KUMALAT sa UP Clark ang balitang naghalikan in front of UP Clark people sina Lyndon at Mafalda at may namumuong “MU” or mutual understanding sa pagitan ng dalawa. Halata naman kasi ito dahil sa tuwing magkasama ang dalawa ay napaka-sweet nila sa isa’t-isa.
Napansin ni Chelsea na napakatamlay ni Helena pagkapasok nila sa BM 171: Marketing Management 2 class nila kinabukasan. Hindi pa natatanong ni Chelsea kay Helena kung bakit agaran itong umalis kagabi sa SM Cinema ngunit batid na niya kung bakit.
Hindi kasama ni Helena si Albert kaya batid ni Chelsea na absent ang boyfriend ni Helena marahil ay dahil hindi pa nito matanggap ang pagkatalo...
Si Sir LQ ulit ang prof nila sa klaseng ito...
SIR LQ: Sa strategic planning, kelangan alam mo lahat ng posibleng mangyari sa business. At dapat alam mo kung pano gawing positive ang outcome ng isang negative event.
At sumulat si Sir LQ sa board ng apat na letra…
S-W-O-T.
SIR LQ: Kaya dapat sa isang business, kelangang magkaroon ng SWOT analysis. Strength-Weakness-Opportunity-Threat… SWOT.
At nang patapos na ang lesson…
SIR LQ: And I heard, na naghalikan right in front of the school population ang dalawang miyembro ng klase natin
Napatingin ang lahat kina Lyndon at Mafalda… at nagkantiyawan ang klase…
Pero kinaya ni Helena na magtagal pa sa klaseng iyon kahit selos na selos na siya...
SABAY na kumakain sina Helena at Chelsea after ng klase nang biglang pumasok rin sina Lyndon at Mafalda na magkahawak-kamay.
CHELSEA: Pir, are you okay?
Magsasalita na sana si Helena ngunit na-distract siya nang biglang pumasok sina Lyndon at Mafalda na magkahawak-kamay.
Umorder ng pagkain ang dalawa at umupo di kalayuan sa mesa nila ni Chelsea. Habang kumakain sina Lyndon at Mafalda, napansin ni Helena na ang saya-saya nilang magkwentuhan.
Pareho silang nagtatawanan. At one time, pinunasan pa ni Lyndon ang bibig ni Mafalda na may naiwang kanin.
Nakadama ng inggit si Helena sa kalagayang iyon ni Mafalda. How she wish na sana siya ang kausap ni Lyndon. Parang ang sarap-sarap kausap ni Lyndon: kalog, masayang kausap, nakakatawa, nakaka-in love.
CHELSEA: Hel... kung hindi mo kaya silang makita... alis na tayo...
HELENA: Hindi Chelsea... kumain ka lang. Kaya ko ito...
Kaya nagpatuloy si Chelsea sa pagkain ngunit si Helena ay nanatiling tulala...
Dati-rati’y wala siyang pakialam sa isang Lyndon Punzalan. Ni hindi niya nga alam na nage-exist ito sa mundo. Ngunit ngayon, mas nagugulo at nabubulabog ng isang Lyndon Punzalan ang kanyang mundo... at ang kanyang puso.
Tumutugtog ang radyo sa canteen. Mga OPM ang mga kantang pinapatugtog ng estasyong nakasalang.
♫ Bakit kailangang puso ay masaktan, bago maintindihan ang siyang nararamdaman?
Sapul ang damdamin ni Helena nang marinig ang kantang iyon ni Jaya. Pakiramdam niya ay siya ang pinariringgan ng awit na iyon.
At tumugtog ang sumunod na kanta na lalong tagos sa nararamdaman ngayon ni Helena.
♫ I was a girl who trusted no one with my heart. And the dreams that young girls dream were just vanishing in the dark....
Maliban kay Albert, may dalawa siyang lalakeng nakarelasyon. Ngunit kailanman ay hindi niya sineryoso ang mga lalakeng ito. Hindi niya ipinaubaya ang puso niya sa mga lalakeng ito dahil palagay niya ay di rin siya sineseryoso ng mga lalakeng ito. Hindi niya hinayaan ang kanyang sarili na mahulog sa isang patibong na tinatawag na “pag-ibig.”
♫ But now I found the one. And heaven will only know what only my eyes can say. They say... I will take you forever. And there will never be anyone else in my heart but you.
Ngunit nakilala niya si Lyndon, ang lalakeng hindi niya napapansin dati. At hindi namamalayan ni Helena na unti-unti na pala siyang nahuhulog sa isang patibong na pilit niyang iniiwasan noon man.
Minamahal niya si Lyndon; aminado si Helena roon. Kahit ilan na rin ang nakarelasyon ni Helena, si Lyndon lamang ang tanging nagpatibok ng puso niya nang ganito. Si Lyndon lamang ang nagpapaligaya sa puso niya... si Lyndon... si Lyndon lamang sa puso niya.
CHELSEA: Pir, diet ka ba? Halos nakadalawang plato na ko ng kanin samantalang ikaw ni butil eh hindi mo pa nagagalaw yang pagkain mo....
SUMIKAT si Lyndon sa kanilang unibersidad mula nang tanghalin itong Mr. UP Clark. People are paying more attention to him unlike before. At batid ni Helena that Lyndon was enjoying the experience.
Sa pagsikat na iyon ni Lyndon ay kapuna-puna ang malaking pagbabago rito. Kung dati ay simple lang itong manumit ay naging maporma na ito ngayon. Lagi nang naka-wax ang buhok nito na nakaporma na medyo patayo at branded na ang mga damit na suot nito.
Ngunit ang malaking pagbabago nito ay ang pagkakaroon nito ng kotse.
Kapa-park lang ni Helena sa parking lot ng unibersidad at di pa siya nakakababa ng kotse niya nang biglang may nag-park na isang pulang Mercedes Benz C300 Sport Sedan car sa kaliwa ng kotse niya. Unang bumaba sa kotse sina Louie at Chris.
At laking gulat ni Helena nang biglang bumukas ang pinto ng driver’s seat ng kotse at bumaba roon si—
HELENA: Lyndon?
LOUIE: Tol, I love your wheels.
CHRIS: Wheels lang daw ‘yung gusto ni Louie, hindi ‘yung buong kotse...
LOUIE: Nga pala, tol. Sa’yo na itong kotse? Hindi na ito hiram tulad nung sem-ender natin?
LYNDON: Yup... it’s already mine.
LOUIE: Kaya pala ang lakas ng loob mo na i-text kami kagabi ni Chris na isasabay mo kami ngayon. May kotse ka na pala.
LYNDON: Yup. Hiningi kong birthday gift sa lola ko at mama ko. Asa namang bibigyan ako ng loko kong ama...
LOUIE: Dana, tol. Rich kid ka ngang talaga. Magmay-ari ba naman ang pamilya ng isang resort at isang hacienda...
LYNDON: Talagang mayaman ako, tol. Hindi mo ba alam na ‘yang hanging nilalanghap mo ngayon ay malapit ko nang maging pag-aari...
Samantala, may grupo ng mga babae na freshmen na napadaan malapit kina Lyndon. Pagkakita ng mga babae kay Lyndon, nagbulungan ang mga ito na parang kinikilig habang nakatingin kay Lyndon.
LYNDON: Hi girls...
Lalong kinilig ang mga babae.
Nang mga sumunod pang araw ay mas naging kapuna-puna para kay Helena ang malaking pagbabago ni Lyndon.
May ere na ito kung makipag-usap sa ibang tao. Namimili na rin ito ng mga taong kakausapin di tulad ng dati ay napaka-palakaibigan nito sa karamihan. Kakausapin lang niya ‘yung mga tao na sa tingin nito ay “cool” na katulad nito ngayon.
Nagbago na rin si Lyndon sa paningin ng mga kaibigan niyang sina Louie, Chris at Ramon.
Minsan sa canteen ng unibersidad, magkalapit lamang ang mesang kinakainan nina Helena at Chelsea sa mesa ng tatlong lalake. Malakas mag-usap ang apat na lalake kaya rinig na rinig nila ang usapan.
LYNDON: Ano, Ramon? Binasted ka ni Caroline?!
Ang Caroline na tinutukoy nito ay ang isa sa mga sumali ng Miss UP na niligawan ni Ramon kamakailan lang.
RAMON:Tol, wag ka namang maingay. Nakakahiya...
LYNDON: Tol, dapat ka talagang mahiya. Alam mo tol, sa tingin ko, ang dali lang mapasagot niyan ni Caroline ‘eh. Simpleng bagay di mo pa nagawa. Siguro malamang kung ako nanligaw kay Caroline madali kong mapapasagot yan. Matatangihan niya ba naman ang isang Mr. UP?
Nagkatinginan sina Louie, Chris at Ramon. Makahulugan ang tinginan nilang dalawa. Buti na lang at di napansin ni Lyndon iyon dahil kinuha ni Lyndon ang cell phone niya sa bulsa ng pantalon niya.
LYNDON: Hello? Nasa canteen ako.... Kasama ko yung tatlong ungas dito.... Saan ka ba?... Sige puntahan kita r’yan. Bye. (ibinaba na ni Lyndon ang cell phone at biglang tumayo) Sige, mga ungas. Puntahan ko lang ang chikababe kong si Mafalda..
Agad na lumabas na ng canteen si Lyndon. Pagkalabas na pagkalabas ni Lyndon ay agad na nag-usap sina Louie, Chris at Ramon.
LOUIE: Tol, hindi ko alam kung ako lang nakakapansin..
CHRIS: Lou, napapansin ko rin
RAMON: Nagbago na si Lyndon...
Napa-isip si Helena sa kinauupuan niya sa narinig. Pati pala mga kaibigan ni Lyndon ay napapansin na ang pagbabago ni Lyndon; yumabang na ito, umangas na.
At nalungkot nang husto si Helena sa pagbabagong iyon ni Lyndon.
Tinitignan ni Riona ang naka-post na dean’s lister sa lobby ng unibersidad. Habang tinitignan niya ito ay napadaan si Chris...
CHRIS: Nice, Ri. Dean’s lister ka na naman... Talino mo talaga... Magpa-Roscelle’s Cassava Cake ka naman diyan..
RIONA: Loko ka, Chris... Naalala mo pa rin pala yung commercial namin last sem.. Wala akong pera ngayon eh. Sorry
CHRIS: Sige... ako na lang manlilibre sa’yo. Tutal, nasa dean’s lister din ako...
RIONA: Weh? College Scholar ka rin?
CHRIS: Oo...
Hinanap ni Riona ang pangalan ni Chris sa listahan...
RIONA: Wala naman pangalan mo ‘eh...
CHRIS: Ay wala ba? Eh kasi nasa likod...
RIONA: Murit! One page lang yung listahan...
Ngumisi si Chris...
RIONA: Ikaw talaga, niloloko mo ko...
CHRIS: Haha. Sorry na...
RIONA: Teka... matanong ko lang, ka-Bio ba kita?
CHRIS: Ang sakit mo namang magsalita... mukha ba kong Kabayo?
RIONA: Hay naku to. Ang ibig kong sabihin, kaklase ba kita sa Biology ngayong sem..
CHRIS: Ay oo... Haha. Akala ko kamukha ko na si Vice Ganda eh...
RIONA: Haha... May nagtext!
Nasa classroom naman sina Louie at Sopheya at hinihintay ang prof sa Biology...
SOPHEYA: Louie, hindi ka ba nagnasa sa mga contestant ng Miss UP nung isang araw?
LOUIE: Ha? Ako?! Hindi nuh, nakapikit nga ako nung swimwear na ng mga babae...
SOPHEYA: Weh?!
LOUIE: Peksman...
Biglang nilabas ni Sopheya ang cellphone niya.
SOPHEYA: May nagtext! (gayang-gaya niya si Vice Ganda sa pagkakasabi nito) Ang batang sinungaling ay lumalaking maitim...
LOUIE: Sino nagtext sa iyo?
SOPHEYA: Tatay mo...
LOUIE: Oo na sige na... ako na sinungaling... eh.. magaganda sila eh. Sorry na...
SOPHEYA: Hmmmpphh! I hate you na! Sabi na, nagnanasa ka pa rin!
LOUIE: Sandali... magaganda nga sila... pero aanhin nila ang kanilang kagandahan kung pumapanget naman sila pag tinabihan mo na... Sige na, nangangako na ko.. hindi na ko titingin sa ibang babae...
SOPHEYA: Oo na... siguraduhin mo lang ah..
LOUIE: Oo. Maganda man sila, ikaw lang ang mahal ko. They got nothing on you.
SOPHEYA: Hmmmphhh. Paganyan-ganyan ka pa. Kantahan mo nalang ako...
LOUIE: ♫ Beautiful girls all over the world, I could be chasing but my time would be wasted… They got nothin' on you baby. Nothin' on you baby. They might say hi and i might say Phey… ♫
Natawa si Sopheya sa pagkanta ng kasintahang si Louie… Maganda rin ang boses nito kaya lalong nai-inlove si Phey rito..
Bago pumasok sa Biology class, tinignan din nina Helena at Chelsea ang dean’s list.
At for the first time, nawala si Helena sa listahan...
Nalungkot si Helena. At sakto namang pagdating nina Mafalda at Marietta.
MAFALDA: Kawawa naman yung isang tao riyan, wala naman siya sa dean’s lister eh tingin pa tingin. As if naman malalagay ang pangalan niya kakatingin... Unlike me, college scholar na nga, Miss UP 2009 pa... Beauty and brains
MARIETTA: Paano ba yan, Helena, we will not see you on the recognition day on Saturday. Hindi talaga nararapat na ang isang hamak na SSA lang sa PHS na makasama sa dean’s list.
At umalis na ang dalawang bruha. Pero bago umalis, binangga nila sina Helena at Chelsea...
CHELSEA: Beauty and brains? E ngayon lang nakasama sa dean lister yang Mafalda na yan! And if I know, binayaran niya lang ang mga judge para siya ang panalunin... Money and laret ang sabihin niya..
HELENA: Kung hindi lang kasi ako binigyan ng tres ni Sir Enrile sa BM 190 hindi sana ako mawawala sa dean’s list ngayon. Eh sobrang effort ko sa subject niya. Si Mafalda ma-effort lang mag-mini skirt at maglalapit-lapit kay Sir tapos... flat uno na binigay! Ang unfair talaga ni Sir Enrile. Shit talaga yung de-peluka na yun! Tapos prof natin siya ulit ngayong sem! Damn!
Mukha kasing peluka lang ang buhok ni Sir Enrile kaya de-peluka ang (lihim na) tawag ng mga estudyante sa kanya...
CHELSEA: Eh di patunayan mo kay Sir Enrile na naging unfair siya sa’yo last sem. Parang SWOT analysis lang yan, gawin mong opportunity ang weakness mo. Ang pagiging prof natin ulit ngayon kay Sir Enrile, gawin mong opportunity na patunayan sa kanyang unfair siya sa’yo last sem.
Mataman na nakikinig si Helena sa sinasabi ng kaibigan... It makes sense...
CHELSEA: Pagbutihin mo pa ang pag-aaral sa subject ngayon ni Sir nang bonggang-bongga. At nang ipamukha mo kina Mafalda at Marietta na nakatsamba lang sila last sem na makasama sa dean’s lister at ngayong semester ay makakabalik ka sa dean's list. Wag nega friend. Kaya yan!
Na-inspire si Helena sa sinabi ng kaibigang si Chelsea…
HELENA: Salamat, Chelsea.
CHELSEA: No problem, my friend. At malay mo... makuha mo si Lyndon sa kuko ng babaeng iyon...
HELENA: Ganun? Sige, pag-aaralan ko kung magagamit ko ba ang SWOT analysis upang muling ma-acquire si Lyndon...
CHELSEA: Acquire is the term... business ba si Lyndon na kailangan ma-acquire?
HELENA: Yes, he’s my business now. And Mafalda is just a heck of a competitor... At kilala mo naman ako... never akong nagpatalo sa Mafalda na yan...
TO BE CONTINUED...