Lyndon...
HELENA: Na-appreciate ko yung paghingi mo nga tawad sa akin. Pero Lyndon, maunawaan mo sana ako, hindi basta-basta maaalis ang kirot na dinulot ng ama mo... Nanganganib pa rin ang Daddy ko sa ospital. Kaya I’m sorry, Lyndon... hindi ko pa alam... kung mapapatawad pa kita...
At tumulak na si Helena paalis ng UPEPP gamit ang kotse nito...
Matinding lungkot ang bumalot kay Lyndon nang mga oras na iyon. Palakad na sana siya pabalik ng gym ay may narinig siyang mga yabag sa likuran niya.
Nilingon niya ito ngunit nagulat siya nang walang nakitang tao. Palagay niya ay may taong sumusunod sa kanya kaya nagmadali siya sa paglalakad.
Ngunit nagulat siya nang bigla siyang tinambangan ng tatlong lalake na nakatakip ang mga mukha. Tanging mga mata lang ng mga lalake ang nakikita niya.
Tinangkang tumakbo palayo ni Lyndon ngunit nahuli siya ng tatlong lalake at agad nilang pinagbubugbog si Lyndon sa dibdib, sa braso, sa mukha, sa tiyan at sa iba’t-ibang parte ng katawan niya.
Dahil nag-iisa lang siya, wala siyang lakas na kalabanin ang tatlo. Nang hinang-hina na si Lyndon ay napabagsak siya padapa sa sahig. Wala na siyang lakas na tumayo man lang.
LALAKE 1: Hindi pa ko tapos sa’yo, hayop ka!
Parang kilala ni Lyndon ang boses na iyon ngunit di niya mawari kung kanino niya ba narinig ang ganung boses.
Habang nakadapa sa sahig, nakaramdam ng matinding kirot sa kanyang kaliwang kamay si Lyndon.
Napasigaw at napaiyak siya sa sobrang sakit habang madiin ngunit dahan-dahang tinatapakan ng nagsalitang lalakeng ang kanyang kanang kamay. Mabigat at may tulis sa ilalim ang sapatos ng tumatapak sa kanyang lalake.
LYNDON: Arrrgggghhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!
Narinig ni Lyndon na unti-unting nagka-crack ang mga buto ng mga daliri niya sa kanang kamay. Hindi na niya makayanan ang sakit na dinaranas ngayon.
SECURITY GUARD: Hoy, anong ginagawa niyo riyan?
LALAKE 2: Pare, may sekyu!
Kaya itinigil na ng lalake ang pagtapak sa kamay ni Lyndon at nagmadaling tumakbo palayo. Nilapitan si Lyndon ng security guard sabay tinignan siya.
SECURITY GUARD: Iho, ayos ka lang ba?
Binalingan ni Lyndon ng tingin ang kanang kamay. May dugo ito buhat sa mga tusok mula sa sapatos ng lalake. Sinubukan niya itong igalaw... ngunit ayaw nitong rumesponde.
At nawalan ng malay si Lyndon.
TO BE CONTINUED...
Next Episode: Episode 32: Marry You (THE FINALE EPISODE)
Previous Episode: Episode 30: Unexpected Returns
Home
No comments:
Post a Comment