Wednesday, May 25, 2011

Episode X: Oblation Run and UP Lantern Parade


NOTE:
Kaya ito tinawag na Episode X ay dahil sa 1) ito ang never-before-read scenes na hindi ko sinama sa main episodes ng blog na ito; at 2) dahil may X-rated scenes ito na not suitable for young audiences. Parental guidance is recommended... :))

********************************************************************************

DECEMBER 15, 2009: APO OBLATION RUN


Sa lobby ng UPEPP… may isasagawang traditional na Oblation Run ang Alpha Phi Omega Fraternity


Puno ang lobby ng mga naghihiyawang estudyante lalo na mga freshman…


Pinipilit naman ni Lyndon na mag-tip toe para makitang mabuti ang mga magtatakbuhan…


LOUIE: Don, gusto mo ipasan na lang kita? Hehehe..

LYNDON: Sige, mang-asar ka pa nuh… Ayoko na nga manood, meron din naman ako nung ipapakita nila… Love my own…

LOUIE: Murit! Manood ka. Dahil ayan ang paraan nila ng pagkondena sa naganap na Maguindanao Massacre noong isang buwan.


At nagsasalita ang member nilang si April upang ipaliwanag ang kanilang Oblation Run…


APRIL: The Alpha Phi Omega Omicron Chapter strongly condemns the barbaric massacre in Maguindanao last November 23, 2009. The merciless slaying of more than 50 people, mostly women and including journalists, lawyers and even innocent passersby, is undoubtedly the single most brutal case of election-related violence in our nation’s entire history. It takes an atrocity of epic proportions to shock a country numbed with political violence and extrajudicial killings but on that fateful Monday morning the Philippines got exactly that.


Lahat ay nakikinig. Lahat ay may kanya-kanyang galit sa brutal na naganap na Ampatuan Massacre..


APRIL: And this Oblation Run: A Stand Against Violence is our way of condemnation of the Maguindanao Massacre. Ito rin po ang aming paraan ng panawagan upang magkaroon ng mapayapa at malinis na eleksyon sa darating na May 2010.


APRIL: So what are we waiting for? Let the Run Against Violence Begins!


At nagsimula nang magtakbuhan ang mga lalakeng APO na nakahubad at nakamaskara. Nagsimula na ring magtilian ang girls at pa-girls… Lalo na sa mga nabigyan ng rosas…


CHELSEA: Aaaayyyy!!!!!!! Pir... nabigyan ako ng rose... In fairness... malaki... kaya lang gwapo kaya siya? Nakamaskara eh...


HELENA: Oy, pir. Wag ngang ayun ang pagtuunan mo ng pansin. Tignan mo yung social relevance ng Run nila... hindi yung “ano” nila. Teka nga, labas ko nga camera ko, I’ll catch the angry birds…


CHELSEA: Nagsalita to. Siya rin pala pipicture-an. Angry Birds pa ang tawag…


HELENA: Ang “L” nito! Angry Birds… laro yun sa IPhone, pir! Anong pinag-iisip nito!

Warning: The following video portrays full frontal male nudity.



***************

DECEMBER 18, 2009: UP LANTERN PARADE 2009


Nagpunta sina Lyndon at Ramon sa Lantern Parade sa UP Diliman… Maraming mga floats at lantern na iba’t-iba ang theme ang pumaparada sa bawat kolehiyo ng unibersidad…


Napansin nila na maraming nakatanim na sunflower habang naglalakad sila University Avenue…


RAMON: Don, ba’t biglang andaming sunflower ngayon dito? Dati naman wala ito nung last lantern parade?

LYNDON: Kasi tol, alam mo namang UP tayo di ba? At nandito ang brainzzz... :)

RAMON: Tamang-tama... ikaw ang Zombie, Don.. Hawig na hawig.. :)



At kahit sa Lantern Parade may pagkondena pa rin sa Maguindanao Massacre... May mga aktibistang estudyanteng sumisigaw ng..


AKTIBISTA: Justice for the victims of the Maguindanao massacre!! Stop extra-judicial killings and political violence!!



Meron din silang float that depicts the tragic Maguindanao Massacre... At sa float na ito lalo mong makikita at madarama kung gaano kahayup na sinapit ng mga biktima ng Ampatuan clan at mga militar na kasabwat sa makahayop, karumal-dumal at walang-awa na pamamaslang sa mga biktima...




At siyempre, waging-wagi ang lantern ng UP Pampanga kung pakislapan at pa-ilawan lang ang labanan... siyempre, Lantern Capital of the Philippines ba naman..


Nature-friendly ang tema ng parol kaya kulay green ito at may nakasulat na "Kaibigan ng Kalikasan."


Habang pumaparada ang lantern ng UP Pampanga, sumasayaw ang UPEPP Dance Troupe na kinabibilangan nina Helena, Chelsea at iba pa sa saliw ng Pampanga Tourism Song...


CHELSEA: Tamang-tamang andito na rin tayo sa Quezon City, after ng sayaw nating ito, audition naman tayo ng Showtime... para sikat na tayo..


Pero hindi nakikinig si Helena sa sinasabi ni Chelsea... iniisip niya kung nanonood ba si Lyndon sa kanyang sayaw... kung napapansin ba siya nito... kung nagagalingan ba ito sa kanya...


At nawala sa step si Helena at parang nadurog ang puso niya nang makita si Lyndon na kahawak-kamay si Mafalda sa tabi ng lantern ng UP Pampanga...


Mekeni... tuki ka... malaus ka Pampanga. Mekeni, tuki ka, mamasyal ta Pampanga...






SEASON TWO SUMMARY


ANG NAKARAAN: SEASON ONE SUMMARY



At nahulog nga ang loob ni Helena kay Lyndon… ngunit si Lyndon ay mukhang wala nang pagtingin para sa babae.


Sumali ng Mr. and Miss UP sina Lyndon at si Mafalda at pareho itong mga nanalo. Mula nang manalo ay nagkalapit lalo sina Lyndon at Mafalda na siyamg ikinaselos ni Helena na sa mga oras na iyon ay siguradong nang mahal niya si Lyndon... lalo na nang maghalikan ang dalawa sa harap ng maraming tao nang tanghalin silang Mr. and Miss UP.


Nung Pasko, nagkita sina Lyndon at Helena sa San Guillermo Parish Church sa Bacolor at doon inamin ni Helena kay Lyndon na mahal na niya ito…


Nung una ay in-denial pa si Lyndon… pero inamin niya rin na kahit kalian ay di nagmaliw ang pag-ibig niya kay Helena. At saka inamin ni Lyndon na wala naman silang relasyon ni Mafalda...


Ngunit may problema... boyfriend pa ni Helena si Albert kaya hindi pa rin nila pwedeng ituloy ang relasyon nila...


Kaya nang magpasukan ay naisipang makipag-break ni Helena kay Albert. Ngunit hinalikan siya ni Albert nang siya’y nakipag-break na nakita ni Lyndon. Kaya todo-selos si Lyndon at hindi niya kinausap si Helena.


Sinabi pa ni Albert na maghihiganti siya laban kay Lyndon. At nakipagbalikan si Albert sa ex-girlfriend nitong si Mafalda upang hindi magmukhang talunan.


Sumali pareho ng Becoming ang grupo ni Lyndon at grupo ni Helena at pareho silang natalo. Nang gabi pagkatapos ng Becoming, nagkapaliwanagan sina Lyndon at Helena at sinabi ni Helena na break na sila ni Albert. Ang nakita ni Lyndon noon na panghahalik ni Albert kay Helena ay dahil pinipilit pa rin ni Albert na makipagbalikan, ngunit siyempre tinanggihan ito ni Helena. Sinabi naman ni Lyndon na ayos lang na natalo sila sa Becoming.. dahil napanalunan naman nila ang isa’t-isa. Naging pormal ang kanilang relasyon nang gabing iyon.


Nag-date sila sa Creamline at dun na-reveal na si Lyndon nga ang Cinderello ni Helena. Inamin din ni Lyndon kay Helena na hindi niya tunay na ama si Tatay Lando. Ngunit nagsinungaling siya kay Helena sa pagsasabing hindi niya kilala kung sino ang tunay niyang ama.


Nagbalik ang Mommy Heidi ni Helena mula sa Amerika at napatawad na niya ito sa pagkukulang nito. At nasorpresa si Helena nang sabihin ni Mommy Heidi na buhay pa ang daddy niya at ito ay si Mr. Hector: ang may-ari ng resort na pinuntahan nila sa Mt. Arayat.


Ngunit naputol ang kasiyahan nila nang sumugod si Ka Julian at binaril si Mr. Hector dahil sa ginawa ni Mr. Hector na pang-aapi sa mga magsasaka ng Mt. Arayat maitayo lang ang resort nito.


Nasira ang relasyon nina Helena at Lyndon nang umamin si Lyndon kay Helena na si Ka Julian ang tunay niyang ama. Dahil sa pagbaril ni Ka Julian kay Mr. Hector ay labis na kinasuklaman ito ni Helena...


May pag-asa pa kayang manumbalik ang pag-iibigan nina Lyndon at Helena at tuluyan na itong mauudlot dahil sa galit?


NABITIN KA BA? Basahin mo na ang katuloy: Episode 31: Lyndon's Letter and Song for Helena




Episode 32: I'll Marry You in Bacolor


DR. SANTOS:
Matindi po ang fracture na tinamo ng mga buto sa mga daliri ng anak niyo. Na-fracture both the phalanges and metacarpals of all the fingers on his right hand.


Kasalukuyang nasa klinika ni Dr. Santos sa ospital sina Mama Carmen at Tatay Lando. Ipinakita ng doktor ang x-ray photos ng kanang kamay ni Lyndon. Kitang-kita rito na baling-bali ang lahat ng mga buto sa limang daliri nito.


MAMA CARMEN: Diyos ko...

TATAY LANDO: Dok, ano pong naiisip niyong medikasyon para sa... anak ko?


Napatingin si Mama Carmen kay Tatay Lando. Nagulat siya dahil sa kauna-unahang pagkakataon, tinawag nitong anak si Lyndon...


DR. SANTOS: What I intend to do is to implant wires, screws, or plates in the broken phalanges and metacarpals to hold the pieces of the fractured bones in place. In time, mahe-heal ng wires ang mga na-fracture na bones...


MAMA CARMEN: Salamat naman sa Diyos.


DR. SANTOS: But I must also inform you that during the healing stage, there’s a possibility that fractured bones may change position. That’s the risk. Sakali mang mangyari ito, the fingers affected by position change may lose some function...


Nangamba pareho sina Mr. and Mrs. Punzalan. Alam nila kung anong sakit para kay Lyndon kapag ang pagtugtog ng piano nito ay parang kinuha na lang sa’yo nang ganun-ganun lang.


MAMA CARMEN:
Dok, please gawin niyo po ang lahat para mapagaling ang anak namin. Kailangan niyang gumaling, doktor. Playing piano is his passion. Dok, do something about his right hand.


DR. SANTOS: Let us hope for the better...


Nagbabantay si Mama Carmen at Clyde. Wala namang malay si Lyndon na nakahiga sa kama at may benda ang kanang kamay.


Biglang nakarinig sila ng mahinang ungol. Napatingin sila sa kama ni Lyndon. Nagkakamalay na ito.


CLYDE: Kuya... kuya...


Tumakbo pa ito sa gilid ng kama ni Lyndon. Tinignan isa-isa ni Lyndon ang mga naroroon.


MAMA CARMEN: Lyndon, anak, kumusta na pakiramdam mo?


Binalingan ni Lyndon ng tingin ang kanang kamay na nakabenda. At nagbalik sa gunita niya ang bangungot na sinapit niya sa UPEPP parking lot kagabi.


LYNDON: Ma, na-diagnose na ba ako ng doktor? Anong sabi niya tungkol sa kalagayan ko?


At mahinahon na ipinaalam ni Mama Carmen ang diagnosis ng doktor. Bumakas sa mukha ni Lyndon ang kalungkutan nang marinig ito. Masakit malaman na may posibilidad na hindi na siya makatugtog pa ng piano.


MAMA CARMEN: Anak, wag kang mag-alala. Gagaling ka. May pag-asa pa,” usal ni Mrs. Punzalan.


LYNDON: Ma, wala na! Wala na kong pag-asa! Wala na kong kinabuksan, wala na!


At naiyak si Lyndon...


CLYDE: Kuya, tahan na. Wag ka nang umiyak. Nandito kami para suportahan ka... sina Papa, Mama, ako...


Hindi pa rin napigil ni Lyndon ang pag-iyak. Ngunit sa pag-iyak niyang iyon, kahit paano ay may ngiting sumilaw sa labi nito dahil sa sinabi ng nakababatang kapatid.


LYNDON: Clyde... salamat...


At biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Lyndon at nagulat si Lyndon sa mga pumasok... ang Tatay Lando niya at si...


LYNDON: Tatang...


May dalawang sundalo rin na pumasok. Malamang ito ang escort ni Ka Julian...
Binalingan din ni Ka Julian ng tingin ang dati niyang asawa na si Mama Carmen...


TATAY LANDO: Carmen, Clyde... ang mabuti pa siguro... iwanan muna natin sina Lyndon at Lester...


At lumabas nga sina Tatay Lando, Mama Carmen, at Clyde. Kahit ang mga sundalo ay magalang na lumabas upang bigyan ng kapribaduhan ang usapan ng mag-ama...


KA JULIAN:
Kumusta na ang pakiramdam mo, Lyndon?


LYNDON: Tatang, medyo makirot po yung kamay ko... at masakit para sa akin na... na may posibilidad na hindi na ako makatugtog ng piano...


KA JULIAN: Anak, wag mong isipin ang ganyan. Gagaling ang kamay mo, anak. Wag mong hayaang lamunin ka ng kawalan ng pag-asa. Anak, kahit na namundok ako, hindi ko hinayaan na mawala sa akin ang pagtugtog at paglikha ng musika. Kaya sana, magkaraoon ka ng pag-asa na lilikha ka pa ng magandang musika...


Na-touch si Lyndon sa sinabing iyon ng ama. Saglit silang natahimik...


LYNDON: Tatang, paano niyo nga po pala nalaman itong nangyari sa akin?

KA JULIAN: Pinuntahan ako ni Lando sa Camp Olivas...


Nagulat si Lyndon sa sinabi ng ama.


KA JULIAN: Ako man ay nagulat sa pagdalaw niya sa akin. Nabalitaan ko kay Lando ang sinapit mo kaya humingi ako ng permiso sa sarhento para madalaw ka. At pumayag naman siya.


Naglakad-lakad si Ka Julian sa kwarto...


KA JULIAN: Sinabi niya sa akin ang nagaganap na pag-aalsa ng mga magsasaka sa hacienda. Kaya kinonsulta niya sa akin kung ano ba ang dapat gawin para sa ikabubuti ng mga magsasaka upang matigil na ang rally...


LYNDON: Ano pong iminungkahi niyo sa kanya?


KA JULIAN: Sinabi ko na ipamahagi na niya ang lupa sa mga magsasaka... Dahil hindi naman talaga pag-aari ng mga Punzalan ang lupain na iyon, bagkus ay sa mga magsasaka iyon...


LYNDON:
Hindi papayag si Tatay Lando sa ganun! Matagal na niyang iginigiit na pag-aari ng pamilya natin ang lupaing iyon...


KA JULIAN: Mali ka sa akala mo, Lyndon. Pumayag si Lando. Naipamahagi na niya ang ilang titulo ng lupa sa mga magsasaka... kaunting panahon na lang at lahat ng mga magsasaka ng hacienda ay magsasaka na ng kanilang sariling lupain...


Nagulat si Lyndon sa mga pagbabago ni Tatay Lando.


KA JULIAN: May amnesty program ang gobyerno ngayon para sa mga rebel prisoners. At isa ako sa mga kandidato na mabigyan ng amnestiyang ito...

LYNDON: E di po... makakalaya na kayo? Babalik na kayo sa normal ninyong pamumuhay pag nakalaya na kayo? Magkakasama na po tayo?


Ngunit bumakas ang lungkot sa mukha ni Ka Julian.. at ito’y umiling-iling...


KA JULIAN: Lyndon, anak... hindi na maaari sa kin ang buhay na gaya ng buhay mo at ng mga nakararami pang mga libu-libong mamamayang Pilipino na nagpapaapi sa mga naghaharing-uri. Nakalaan na para sa kilusan ang buhay ko...


LYNDON: Tatang... pero kailangan ko rin ng ama...


KA JULIAN: Anak, nasabi ko na sa’yo to noon... nung hindi ko pa alam na anak kita... nung nadakip ka namin, kasama ni Helena... na hindi kailanman tinatalikuran naming nasa kilusan ang responsibilidad namin sa mga anak namin... lalo na ang responsibilidad ko sa’yo.


Nang mabanggit ni Ka Julian si Helena ay nakaramdam na naman ng matinding kalungkutan si Lyndon...


KA JULIAN:
Para sa iyo at sa mga kabataang tulad mo ang inilulunsad naming malaking
pagbabago. At mailulunsad lang namin ang pagbabago sa paraang ito... paraang hindi nakatali sa sariling pamilya, hindi sakim at makasarili...


LYNDON: Pero, Tatang, hindi ba mailulunsad ang pagbabago naming mga ordinaryong mamamayan? Tatang, ang pagbabago ay nagmumula sa sarili... pauunlarin mo ang iyong kakayahan at talento at gamitin itong instrumento sa pagbabago ng bansa natin...


Natahimik si Ka Julian at ginugunam-gunam ang sinabi ni Lyndon... may punto ang sinabi ng anak niya... pero...


KA JULIAN: Anak, sana nga... lahat ng Pilipino ay gamitin ang sarili nila bilang instrumento ng pagbabago. Mabuti sana kung hindi na maganap ang digmaang-bayan na inaasahan ko... kung lahat ng mga haciendero’t naghaharing-uri ay tumulad na kay Lando... na ipamahagi sa mga mahihirap kung ano ang nararapat talaga sa kanila...


Bigla na lang, may kumatok sa pinto at bumukas ito. Pumasok roon muli ang mga sundalo, si Tatay Lando, Mama Carmen at si Clyde... Pagpasok ni Tatay Lando, bigla siyang niyakap ni Ka Julian...


KA JULIAN: Lando, akala ko, hindi nadarating ang panahong magkakasundo tayong magkapatid...


TATAY LANDO:
Kuya Lester... mula nang mamatay si Ima Luisa (nanay nila)... ibinilin niya sa akin na kapag nakita kitang muli... makipagkasundo na ako sa’yo. Ngayon lang ako nakahanap ng pagkakataon, dahil noong ipaalam sa akin ni Lyndon na nakita ka niya, puno pa rin ako ng galit sa iyo... Kuya, patawarin mo ako...


Nagkalas sa pagkakayakap ang magkapatid... at binalingan ni Ka Julian si Mama Carmen ng tingin...


KA JULIAN:
Carmen, ipagpaumanhin mo... na hindi ako naging mabuting asawa sa iyo...

MAMA CARMEN: Pero naging mabuti ka namang mamamayan ng bansa natin. Lester, naiintindihan ko na kung bakit kailangan mo kaming iwanan noon ni Lyndon... Napatawad na kita...


Tinignan din ni Ka Julian si Clyde...


KA JULIAN: Ito na ba ang pamangkin ko? Iho, mag-aaral kang mabuti... at gamitin mo ang napag-aralan mo bilang instrumento ng pagbabago sa ating bayan...


At bago tuluyang lumabas si Ka Julian kasama ang mga sundalong escort niya...



KA JULIAN:
Lando, samahan mo ako... may isa pa akong kailangan daanan sa ospital na ito...


At lumabas din si Tatay Lando kasama si Ka Julian at ang mga sundalo...

************

Oras-oras ay kumikirot ang kaliwang kamay ni Lyndon kaya kailangan niyang uminom ng mga pain reliever.


At kahit paano ay nababawasan ang sakit at lungkot na nararamdaman niya sa tuwing dumadalaw ang mga kaibigan at mga kamag-aral tulad nina Louie, Chris, Ramon, Angelo, Riona, Celle, Chelsea, at iba pa.


Pero kulang pa rin ang kasiyahang nadarama niya at may kirot siyang nadarama na mas masakit pa sa kanang kamay niya...


Inaasahan niyang dadalaw si Helena.... ngunit mananatiling hiling na lamang siguro iyon...

*************

Pagkatapos dumalaw ng mga kaibigan ni Lyndon, nakapag-sarili sila ni Tatay Lando...



LYNDON: Tatay, salamat... at dinala niyo rito si Tatang Lester...


TATAY LANDO: Lyndon... alam kong naging masama akong ama sa’yo. Ibinuhos ko kasi lahat ng galit ko at pagkamuhi ko kay Lester sa iyo... Kaya sana... mapatawad mo ako sa gawi kong iyon... na sa loob ng maraming taon, hindi kita pinakitaan ng pagmamahal..


LYNDON: Tatay, ano pa man po ang nangyari, kayo pa rin po ang kinilala kong Tatay sa mahabang panahon... kahit na nakilala ko na ang tunay kong ama, hindi pa rin nawawaglit sa isip ko na naging tatay ko kayo sa turing. At magiging masama akong anak kung hindi ko mapapatawad ang amang humihingi ng kapatawaran...


TATAY LANDO: Lyndon, ibinilin ka sa akin ni Kuya Lester... na tumayong ama mo habang abala siya sa kanyang adhikain... Lyndon... matatanggap mo pa ba ako bilang... bilang tatay mo?


Kahit na nahihirapang kumilos, niyakap ni Lyndon si Tatay Lando... At niyakap rin siya nito... at labis na kagalakan ang nadama niya...


Mula nung bata pa siya, inasam ni Lyndon na sana kagiliwan rin siya ni Tatay Lando... at ngayong oras na ito... masaya na sa wakas, natutunan na siyang mahalin ni Tatay Lando... kahit hindi siya nito tunay na anak...


*************

PINUNTAHAN si Lyndon ng mga pulis sa ospital. Nandoon din nagbabantay sina Mr. at Mrs. Punzalan kasama si Clyde.


Sumailalim si Lyndon ng interrogation ni Senior Inspector Macalintal, ang inspektor na humahawak ng kaso niya. Kinuwento ni Lyndon lahat ng mga natatandaan niyang nangyari.


SR. INSP. MACALINTAL: Sige, salamat sa kooperasyon mo, iho. Asahan mong aaksyunan agad namin ito. Kokontakin ka na lang namin kung may development na sa kaso mo..

LYNDON: Marami rin pong salamat...


At sila’y nagpaalam na.


LUMIPAS ang ilang araw ay nalagyan na ng wires at screws ang fractured phalanges at metacarpals ng mga daliri sa kaliwang kamay ni Lyndon. Nilagyan na rin ng cast o semento ang mga daliri upang hindi masyadong magalaw.


Pagkatapos ay dinis-charge na si Lyndon sa ospital at pinauwi na sa bahay nila ngunit kailangan pa ring uminom ni Lyndon ng pain reliever at bumalik sa ospital linggo-linggo para sa check-up at mga karagdagang eksaminasyon.


Isang araw pagkauwi nila sa bahay nila, sinubukan ni Lyndon na tumugtog ng piano gamit ang kaliwang kamay... ngunit napu-frustrate lang siya dahil hindi siya makatugtog ng buong piyesa.


At naluluha na naman siya sa nararamdamang frustration.



NAISIPANG dalawin ni Helena si Lyndon sa bahay nito. Pagkadating niya sa bahay, naabutan ni Helena si Lyndon na nakaharap sa piano at umiiyak.


Batid ni Helena na sinubukang tumugtog ni Lyndon ngunit tumigil ito marahil ay naiinis ito sa sarili dahil hindi ito makatugtog ng isang buong piyesa.


HELENA: Lyndon...


Lumingon si Lyndon ngunit hindi naglakad. Si Helena na ang naglakad palapit kay Lyndon.


HELENA: Lyndon... I’m sorry... sa hindi ko pagtanggap agad ng kapatawaran mo. Binulag ako ng galit noon... Kaya sana, Lyndon... masaisip mo pa rin... madama mo pa rin... na mahal pa rin kita...


At niyakap niya si Lyndon...


HELENA: Pumunta si Ka Julian kay Daddy Hector sa ospital para manghingi ng dispensa... Napatawad siya ni Daddy. At stable na ang kalagayan ni Daddy. At sinabi sa akin ni Daddy, that I should let go of my anger against you. Kaya sana, Lyndon, mapatawad mo rin ako sa inasal ko... I still love you...


LYNDON: But you cannot love me now. Hindi na ako ang Lyndon na nakilala mo na magaling tumugtog ng piano...


HELENA: Lyndon, wag mong sabihin yan. Hindi ang pagpa-piano mo ang minahal ko kundi minahal ko ang lahat-lahat sa’yo. Minahal ko ang tunay na ikaw. Gagaling ka rin, Lyndon. Everything’s going to be fine in God’s time. Manalig ka lang sa Kanya...


LYNDON: Paano na ang kasal ng mga magulang mo? Ako ang ni-request nilang tumugtog ng piano sa kasal nila. I want to be there. I want to play piano for them.


HELENA: Lyndon, nandito naman ako. Pwede mo naman akong turuang tumugtog ng piano. Pwede akong maging kaliwang kamay mo sa pagtugtog ng piano. Kakayanin kong tumugtog ng piano upang dugtungan at mabuo ang isang magandang musika nais mong malikha. I will be your right hand, and I’m happy to do so.


Nagkalas sila sa pagkakayakap. Muli ay pinunasan ni Helena ang mga luha ni Lyndon. Pagkatapos ay magkatabi silang umupo sa harap ng piano .


Umupo si Helena sa kaliwa ni Lyndon.
Pagkatapos ay hinawakan ni Lyndon ang kaliwang kamay ni Helena at ipinatong iyon sa ibabaw ng mga tiklada ng piano.




Ang mga daliri sa kanang kamay ni Helena ang lumilikha ng tunog habang ang kanang kamay ni Lyndon ang gumagabay rito upang mapatugtog nang maganda ang musikang naging bahagi na ng kanilang pag-iibigan.


At sila’y nagpalitan ng halik.





Ang pagsinta nila ang nagsisilbing musika ng bawat isa.

************

NAGLALARO ng Poker sa tambayan ng kanilang fraternity sa unibersidad sina Albert at ang mga brod nito. Nandoon din si Mafalda na katabi si Albert.


ALBERT: Kung minamalas ka nga naman oh!


Talo na naman kasi ito sa Poker.


MAFALDA: Babe, hindi ka naman talaga totally na malas. Dumating ang swerte sa’yo nang makilala mo ako..

ALBERT: Nandyan ka pa kasi kaya minamalas ako sa laro ngayon.


Biglang may mga pulis na lumapit sa kanila.


SR. INSP. MACALINTAL: Naririto ba sina Albert Del Rosario, Vince Cruz, at Greg Pelayo?

ALBERT: Anong kailangan niyo? Bakit niyo kami hinahanap?

SR. INSP. MACALINTAL: May warrant of arrest kami para sa inyo. Kung ayaw niyong masaktan, sumama kayo ng tahimik sa presinto...


Gusto sanang manlaban nina Albert. Ngunit mas minabuti na lang nilang sumama na lang ng tahimik. Ayaw nilang mag-eskandalo’t lalo pa’t nasa loob sila ng unibersidad.


Maraming mga estudyante ang sinusundan sila ng tingin habang sila’y isinasakay sa police car na nag-aabang sa parking lot.


SA PAG-IIMBESTIGA ni Senior Inspector Macalintal, tumestigo ang gwardiya ng UPEPP na nakakita sa insidente ng pambubugbog kay Lyndon laban kina Albert at sa dalawa pa nitong kasamahan na sina na sina Vince at Greg, brods ni Albert sa fraternity.


GWARDIYA: Hindi pa nila suot ang takip nila sa mukha ay nakita ko silang nag-aabang na sa parking lot ng UPEPP. Namukhaan ko sila, kaya alam kong sila ang bumugbog sa isa pang lalake kahit na nakatakip na ang mukha nila nun...


Dahil dito, inaresto sila ng mga pulis. Sa presinto, napag-alamang ngang sila ang bumugbog kay Lyndon.


Nasa presinto rin sina Lyndon at Helena...


LYNDON: Albert... ba’t mo iyon nagawa sa akin?


ALBERT: Tinatanong mo pa ba yan? Simple lang naman ang gusto ko... Gusto kong mabawi sa iyo si Helena. Naisip ko na nagugustuhan ka ni Helena dahil sa galing mo sa pagpi-piano kaya minarapat kong tapakan ang kamay mo upang hindi ka na muling makatugtog ng piano... upang hindi ka na magustuhan ni Helena at sakaling magbalik sa akin si Helena.


HELENA: Albert... pasensya ka na... pasensya kung hindi ko nagawang suklian ang pag-ibig mo sa akin... hindi kita gustong masaktan...

ALBERT: Akala ko, magtatagumpay akong mabawi ka, Helena. Nabigo ako... bigong-bigo.


Lumipas ang ilang mga araw, napatalsik sa unibersidad at nabilanggo sina Albert at ang dalawa pa nitong kasamahan na sina Gerald at Ryan.

***********

MAY 25, 2010: Araw na ng muling pag-iisang dibdib ng mga magulang ni Helena na sina Hector at Heidi Sarmiento. Sa San Guillermo Parish Church sa Bacolor, Pampanga ginanap ang kasalan.



Isang world-class heritage church ang simbahang ito dahil sa half-buried structure nito dahil sa lahar mudflow ng Mt. Pinatubo noong 1995 sa Bacolor.



The decorations inside the church depict the Baroque style of architecture. Maraming retablo o religious paintings sa bawat pader ng altar nito. Sa simbahang ito ginaganap ang taping ng palabas na May Bukas Pa.

Punong-puno ng mga puting bulaklak ang gilid ng aisle kung saan maglalakad ang mga abay at maglalakad sa red carpet.



Halatang medyo nangangati sina Louie, Chris, at Ramon sa mga barong na suot habang nilalakad ang aisle.


Feel na feel naman nina Chelsea, Sopheya, Riona, at Celle ang pagrampa sa suot nilang simpleng white dress.


Magkapares na naglakad sina Louie at Sopheya sa aisle... Nainggit naman si Chelsea at iba pa sa sweetness ng dalawa habang naglalakad...


LOUIE: Preparation na natin to for the future... Practice kumbaga...

SOPHEYA: And our wedding will also be full of love like this one...

CHELSEA: Awww... sana man lang ininvite ni Helena si Merven ko... naku!

CHRIS: Tsaka sana andito rin si Shiela...

RAMON: Tsaka si Caroline ko...

RIONA: Chris... nandito naman ako ah....

CELLE: Oo nga, Ramon. Anlayo ng tingin mo, hindi mo na ako napapansin...


At nagtawanan silang magkakabarkada...


Kasali sa mga ninong at ninang sina Tatay Lando at Mama Carmen at ring bearer naman si Clyde. At nagtawanan silang magkakabarkada...


Dahil ulila na sa ama’t ina, mag-isang naglakad si Mommy Heidi papuntang altar habang hinihintay siya ng naka-barong na si Daddy Hector.



Madarama ang nag-uumapaw na kakiligan mula sa mga bisita. Napapaiyak sa sobrang saya ang maid of honor na si Tita Tess habang nakangiti ang best man na si Tito Tonio sa tabi niya.


Magkatabing nakaupo sa harap ng grand piano ng simbahan sina Lyndon at Helena. Nakangiti at magkasama nilang tinutugtog sa piano ang "Marry You" ni Bruno Mars; ang mga nota sa kanan ang tinutugtog ni Helena at ang sa kaliwa naman ang kay Lyndon.




Nagtiyagang matuto si Helena ng piano alang-alang lang sa kasal ng kanyang mga magulang. At tsaka inspired din kasi si Helena sa nagtuturo sa kanya na mag-piano. Nagtiyaga rin naman si Lyndon na turuan ang kasintahan.


Nakabenda pa rin ang kaliwang kamay ni Lyndon ngunit ayon sa doktor, maayos ang naging paggaling ng fractured bones ni Lyndon at maigagalaw niya pa ang mga daliri sa lalong madaling panahon. Muli siyang makakapag-piano in due time.


Sa wikang Kapampangan idinaos ang pagkakasal. Lumipas ang ilang sandali ay nagpapalitan na ng vows sina Mommy Heidi at Daddy Hector.


FR. ANTHONY: Mangaku kayu bang miyabe kayu keng kasakitan at kaginawan?


At sumagot sina Mommy Heidi at Daddy Hector...


FR. ANTHONY: Malyari mu neng uman ngeni ing asawa mu...

HELENA: Anong sabi ni Fr. Anthony?

LYNDON: Gusto mong malaman?

HELENA: Lyndon... ano na kasi?

LYNDON: Helena, ang sabi ng pari, I can now kiss my future bride...


Pagkasabi niyon, masuyo at buong pagmamahal na nagpalitan din ng halik sina Lyndon at Helena na nasa grand piano kasabay ng paghahalikan sa altar nina Mommy Heidi at Daddy Hector.


Nadarama nila na sila ang susunod na ikakasal years from now... sa mismong simbahan na iyon sa Bacolor.





Friday, May 20, 2011

Episode 31: Lyndon's Letter and Song for Helena


Nakasilip pa rin sila sa bintana ng pad ni Helena at sa labas nito ay nagsisisigaw si Ka Julian…. Ang Tatang Lester ni Lyndon…



HELENA: Pero ang sabi mo noon…. Hindi mo kilala ang tunay na ama mo?

LYNDON: Helena, patawarin mo ako… Nagsinungaling ako sa’yo… Inilihim ko sa’yo ang katauhan ng tunay kong ama upang mapangalagaan ang kaligtasan niya…


Bigla na lang, lumayo si Mr. Hector sa kanila at lumabas ng pad… Nagulat silang lahat sa aksyon na iyon ni Mr. Hector.


MR. HECTOR: Kayo talagang mga rebelde! Wala kayong ginawa kundi mameste ng mga negosyo ng may negosyo! Paano at nasundan mo ko rito?


KA JULIAN: Dahil galing sa nakaw ang negosyo mo! Ninakawan mo ng lupa ang mga magsasakang nagpakahirap ipatag ang bahaging iyon ng bundok at pagtaniman... Matagal ka na naming minamatyagan, Sarmiento. Ngayon lang ako nakatyempo dahil palagi kang nasa ibang bansa...


MR. HECTOR: Ang lakas mo rin magsalita na akala mo marangal ka? Kayong mga rebelde nga, ninanakawan niyo rin ang mga negosyante sa pamamagitan ng paniningil sa kanila ng revolutionary taxes upang matustusan ang akala niyo naman ay mabuting adhikain! Minsan niyo na rin akong nasingil niyo ng ganyan...


Saglit na na nanahimik si Ka Julian na marahil ay nag-iisip ng sasabihin.... Sa loob naman ng pad ni Helena...


MOMMY HEIDI: Tess, Tonio, tumawag kayo ng pulis, dali...


Nagmadaling kumilos sina Tita Tess at Tito Tonio sa pagtawag ng pulis sa kanilang cellphone.. Sa labas naman ng pad ay muling nagsalita si Ka Julian...


KA JULIAN: Mabuti nang magnakaw para sa ikabubuti ng mga naaapi tulad ng mga mahihirap kesa kayong mga gahaman ang makinabang...


At biglang bumunot ng baril si Ka Julian...


KA JULIAN: Kaya dapat sa’yo ay mabulok sa impiyerno...


At bigla niya itong pinaputok at tumama ang bala sa dibdib ni Mr. Hector...


Doon na kumawala palabas ng pad sina Helena, Mommy Heidi, Lyndon, Tita Tess at Tito Tonio...


Lumapit silang lahat sa napabulagta at duguang si Mr. Hector... maliban kay Lyndon na nilapitan ang nagpupuyos sa galit na ama habang hawak pa nito ang baril na gamit...



LYNDON:
Tatang, Tatang, istu na pu! (Tay, tama na po!)


Nagulat si Ka Julian na narito pala ang anak na si Lyndon...


LYNDON:
Tatay ni Helena ang binaril ninyo....


At biglang tumunog ang wang-wang ng mga pulis. Hindi na nagtangka pang tumakbo o magtago ni Ka Julian. Pinosasan siya ng mga pulis pagkarating nila.


Payapa namang sumama si Ka Julian at pumasok sa kotse ng mga ito. Sasama sana si Lyndon pero hinarang siya ng mga pulis...



Saka rin dumating ang ambulansya na tinawagan ni Tito Tonio pagkabaril kay Mr. Hector...



Agad na inakyat ng mga nurse sa ambulance car ang sugatang si Mr. Hector. Sumama rin sina Mommy Heidi, Tito Tonio at Tita Tess...



Paakyat na rin sana ng ambulansya si Helena nang hawakan siya sa braso ni Lyndon...



LYNDON:
Helena... gusto kong humingi ng tawad---


Ngunit isang sampal ang iginawad ni Helena kay Lyndon...


HELENA: Tawad? Kasuklam-suklam ang ginawa ng ama mo sa ama ko? Balak niyang patayin ang ama ko upang itaguyod lang ang pinaniniwalaan nila?! Sa tingin mo, mapapatawad kita?! Magsama kayo ng ama mo!


At pagkaakyat ni Helena ay tumulak na palayo ang ambulansya. Marami nang mga kapitbahay na nakikiusyoso sa kanila...


Naiwang mag-isa si Lyndon. Hindi alam kung sino ang susundan: si Helena o ang ama niya... Sa huli ay napagpasiyahan niyang magtungo sa presinto....


Nilapitan ni Lyndon ang sarhento de mesa pagkapasok niya ng presinto...


LYNDON: Sir, dito po ba naka---nakakulong si Lester Punzalan?


Tinignan ang log book sa mesa...


PULIS: Iho, walang ganyang nakakulong dito... Pasensya na...

LYNDON: Si Ka Julian po.. yung---yung... rebelde

PULIS: Ah... si Ka Julian ba kamo? Naku, dineretso na ng mga kabaro ko sa Camp Olivas.


Malamang malaking pabuya na naman ang matatanggap naming mga kapulisan dito sa pagkakadakip sa kanya. Pugante eh nagpahuli---


Ngunit hindi na tinapos ni Lyndon ang sasabihin ng pulis. Nagmadali siyang umalis at pinaharurot ang kotse patungong Camp Olivas...


Pagkarating niya ng Camp Olivas



SUNDALO: Naku, iho. Hindi mo pa pwedeng dalawin yun. Kakahuli niya pa lang... Red Alert muna kami ngayon sa kampo dahil sa pagkakahuli sa kanya... Bumalik ka na lang sa isang araw...


Nagmakaawa si Lyndon pero hindi siya pinagbigyan ng sundalo. Kaya malungkot siya nang umuwi nang bahay nila...


Sinalubong agad siya ng Mama Carmen niya pag-uwi niya sa bahay nila... Malungkot ito...


MAMA CARMEN: Lyndon, nabalitaan ko sa CLTV ang nangyaring pagkakadakip kay---kay Lester...

LYNDON: Si Tatay Lando nasaan?

MAMA CARMEN: Nag-aalsa na ang mga magsasaka. Nabalitaan rin nila ang pagkakadakip kay Lester. Nandoon siya sa bukirin para makipag-usap nang sa mga nagkakagulong magsasaka.


LYNDON: Ma, ano bang mali sa ipinaglalaban ni Tatang Lester at kailangan siyang ikulong? Tama naman siya, di ba? Isa lang naman ang hiling niya, di ba? Na mabigyan ng pagkakapantay ang mahihirap sa mga mayayaman? Na mawala na ang sistemang mapang-api at mapang-aglahi sa bansa natin?


MAMA CARMEN: Pero mali ang paraang ginagamit niya, anak. Gusto niyang magkaroon ng digmaan... madugong digmaang-bayan laban sa mga mayayaman... Tulad ng ginawa niya ngayong pagbaril sa balita kanina. Gusto mo ba iyon anak ha?


Natahimik si Lyndon pansumandali...


LYNDON: Hindi naman magagawa iyon ni Tatang Lester... kung matuto sana ang mga mayayaman na wag maging ganid at nakawan ang mga mahihirap at mabababang-uri.


Bumuntong-hininga si Lyndon at muling nagsalita...


LYNDON: Ma, tatay ni Helena ang binaril ni Tatang... mukhang malabo nang magkabalikan pa kami dahil sa nangyari...


Yun lang at pumasok na si Lyndon sa kanyang kwarto...

**************

UP PAMPANGA FAIR 2010


May coverage ang CLTV 46 sa "Iskopreneur" program ng UPEPP Fair para i-feature ang mga produkto ng mga estudyante kaya may media na nakaantabay...


Sa gym ng UPEPP ay merong mga booth ang 4th year BM students kung saan nagtitinda sila ng kanilang mga produkto bilang bahagi ng "Iskopreneur."


Pero dahil likas na negosyante ang ka-block nilang si Celle, umupa ito ng pwesto para sa kanyang negsoyong... hulaan niyo...


RAMON: Mga tol... grabe yung kwan ni Roscelle! Sobrang sarap nung ano ni Roscelle! Ay grabe malilimutan mo pangalan mo pag nalasahan mo yung kay Roscelle!

CHRIS: Puro Roscelle na lang yang nasa bibig mo, nakatikim ka na ba dun?! :)

RAMON: Ay oo naman, tol. Sarap niya... the best!

LOUIE: Ano?!! Masarap yung kwan ni Roscelle?!

RAMON: Ay naman... kaya nga tara na, pila na tayo kay Roscelle!


CELLE: Roscelle's Cassava Cake!! Bili na kayo! Pagkasarap-sarap, pagkatamis-tamis, pagkalinamnam! Masustansya pa! Pampatalino pa! Lahat ng exam niyo kay Sir Bermudo, masasagot ninyo... bumili at kumain lang kayo ng Roscelle's Cassava Cake!


At pinilahan at nilamutak nga ang booth ng Roscelle's Cassava Cake...


Meron din namang kakaiba ang trip at ang kanyang booth sa Iskopreneur ay Halloween-theme ang style.... Pwede kang magpa-picture dito. Or pa-picture-an ang kaaway mo kung gusto mo na siyang ma-deadz kunware...


Sa booth na ito ay mayroong kabaong, sementeryo, lamang-loob, at kung anu-ano pang nakakatakot na mga bagay... Malamang andyan din picture mo... :))


Napatingin si Riona sa kabaong na naka-display sa booth...




RIONA: Naisip ko lang, ba't kaya sa mga lamay, laging sisiw ang nilalagay sa kabaong?

SOPHEYA: Dahil nakasanayan na natin sigurong mga Pilipino? Di ko rin alam simbolismo nun eh...

RIONA: Ganun? Basta ako pag namatay, gusto ko ibang hayop ilagay sa akin... para unique! Mamamatay na rin lang ako magpapasiklab na ako sa lamay... Knock on wood po....

SOPHEYA: Anong hayop naman?

RIONA: Yung hayop na nagsisimula sa letter X...

SOPHEYA: Ang hirap naman nun. Anong hayop ba yun?

RIONA: E di yung hayop kong ex-boyfriend. At least gwapo pa... hehehe

SOPHEYA: Ay wala ka, sa akin... shi zu ipalalagay ko sa kabaong ko... para sosyal! Pwede ring elephant... sawa... para exotic naman ang burol ko... Knock on wood rin po...


At dahil likas na matatalino ang UP students ay may mga kakaibang produkto rin silang naiimbento...



Naglalakad sina Louie, Chris, at Ramon sa mga booth... Nang tinawag sila ni Bert, isang fourth year BM student na may booth...


BERT: Uy Chris, Louie, Ramon... bili na naman kayo ng produkto ko oh...

LOUIE: Ano ba yan?

BERT: Blackberry na cellphone...

LOUIE: Tss... Waley yan. IPhone 3G na yung cellphone ko...

BERT: IPhone lang? Naku, this isn’t your ordinary Blackberry...

CHRIS: Eh anong kakaiba naman dyan sa iyong Blackberry?


BERT: Sa Blackberry na ito, pag pinindot mo to, kusa na itong maglalaba para sa’yo... Minsan pag pinindot mo pwede ring magluto.. Minsan nga pag pinindot mo, ito na gagawa ng assignment mo! Lalo na sa mga mahihirap na assignments niyo kay Sir LQ! Di ba astig?!


CHRIS: Ganun? Pang-tamad naman yang produkto mo. UP tayo, pareng Bert. Kilala ang UP students sa pagiging masipag at matalino.

LOUIE: Oo nga, Bert. Tignan mo itong si Ramon... masipag to. Matalino pa..


BERT: Ganun ba? Sige, ikaw ba Ramon, sakaling next year kayo naman ang nandito sa Iskopreneur, anong produkto ang iimbentuhin mo?

RAMON: Pareng Bert, alam mo namang masipag ako, sabi nga ng mga kaibigan ko. Kaya kung ako, ang iimbentuhin ko ay yung robot na taga-pindot ng Blackberry mo! Nakakatamad kaya magpipipindot dyan.. :)


Nang mapadpad naman si Lyndon sa gym kakahanap kina Louie ay nakita siya ng isang reporter ng CLTV...


REPORTER: Di ba, ayun yung anak ni Ka Julian? Yung nahuling rebelde?

CAMERAMAN: Oo nga nuh... Siya nga ata iyon...

REPORTER: Tara, interviewhin natin. Bilis, i-on mo na yang camera...


At nagmadaling lumapit ang reporter at ang cameraman kay Lyndon... Na siyang ikinagulat ni Lyndon...


REPORTER: Iho, gusto ko lang masiguro kung ikaw nga ba ang anak ng nahuling rebelde na si Ka Julian?


Nagtinginan ang mga estudyante kay Lyndon at natahimik ang maingay na gym na puno ng booths.


Bahagyang natigilan si Lyndon bago tumango... Nagulat ang lahat sa sagot na ito ni Lyndon. Marami pa kasing hindi nakakaalam ng tungkol dito...


REPORTER: Kung gayon, maaari ko bang kunin ang panig mo tungkol sa pagkakadakip ng iyong amang rebelde na si Ka Julian? At totoo ba na ang binaril ng iyong ama ay ang siyang ama rin ng kasintahan mong si Helena?


Nagbulungan ang lahat ng mga estudyanteng naroon sa mga rebelasyong nalaman nila tungkol kina Lyndon at Helena...


ESTUDYANTE 1: Anak pala ni Ka Julian si Lyndon?

ESTUDYANTE 2: Kaya pala “Tatsulok” ang kinanta nila noong Himigsikan...

ESTUDYANTE 3: Di ba nakidnap sila ng girlfriend niyang si Helena noon ng NPA?

ESTUDYANTE 4: Kaya hindi sila napahamak marahil ay dahil nga may koneksyon si Lyndon sa mga NPA dahil sa tatay niya...

ESTUDYANTE 5: At ama pala ni Helena ang may-ari ng resort na pinuntahan nila noong last sem...


Nakita niya pa si Mafalda at Albert na tinitignan siya na may panghahamak at panlilibak...


Nagtali pa si Albert ng pulang bandana sa ulo niya na kadalasang get-up ng mga rebelde... Samantalang si Mafalda naman ay nagbabaril-barilan gamit ang kamay nito...


LYNDON: Pasensya na po, wala pa po muna akong makokomento ngayon. Excuse me...


At nagmadaling umalis ng gym si Lyndon... Agad siyang hinabol nina Louie, Chris, at Ramon...


LOUIE: Tol...


Ngunit hindi sila nilingon ni Lyndon... kaya hinawakan ito ni Louie sa balikat


LOUIE: Tol, iniisip mo ba na lalayuan ka na namin ngayong nalaman na namin ang tungkol sa pagkatao mo?


CHRIS: Mali ka sa iniisip mo, tol. Kaibigan ka namin... magkakaibigan tayo anupaman... Andami na nating pinagsamahan. Andami na nating mga pinagdaanang problema... at hindi tayo nag-iwanan nun. Ngayon pa ba tayo mag-iiwanan?


RAMON: Tsaka Don, kung sinabi mo rin naman sa amin noon pa, hindi naman kami lalayo. Tutulungan ka pa namin. Nandito kaming mga kaibigan mo, tol. Wag mong sarilinin ang problema...


Naluha si Lyndon at na-touch sa concern na ipinapakita ng mga kaibigan niya. Sa pagka-touch niya, niyaya niya ang mga ito na mag-group hug...

****************

Dinalaw ni Lyndon ang ama sa Camp Olivas kinabukasan. Pinayagan na siyang makausap ang ama niya...


Paika-ika maglakad ang ama niya nang lumapit ito sa mesang nakalaan sa kanila. At napansin niya na may pasa ang ama nang makaupo na ito sa tapat niya...


LYNDON: Tatang, napano kayo?


Hindi sumagot si Ka Julian...


LYNDON: Tatang... s-sinaktan at pinahirapan ba kayo... ng mga militar?


Doon lumukot ang mukha ng Tatang Lester ni Lyndon... ni Ka Julian...


KA JULIAN: Anak, halos hindi ako makahinga... sa mga suntok, sipa at tadyak nila sa dibdib ko pati sa tiyan. Kinuryente pa nila ako... at pinahiga nang hubo’t-hubad sa tatlong bloke ng yelo. Sobrang sakit anak. Sa sobrang sakit... parang gusto ko nang mamatay nang mga oras na iyon...


Nakaramdam si Lyndon ng galit ng mga oras na iyon...


LYNDON: Pero, Tay, bakit nila ginawa sa inyo yon?

KA JULIAN: Para magsalita na ko... para ituro ang mga kasamahan ko... Pero anak, kahit nasasaktan na ako noon... hindi pa rin ako nagsalita. Wala akong nilaglag sa mga kasamahan ko...


Sa loob-loob ni Lyndon, proud siya sa ama sa katapangan at katatagang ipinamalas nito kahit na pinahihirapan siya. Tumayo si Lyndon at niyakap ang ama...


LYNDON: Tay, di ba po, pwede niyo pong kasuhan ang mga nanakit sa inyo? Pagmamaltrato ang ginawa nila sa inyo...


KA JULIAN: Wag na, anak. Baka idiretso na nila ako sa military court at kasuhan pa ng subersiyon. At sa usad-pagong na sistema ng ating hustisya sa bansa?! Ayoko nang magkakaso. Magtatakipan lang naman yang mgsa sundalo na iyan...


LYNDON: Tay, hihingi po ako ng tulong sa mga kinauukulan... para mapalaya kayo...


Dumulog si Lyndon sa sarhento sa Camp Olivas. Ngunit sabi sa kanya ay magpunta raw siya ng National Defense dahil hindi nila hawak ang paglaya ni Ka Julian.


Pinapunta siya ng Dept of National Defense. Ngunit sabi ng DND ay sumulat siya sa Malacañang.


Na sinagot naman ng palasyo na i-refer daw ito sa DND... Na sagot ng DND ay pabibilisin ang paglilitis sa kaso ni Ka Julian...


Pinagpasa-pasahan si Lyndon... at pawang sagot na walang kasiguraduhan lamang ang natanggap niya...

*********************

Nagkaroon ng Isko Night. Maraming UPEPP bands ang nag-perform. Kinontak sina Lyndon ng Student Council na mag-perform. Nung una ay ayaw ni Lyndon dahil nga sa isyu na kinahaharap niya ngayon...


Pero napapayag siya ng mga kaibigan...


Samantala, nagulat si Chelsea nang makita sa UPEPP si Helena...


CHELSEA: Oh, pir... kumusta na ang... ang daddy mo?

HELENA: He’s still in critical condition, pir. Pinapasok na lang ako ni Mommy ko kasi marami na raw akong nami-miss na aralin... Pir, nag-aalala ako sa Daddy ko...

CHELSEA: Pir, dasal at pananalig mo na lang ang magiging sandigan mo sa mga ganitong sitwasyon. Kakayanin yan ng Daddy mo...

HELENA: Sana nga, pir. Plano pa nilang magpakasal ng Mommy ko eh... At invited ka... isa ka sa mga bridesmaid..


CHELSEA: Oh sure. Basta pir, kaisa mo ko sa pagdadasal sa ikagagaling ng daddy mo... Meanwhile, punta muna tayo ng gym. May Isko Night ngayon doon eh. Tugtugan ng mga UPEPP bands...para kahit paano jamming jamming muna at malimutan mo pansamantala ang alalahanin mo, pir.

HELENA: Hula ko, kaya gusto mong manood.. dahil tutugtog si Merven mo nuh?

CHELSEA: Hoy, grabe ka namang makapang-husga... Hindi naman siya dahilan ko. Bilis, halika na, late na tayo... yung Rayver-Maya Band nina Merven na ang tumutugtog...

HELENA: Hindi nga si Merven ang dahilan mo....


At sakto, pagdating nina Helena at Chelsea ng gym ay tumutugtog na ang Rayver-Maya Band. This time, Down naman ang tinutugtog nila...


May mataas na stage sa gitna ng gym kung saan nagpe-perform ang mga banda...


Tili naman nang tili si Chelsea...


HELENA: Pir, tapos na ang New Year.... may crying cow ka pa palang tinatago diyan... :)


Nang matapos tumugtog ang Rayver-Maya Band ay nagulat si Helena nang...


EMCEE: Now, our next band to perform, the 2nd place in the annual Himigsikan held last Feb 11, 2010... please welcome... the TA∑ Band...


Umakyat nga sina Lyndon, Louie, Chris at Ramon... Nagsimula na naman ang bulong-bulungan mula sa mga tao... Hindi na lang ito pinansin ni Lyndon


Nang nakaakyat na si Lyndon, nagsalita siya sa microphone...


LYNDON: Bago po kami mag-perform... may isa lang po akong maikling liham na babasahin... para sa... babaeng minamahal ko... at patuloy kong mamahalin...


At may kinuha si Lyndon na papel sa bulsa niya at nagsimulang magbasa....


Helena... ang GG ko. Alam kong mahirap at masakit itong nangyari sa atin. Nasaktan kita, dahil sa sitwasyong kinakaharap natin ngayon. Pero ako rin ay labis ding nasasaktan sa paglayo mo. Helena, mahal pa rin kita.... at uulit-ulitin kong sabihin sa’yo dahil unlimited ako... mahal pa rin kita...


Naalala mo ba, nung hindi mo pa ako pansin, madalas akong magpapansin sa’yo nun. Lahat ginawa ko magpasikat lang sa’yo. Kulang na nga lang eh sumali ako ng Showtime... para lang ipaalam sa iyo na sa malaking mundo na ito, may isang maliit na Lyndon James Punzalan na may malaking puso para mahalin ang isang Helena Marie Sarmiento...


Kaya sana, Helena, mas mangibabaw ang pagmamahalan natin... kesa sa sakit na idinulot sa atin ng sitwasyon.


LYNDON: At sana sa awiting ito, maiparating ko sa’yo... kung gaano ako nangungulila sa iyo...


At nagpalakpakan ang mga tao na halatang kinikilig. Tumili ulit si Chelsea... this time ay dahil sa pagkakilig kina Lyndon at Helena....


At nagsimula nang tumugtog sina Lyndon. “Heels Over Head” ng Boys Like Girls” ang tinugtog nila...






Lyrics | Boys Like Girls lyrics - Heels Over Head lyrics


Tumutok bigla ang spotlight kay Helena pagkatapos kumanta nina Lyndon...


Bigla na lang nagtatakbo si Helena kaya hinabol ito ni Lyndon...


Nagkaabutan sila sa parking lot ng UPEPP kung saan sila lang ang tao. Wala ang security guard. Marahil ay nag-CR ito pansumandali.


Papasok na si Helena ng kotse niya nang pigilan siya ni Lyndon.


LYNDON: Helena.... sandali.

HELENA: Lyndon, hayaan mo muna ako mag-isa, please.


Lumayo nang bahagya si Lyndon...


HELENA: Na-appreciate ko yung paghingi mo nga tawad sa akin. Pero Lyndon, maunawaan mo sana ako, hindi basta-basta maaalis ang kirot na dinulot ng ama mo... Nanganganib pa rin ang Daddy ko sa ospital. Kaya I’m sorry, Lyndon... hindi ko pa alam... kung mapapatawad pa kita...


At tumulak na si Helena paalis ng UPEPP gamit ang kotse nito...


Matinding lungkot ang bumalot kay Lyndon nang mga oras na iyon. Palakad na sana siya pabalik ng gym ay may narinig siyang mga yabag sa likuran niya.


Nilingon niya ito ngunit nagulat siya nang walang nakitang tao. Palagay niya ay may taong sumusunod sa kanya kaya nagmadali siya sa paglalakad.


Ngunit nagulat siya nang bigla siyang tinambangan ng tatlong lalake na nakatakip ang mga mukha. Tanging mga mata lang ng mga lalake ang nakikita niya.


Tinangkang tumakbo palayo ni Lyndon ngunit nahuli siya ng tatlong lalake at agad nilang pinagbubugbog si Lyndon sa dibdib, sa braso, sa mukha, sa tiyan at sa iba’t-ibang parte ng katawan niya.


Dahil nag-iisa lang siya, wala siyang lakas na kalabanin ang tatlo. Nang hinang-hina na si Lyndon ay napabagsak siya padapa sa sahig. Wala na siyang lakas na tumayo man lang.


LALAKE 1: Hindi pa ko tapos sa’yo, hayop ka!


Parang kilala ni Lyndon ang boses na iyon ngunit di niya mawari kung kanino niya ba narinig ang ganung boses.


Habang nakadapa sa sahig, nakaramdam ng matinding kirot sa kanyang kaliwang kamay si Lyndon.


Napasigaw at napaiyak siya sa sobrang sakit habang madiin ngunit dahan-dahang tinatapakan ng nagsalitang lalakeng ang kanyang kanang kamay. Mabigat at may tulis sa ilalim ang sapatos ng tumatapak sa kanyang lalake.


LYNDON: Arrrgggghhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!


Narinig ni Lyndon na unti-unting nagka-crack ang mga buto ng mga daliri niya sa kanang kamay. Hindi na niya makayanan ang sakit na dinaranas ngayon.


SECURITY GUARD: Hoy, anong ginagawa niyo riyan?

LALAKE 2: Pare, may sekyu!


Kaya itinigil na ng lalake ang pagtapak sa kamay ni Lyndon at nagmadaling tumakbo palayo. Nilapitan si Lyndon ng security guard sabay tinignan siya.


SECURITY GUARD: Iho, ayos ka lang ba?


Binalingan ni Lyndon ng tingin ang kanang kamay. May dugo ito buhat sa mga tusok mula sa sapatos ng lalake. Sinubukan niya itong igalaw... ngunit ayaw nitong rumesponde.


At nawalan ng malay si Lyndon.


TO BE CONTINUED...

Next Episode: Episode 32: Marry You (THE FINALE EPISODE)

Previous Episode: Episode 30: Unexpected Returns


Home



Tuesday, May 17, 2011

Episode 30: Unexpected Returns


Naglalakad si Mafalda sa lobby ng UPEPP nang makita niya na nakadikit sa bulletin board ang poster nina Lyndon at ng mga ka-banda nito na nagsasabing:



Congratulations “TA∑ Band” for winning 2nd place in Himigsikan 2010... Love from Helena & Sopheya & Caroline... the ever-supportive girlfriends!


Galit na galit na tinanggal ito ni Mafalda at pinunit-punit...


ALBERT: Babe, easy lang. Wag mo nang aksayahin yang pagod mo sa galit mo...


Napalingon si Mafalda kay Albert na may gulat at pagtataka...


MAFALDA:
Babe?

ALBERT: Bakit, hindi mo na ba ako mahal?

MAFALDA: Anong ibig mong sabihin? Nakikipagbalikan ka na sa akin?

ALBERT: In a sense... Oo. Kung papayag ka.

MAFALDA: Of course! Sinasabi ko na nga ba at mahal mo pa rin ako...


ALBERT: Good. Dahil may naisip kasi akong paraan ng resbak na medyo masasaktan si Lyndon. OK lang ba sa’yo yun?

MAFALDA: Kahit ano. Ok lang. Basta bahala ka. Wala na kong paki kay Lyndon. Pero naiinis lang ako dahil naagawan na naman ako ngayon ni Helena!

ALBERT: Sige, ito ang plano ko...


Mataman na nakikinig naman si Mafalda sa mga sinasabing plano ni Albert.


Noong una ay nahintakutan siya sa plano ni Albert, pero nang tumagal-tagal ang paliwanagan ay napapayag na rin si Mafalda. Natapos ang usapan nila ni Albert na may ngiti sa mga labi niya.


MAFALDA: Wala na naman akong pake kay Lyndon.


Naghiwalay sila ni Mafalda nang matapos nilang mapag-usapan ang plano.



Pinuntahan ni Albert ang mga kasamahan sa fraternity.


VINCE:
Bert, sinsero ka bang talaga nang sabihin mong gusto mong makipagbalikan kay Mafalda?

ALBERT: Siyempre hindi!

GREG: So ibig sabihin, hindi mo talaga siya gusto. Rebound mo lang siya kay Helena?


ALBERT:
Ewan ko ba kung bakit ba nagawa ko ang katangahang ipagpalit si Helena kay Mafalda noon at nagtagal pa ang relasyon namin. Feeling ko nga ay nagayuma ‘ata ako ni Mafalda nung senior prom namin kaya nagawa kong agad-agad hiwalayan si Helena noon.


VINCE:
Mukha nga tol. Usap-usapan na may lahing mangkukulam si Mafalda...

ALBERT: Kayan nga ngayong naagaw naman si Helena ng ibang lalake sa akin, gagawa ako ng paraan para mabawi si Helena sa bansot na Lyndon na iyon.


Naglalakad si Lyndon sa corridor nang hinarang siya ni Mafalda. Pagkatapos ay ipininid si Lyndon sa pader at kinorner ni Mafalda gamit ang mga kamay... Hindi naman nagawa ni Lyndon ang manlaban dahil baka masaktan niya si Mafalda dahil sa payat ito.


LYNDON: Mafalda... ano na naman ba?

MAFALDA: Lyndon, pinaasa mo ako! Sabi mo noon... mahal mo ako?


LYNDON:
Wala akong sinabing ganun! Ang sabi ko, susubukan kong mahalin ka. Pero pinilit mo na kahit hindi tayo eh madalas tayong magkasama. Pero, hindi ko kayang utusan ang puso ko na ikaw na lang ang mahalin. Dahil ang siyang itinitibok nito ay tanging si Helena lamang magmula’t sapul.


MAFALDA: I tried to be the sweetest girl for you, Lyndon. But I guess diabetic ka pala. Kaya ikaw ay naghanap ng walang lasa!

HELENA: Excuse me?! Ako ba ang tinutukoy mong walang taste?


Nagulat si Mafalda sa biglang paglitaw ni Helena.


MAFALDA: Who else?

HELENA: Sabagay, ako walang taste. Ikaw may taste nga... bitter nga lang! Ampait-pait!

MAFALDA: Ako, bitter? Why should I? FYI, kami na ni Albert. At masasabi kong he’s really a great lover to me. Kaya thankful na rin ako na hindi naging kami ni Lyndon.

HELENA: Ohhh.. kayo na pala? I guess you owned a junk shop, Mafalda?

MAFALDA: Junk shop? At bakit?

HELENA: Mahilig ka kasing mag-recycle ng mga basura ko...


At last nakaalis na si Lyndon sa pagkaka-corner sa kanya ni Mafalda at lumapit kay Helena.


MAFALDA: Helena, hindi pa tayo tapos. May araw ka rin, tandaan mo yan!

HELENA: Makakalimutin ako, sorry!

MAFALDA:
At ikaw naman, Lyndon, Be very careful. Magmasid-masid ka na sa bawat kilos mo. Sabi nga ng walang taste na si Helena, we’re living in a digital age now, kaya mabilis na lang ang karma ngayon.

HELENA: In fairness, quotable na pala ako ngayon!


Nang matapos ang klase nina Lyndon at Helena ay nagpunta sila ng Xevera Bacolor sakay ng kotse ni Lyndon.


Nagpunta sila sa plaza ng Xevera Bacolor para mag-roller skating. Pabilog ang hugis ng plaza at nakapalibot dito ang iba’t-ibang establisyimento tulad ng paaralan at simbahan ng subdibisyon, ang post office, grocery stores, resto bars, at mga tindahan.



Sa gitna ng plaza ay ang isang malaking water fountain na nakapatay.




Nagro-roller skate sina Lyndon at Helena sa paligid ng fountain. Hinahawakan pa ni Lyndon ang kamay ni Helena habang tinuturuan siya ni Lyndon na mag-balance.


LYNDON: Basta isipin mo na walang mga gulong sa ilalim ng sapatos mo. Isipin mo, flat ang sapatos mo at gusto mong idulas ang mga paa mo sa sahig.


Pero di naman ma-absorb ni Helena ang mga turo ni Lyndon dahil masyadong kinikilig si Helena sa pagkakahawak ni Lyndon sa kanya. Hindi pa rin makapaniwala si Helena na kasintahan na niya si Lyndon. She has never been happier in her life.


HELENA: How I wish this moment to freeze... so that I could savor the magical feeling of being with my love, Lyndon, as long as I want


Napansin naman ni Lyndon na parang tulala si Helena at di nakikinig sa kanya.


LYNDON: Huuuuyyy Helena! Nakikinig ka ba?


Doon lang nagising ang kamalayan ni Helena.


HELENA: Ay, ano na nga ba sinasabi--Ay--oo nakikinig ako!

LYNDON: Talaga lang ah? Sige nga, gawin mo nga yung sinabi ko.


Sabay binitiwan niya si Helena. Pagkabitaw ni Lyndon, nabigla si Helena kaya agad siyang natumba; puwet niya ang unang bumagsak sa sahig.


HELENA: Aray ko po! Lyndon James naman eh!

LYNDON: Sorry naman. Akala ko ba nakikinig ka? Bakyet tumumba ka?

HELENA: Kasi po naman, beginner pa lang ako. Bakyet niyo naman kasi ako binitawan agad.


Inalalayan ni Lyndon na makatayo si Helena.


LYNDON: Alam mo, dapat may kaparusahan yag di mo pakikinig sa akin habang tinuturuan kita mag-roller skates eh! Bilang kaparusahan, you should kiss me!

HELENA: Kiss pala ah. Pwes habulin mo muna ako at hulihin!


At mabilis na nag-skating palayo si Helena.


LYNDON: Oh akala ko ba hindi ka marunong?


Sabay nag-skating na rin siya para mahabol si Helena.


HELENA: Yun ang akala mo!


Habang naghahabulan sila gamit ang roller skates, biglang nadapa si Lyndon. Nakita ito ni Helena kaya binalikan niya si Lyndon.


HELENA: Oh, GG ko, ayos ka lang ba?


GG o God’s Gift na ang tawagan nila sa isa’t-isa. Lumuhod si Helena para matignan ang sugat ni Lyndon. Laking gulat ni Helena nang bigla siyang yakapin ni Lyndon sa bewang. Siya’y napasigaw.


LYNDON: Huli ka GG ko! Oh, nasaan na ang kiss ko!

HELENA: Ang daya mo! Sinasabi ko na nga ba ‘eh!

LYNDON: Hindi lang ikaw ang magaling magsinungaling.. hehehe


At sila’y tumayo at pinagmasdan ang nakapatay na fountain.


HELENA: Alam mo kasi, GG ko, marunong talaga ako mag-skate. Nabigla lang ako nung binitawan mo ako kaya nahulog ako. Parang pagkahulog ng puso ko sa'yo... biglaan.


LYNDON: Alam mo rin, GG ko, sabi ng Mama ko dati sa akin... that the greatest thing in life is to find someone to love, who loves you. Naniwala ako kay Mama. Nakilala kita when we were in PHS. Minahal kita nang palihim... ang kaso hindi mo ako mahal at di mo pansin. I thought that I will never found that person who can love me kahit na nakailang hulog na ko ng barya saan mang fountain at wishing well na makita ko. I was ready to give up on you then. Pero ngayon... magkasama tayo... minahal mo ako... at mahal na mahal natin ang isa’t-isa.


HELENA: Mahal kita, Lyndon.

LYNDON: Mahal na mahal kita, Helena.

HELENA: Mahal na mahal na mahal kita.

LYNDON: Paulit-ulit? Paulit-ulit?!

HELENA: Unli ako eh kaya ganun! At hinding-hindi ako magsasawang ulit-ulitin sa iyo na sabihin kong mahal kita.


Then they looked into each other and their eyes said it all. Unti-unting nagkalapit ang kanilang mga mukha and their lips locked together in a kiss. A kiss that expressed how much they love each other.


At biglang bumukas ang fountain at nagsitalunan ang mga tubig nito. Lyndon and Helena continued to share a kiss habang nakikisaya sa kanilang pagniniig ang mga nagsisitalunang tubig sa fountain.


Mas naging romantiko tuloy ang hapong iyon para kina Lyndon at Helena.


Pagkatapos sa plazza ay naisipan nilang tumuloy sa pad ni Helena. Pagabi na nang nakarating sila rito.


Pagkarating nila sa pad ni Helena ay nag-park si Lyndon sa tapat nito. It is a two-storey pad na may path walk papuntang pinto at may lawn sa tabi ng path walk.




Bumaba ng kotse niya si Lyndon; gayundin si Helena.


LYNDON: Nice pad. Pero teka, ba’t bukas lahat ng ilaw mo? Hindi mo ba ‘yan pinatay kanina bago ka umalis?

HELENA: Yun din ang ipinagtataka ko.


May kaba sa boses na wika ni Helena kaya nagmadali silang naglakad patungo sa loob ng pad.


LAKING gulat ni Helena nang buksan niya ang pinto ng pad at nakita kung sinu-sino ang nasa loob nito. Una niyang nabalingan ng tingin si Tita Tess na katabi ang asawa nitong si Tito Tonio. At sa tabi ni Tito Tonio ay si Mr. Hector. Nagtataka si Helena kung bakit naroroon si Mr. Hector.


At sa tabi ni Mr. Hector ay si...


HELENA: Mom?

MOMMY HEIDI: Helena, anak.


Nang mga sandaling iyon, na-let go na ni Helena ang galit na nararamdaman sa ina dahil na rin sa payo sa kanya ni Lyndon noong nag-Creamline sila.


Kaya si Helena pa ang patakbong lumapit sa ina at saka mahigpit na niyakap ito. Tumulo rin mula sa mga mata niya: luha ng pagkasabik at pagkagalak.


HELENA: Mom, na-miss kita. Ba’t di kayo nagpasabi na uuwi pala kayo ngayon?”

MOMMY HEIDI: Mas na-miss kita, anak. Gusto kasi kitang sorpresahin kaya hindi na ko nagpasabi.


At napaluha si Mommy Heidi sa kagalakan; gayundin si Helena.


MR. HECTOR: Siya na ba ang anak natin, Heidi?


Napakalas si Mommy Heidi sa pagkakayakap kay Helena at hinarap si Mr. Hector.


MOMMY HEIDI: Hector, siya nga ang ating unica hija... si Helena.

HELENA: Mom... naguguluhan ako. Akala ko po’y patay na---

TITA TESS: Helena. May dapat kaming ipagtapat at ipaliwanag sa’yo.

************************

Sila’y naupo lahat sa salas at nakinig sa paliwanag ni Mommy Heidi.


MOMMY HEIDI: Ipinagkasundo kami ng mga magulang namin ni Hector na maikasal kahit na hindi ko siya mahal. Ipinagkasundo kami dahil palugi na ang azucarerang pag-aari nina Mama at Papa sa Floridablanca at tanging pamilya na lang ni Hector ang makakasalba sa hacienda. Nagmamay-ari kasi ng bangko ang pamilya ni Hector at handang magbigay ng libreng pondo ang mga ito upang maiangat muli ang azucarera sa kondisyon na makasal kami.


MR. HECTOR: Mahal ko kasi si Heidi nun. Kaya ang pagpapakasal naming dalawa ang hininging kondisyon ng pamilya ko.


MOMMY HEIDI: Hindi ko siya mahal noon. Gusto kong tumutol sa napipinto naming kasalan noon pero ano nga naman ang laban ko sa angkan na naghahari sa bayan? Natuloy ang kasal namin ni Hector. Isang taon ang lumipas, ipinanganak kita, Helena.


Sabay baling ng tingin ni Mommy Heidi kay Helena.


MOMMY HEIDI: Abot-langit ang galit ko nun kay Hector kahit na nagsasama na kami. Kaya laking pasasalamat ko nang pumutok ang Bulkang Pinatubo. Natabunan ng lahar ang azucarera. Kasamang natabunan noon sina Mama at Papa pati na rin ang mga magulang ni Hector. Akala ko noon ay napasama sa mga nalibing nang buhay pati si Hector. Nang inakala kong patay na si Hector, nagpumilit akong umalis paibang bansa upang kalimutan na ang mapapait na alaalang idinulot sa akin ng Floridablanca. Kapapanganak mo pa lang noon, Helena, nang iwanan kita kay Tita Tess mo, upang matupad ko ang pangarap ko na maging isang doktora.


Saka hinawakan ni Mommy Heidi ang mga kamay ni Helena.


MOMMY HEIDI: Masyado akong nag-focus sa ibang mga bata na nangangailangan din ng tulong. Masyado akong nagpursige sa pagse-serve sa ibang tao dahil sa adhikain ng Save the Children Foundation na organisasyong aking inaniban sa London. Ngunit sa pagsisilbi ko sa ibang mga bata, sarili kong anak, napabayaan ko na. Pasensya na anak, naging makasarili ako sa puntong iyon.


HELENA: Mom, ayos lang po iyon. Ang mahalaga nandito na kayo.


MOMMY HEIDI: Labis ang pangamba at pagdadasal ko noon para sa iyo nang mabalitaan kong nakidnap ka ng NPA. Mula noon, naisip kong mamalagi na sa tabi mo for good. Naging wake-up call sa akin nang makidnap ka ng mga NPA.


TITA TESS: Pero, Heidi, paano kayo nagkitang muli ni Hector?


MOMMY HEIDI: Nito lang nakaraang mga buwan, nagkagulatan kami nang biglang mag-krus ang landas namin ni Hector sa isang bangko sa America. May medical mission ang Save the Children Foundation nun sa America. Inakala kasi namin na patay na ang isa’t-isa dahil sa hindi na kami nag-kontakan after ng Mt. Pinatubo eruption.


MR. HECTOR: Naalala mo ba, Helena, nung nakita ko kayo ni Lyndon sa Creamline isang buwan na halos ang nakakalipas? Kinabukasan nun ay ang flight ko papuntang Amerika dahil nagkaproblema ang isa kong beach resort na negosyo sa Hawaii dahil sa recession. At sa isang bangko nga kami sa Hawaii nagkita ni Heidi.


HELENA: Paano po kayo nakaligtas sa lahar?


MR. HECTOR: Nang sumabog ang Mt. Pinatubo ay nagkataong nasa Clark ako dahil plano kong magtayo ng bangko roon. May ipinadalang eroplano noon ang America upang i-evacuate ang mga sundalo nilang naka-detain sa Clark. Nag-angkas na rin sila ng maraming Pilipino noon at isa ako sa mga nakasama roon. Mula noon ay sa America na ako nanirahan.


MOMMY HEIDI: Humingi ng tawad sa akin si Hector nang magkita kami noon sa bangko. Agad ko rin siyang napatawad dahil matagal na namang nangyari iyon. At noon din ay sinuyo ako ni Hector... niligawan. Nung una ay ayaw ko pa. Pero masugid na nanligaw sa akin si Hector. Kaya napa-ibig niya rin ako. At pareho naming napagdesisyunan na bumalik na ng Pilipinas upang magpakasal muli at balikan ang nag-iisa naming anak.


Tumayo si Mommy Heidi at nilapitan si Helena.


MOMMY HEIDI: Anak, ngayong dito na kami ng daddy mo maninirahan, babawi kami sa’yo.


Ngiti lang ang iginawad ni Helena sa mommy niya; napatawad na niya ito. Pagkatapos ay itinayo siya ni Mommy Heidi sa sofa at inilapit papunta kay Hector.


MOMMY HEIDI: Helena, meet your daddy, Hector Sarmiento.

HELENA: Mom, matagal ko na po siyang kilala.


Agad na niyakap si Helena ni Hector.


MR. HECTOR: Anak, sa wakas, nahagkan na rin kita. Matagal ko na ring inasam na mayakap kang muli, anak.


At buong higpit na niyakap rin ni Helena ang ama.


HELENA: Kaya po pala ang gaan-gaan ng loob ko sa inyo noon pa man. Totoo nga po pala talaga ang lukso ng dugo.


Hindi maipaliwanag na kagalakan ang nadarama ni Helena sa ngayon. Kaytagal na niyang inasam na makapiling ang ina at ibinigay iyon ngayon ng Diyos sa kanya na kasama pa ang ama na akala niya ay pumanaw na. Sa wakas, may matatawag ng ‘tunay na pamilya’ si Helena mula ngayon.


Pagkatapos noon ay nag-dinner sila sa pad ni Helena.


HELENA: Mom, Tita Tess, Tito Tonio... si Lyndon nga po pala. Dad, kilala niyo na naman po si Lyndon.


LYNDON: Hello po!!!


Katono pa ni Lyndon ang pagkakasabi niyon ni Santino ng May Bukas Pa. Natawa tuloy ng bahagya si Helena na naalala yung panahaon na ginawa rin ito ni Lyndon nung nakidnap sila ng NPA.


Natawa pati na rin sina Tita Tess at Tito Tonio, na sinusubaybayan gabi-gabi ang serye.



TITO TONIO: Aba, Helena, ang galing mo namang pumili. Siguradong lalaking gwapo’t magaganda ang anak niyo pag naglaon.

HELENA: Tito...

TITA TESS: Ikaw pala ang Lyndon na naikwento sa akin ng pamangkin ko minsan...


Naikwento niya kasi sa Tita Tess niya si Lyndon nang minsang nage-emo siya sa lalake at wala siyang ibang mapagkwentuhan kundi si Tita Tess.


TITA TESS: Tama pala ang imagination ko sa itsura mo nang kinukwento ka sa akin ni Helena. Gwapo ka nga.

LYNDON: Ganun po ba? Salamat po.


Na-conscious tuloy ito habang kumakain.


TITA TESS: Sabi nga rin pala ng pamangkin ko ‘eh may kaliitan ka nga lang daw.

LYNDON: Sinabi niya po yun?

TITO TONIO: Pero I must say, bagay kayo ng pamangkin ko. Height doesn’t matter naman di ba?

LYNDON: Opo. Wala naman po sa tangkad ang sukatan ng pag-abot sa matataas na bagay.


Nagtawanan silang lahat.


MR. HECTOR: Kayong dalawa ah, di pa kayo umamin sa akin ng nagkita-kita tayo sa Creamline. Kung alam ko lang na anak kita noon...


HELENA: Hindi niyo po papayagan kay Lyndon?


MR. HECTOR: Hindi naman sa ganun. Basta Lyndon, iho, huwag na huwag mo lang sasaktan at paiiyakin ang unica hija namin. Kundi, babaliin ko ‘yang mga daliri mo...


HELENA: Dad, huwag niyo naman pong baliin ang mga daliri ni Lyndon. Hindi na po siya niyan makakapag-piano.

MOMMY HEIDI: Oh. You play the piano?

LYNDON: Opo, Tita.

MR. HECTOR: Tamang-tama. Tumugtog ka ng piano sa kasal namin ni Heidi.

LYNDON: Sige po, Tito! Ok po sa akin ‘yan.

HELENA: Mom, Dad, ba’t kailangan niyo pa pong ulit magpakasal? Di ba kasal na naman kayo dati pa?


MOMMY HEIDI: Helena, anak, noong ikinasal kami dati, ang daddy mo lang ang may gusto noon at napilitan lang ako. Ngayon, pareho na naming gusto ang kasal na ito, dahil pareho na naming mahal ang isa’t isa.


May kislap pa sa mata nang magpaliwanag si Mommy Heidi.


Natawa nang lihim si Helena sa ideyang pareho sila ngayong in-love ng kanyang mommy. At kasalo pa nila ngayon ang mga lalakeng kanilang iniibig.


Bigla na lang, may narinig silang isang malakas na sigaw ng isang lalake mula sa labas.


LALAKE: Hector Sarmiento! Lumabas ka riyan! Panagutan mo ang mga kasakiman mong ginawa sa mga magsasakang pinalayas mo sa Mt. Arayat!


Sinilip nilang lahat sa bintana para tignan kung sino ang sumisigaw.


HELENA: Si Ka Julian!

LYNDON: Tatang Lester!


Binalingan ni Helena ng tingin si Lyndon...


HELENA: Anong sinabi mo? Tatang Lester?

LYNDON: Helena, si Ka Julian... siya ang tunay kong ama...


TO BE CONTINUED...

Next Episode: Episode 31: Lyndon's Letter and Song for Helena (second to the last episode)

Previous Episode: Episode 29: UP Himigsikan 2010


Home