Thursday, October 29, 2009

Episode 9: Gives You Hell


Masayang-masaya si Lyndon habang kinakawayan niya ang mga tao pagkatapos niyang mag-piano.. Nginitian pa siya ng babaeng minamahal niya na si Helena…



Napako ang tingin ni Lyndon kay Helena nang ngitian siya ng babae. Napangiti nang husto si Lyndon nang gantihan ni Helena ang ngiti niya…



Ngunit dagli ring nawala ang ngiti ni Lyndon nang makita niyang lumalapit si Albert papunta kay Helena…




EMCEE: Ehem.. ehem… Mr. Lyndon Punzalan… pwede na po kayong bumaba ng stage para makapag-perform na ang susunod na performer…



Nagtawanan ang mga tao. Paano’y matagal nang nakatayo si Lyndon sa stage sa kakakaway sa mga tao…



Napayuko naman si Lyndon dahil sa pagkapahiya. Bumaba na siya ng stage at tinunton sina Louie at Chris...


Nagsimula na ring mag-perform ang next kay Lyndon. Dance troupe naman sila na compose ng third year high school SSA students...



LOUIE: Nice, Don! Ayos ang pagtugtog!


CHRIS: Feel na feel ng feelings ah! Feeling concert mo to ah!


LYNDON: Dana! Nang-iiwan kayo sa ere!


LOUIE: Kami? Nang-iiwan sa ere? Galing mo naman nakalutang ka sa ere?! Hehehe


LYNDON: Corny mo!



At marahang pinagsusuntok ni Lyndon sina Louie at Chris sa braso...



CHRIS: Ano yang ginagawa mo, tol? Minamasahe mo ba kami ni Louie? Hehehe...


LOUIE: Tol, e na ka masosora kekami (Wag ka nang magalit sa amin). Actually, nakatulong pa yung ginawa naming pang-iiwan sa'yo. Nakapagpasikat ka kay Helena mo!



CHRIS: Oo nga! That's what friends are for! Iniisip namin ang kapakanan mo kaya iniwan ka namin... hehhee



LYNDON: Kaya lang, mga tol... mukhang wala pa rin ako kay Helena eh... Tignan niyo... kasama na naman niya yung kumag na Albert na yun..




At tinignan nina Louie at Chris ang tinuro ni Lyndon kung saan nandoon sina Helena at Albert na nag-uusap...



Nag-uusap naman sina Helena at Albert...



HELENA: Hanggang dito ba naman sa PHS, Albert, nandito ka?


ALBERT: Siyempre, alma mater ko rin naman 'to... kaya dumadalaw ako. Kasi pag dumadalaw ako rito... naaalala ko ang mga pinagsamahan natin... yung moments natin nung high school pa tayo... Ang saya-saya di ba?



HELENA: Ah.. ganun? Masaya ka sa "moments" natin dati nung high school? Pwes.. ako naman ay sukang-suka pag naaalala ko yun! I can't believe that I had a boyfriend who is the world's biggest git!



Nagtawanan sina Chelsea at ang iba pa nilang high school friends sa sinabi ni Helena...



Nagngalit ang mukha ni Albert...



ALBERT: Mag-usap nga tayo sa labas!


HELENA: Ayoko! I am with my friends. So if you don’t mind… leave us in peace…


ALBERT: Mag-usap tayo sabi!!



Napalakas yata ang sigaw ni Albert dahilan para mapatingin ang mga malapit na tao sa kanila…


HELENA: Don’t make a scene here, Albert! Nakakahiya!

ALBERT: Kaya nga mag-usap tayo sa labas!



Para lang matahimik na si Albert, pumayag na rin si Helena na mag-usap sila ni Albert sa labas ng Bren Z. Guiao Convention Center…


Nakita naman ni Lyndon ang nangyaring sagutan nina Helena at Albert kaya nagmadali siyang sinundan ang dalawa sa labas..


Nagulat naman sina Louie at Chris sa ikinilos ng kaibigan…


LOUIE: Oi! Lyndon!

CHRIS: Tol, nokarin ka munta?! (Saan ka pupunta?)



Ngunit parang walang narinig si Lyndon at nagpatuloy ito sa paglabas. Sinundan siya nina Louie at Chris…


Pagkalabas naman nina Helena at Albert, nagpunta sila sa isang sulok ng convention center kung saan sila lang ang tao…



HELENA: What do you want?


ALBERT: Hel, alam mo naman na ang gusto ko. Hindi naman ako mangungulit nang ganito sa’yo kung hindi ako seryoso sa’yo. I still love you…


HELENA: Oh. You still love me… ano ngayon gusto mong mangyari? XD


ALBERT: Hel naman. Ano pa ba?! Let us start all over again! Maging “tayo” ulit.


HELENA: Ok…


ALBERT: Anong “OK”? You mean… tayo na ulit…


HELENA: Kelan pa ba naging “hindi” ang salitang “OK”?



Natigilan si Albert dahil hindi niya na-gets nung una ang ibig sabihin ni Helena. Pagdaka’y niyakap niya nang mahigpit si Helena sila’y naghalikan…


Mula sa malayo, kitang kita ni Lyndon, kasama nina Louie at Chris, ang halikang nagaganap kina Helena at Albert…


LYNDON: Sige, tol. Mauna na kong umuwi sa inyo…


At tinalikuran ni Lyndon sina Louie at Chris. Ayaw ni Lyndon na makita ng mga kaibigan na siya’y nasasaktan…



Nagmadaling naglakad si Lyndon palayo kina Louie at Chris… Pero nahabol pa rin siya ng dalawa…


LOUIE: Don, emu mu solsolwan ing problema, tandanan mu atsu kami mung kaluguran mu keni... (Don, wag mo namang solohin ang problema. Nandito naman kaming mga kaibigan mo ah)


CHRIS: Tol ing problema keng pusu ali ya mumukmukan... Para nanu pa meimbentu ya ing Empe, Red Horse, at San Mig? Nanu tol, game? (Tol, ang problema sa pag-ibig, hindi minumukmukan… Para san pa at naimbento ang Emperador, San Mig, Red Horse?! Ano, game?!)


LYNDON: Ninung sasabing magmukmuk ku? Tara inuman tamu! Mas manyaman yata ing miminum kesa magmukmuk! Hahahaha (Sino nagsabing magmumukmok ako! Tara, inuman tayo! Mas masarap uminom kesa magmukmok! Hahahaha)


CHRIS: Oh, nanu pa panayan yu ken! (Ano pang hinihintay niyo dyan?) Tara na sa bahay!


Ganyan ang pagkakaibigang Lyndon, Louie, at Chris… inuman lang ang katapat sa bawat problema ng isang kabarkada…


**********************

Samantala, hinatid ni Albert si Helena sa pad nito sa Xevera, Bacolor gamit ang kotse ni Albert.


Pagkahinto ng kotse sa tapat ng pad ni Helena…



ALBERT: Thanks for the night, Helena… Alam mo bang napakasaya ko… now we’re back together…


HELENA: :)



At bago bumaba ng kotse, nagsalo ulit ng isang namang "good night kiss" sina Albert at Helena… at bumaba na si Helena sa kotse…

At tuluyan nang pinaandar ni Albert ang kotse niya paalis...


Pagkapasok ni Helena sa pad niya, doon lang nya napansin na nagba-vibrate ang cellphone niya… may tumatawag sa kanya.


Sinagot niya ito…


HELENA: Hello?


CHELSEA: Hello, pir! Nasaan ka na? Hindi mo na kami binalikan mula nang lumabas kayo ni Albert! Akala ko kung napano ka na sa kanya at kung ano na ginawa sa'yo!


HELENA: Ay, sorry, pir at di na ako nakapagpaalam. Nagpauwi na ko agad kay Albert pagkatapos naming mag-usap. Nandito na ko sa pad ko.


CHELSEA: Nagpauwi? You mean… nagpahatid ka sa kanya?! Dyan sa pad mo?!


HELENA: Yup!


CHELSEA: Aba! At bakit ka pumayag na magpahatid sa kanya? Aber?! Unless….



At biglang natigilan si Chelsea na para bang nagulat ito… at isang realization ang pumasok sa isip nito…



CHELSEA: Pir…. don’t tell me na…na nakipagbalikan ka na kay Albert?!


HELENA: I have no choice, pir. Palagi na lang siyang nangungulit. So para matapos na ang paulit-ulit na pangungulit niya… pumayag na ko sa gusto niya…


CHELSEA: Pero, pir. Niloko ka na niya noon… so why did you give him another chance?


HELENA: Pir, I told you before, hindi ko sineseryoso lahat ng nakarelasyon ko. And I know na hindi rin seryoso sa akin si Albert. Hindi siya ang priority ko at alam kong hindi rin ako ang priority niya…


CHELSEA: Oh. Yun naman pala. Ba’t mo pa ulit sinagot si Albert?!


HELENA: I know he just want to play a game with me. And in this game… I will outwit him this time… Siya naman ang lolokohin ko…


******************


Sa bahay naman nina Chris ay masayang nag-iinuman silang tatlong magkakaibigan…


Nagpapatugtog din sila habang nag-iinuman…


Click PLAY to hear the song playing... hehehe. Related siya sa title.. hehehe




LYNDON: Potanaydana! Bakit ya pa wari meimbentu ing lugud a yan! Nanu para panasaktan ing pusu da reng tao? (PI! Bakit pa ba naimbento ang pag-ibig na yan. Nananakit lang ng puso ng mga tao!)


LOUIE: Chris, lasing na yata itong si Lyndon… Kung anu-ano na nasasabi.


CHRIS: OO nga eh! Para siyang sinasaniban ng kaluluwa ni Crissot*. Nagiging makata pag lasing!


* Si Crissot ay isang Kapampangang manunulat na nagmula sa Bacolor.


Patuloy sa pagtugtog ang CD player…


When you see my face
I hope it gives you hell, I hope it gives you hell



Nagpantig ang tenga ni Lyndon nang maulinigan ang lyrics ng kanta…


When you walk my way
I hope it gives you hell, I hope it gives you hell


Naalala bigla ni Lyndon si Helena dahil sa salitang “hell”. Katunog kasi ng pangalan ni Helena… hehehe..



LYNDON: Dana! Palitan niyo nga yung kanta! Hell na pag-ibig nga naman ‘to oh!


At biglang sumuka si Lyndon… at napahiga sa sahig malapit sa suka niya at natulog na…


LOUIE: Uy, Chris! Yung kaibigan mo! Tulungan mo nga!


CHRIS: Ha? Sinong kaibigan? Sino ba? Di ko kilala yan ah! Hahaha!


Yun nga lang, nagkakalimutan nang magkakaibigan sina Lyndon, Louie, at Chris kung ang isa sa kanila ay sumuka na at kailangan linisan… hahahaha!



TO BE CONTINUED…





Monday, October 26, 2009

Episode 8: World's Greatest


Pagdiriwang ng "Sentenaryu" ng Pampanga High School: ang alma mater ng ilan sa mga UPDEPP students...


Nakiisa ang ilan sa kanila sa paggunita ng week-long celebration...


JULY 13, 2009: Unang araw ng pagdiriwang ng centennial celebration ng PHS ay nagtalumpati
si Pres. Gloria Macapagal-Arroyo sa Bren Z. Guiao Convention Center...


PRES. ARROYO: Masayang pamagdiwang ning sentenaryu Pampanga king High School. Malapit ya king pusu ku ing PHS uli na ning ing kanakung tatang, i Presidenti Diosdado Macapagal, kabilang ya king Batch 1929 na niting eskuwelahang iti.


SUBTITLE: Masayang pagdiriwang ng sentenaryo, Pampanga High School. Malapit sa puso ko ang PHS dahil sa aking tatay, si Pres. Diosdado Macapagal na kabilang sa Batch 1929 ng eskwelahang ito.


Siksikan ang mga tao sa convention center. Halos lahat ay nais masulyapan si Pres. Arroyo...


Magkakasama sa isang pwesto sina Lyndon, Louie at ang isa pa nilang blockmate na si Chris. Di makapaniwala si Lyndon na for the first time ay nakita na niya nang personal si PGMA...


LYNDON: Di naman pala totoo ang sinasabi ng mga tao na maliit si Gloria eh. Matangkad pala siya. Kelangan ko pa nga yatang tumingala para lang makita siya...


LOUIE: Tol, kung ikukumpara lang naman kasi sa'yo, di hamak na mas matangkad talaga si Gloria... :p



Nagpatuloy sa pagtatalumpati si PGMA..


PRES. ARROYO: Ding eskuwelahan ila ding pangadwang bale na ning metung a anak, inya pin yang metung a maragul a panibatan na ring mayap a bage a dadala na king mabilug nang bie. Deting bage deni ilang pigkalub ning PHS karing keyang estudyante king kilub na ning metung a siglo.


SUBTITLE: Ang mga paaralan ang pangalawang tahanan ng isang bata kaya ang mga kabutihang natutunan nya rito ay dala-dala nya sa buong buhay nya. Ang mga bagay na ito ay ang ipiniamamahagi ng PHS sa kanyang mga mag-aaral sa loob ng isang siglo.


CHRIS: Sarap talagang bumalik sa pagka-high school. Biruin niyo, tatlong taon na palang nakakalipas mula nang grumadweyt tayo?


LOUIE: Anlaki rin ng ipinagbago ng PHS. Biruin niyo, may fountain na sa main entrance...


LYNDON: Oo nga eh. Ang mahal nga ng ginastos ko para lang mapagawa yang fountain na yan... :p


LOUIE: Ah.. ikaw ba nagpagawa ng fountain na yun, Lyndon?


LYNDON: Oo... ganyan ko kamahal ang PHS!


CHRIS: Kaya pala ang panget 'eh.... :p


LYNDON: Anong panget? Yung fountain? Ang sama ng ugali niyo!


CHRIS: Hindi! Ang panget nung nagpagawa nung fountain! :p


LYNDON: He! Bolang kayo!


At tinapos na ni Pres. Arroyo ang kanyang talumpati....


PRES. ARROYO: Pasibayu, congratulations king Pampanga High School, king kekayung pamagdiwang king kekayung sentenaryu. Pupugayan da ko king pamanyiguru yu king kinabukasan kapamilatan na ning pamag-tuun yung pansin king panyulung da ding kekatamung peka-maulagang yaman: ding kayanakan. Dacal a salamat.


SUBTITLE: Muli, maligayang pagbati sa PHS sa inyong pagdiriwang ng inyong sentenaryo. Pinupuri ko kayo sa inyong paniniguro sa magandang kinabukasan at pagbibigay ng pansin sa isinusulong ng ating pinakamahalagang yaman: ang mga kabataan.



Nagpalakpakan ang mga estudyante, guro, mga magulang at iba pa na nasa BZG Convention Center... Pangiti-ngiti naman si Gloria sa mga tao...

******************

Naglakad-lakad sina Lyndon, Louie, at Chris sa PHS. Napakaraming tao sa PHS dahil sa pagdiriwang ng "Sentenaryu."


Marami silang nakasalubong na mga kamag-aral o ka-batch nila... nagkamustahan.. nagkwentuhan...


LYNDON: Oh tol! Paulo! komusta?! Ot makanyan la pa rin deng ipan mu? Ali la pa mu rin close? Magkapate la pa mu rin! Pagbondingan mo la kasi! (Oh, tol! Paulo! Kumusta?! Ba't ganyan pa rin mga ngipin mo? Di pa rin sila close? Magkaka-away pa rin! Pagbondingin mo kasi!)


Bungi-bungi kasi ang mga ngipin ni Paulo...


PAULO: Dana! Kasikan mong mang'asar Lyndon ah!.. Ika pin eh, yang height mu, balamu kambing mu.. haha (Dana! Anlakas mong mag-asar, Lyndon ah! Ikaw nga eh, yung height mo para lang kambing...)


LYNDON: Josko, Paulo! Jang kapilan talaga nung magjoke ka corny pa mu rin!! Ot naman balamu kambing ing height ku? (Naku, Paulo! Kahit kelan ka talaga kung mag-joke corny pa rin! Ba't naman parang kambing ang height ko?)


PAULO: Eh kasi yang height mu... kapirang-goat ya mu! :p


Tumawa sina Louie at Chris... natahimik naman si Lyndon...


LOUIE: Oooohh! Supalpal ka ngayon kay Paulo, Lyndon! hehehehe...


CHRIS: Paulo, tol! Minsan naman inuman tayo! Tagal na nating di nagkikita eh! Na-miss da ka!


PAULO: Yihhh! Ka-cheesy mo, Chris! Hahaha...


CHRIS: Bilyar tayo minsan! Naalala ko nung fourth year pa tayo, talo mo ko palagi sa bilyar. Ngayon ako tatalo sa'yo... Bwahahahaha..


PAULO: Ganun? Baka magkahika ka na naman dahil pakakainin lang kita ng alikabok ng tisa. Hehehe...


CHRIS: Ganun? Tignan lang natin yang yabang mo, Paulo. Nga pala, san ka na ba ngayon nag-aaral ha, tol?



Lumungkot bigla ang mukha ni Paulo...


PAULO: Hindi na ko nag-aaral, tol. Masakit ing bie. Milako la king obra deng pengari ku keng pabrikang luluban da. Ala na lang perang papagaral kanaku ampo kareng kapatad ko kaya kailangan ku nang ituknang ing pamag-aral ku.


SUBTITLE: Mahirap ang buhay. Na-lay-off pareho sa pinapasukan nilang pabrika ang mga magulang ko... wala na silang pampaaral sa aming magkakapatid. kaya kelangan ko na tumigil sa pag-aaral.


Ang balita ni Paulo na marahil ang malungkot na salubong sa pagbabalik-PHS nina Lyndon, Louie, at Chris sa kasayahan ng pagdiriwang ng Sentenaryu....


Marami nang naririnig si Lyndon na mga batang tumitigil sa pag-aaral dahil sa walang pera... pero...



LYNDON: Iba pala pag kaibigan mo na mismo ay nalaman mong tumigil na sa pag-aaral dahil sa kahirapan ng buhay... hindi mo maiwasang maawa at malungkot...


******************


Sa paglalakad-lakad nila sa PHS ay napadpad sila sa BZG Sports Complex....


Napatingin si Lyndon sa malaking soccer field at parang biglang mabilis na nagbugsuan sa utak ni Lyndon ang mga masasaya at masasakit na alaala ng kanyang high school days sa PHS...



... FLASHBACK.... (HIGH SCHOOL DAYS)


SEPTEMBER 2003: Freshman high school si Lyndon. Kabilang siya sa SSC or Special Science Class ng PHS...


Intrams noon sa PHS. May cheerleading competition bawat year level sa Convention Center...


Freshmen are like dynamites, don't mess with the dynamites. Coz if you mess with the dynamites go tick... tick.. tick... BOOM DYNAMITES! BOOM BOOM DYNAMITES!



MISS PHS INTRAMS 2003. May mga kasali mga babae each year level na halos mga taga-SSA (Special Section for Arts)...


Standing room ang buong Convention Center. Nakatayo lahat ng mga nanonood na parang nasa concert...


EMCEE: And now, let us call on stage... our Freshmen contestant to give us a dance number. From SSA, please welcome... Helena Sarmiento...


Dumagundong nang malakas ang malalaking speakers nang pinatugtog ang "Me Against the Music" ni Britney Spears at lumabas mula sa backstage ang isang babae na sa tingin ni Lyndon ay ang pinakamaganda sa lahat ng mga kalahok na Miss PHS Intrams....


Nakasuot ng itim na fitted blazer si Helena. Ang panloob naman niya ay puting strapless na blouse. Sa leeg naman niya ay may detached na blue collar at shiny black na necktie na gawa sa plastik.


Fitted din ang pants na itim ni Helena at naka-itim na high-heeled boots ito... May Michael Jackson-inspired din na sumbrero ito...




At nagsimula nang sumayaw si Helena...


Dahil sa maliit si Lyndon, pinilit niyang makapunta sa harapan para mapanood nang mabuti si Helena...


Pinagtutulak ni Lyndon lahat ng mga tao para lang makadaan siya papuntang harapan...


Natulala at napanganga si Lyndon nang marating na ang harapan... Talaga namang napakaganda ni Helena... lalo na sa malapitan...


Habang pinapanood si Helena, may kung anong di-maipaliwanang na kabog ng dibdib na naramdaman si Lyndon... na para bang nagtatatalon ang puso niya sa saya habang pinagmamasdan si Helena...


At doon na nagsimula ang lihim na pagtingin ni Lyndon kay Helena na tumagal hanggang umabot sila sa kolehiyo sa UPEPP....


Ngunit alam ni Lyndon na hindi siya mapapansin ni Helena. Sa dami ba naman ng mga lalakeng di hamak na mas gwapo at mas matangkad sa kanya ay tiyak na tae lang ang tingin sa kanya ni Helena....


At ang unang heartbreaking moment niya ay nung naging mag-on sina Helena at Albert noong fourth year high school sila...


Kasama ni Lyndon sina Chris at Louie na nag-inuman...


LYNDON: Waaahhhhh!!!!!!!!!!!!!! Ang sakit!!!!!!!!!!


LOUIE: Ok lang yan, tol. O tagay pa! (at binigyan niya pa ng shot ng Emperador si Lyndon)


CHRIS: Lyndon, alam mo. Andami pang babae dyan... wag mo na kasing pag-aksayahan ng panahon yan si Helena....


LYNDON: Tol... mahirap kalimutan si Helena... Hindi lang naman siya "babae" lang...


LOUIE: Dana! Drama mo, boy!


LYNDON: Awa.. Dakal pa pin babai ken na kasing-lagu na o mas malagu pa kaya. Pero aliwa ya y Helena karin e gana-ganang babai. Aliwa ya y Helena karela uling ya mu liguran ku... Ing lugud ku kaya ing magpaaliwa kaya karing aliwang babai.


SUBTITLE: Oo... Marami pa ngang "babae" dyan na kasingganda niya o mas maganda pa sa kanya. Pero bukod-tangi si Helena sa lahat ng mga babae. Siya'y bukod-tangi sapagkat siya ang minahal ko... Ang pagmamahal ko sa kanya ang nagpapaiba sa kanya sa ibang babae...


CHRIS: Josko! Lasing na kang talaga, tol. Kumu-quote ka na, Lyndon. O, anong balak mo? Di mo pa rin kakalimutan si Helena? Kahit na sila na ni Albert...


LYNDON: Mahirap siyang kalimutan, tol.


LOUIE: Oh, ikaw din mahihirapan niyan...


LYNDON: Andyan naman kayong mga totoo kong kaibigan, di ba? Alam kong mayroon akong maaaya ng inuman pag basag na naman ako.. :p


CHRIS: Ayan ang gusto ko sa'yo, tol! Tara tagay pa!


LOUIE: Tsaka di pa kasal yang sina Albert at Helena. Magbe-break din yan, tol! Hahaha!


Kahit na heartbroken.... masaya si Lyndon nang gabing yon. Dahil sa gabing iyon, doon niya napagtanto na napakaswerte niya at naging kaibigan niya sina Louie at Chris na handa siyang damayan... basta't may kasamang inuman... :p



... BACK TO PRESENT...



CHRIS: Oi, si Helena at Chelsea oh!


Napatingin si Lyndon sa tinuro ni Chris... nakita nila na papasok sina Helena at Chelsea sa BZG Convention Center...


LOUIE: Hay naku, ang saya naman ni Lyndon... nakita ang kanyang "inspiration"... hahaha


CHRIS: Kaya lang, Don, ang hina mo eh. Isang Sentenaryu na rin ata ang lumipas eh hindi ka pa rin nakakapagtapat kay Helena? Ni hindi ka pa nga yata niya kilala eh! :p


LYNDON: Mga tol, tandaan niyo, itaga niyo sa bato... na balang araw... magugulat na lang kayo... napaibig ko na si Helena... at magiging "kami"...


CHRIS: Kaya nga lang, kapag naging kayo, hindi naman alam ni Helena na "kayo".. hehehe.. Dream on, Lyndon boy!


LOUIE: Hay, Lyndon... alam mo, mas mataas pa ang mga pangarap mo kesa sa height mo! :p


LYNDON: Wow! Thank you sa encouragement ah. Mga kaibigan ko nga talaga kayo! :p


Pumasok na din sa Convention Center sina Lyndon, Louie at Chris... Pagpasok nila, nakita nila ang tarpaulin sa stage na may nakasulat na:



STUDENTS' FESTIVAL 2009
In celebration of the 100 years of existence of Pampanga High School



Ang Students' Festival ay ang event kung saan lahat ng PHS students at alumni ay pwedeng sumali upang magpakita ng talent nila sa pagkanta, pagtugtog, pagsayaw, pag-stand up comedian.... at kung ano-anu pa....


LOUIE: Sali kaya tayo? Pwede pang mag-register oh. Tsaka pwede rin sumali alumni.. hehehe. Tara.. bumuo tayo ng boy band... hehehe...


LYNDON: Ganun? Tara.. game ako dyan!


CHRIS: Naka naman si Lyndon. Ganado! Hahaha... Palibhasa andito si Helena...


LOUIE: Tamang-tama! Panahon mo na para magpasikat kay Helena, Lyndon! Malay mo...


Nagpunta sila sa registration booth... at nagparegister... isang babaeng estudyante ang umaasikaso ng registration...


Pinabunot sila ng number sa isang kahon...


BABAE: Mga kuya, pang number one po kayo... Magsisimula na tayo in ten minutes.. kayo po unang sasalang...


LYNDON, LOUIE, at CHRIS: Annnoooo?!!!!!!


BABAE: Good luck na lang po... :)


At inasikaso na ng babae ang iba pang nagpapa-register na mga estudyante at alumni...


LOUIE: Dana! Tayo mauuna?! Are they sick!?


CHRIS: Di man tayo nakapag-prepare... Tayo pa una...


LYNDON: Bolang kasi kayo. May paregister-register pa kayong nalalaman...


LOUIE: Tara, sibat na tayo! Iwanan na natin tong Students's Fest... Peste! :)


At unti-unti... at dahan-dahang naglakad sina Lyndon, Louie, at Chris papunta sa pinto ng Convention Center... nang...


BABAE: Mga kuya.... saan po kayo pupunta?!


CHRIS: Ah... eh.. Iihi lang kami...


BABAE: May CR naman po dito sa loob ng convention center ah? Ba't po lalabas pa kayo?


LOUIE: Puno yung mga cubicle eh. Walang bakante... sige, Miss. Labas muna kami.. naiihi na talaga kami...


BABAE: Di po pwede yan, mga Kuya. Kayo ang unang magpeperform. Kelangang may maiwan na isa sa inyo para maabisuhan ko...


CHRIS: Ganun ba? Ayan.. oh... si Lyndon. Di naman naiihi yan eh (at tinulak nang bahagya ni Chris si Lyndon palapit sa babae). Sige, Miss!


At nagmamadaling tumakbo palabas ng Convention Center sina Louie at Chris... naiwan naman si Lyndon..


LYNDON: Dana! Mga siraulo yung dalawang yun ah! Iniwan ba ako sa ere...


BABAE: Kuya... punta na po kayo ng back stage. Magsisimula na po tayo in 3 minutes. I-text niyo na lang po mga kasama niyo na bilisan nila...



At hinahatak ng babae si Lyndon papuntang back stage. Wala naman nang magawa si Lyndon kundi sundan ang babae.


Nanlalata naman si Lyndon habang naglalakad papuntang back stage...


LYNDON: Hayop talaga yung dalawang yun! Mapapatay ko sila pag nagpakita ulit sa akin yun!


Nginitian na lang siya ng babae...


BABAE: Relax ka mu, Coy. Agyu mu yan! (Relax ka lang, Kuya. Kaya mo yan!)


Pakiramdam ni Lyndon ay para siyang ipapakain sa mga leon...


At lumipas na ang ilang minuto... hindi na nga bumalik sina Louie at Chris... Nagsisimula nang magsalita ang Emcee ng program...


EMCEE: Good afternoon, ladies and gentlemen! In the celebration of the Sentenaryu of our beloved Pampanga High School, we are showcasing this afternoon the talents of our dear PHS students and alumni... This Student's Fest will indeed push the students to their limits as they grace us performances...


Sa backstage naman....


LYNDON: Darn! Nasaan na ba yung dalawang kolokoys na yun! Wag nilang sabihin na ako lang pagpeperformin nila! Dana!


Nang mga oras na yun, parang gusto na ni Lyndon na lamunin siya ng lupa dahil sa sobrang kaba...


Sumilip bigla sa back stage ang babae...


BABAE: Kuya Lyndon.. kayo na po...


LYNDON: Wahhh... teka... ako naman ngayon ang naiihi...


Pero hinila na ng babae si Lyndon papunta sa stage...


Maraming tao at mga estudyante ang nanonood at nagpapalakpakan...


At sa di kalayuan, may narinig na sigaw si Lyndon....


LOUIE at CHRIS: Go Lyndon, Go Lyndon, Go Lyndon! Go! Go!


LYNDON: Ulol! Humanda kayong mamayang dalawa sa akin! Pagtatadyakan ko kayo!


At parang may kung anong pwersa ang nagbadya kay Lyndon at napatingin siya sa likod ng convention center....


Nandoon si Helena. Ngunit hindi ito nakatingin sa kanya o sa stage... busy ito sa pakikipagkwentuhan kina Chelsea at iba pa nilang kaklase nung high school...


Umupo si Lyndon sa grand piano na nasa stage... At pagkaupo niya sa piano.. animo'y nawala lahat ng tinig ng sigawan at palakpakan....


At pagtingin niya... parang isang blur lang ang kumpol ng mga taong nanonood... dahil ang focus lang ng tingin ni Lyndon ay si Helena....


LYNDON: This song is donated to the girl that I secretly love.. :p. Alam kong nandito ka kaya sana makinig ka...


AUDIENCE: Uuuuyyyy..... Hiki! Hiki!


At nagsimula nang tumugtog ng piano si Lyndon...



Click PLAY para marinig niyo yung song na tinutugtog at kinakanta ni Lyndon...


Maganda yung kanta... inspirational! Para sa mga taong feeling nila eh inferior sila o walang kwenta... para mainspire kayo... hahaha



Free MP3 Downloads at MP3-Codes.com


^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
The World's Greatest lyrics

I am a mountain
I am a tall tree
Ohhh, I am a swift wind
Sweepin' the country
I am a river
Down in the valley
Ohhh, I am a vision
And I can see clearly
If anybody asks u who I am
Just stand up tall look 'em in the Face and say

[Chorus]
I'm that star up in the sky
I'm that mountain peak up high
I made it
I'm the worlds greatest
And I'm that little bit of hope
When my backs against the ropes
I can feel it mmm
I'm the worlds greatest

I am a giant
I am an eagle
I am a lion
Down in the jungle
I am a marchin' band
I am the people
I am a helpin' hand
And I am a hero
If anybody asks u who I am
Just stand up tall look 'em in the Face and say

[Chorus]
I'm that star up in the sky
I'm that mountain peak up high
I made it
I'm the worlds greatest
And I'm that little bit of hope
When my backs against the ropes
I can feel it
I'm the worlds greatest


SmartLyrics | The World's Greatest lyrics

^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

Bigay na bigay si Lyndon sa pagkanta at pagtugtog ng piano... Talagang isinasapuso niya ang pagtugtog...


Kahit sina Louie at Chris ay namangha sa kaibigan.


Natigilan naman sina Helena at Chelsea sa pakikipagdaldalan nang magsimulang tumugtog si Lyndon...


Talagang natulala si Helena kay Lyndon dahil sa pagkamangha...


CHELSEA: Hel, di ba ka-batch natin yan sa UPEPP? Nag-aral din pala siya sa PHS?


Pero parang hindi narinig ni Helena si Chelsea... dahil na-busy si Helena sa pakikinig sa pagtugtog ng piano ni Lyndon at pagkanta...


Parang may kung anong "magic" ang pagtugtog ni Lyndon at parang na-mesmerize si Helena.


Napansin ni Helena ang swabeng paglilipat ng kamay ni Lyndon sa piano... at nagalingan siya rito...


At nang tumugtog na ang huling nota ng piano... nauna pa sa pagpalakpak si Helena kesa sa ibang audience...


Tumayo naman si Lyndon sa stage pagkatapos. Kumaway pa ito, habang nagsisigaw ng..


LYNDON: I love you, fans! Thank you! I love you, fans!


LOUIE at CHRIS: I heart you, too, Lyndon! (boses babae pa sila rito .. :p)


Habang kumakaway-kaway pa si Lyndon sa audience, napansin niya na nakatingin sa kanya si Helena... ang babaeng idino-donate niya ang tugtog niya kanina... :p


Napangiti si Lyndon nang maluwag at kinawayan niya si Helena...


Nagulat si Lyndon nang ginantihan siya ni Helena ng kaway at magandang ngiti. Akala niya kasi ay dedeadmahin siya ng babae...


HELENA: Ano nga pala yung sinasabi mo kanina, Chelsea?


CHELSEA: Wala, pir... sabi ko, yang tumugtog ng piano eh ka-batch natin sa UPEPP. Business Econ din course niya at nagyon lang natin naging ka-block. Di ko alam na PHS din pala siya nag-aral dati...


HELENA: Ano nga pala ulit pangalan niyan, pir?


CHELSEA: Lyndon ata eh. Lyndon Punzalan...


Hindi pansin ni Helena si Lyndon noong high school pa sila sa PHS... at nito lang din niya napansin si Lyndon sa UPEPP kahit na maliit lang ang college nila at third year college na sila...


Ngayong hapon lang nag-exist sa mundo ni Helena ang isang hamak na "Lyndon Punzalan"... at alam ni Helena na hindi na niya malilimutan si Lyndon kailanman... na bahagi na si Lyndon ng mundong kanyang ginagalawan...


TO BE CONTINUED...


Next Episode: Episode 9: Gives You Hell

Previous Episode: Episode 7: Helena's Tale (WITH ADDITIONAL SCENE. See episode to read the additional scene. :p)



Tuesday, October 20, 2009

Episode 7: Helena's Tale



(AUTHOR'S NOTE: Ang mga scene na nakapaloob sa @@@@@@@@@@@@@ symbols ay mga dagdag na scenes na hindi nakasama sa original publishing ng episode na ito.. hehehe -10-26-09)



Mula sa 17th Avenue, nakauwi na si Helena sa kanyang pad. Matapos mag-park ng kotse, pumasok na si Helena sa living room ng pad...


Pagkapasok niya, sakto namang nag-ring ang kanyang cellphone...


Sinagot ni Helena ang cellphone...



HELENA: Hello...


BOSES: Hello? Hello? Helena, anak. Kumusta na?


HELENA: Oh, Ma. Ikaw pala. Ok naman ako. Kayo?


MOMMY HEIDI: Mabuti naman din...


At bahagya silang natahimik na tila nawalan ng pag-uusapan. Hindi kasi close si Helena sa kanyang ina…


Binasag na rin ni Helena ang katahimikan…


HELENA: Nasaan ka nga pala ngayon, Mommy?


MOMMY HEIDI: Nandito kami ngayon ng Save the Children Foundation* sa isang slum area dito sa Honduras. Nagsasagawa kami medical mission program sa mga bata dito…


Isang pediatrician sa Royal London Hospital si Mommy Heidi. Ngunit madalas itong mag-volunteer sa mga medical mission ng Save the Children Foundation sa iba't-ibang bansa...


* Ang Save the Children Foundation ay isang U.K.- based foundation na kinabibilangan ni Mommy Heidi. Layunin nito na pagalingin ang mga kapus-palad na mga batang maysakit upang magkaroon sila ng masaya at magandang kinabukasan.



MOMMY HEIDI: Siya nga pala, anak. Natanggap mo na ba yung remittance ko sa’yo? Sapat na ba yon sa’yo?


HELENA: Oo, Mom. Salamat.


Sa tingin ni Helena, tanging “remittance” na lang ang tanging paraan ng pag-aalaga sa kanya ng kanyang ina…


Masaya si Helena sa ganung arrangement nila ng kanilang ina. Walang magulang na sasaway sa kanya sa anumang gusto niyang gawin… at buwan-buwan siyang pinapadalhan ng mommy niya ng mahigit Php 20,000 monthly allowance…


Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, pakiwari ni Helena ay kulang na kulang ang mga ito… dahil sa loob-loob niya… hinahanap niya ang tunay na kalinga ng isang magulang… ng isang ina…


HELENA: Sige na, Mom. Matutulog na po ako. It’s nighttime here na po kasi.

MOMMY HEIDI: Ganun ba, anak? Sige.. Good night! I love---


Ngunit in-end na agad ni Helena ang tawag.



Napatingin si Helena sa digital picture frame sa side table ng living room. Nagkataong ang picture na naman nilang mag-ina ang naka-flash.


Five years old lang si Helena nang kunan ang litrato ito nila ng kanyang Mommy Heidi…



…FLASHBACK…


OCTOBER 1995…


Five years old si Helena. Kasama niya ang kanyang Tita Tess na nag-aabang sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport…


TITA TESS: Sa wakas, makikita mo na rin ang Mommy mo…


HELENA: Mommy ko? Di ba, kayo po ang mommy ko, Tita?


TITA TESS: Helena, hindi ako ang Mommy mo. Naku, tiyak na magtatampo niyan Mommy mo sa akin pag narinig niya ang sinasabi mo…


HELENA: Ni hindi ko pa nga po siya nakikita eh… sa picture lang…


TITA TESS: Naku, kaya nga dadalaw na siya ngayon. Para makita mo na siya…


At dumating na si Mommy Heidi sa arrival area…


TITA TESS: Ate! Ate Heidi! Nandito kami! (kumakaway-kaway)


Sabik na lumapit si Mommy Heidi kina Helena at Tita Tess…


Nagyakap ang dalawang mag-ate… pagkatapos ay tinignan ni Mommy Heidi ang anak na si Helena…


TITA TESS: Helena, this is your Mommy Heidi… Go, give your Mommy a hug…

HELENA: No! No! She’s not my mommy!


Dahil sa takot, nagtago pa si Helena sa likod ng Tita Tess niya…


TITA TESS: Helena, don’t act to your Mommy like that. Go… hug her…


Ngunit nanatiling tago pa rin si Helena sa likod ng Tita niya… kaya si Mommy Heidi na ang lumapit kay Helena.



MOMMY HEIDI: Helena, I’m your mommy. Ang laki mo na ah!

HELENA: No! Go away! You’re not my Mommy!



At pinilit kargahin ni Mommy Heidi si Helena. Pumapalag naman si Helena pero pinagalitan na siya ni Tita Tess kaya nagpakarga na rin siya…



Nag-taxi sila papunta ng bahay ni Tita Tess sa Floridablanca, Pampanga…



Nagtulug-tulugan sa taxi si Helena dahil ayaw niyang kausapin ang kanyang Mommy Heidi…



MOMMY HEIDI: Mukhang di na ko kilala ni Helena eh…


TITA TESS: Unawain mo na lang ang bata, Ate Heidi. First time kang nakita eh. Kaya medyo ilang pa sa’yo. Hayaan mo at masasanay din yan…


MOMMY HEIDI: Sana nga, Tess.


TITA TESS: Teka nga, hanggang kelan ka ba dito sa Pilipinas?


MOMMY HEIDI: One week lang, Tess. Umuwi lang ako dito para mangamusta at makita nang personal ang anak ko.


TITA TESS: One week lang?! Hindi ka man lang ba magtatagal dito?


MOMMY HEIDI: Hindi ko naman basta-basta maiiwan ang trabaho ko sa London. Tsaka umanib na ako sa Save the Children Foundation. Mapapadalas na ang biyahe ko sa iba’t-ibang bansa dahil sa medical mission na isasagawa ng foundation.



TITA TESS: Ate Heidi, alam kong mahirap maiwanan ang mga batang nangangailangan ng tulong mo sa ibang bansa. Pero sana… wag mo ring kalimutan na mas kailangan ng pag-aaruga ng anak mo…


Lumipas ang ilang araw, nag-bonding sina Helena at Mommy Heidi sa SM North Edsa: binilhan ng mga damit at laruan ni Mommy Heidi si Helena…


At nagpa-picture silang mag-ina sa isang photo shop…


Ngunit ang bonding na iyon ay di sapat para maging malapit sa isa’t-isa sina Helena at ang mommy niya…


... BACK TO PRESENT ...


Ang picture nilang mag-ina sa photo shop ay siya ngayong naka-flash sa digital photo frame ni Helena…


Nagpalit naman ng picture ang digital photo frame at ang naka-flash naman ngayon ay ang picture nila ni Tita Tess…



... FLASHBACK …


Nasa NAIA ulit sina Tita Tess at Helena. Hinahatid nila si Mommy Heidi pabalik ng London…



MOMMY HEIDI: Basta, Ate Tess, ikaw na muna bahala kay Helena ko ah… (sabay baling ng tingin kay Helena) Helena, anak, magpapakabait ka ah…


Bahagyang ngumiti lang si Helena. Di pa rin siya close sa Mommy niya. Ni hindi nga siya nakakaramdam ng lungkot sa pag-alis nito ngayon…



TITA TESS: Mag-iingat ka dun. Tsaka, Heidi, tumawag o sumulat kang madalas ngayon ah para malaman ko kung nasaan ka mang bansa. Ngayong lagi kang mangingibang-bansa dahil sa foundation na sinalihan mo… Tsaka para makamusta mo na rin si Helena… Mami-miss ka siguro ng anak mo…


MOMMY HEIDI: Ate Tess, salamat nga pala sa pag-aalga mo kay Helena ah.


TITA TESS: Siyempre naman, Heidi. Sino pa bang magtutulungan kundi tayong dalawa na lang magkapatid…


Pareho nang ulila sa ama’t ina sina Tita Tess at Mommy Heidi…


Tinawag na bigla ang Flight number ni Mommy Heidi…


MOMMY HEIDI: O siya, Ate Tess. Mauna na ko… Ingat kayo dito…


At nagmadaling halikan ni Mommy Heidi si Helena sa pisngi… at tuluyan na itong lumayo…


Yun ang huli nilang pagkikitang mag-ina…


************

Halos si Tita Tess na ang nagpalaki kay Helena… kaya mas itinuturing niya pa itong mommy kesa sa Mommy Heidi niya…


Nang pitong taon na si Helena, may tinanong siya sa Tita Tess niya…


HELENA: Tita, alam niyo po ba kung nasaan ang daddy ko?


Natigilan si Tita Tess sa tanong na iyon ni Helena…


TITA TESS: Bakit mo naitanong, Helena?


HELENA: Because my classmates are teasing me that I don’t have a daddy!


TITA TESS: Helena, your daddy is in heaven now. At dahil nasa heaven na siya, palagi ka niyang ginagabayan… Kaya pag inasar ka pa ng mga kaklase mo, naku, tiyak mumultuhin sila ng Daddy mo!


At nagtawanan sina Tita Tess at Helena…


HELENA: Pero, Tita, why did daddy die? At why we are not visiting his grave during Undas?


TITA TESS: Your Daddy died because of Mt. Pinatubo eruption… You are still young then that’s why you cannot remember that…


Sa murang isip, hindi noon maunawaan ni Helena ang paliwanag na iyon ng Tita Tess niya.


Ngunit nung paglaki niya, napagtanto niya na natabunan ng lahar mudflow ng Mt. Pinatubo ang daddy niya noong 1991…


Buwan-buwan kung magpadala ng pera si Mommy Heidi kay Tita Tess para kay Helena…


***********************

JULY 2003


First year high school si Helena nang magpakasal si Tita Tess sa Tito Tonio niya. Naisipan nilang mag-asawa na manirahan sa Xevera Bacolor...


Isinama ni Tita Tess si Helena sa bagong townhouse nilang mag-asawa…


Medyo nahihiya si Helena sa Tita Tess niya dahil pakiramdam niya, pabigat siya sa Tita Tess niya at sa Tito Tonio niya…


And for the first time, nanghingi siya sa Mommy Heidi niya ng pabor…


Tinawagan niya ito sa cellphone…


MOMMY HEIDI: Oh, Helena, anak? Kumusta? Napatawag ka?


HELENA: Ma, I want to be independent from Tita Tess…


MOMMY HEIDI: What?


HELENA: I want to have my own town house…


MOMMY HEIDI: Ha? Bakit?


HELENA: As you all know, may sarili nang pamilya ang Tita. Nakakahiya naman kung hanggang ngayon ay nasa poder niya pa rin ako…


Natahimik si Mommy Heidi sa kabilang linya…


MOMMY HEIDI: So, do you think you are responsible enough to be independent?

HELENA: Of course, Mom. Sanay naman akong mag-isa at iniiwanan… kaya ok lang..


Huli na nang ma-realize ni Helena na medyo offensive ang sinabi niya sa ina niya… pero wala na siyang paki kung masaktan man ang ina o hindi…



MOMMY HEIDI: So, saan mo naman balak magka-town house?


HELENA: Dito rin sa Xevera Bacolor. Para kahit paano malapit pa rin ako kay Tita Tess…


MOMMY HEIDI: Ok, you can have that town house as a birthday gift for you…


At binilhan nga ng isang unit si Helena sa Xevera Bacolor.


At mula noon, namuhay nang malaya at mag-isa si Helena… habang pinadadalhan siya ng monthly allowance ng Mommy Heidi niya na tumatabo ng Php 20,000 per month.


Mula sa town house, nakahingi na rin ng cellphone, Ipod, laptop, at kotse si Helena sa Mommy niya.... dahil sunod sa layaw ito ay agad na naibibigay ng Mommy niya anuman ang naisin niya...


@@@@@@@@@@@@


Sa pag-iisa ni Helena na malayo sa ina, natutunan niyang maging palaban at di basta nagpapatalo o nagpapaapi...


Nasa SSA o Special Section for Arts na klase sa PHS si Helena.


Kahit na di siya bahagi ng SSC (Special Science Class) o yung mga matatalino sa PHS ay sumikat sa campus si Helena dahil na rin sa anking kagandahan at mga talento.


Miyembro siya ng cheering squad ng PHS at nung second year high school siya, nanalo siya bilang Miss Campus Girl 2004 ng PHS...


Dahil sa kasikatan ni Helena ay di rin maiiwasan na may mainggit sa kanyang ibang babae at mainsecure.... kaya marami siyang nakakaaway o inis sa kanya...


Fourth year high school, kasagsagan ng paga-apply sa UPCAT 2007...


Kahit na hindi bahagi si Helena sa SSC o Special Science Class ng PHS ay sinubukan niya pa ring mag-apply sa UPCAT...


Nabalitaan ito nina Mafalda at Marietta na noon pang high school sila ay inis na kay Helena... kaya kinompronta ng dalawa si Helena nang magkasalubong sila sa corridor...



MAFALDA: Ang lakas din naman ng loob mo na mag-apply for UPCAT?! Tingin mo ba ipapasa mo yun?


MARIETTA: Hoy, Helena. Baka nakakalimutan mo... SSA (Special Section for Arts) ka lang... SSC naman kami. Anong laban mo sa amin?


MAFALDA: At isa pa, ga-tuldok lang ang pag-asa mong pumasa ng UPCAT. Your chance of passing the UPCAT is like a mere “dot”.


Siyempre, hindi magpapa-down si Helena… Taas-noo niyang hinarap sina Mafalda at Marietta…


HELENA: Oh, Marietta and Mafalda. Thank you for your kind words of encouragement. Yet, your words can never let me down…


At binalingan ni Helena si Mafalda ng tingin…


HELENA: And as for your statement about my chance of passing the UPCAT is like a mere “dot”… I assure you, Mafalda… I will achieve that “dot”…


Yun lang at tinalikuran ni Helena sina Mafalda at Marietta at umalis na…


Dahil sa pangda-down nina Mafalda at Marietta, nagpursige si Helena na ipapasa niya ang UPCAT…


Gabi-gabing pumupunta si Helena sa town house ng Tita Tess niya sa Xevera para magpaturo. Ilang kanto lang naman kasi ang layo ng town house ni Helena sa tita niya…


Teacher si Tita Tess sa fourth year high school students sa DHVCAT (Don Honorio Ventura College of Arts and Trades) sa Bacolor.


Kaya nagpa-tutor si Helena sa tita niya gabi-gabi bago kumuha ng pagsusulit sa UPCAT…


Kahit na siya ay nahihirapan…


TITA TESS: Oh, Helena, di ba nature ko na sa’yo yung angle of depression. Try mo ngang i-solve tong problem na ‘to…


At pinabasa ni Tita Tess kay Helena ang problem…


Find the height of a hot air balloon which is directly above a nipa hut if the angle of depression of a carabao, 62 m away from the nipa hut is 14◦ 55’.


Hindi alam ni Helena kung paano sagutan ang problem...


TITA TESS: Oh, tinuro ko na sa'yo yan ah. Ba't di ka pa magsolve dyan?


HELENA: Tita, mahirap po kasi eh...


TITA TESS: Helena, pano ka matututo kung di mo susubukan?


HELENA: Pasagot niyo na lang po sa nakakaalam...


TITA TESS: Aber at sino pa bang nakakaalam ng sagot niyan!?


HELENA: Kayo po... :p


TITA TESS: Ah.. ganun.. sige ah. Ganyanin mo ang instructor mo pag nag-take ka na ng UPCAT ah...


HELENA: Joke lang po, Tita. Kayo naman... Kelangan kong pumasa... nang ipamukha ko sa mga SSC bitches na yun na hindi lang sa hanay nila manggagaling ang UPCAT passers! Kaya ko rin kahit SSA lang ako...


TITA TESS: But before that, you must strive hard to review...


HELENA: Tita, paulit na lang po ulit ng tungkol sa angle of depression... at kung paano sagutan ang problem na ito....



At matiyagang tinuruan si Helena ng kanyang Tita Tess... at nagtiyaga rin si Helena na mag-aral...



Kaya laking gulat nina Mafalda at Marietta nang makita nila si Helena sa UPEPP nung first year college sila...


MARIETTA: At anong ginagawa mo rito sa UPEPP?


Nilingon ni Helena si Mafalda at si Marietta...


HELENA: Isn't it obvious? Akala ko ba SSC kayo at matatalino? Mag-isip nga kayo! Ba't niyo pa tinatanong kung bakit nandito ako sa UPEPP? You're so slow...


MAFALDA: Don't tell me na pumasa ka ng UPCAT?


HELENA: Sorry to disappoint you, girls, but I will tell you this kahit na obvious na naman: I passed the UPCAT!


MARIETTA: No way!!!


HELENA: Nga pala, guys. Utang ko sa inyo kung bakit nandito ako ngayon sa UPEPP... dahil sa "words of encouragement" niyo sa akin nung fourth year tayo... I strive to passed the UPCAT.


At binalingan ni Helena ng tingin si Mafalda...


HELENA: I just remember what you said to me nung fourth year HS pa tayo: that my chance in passing the UPCAT is just a "mere dot." Well, ito lang masasabi ko sa'yo, Mafalda, now that I'm in UP... I will achieve "more than just a dot."


Palayo na sana si Helena sa dalawa pero...


HELENA: Oh, by the way, my dear Mafalda. Congratulations nga pala sa inyo ni Albert. Bagay na bagay nga kayo... dahil you're both pathetic losers!



Yun lang at tuluyan nang tinalikuran ni Helena sina Mafalda at Marietta na nanggagalaiti pareho sa galit...


@@@@@@@@@@@@@@@@@@@


... BACK TO PRESENT…



Umakyat si Helena sa kwarto niya. Inaalala niya pa rin ang pag-uusap nilang mag-ina…


Mula nung five years old siya, hindi pa bumalik ng Pilipinas ang ina niya: busy kasi ang ina sa trabaho sa ospital bilang pediatrician at sa pagbo-volunteer sa mga medical mission ng Save the Children Foundation.


Agad na tinanggal ni Helena ang stiletto na suot at binuksan ang cabinet kung saan niya nilalagay ang mga sapatos o heels niya…



Pagkabukas ng cabinet, agad na tumawag ng pansin niya ang isang sapatos na panlalake na walang kapares…


Tinitigan iyon ni Helena… at bumalik sa alaala niya ang lalakeng nagnakaw ng halik sa kanya noong Senior Prom nila sa PHS na naiwan ang sapatos na ito sa pagmamadaling umalis…


Halos tatlong taon na ring bumabagabag sa isip ni Helena ang misteryo ng lalakeng pinangalanan niyang "Cinderello" na siyang may-ari ng sapatos na naiwan...



HELENA: Sino kaya ang lalakeng yon? Ano kaya ng tunay na pangalan ni Cinderello?


At napakagat-labi si Helena dahil kahit tatlong taon na halos ang lumipas, animo’y ramdam pa rin ni Helena ang sarap ng halik na ginawa sa kanya ng lalake…



TO BE CONTINUED…